Natulala lang si Bea nang mawala na si Dawn.
She felt sad, but she had the urge to know something. Parang may kailangan syang imbestigahan. Kinuha nya ang kahon na binigay sa kanya ni Dawn at tinignan ang mga laman nito. Naalala nya din ang isang bagay na hindi nya nagawang itanong kay Dawn.
Paano ako nahanap ni Dawn?
Pagkakalkal nya sa kahon, wala na itong iba laman kung'di ang litrato at papel. Napahiga sya sa sahig nya at napa-isip. Parang may kakaiba syang nararamdaman eh. Tinignan nya yung kahon ulit pero wala na talaga itong laman.
Napa-irap na lang sya at nabato ang kahon sa pader sa inis. Yun lang? Ba naman yan Audrey. Isip-isip nya, feeling nya talaga may kailangan pa syang malaman eh.
Pagkatayo nya ay dinampot nya ulit ang kahon, pero nasira pala ito sa pagkakabato nya. Nanlaki mata nya ng makita nyang nabukas ang ilalim ng kahon, may laman pa itong ilang litrato at papel.
Minadali nyang kunin ang mga iyon at binasa kagad ang mga sulat ni Audrey doon. "Woah, daming alam Audrey." Sabi nya sa sarili nya.
Nakita nya ang litrato nilang magbestfriend doon. Nakita nya na may picture sila ni Audrey na parehas nakagraduate sa college. Napangiti si Bea.
Nakita nya din na may nakasulat sa likod nito.
Graduates na tayo bes! I wish you can fulfill your own dreams now!
---Audrey Martinez
Binasa nya na din ang isa pang sulat na kasama nung litrato. Medyo magulo din ang sulat ni Audrey dito, pero pinilit nya pa ding basahin.
Dear Beatrix,
It's been 10 years now. Dawn has been a very good boy, if you could only see him now... i bet he'll make you so proud. Also, i wanted to thank you again for giving me this opportunity to become a mother, you knew i always wanted to have a son or a daughter despite my condition. Thank you that you trusted Dawn to me.
Even though you're up there in heaven now, i still wish happiness for you. And also, always remember to look out for Dawn up there, okay?
Sincerely,
Audrey Martinez
Bea was mind blown at the moment. Napapikit sya at nilamukot ang letter ni Audrey para sa kanya. "This is... bullsh*t." Bulong nya sa sarili nya.
Binato nya ang sulat na 'yon sa trash can at napahawak sa labi nya. "Atleast ang gwapo nya, mana siguro sa akin." Yun na lang ang nasabi nya at pinunasan ang labi nya. Napangiti sya at tinignan na lang ulit ang litrato ni Dawn na kasama si Audrey.
Kinabukasan, pumunta na si Bea sa work place nya. Ang Drei's Coffee Shop. Pagdating nya doon ay nadatnan nyang nakikipag-usap si Andrei sa isang lalaki. Nang makalapit sya ay napansin sya ni Andrei at binati sya kagad nito.
"Oh, Bea! Andito ka na pala."
"Kukunin ko na sana yung pay check ko hehe." Saad ni Bea.
Nag-abot naman ng sobre si Andrei sa kanya. "Nga pala, Bea. May good news ako sayo."
"Ano po yon, sir?" Tanong nya, then napansin ni Bea yung lalaking kausap ni Andrei. Nagulat sya. Naalala nya na sya yung lalaking bumangga kay Dawn kahapon! Nagkatinginan sila habang sinasabi ni Andrei ang good news nya.
"Ang Drei's Coffee Shop hindi magsasara! Mag-ga-grand re-opening tayo, all thanks to my genius lil' brother here! Back in business tayo Bea, di mo na kailangang maghanap pa ulit ng trabaho."
"Magkapatid kayo!?" Gulat na tanong ni Bea.
Napangiti lang yung kapatid ni Andrei. "Yeah, ako nga pala si Dylan Salazar. You're Bea right? Ang nag-iisang empleyado ni kuya?"
Napangiti lang si Andrei sa nakita nya sa kapatid nya. "Ah sige, pasok lang ako sa loob. Usap lang kayo." Napa-iling lang sya at pumasok sa DCS.
Naningkit mata ni Bea kay Dylan. "Alam mo, parang pamilyar ka sa'kin."
"Uhm, ako nga yung lalaki kahapon na nakabangga sa boyfriend mo kahapon." Napa-amin din si Dylan.
Natawa lang si Bea. "Pfft, ah oo ikaw nga yon. Natatandaan ko din yun. Pero... pero parang nakita na talaga kita dati pa eh."
"True, we really met before."
"T-Talaga? Naaalala mo pa?!
"You gave me a love letter back then." At naalala ni Bea yung lalaki na binigyan nya ng love letter nung highschool. Namula sya ng maalala nya. "I-Ikaw yun!?"
"Pfft, yeah that was me."
"B-Binigyan mo din ako ng letter noon diba?"
"Oo kasi gusto kita eh, kaso may boyfriend ka na pala." Nagkatinginan sila. Napansin ni Bea na parehas sila ng mata ni Dawn. Napangiti sya at napa-iling.
"Jusko, ikaw pala yung..." bulong nya sa sarili nya at parang naging ewan.
Nagtaka lang sa kanya si Dylan. "Uhm, is there something wrong Bea?"
"My gahd! Wala-wala!" Feeling ni Bea mababaliw na sya sa mga nabubuo nyang kaisipan.
Napangiti na lang si Dylan, ngayon nya lang din napansin na napakagwapo nga pala nito. "Tara na nga doon sa loob, we should talk about the re-opening with my brother."
"Ah sige po, sir Dylan."
"Nah, just call me Dylan." Aniya't pumasok na sila sa DCS.
THE END