Chereads / Impossible (Completed) / Chapter 17 - Pinky Promise

Chapter 17 - Pinky Promise

"Ikaw Dawn? Ikaw naman magkwento ngayon. Bakit mo hinahanap si Audrey?" Biglang tanong ni Bea. Medyo nacurious din sya sa ginagawa ni Dawn.

Napahinto muna si Dawn at parang nag-alangan pang magkwento, "Pinsan ko si Audrey, sa mother side ko." He lied, hindi nya gusto sabihin ang katotohanan. Hindi naman kasi kapani-paniwala ang kwento nya.

Sometimes the truth is harder to believe than lies.

"And then?"

"Well, noong mamamatay na yung mama ko nagbilin sya sa akin na hanapin ko ang pinsan ko. Ang anak nung kapatid nya."

"Tapos? Anong gagawin mo once na nakita mo si Audrey? Ano pang binilin sayo ng nanay mo?"

Napalunok si Dawn at napaiwas sa mapang-usisang tingin ni Bea. "Sa totoo lang, wala syang iba pang sinabi. Sabi nya lang hanapin ko si Audrey."

"Weird, bakit ka naman paghahanapin ng mama mo ng walang dahilan?"

"Mm, baka tanggapin ako sa pamilya ni ate Audrey? Pero parang malabo mangyari yun." Bea agreed with him.

"Oo, parang hindi din kasi basta-basta ang pamilya ni Audrey. Strict parents nya at medyo hindi sila mahilig makipag-sosyalan sa iba, medyo nahirapan din ako sa kanila dahil parang ayaw nila sa akin noong una. Pero tinanggap din nila ako bilang bestfriend ni Audrey."

Napabuntong hininga si Dawn, "Bea, can you do me a favor?"

"Sure. Ano ba yon?"

"Pagdating natin doon, wag na wag mong sasabihin na relatives kami. Wag mong sasabihin kay Audrey."

"Bakit?" Nagtaka naman si Bea.

"Basta. Can you promise me that?" Then he showed her his pinky finger. "Pinky promise?"

Natawa si Bea sa kanyang childishness. "Para ka namang bata Dawn."

"I don't care. So, pinky promise?" Aniya, at nakipag-pinky promise naman si Bea sa kanya.

"Okay-okay, promise."

"Cool." Napangiti lang si Dawn. "So, kwento ka pa nga! Nakaka-inip talaga dito. Anlayo nung tv tapos mahirap makatulog." Reklamo niya.

"Okay, masyadong demanding."

"Hehehe, sorry na agad bhebhe qoh."

"Oh shut up!... Hmm, naalala ko yung time na nasa highschool ako noon. Nakalimutan kong magreview para sa exam bukas, kaya nong----"

"Boriiiiiing!" Pagputol sa kanya ni Dawn.

Nainis nanaman si Bea, "Eh sa wala na kong maalalang exciting noon eh. Ikaw na lang kaya magkwento!"

"Okay, fine! Pero ano gusto mo pag-usapan? Love-life? Studies? Kung paano ako natuto mag-tagalog?"

Then biglang naalala ni Bea na lumaki sa Amerika si Dawn. "Oo nga noh! Paano ka nakakapagtagalog ng ganyan eh sa Amerika ka lumaki?"

Napangisi si Dawn, "Yung mama ko kasi nung buhay pa sya eh tinataglish ako. Pero mas fluent ako noon sa english since yung mga kalaro ko ay mga englishero din, pero nong pagtungtong ko nong 10 ako namatay si mama. Simula non, nagtatagalog na ko. Pag nagtatagalog kasi ako, feeling ko andyan si mama at kasama ko sya."

Nagulat si Bea sa nalaman nya, "Namatay noong 10 ka pa lang? Ano nangyari sa mama mo?"

"Car accident," nalungkot ang mga mata ni Dawn pero di pa rin naaalis ang ngiti nya. "Gagawin ko talaga ang lahat para makita ko lang ulit si mama, para masabi kong mahal na mahal ko sya, pero..." natawa sya, "...pero wala na eh."

"I'm sorry about that... pero, what about your dad?"

"Wala akong tatay, si mama lang ang meron ako noong bata pa lang ako."

"Pero paano ka namuhay noon? Since your mom died, who took care of you?"

"I was sent to an orphanage by my mothers' friend. Medyo mahirap ang buhay doon sa orphanage pero thankful ako nong makapagtapos ako ng highschool."

Nakaramdam ng awa si Bea kay Dawn, parang gusto nya tuloy itong yakapin. "Don't give me that look." Natatawang sabi ni Dawn pero may halong lungkot ang boses nya, napatakip na lang sya ng mukha nya.

"Sorry..." bulong ni Bea.

"Don't be, but thanks." Yun na lang ang nasabi ni Dawn.