Chereads / Impossible (Completed) / Chapter 12 - The Happy Place

Chapter 12 - The Happy Place

Pagkatapos nilang kumain, inaya naman ni Dawn pumunta sila sa Happy Place Bar, ang tinuro sa kaniya kanina ng babaeng tumawag sa kanyang pogi. Hindi pumayag si Bea nong una pero napapayag din ito kaagad ni Dawn dahil binantaan nyang babawasan nya yung ibabayad nya ka Bea.

"Speaking of that, bakit nga pala wala sa bag mo yung mga pera kanina? Did you lost it?" Tanong ni Bea.

"Wag mong alalahanin yun, nakalimutan ko lang ilagay yun sa bag ko nong nasa apartment tayo. Naiwan ko sa bahay mo, kaya kahit takasan kita meron ka pa ring pera." Natatawang sagot ni Dawn.

"Ah, burara ka pala."

"Grabe! Nakalimutan ko lang yon, burara na ko kagad."

"Pera mo na napakalaking halaga nakalimutan mo!? Grabeee, kailangan mo yata ng psychiatrist, may mali sa utak mo."

"Oo nga eh, ikaw dahilan kung bakit ako ganito."

"Manahimik ka na nga!" Uminit mukha ni Bea.

"Yiiieee, kinilig si ate hahaha!" Nasapak na lang si Dawn sa pang-aasar nya kay Bea.

Nang mapuntahan nila ang HPB namangha sila sa mga makukulay na ilaw na nanggaling sa lugar na iyon. "Are we seriously going in there?" Nag-aalangang tanong ni Bea.

"Heck yeah!" Hinila nya si Bea papasok sa loob. Nakasalubong nila ang babae na nakausap kanina ni Dawn.

"Kuya pogi! Andito ka." Magiliw nitong pagbati.

"Sabi ko sayo pupunta ako dito eh." Kumindat si Dawn sa babae, kinilig naman ito. Kaso nawala ang ngiti nung babae ng makita nyang may kasama pala si Dawn. "Ay, may girlfriend ka pala kuya pogi? Anu ba naman yan!" Napanguso pa ito na akala nya naman ikinaganda nya, mas lalo lang nyang ikinachaka

Natuwa naman si Dawn sa narinig, natutuwa sya na napagkakamalan silang magjowa ni Bea. Naiirita naman si Bea ngunti nanatili lang itong tahimik pero kinilig din, hindi lang halata. "Yeah, ito nga pala girlfriend ko, si ate ganda hahaha!"

"Ah okay, hi ate ganda! Pero alam mo? Mas maganda talaga ako eh. Pero sure ikaw na lang maganda, pagbibigyan kita." Sabi nya kay Bea.  Natawa lang silang dalawa dahil malakas din amats nito.

"Sige, enjoyin nyo lang palabas dyan! Order na rin kayo ng inumin sa bartender doon. See you later ulit!" Paalam nito.

Pumunta sila sa counter at bago umorder tinanong muna ni Dawn si Bea, "Wait, umiinom ka ba?"

Tumaas ang kilay ni Bea. "H'wag mo ko matanong ng ganyan, mas matanda ako sayo."

"Psh, okay whatever. Dalawang baso po ng pinakamasarap dyan!" Order ni Dawn.

Nang mabigyan na sila ay nilagok kagad ni Dawn ang baso nya at agad napatingin kay Bea, ngumisi si Dawn sa kanya dahil hindi nya pa mainom yung kanya. "Are you gonna drink that?"

Napasinghal naman si Bea, parang hinahamon sya ni Dawn. Ayaw nya namang umatras. "O-Of course."

"Then drink it."

"Tsk, h'wag mo kasi ako tingnan." Napa-ikot lang mata ni Dawn at hindi na sya pinansin, umorder pa ulit ito sa bartender ng maiinom ulit.

Napahinga naman ng malalim si Bea, napapikit sya at ininom kaagad ang laman ng baso. Gusto nya masuka sa lasa nito, pero pinigilan nya baka kasi pagtawanan sya ni Dawn. "Bravo bhebhe qoh! Drinker ka pala?"

"Tse, shut up." Iritado nyang sagot.

"Hmm, gusto mo pa ba? Umorder ulit ako, isang bote na. Tara inuman hahaha!"

"Tch, fine." Sinalinan naman sya ni Dawn, muli nya itong ininom ng mabilis at napa-iling na lang.

Biglang naging iritable ang pakiramdam ni Bea. She feel so hot, napapaypay na lang sya sa sarili nya at itinuon ang atensyon sa entablado. Mayroong panibagong banda na umakyat at tinugtog ang isa sa mga usong kanta ngayon.

Nagsisayawan ang mga tao na nasa dance floor, tinanong naman sya ni Dawn. "Bhebhe qoh, tara sayaw!"

"Ayaw ko----" hindi sya hinayaan ni Dawn na makaangal. Hinila sya nito at isinayaw.