Chereads / Impossible (Completed) / Chapter 10 - Limited

Chapter 10 - Limited

Nang makalabas si Dawn sa motel ay naglakad-lakad lang sya, medyo mainit pa rin ang mukha nya dahil nahihiya sya sa nagawa nya kay Bea. It was fun, pero matatanda na nga pala sila. Mamaya ang harutang ganun mapunta sa ibang bagay.

"Hi kuya pogi!" Napatingin sya sa babaeng tumawag sa kanya. Alam nyang sya yung tinatawag kasi bukod sa Dawn, handsome, gwapo, cutie isa din sa palayaw nya ang pogi.

"Ano 'yon?" Nakangiting tanong nito sa babae. Natuwa naman ang babae ng pansinin sya nito. Sabi na nga ba sya talaga yung pogi na tinatawag nito.

"Punta po kayo mamaya sa Happy Place Bar, masaya dun! Mayrong masayang ganap dun mamaya." Aya nito.

Natawa lang si Dawn, "Naku, minor pa ko."

"Weeeh, hindi po obvious kuya pogi." Nagbyutipol eyes pa ito.

"Pero sige, pupunta ako mamaya. Saan ba?"

"Daan po kayo dito then kakaliwa. Makikita nyo din kaagad ang HPB."

"Sige, sige. I'll see you later then." Paalam niya.

"Sige kuya pogi! See you later hehe."

"Ah teka, anong lugar nga pala ito?" Biglang tanong ni Dawn, di nya alam kung saan sila napadpad ni Bea nang palayasin sila nung lalaking adik sa bus kanina.

"Hmm? Hindi mo alam kuya pogi? Ito lang naman ang Bulacan kuya! Grabe ka di mo alam."

Napatango na lang si Dawn. "Ah sige, thanks."

"You're welcome kuya, punta ka mamaya ah!"

Nang muling bumalik sa paglalakad si Dawn, ginugulo muli ng isip nya ang purpose ng pagpunta nya dito sa Pilipinas. Iyon ay para mahanap si Audrey. Nagpapasalamat na lang sya't sinamahan sya ni Bea upang mapuntahan si Audrey.

Natutuwa lang din sya kay Bea dahil masarap itong asarin at pagtripan, tuwang-tuwa lang sya sa mga reaksyon nito. Nang muli nyang maalala si Bea na nasa kama't pinatungan nya ay namula't uminit ang mukha nya.

"The f*ck Dawn, snap out of it!" Nasampal nya sarili nya sa naiisip nya kay Bea.

He doesn't want to think about her that way, masama daw 'yun. Itinuon nya na lang ang isip nya sa iba pero ayaw umalis ni Bea sa isipan nya. Inaamin nya, nagagandahan sya kay Bea, mabait ito at masayang pagtripan, siguro pag matagal pa silang nagsama ay di malabong mahulog si Dawn sa kaniya.

Si Bea naman yung tipong masaya't masarap mahalin, kaya kung mahulog man sya dito ay di na nakakapagtaka pa.

Natawa lang sya ng biglang umepal sa isip nya na hindi din pala sya magtatagal dito. Babalik at babalik pa rin sya sa kung saan sya nanggaling, sa ayaw at sa gusto nya. Imposibleng magkatuluyan sila ni Bea.

Medyo nalungkot si Dawn.

Napatingin na lang sya sa orasan nya at bumalik na sa motel, malapit na ding mag ala-sais. Gigisingin na niya si Bea para makapagdinner sila. Aayain nya din ito mamaya sa HPB para atleast ay maging memorable ang pagtravel nila together.

Pagkabukas nya ng pintuan nila ay naabutan nyang nag-aayos si Bea at nakataas ang buhok. Napanganga sya ng makita si Bea, mas lalo syang gumanda sa paningin ni Dawn. Napangisi si Bea ng makita ang reaksyon ni Dawn sa hitsura nya.

"Bakit ka ganyan makatingin? Parang nakakita lang ng dyosa ah? Hahaha!"

"Are you seducing me? Child abuse 'to bruh."

"Gagu, umalis ka nga ulit. Di pa ko tapos mag-ayos." Aniya't naglagay ng lip tint.

Napangiti lang si Dawn, "Hindi na ko aalis, titignan na lang kita. Inaamin ko ate Bea, ganda mo ngayon ah? Excited ka yata makipagdinner date sa'kin."

"Ha ha ha, asa kang bata ka."

"Hihihi, di ko na kailangan umasa, ikaw na kasi ang bhebhe qoh."

"Sira ulo hahaha!" Tawa ni Bea.