Chereads / Impossible (Completed) / Chapter 31 - The Last Chapter

Chapter 31 - The Last Chapter

Kapos hininga si Audrey ng pumunta sya sa ospital para bisitahin ang matalik nyang kaibigan na si Bea. Dali-dali kasi syang pumunta doon dahil sa nareceive nyang mensahe mula sa mga nakatagpo sa kaibigan nya. "Nasaan na si Bea? Asan na yung kaibigan ko!?" Pasigaw nyang tanong.

"Ah, kayo po ang kamag-anak ni Mrs. Salazar?" Tumango na lamang sya sa tanong ng nurse. Wala din kasing ibang mapaghihingian ng tulong si Bea kung'di sa kaibigan nyang si Audrey. Nang madala na sya sa morgue, matinding kaba ang nararamdaman ni Audrey para sa kaibigan nya.

Ang tanging iniisip nya ay sana hindi nga ito si Bea, ngunit nanlumo sya sa sunod na sinabi ng nurse sa kanya. "Di na po namin maipapakita sa iyo ang asawa ni Mrs. Salazar, unrecognizable na po kasi ang mukha nya dahil sa aksidente. Pero macoconfirm na din po yung identity ng nila pag nakita mo na po si Mrs. Salazar."

At ng makita ni Audrey ang bangkay ni Bea, tuluyan na syang naiyak dahil walang duda na si Bea nga ito. Hindi na macontact ang kamag-anak mula sa side ng asawa ni Bea kaya't si Audrey lamang ang nag-asikaso sa pagpapalibing sa kaniyang kaibigan.

Bukod sa pagpapalibing sa mag-asawa, may isa pa syang pinoproblema. Napatingin sya sa naiwang anak ni Bea at awang-awa sya rito dahil paslit pa lang ay naulila na sya sa kaniyang magulang. "…what should I do with this kid?" Tanong nya sa kaniyang sarili.

Sa huli ay inuwi nya ito at pansamantalang mananatili sa kaniyang puder. Ang asawa naman ni Audrey ay hindi natutuwa sa setup na ito dahil naaabala sya sa iyak ng bata tuwing gabi at di nya gustong gumastos para sa batang hindi nya anak. "Drey, dapat ibigay mo na lang yan sa orphanage. Di mo naman anak yan eh, ba't mo inaalagaan?"

Sinamaan ng tingin ni Audrey ang kaniyang asawa. "Pwede ba tigilan mo ko? Pinapatahimik ko na nga yung bata para makatulog ka ng maayos."

"…no. i think I won't be able to sleep well. Halos ilang linggo na yang batang yan na nandito, hinahanap mo ba talaga mga kamag-anak nyan?"

"Oo! Hinahanap ko nga sabi, kaya hindi ko pa ibabalik si Dawn hangga't di ko pa nacocontact ang tunay na kamag-anak niya."

"Tandaan mo lang ha, 'di natin anak 'yan. Hindi ko anak 'yan."

"Tsk, matulog ka na nga!" Sumama ang kalooban ni Audrey sa kaniyang asawa. Napalapit na din kasi sa kaniya ang bata kaya hindi na nya masyadong hinahanap ang kamag-anak nito. Tinuring nya din si Dawn na anak nya nang lumipas ang ilang buwan. Napalaki niya ito ng maayos ngunit hindi natutuwa ang asawa nya sa pagkupkop nya sa bata.

Lumipas din ang dalawang taon at iniwanan sya ng kaniyang asawa matapos na madiagnose si Audrey na infertile. Sobrang lungkot ni Audrey dahil hinding-hindi nya mararanasang magkaroon ng sariling anak pero nagkaron sya ng pagkakataon na maging isang mabuting ina dahil nasa kanya si Dawn.

Mas minahal nya ang bata na para bang sya talaga ang tunay na ina ni Dawn. Nagkataon din na sinubukan nyang pumunta sa mga orphanage para makatulong sa mga katulad ni Dawn na naulila, hanggang sa naging trabaho na niya ito. Nagkaroon din sya ng oportunidad na mangibang bansa at sinama nya si Dawn para mas magandang ang quality ng magiging edukasyon ng anak nya.

Naging permanente ang paninirahan nila sa US ngunit bago makatungtong si Dawn sa highschool ay nagkaroon ng masamang karamdaman si Audrey. Ibinilin nya si Dawn sa mga kasamahan nya sa orphanage ngunit ng lumipas na sya, pinabayaan na lamang nila si Dawn dahil mas priority nila ang kalahi nila kaysa sa tulad ni Dawn.

At dahil doon, muling naulila si Dawn. Naging mahirap ang kaniyang buhay at kung anu-ano ang pinag-gagawa niya para lang mabuhay sa araw-araw. Marami syang pinasukang trabaho at madalas nyang i-peke ang kaniyang edad para lamang magkaron ng trabaho at sumweldo.

Dumating rin sa punto na lumaki din ang ipon nya sa mga nakaraang taon pero napaisip din sya sa kinabukasan nya. "All of this feels so pointless..." napapikit sya ng mariin at maiyak-iyak ng alalahanin nya lahat ng kaniyang pinagdaanan. Para sa kaniya, walang katuturan ang pagsusumikap nya. Parang ayaw nya na mabuhay dahil parang meaningless ang buhay niya.

Hindi na sya gaya ng dati na maraming pinapangarap na bilhin at makain, gusto na lamang niya mamatay dahil iniisip niya na mas payapa pa ang ganong kalagayan. Ngunit gustuhin nya man tapusin ang buhay nya ng gabing 'yon, natatakot pa rin syang tapusin ang sarili nyang buhay.

Lumipas pa ang ilang araw bago matagpuan ni Dawn ang isang bagay na nakapagpabago ng kaniyang buhay, naging interisado sya sa isang kakaibang relo sa antique shop na nadaanan nya. Nang maiuwi nya ito, hindi nya maalis ang tingin nya rito. "What's with this watch? It looks so ordinary but, something feels different about it." Di niya matukoy kung ano ang nararamdaman nya sa relo na 'to.

At sa kalagitnaan ng gabi, merong gumising sa kaniya. "Mmm..." Dumilat si Dawn at nakita ang gumising sa kaniya.

"Good evening, young man." Bati sa kaniya ng isang mala-demonyong figure. Natulala sya sa sobrang takot, hindi sya makasigaw o tumakas man lang dahil sobrang lapit ng demonyo sa kaniya.

"Don't be afraid. I'm not here to harm you... just yet." Malalim ang tawa ng demonyo at tinding kilabot at takot ang naramdaman ni Dawn mula rito.

"W-What do you want?!" Nakapagsalita na rin sya sa wakas.

"Hmmm, it's not me who wants something here. It's you, am I correct young man?"

"N-No. I don't want anything! Just get the hell out of my sight!"

"Are you sure about that?... I can grant anything you desire, as long as you give your life in exchange." Natatakot lamang si Dawn habang kausap ang demonyo, pero parang natetempt sya ng sabihin nito na kaya nitong ibigay ang kaniyang hinihiling.

Madalas kasing iniisip ni Dawn ang kaniyang namayapang ina at gusto nya itong makita muli. Hindi nya namalayan na kusang gumalaw ang kaniyang bibig. "I want to see mom... I want to see her again."

Tumawa muli ang demonyo at ipinasuot kay Dawn ang mahiwagang relo na binili nya. "I'm giving you 1 week. You can return to the past and see your mother again, you can only take a few things with you before you go..." at doon nag-umpisa kung paano nakabalik si Dawn sa nakaraan para makita ang kaniyang ina.

At nang lumipas ang isang linggo na iyon, hindi inaasahan ni Dawn na may makikilala syang babae na makapagpapagaan ng kaniyang kalooban. Nahirapan man silang makita muli si Audrey ngunit parang mas nasiyahan si Dawn na makilala ang babae na nagngangalang Beatrix.

Kaso nagsisisi sya dahil hindi sya magtatagal sa panahon na kinaroroonan nya sa ngayon. Alam nyang babalik din sya sa kaniyang panahon matapos ang isang linggo, nilubos nya na lang din ang pagkakataon dahil mabubura din naman sa isipan ng babae ang kaniyang existense sa paglipas ng panahon. Inexplain na din kasi ng demonyo ang mga susunod na mangyayari pagkatapos niyang bumalik sa nakaraan.

"Paalam Bea, wag mo kong kalimutan. At wag mo sana makalimutan na mahal na mahal kita." Hinihiling ni Dawn na sana magkatotoo ang binibilin niya kay Bea, but he already knows it was impossible.

Nang mabura na ang kaniyang pisikal na katawan sa nakaraan, nakabalik nanaman sya sa kaniyang kwarto at kaharap ang demonyo na tumupad sa kaniyang kahilingan. "Was that worth it?" Tanong ng demonyo habang natawa ng mapanukso.

"It was. Definitely."

"If I were you, I would've wished to stay there for the whole lifetime before coming back." Tumawa itong muli. Nagulat si Dawn sa nalaman niya.

"I-I could've asked to prolonged my stay there!?"

"Yes, but it's already too late now. It's time for you to go." Napakagat na lamang si Dawn sa kaniyang labi sa matinding pagsisisi. At dahil ito na ang katapusan niya, wala na syang magawa kung'di sumama sa nilalang na ito para matupad ang kanilang napagkasunduan.

*****

A/N: Yan na ang special chapter~ sana bigyan nyo naman ng rating hahaha. Maraming salamat sa pagbasa ng 'Impossible'!

Related Books

Popular novel hashtag