Kinabukasan, dumiretcho muna sila sa work place ni Bea. Magpa-paalam muna si Bea na hindi muna sya makakapasok sa boss nyang si Andrei. Pagkarating nila doon ay nadatnan nilang magbubukas pa lamang ng shop si Andrei.
"Sir Andrei!" Tawag ni Bea.
Napalingon si Andrei at napangiti kaagad ng makita nyang ang ka-isa-isang empleyado nya sa shop nya.
"Bea! Aga natin ah?" Napatingin sya sa kasama ni Bea at napatanong. "Sino 'tong kasama mo? Sya na ba ang boyfriend mo?"
Napa-atras si Dawn at namula naman si Bea.
"Hindi sir! Grabe ka naman, friends lang kami."
Lumawak ang ngiti ni Andrei, "Ah okay, so may sasabihin ka ba?"
"Opo, magpapaalam lang ako na di muna ako makakapasok ngayon sir. Kailangan ko tulungan 'tong friend ko."
"Ganun ba? Oh sige lang, basta mag-ingat ka ah?"
"Thankyou po sir."
Dumako naman ang tingin ni Andrei kay Dawn, nawala ang ngiti nya' t naging seryoso ng pagsabihan nya ito. "Ingatan mo 'tong si Bea ah? Naku, pag may nangyaring masama sa batang 'to makakatikim ka sa'kin."
Natawa naman si Bea sa inasal ng boss nya. "Sir naman, wag nyo pagbantaan 'tong kaibigan ko."
Napalunok lang si Dawn habang napatango kay Andrei.
Pagka-alis nila ay saka lang nagreact si Dawn. "Nakakatakot naman yung boss mo, parang tatay mo lang."
Napangiti ng matamis si Bea.
"Oo nga eh, minsan iniisip ko na sana sya na lang yung tatay ko."
"Bakit? Ayaw mo ba sa totoong tatay mo?" Tanong ni Dawn.
Naging malungkot si Bea sa natanong nya.
"H-Hindi naman, never ko pa kasing nakikita ang tunay ko tatay. Iniwan na kasi ng papa ko si mama nuong pinagbubuntis nya pa lang ako."
"Yung mama mo naman? Nasaan sya?"
Natahimik sandali si Bea bago sumagot ulit.
"She's dead."
"... i'm sorry."
"Don't be, ganun lang talaga ang buhay." Aniya.
Medyo matagal ang paglalakad na ginawa nila bago sila makarating sa terminal. After nilang magbayad ng ticket ay nasakay na sila at magkatabi pa. Nagtalo pa ang dalawa kung sino uupo sa may gilid ng bintana. Sa huli, si Dawn ang nanalo dahil pinagbigyan na lang ito ni Bea.
"Tch, kung'di ka lang bata hindi kita pagbibigyan." Inis na sambit ni Bea.
Natawa si Dawn.
"Yeah, thankyou ate. Hahaha!"
Napahampas na lang si Bea sa braso nya, "Aray, binibiro ka lang ah?"
"Hindi tayo close para makipagbiruan ka sa'kin."
"Ah, okay. So hindi rin tayo close para bigyan kita nito." Sabi ni Dawn ng kuhain nya yung malaking Nova.
Lumaki ang simangot ni Bea. Mahilig pa naman sya sa Nova.
"Anduga naman oh."
"Bakit? Hindi nga tayo close diba?"
"Edi hindi."
"Pffft, ahahaha!" Nang buksan ni Dawn ang chichirya ay inalok nya din naman si Bea. "Oh, kuha ka na."
Sinamaan lang sya ng tingin ni Bea.
"Uy, inaalok ka na nga, aarte pa?"
"Oh ito ah! Kukuha na ko, thankyou!" Sarcastic na sagot ni Bea.
Di naman mapigilang tumawa ni Dawn, naisip nyang mas pikon pa ang mas nakakatanda kaysa sa kanya. Masungit na din dahil sa tuwing nagtatama ang mata nila, iniirapan sya ni Bea. Walang nagawa si Dawn kung'di intindihin na lang ito.
"Thanks." Dinig nyang bulong ni Bea ng maubos na nila ang kinakain nila.
Napangiti lang si Dawn at mayamaya'y naramdaman na nilang umandar ang bus na sinasakyan nila. "Nice, ilang oras ba bago tayo makakarating sa Benguet nito?"
"Hmm, i think 8 to 10 hours? Depende pa sa traffic yon." Sagot ni Bea.
Napanganga si Dawn, "Antagal naman nun!"
"Malamang."
"Wala pa ba ibang option na mas mabilis?"
"Paliparin mo 'tong bus kung kaya mo."
"Hayst, matutulog na nga muna ako." Tinalikuran na ni Dawn si Bea. Napa-ikot lang ang mata ni Bea dahil ang moody ng lalaki na kasama nya, kanina nakangiti lang pero nagsusungit na. Bipolar daw ata.