Nang sabihin ni Inay na darating ang bagong anak ni Don Romano ay nagsihanda kame para iwelcome ito.
Paghinto palang ng van ay nasisiyahan na ang mga tao sa Marayat dahil sa pagdating nila.
Naunang bumaba si Don Romano tsaka nya inalalayan ang batang lalaki na sa tingin ko ay mas matanda lang sakin ng ilang taon.
Todo ang ngiti ko dahil ang sabi ni Inay ay bagong makakalaro ko ito.
Nang masilayan ko ang itsura nito ay patakbo kaagad akong lumapit kay Don Romano at bumati dito.
"Hi!" Magilaw na baling ko sa nakasimangot na batang lalaki.Ni hindi man lang ako tiningnan nito kaya naman napatingin ako kay Don.Tinanguan lang nya ako kaya ngumiti ako.
"Ako nga pala si Mikay,Anong pangalan mo?"
"Austin" Malamig,mahinang tugon nito.Napasimangot ako ng lumakad ito at nilagpasan ako.
"Pasensya na hija,pagod kase ang isang yun".Nakangiti paumanhin sakin ng Don.
"Okay lang po Don mamaya ko na lang sya yayayain maglaro".
Hinawakan nito ang ulo ko tsaka nakangiting umalis na din.
Bandang hapon ng matanaw ko si Austin sa harap ng dalampasigan kaya dali dali akong lumapit dito.
"Anong ginagawa mo dito?"
Di na naman ako nito tinapunan ng tingin.
"Maganda at mahangin dito,panigurado makakalimutan mo ang problema mo pag naenjoy mo ang pamamalagi dito".Nakangiti kong sabi sa kanya para naman makakuha ako ng sagot galing sa kanya.
Tumingin ito sa akin kaya naman bigla ay nawala ang ngiti ko.Malamig na malamig ang tingin nya ani ay dala dala ang problema ng mundo.
"Kahit anong ganda at enjoy ang maramdaman ko di pa din nun mababalik ang mama ko".Tumayo ito at tumakbo palayo.Napako ako sa kinauupuan ko dahil di ko alam ang ikikilos ko.
Nakasimagot ako ng makarating sa bahay.
"Anong nangyare sayo Mikay?"
Kumuha ako ng baso at nagsalin ng tubig dahil ramdam kong pinanuyuan ako ng lalamunan.
"Nay".
"Oh? Ano ba ang problema?" Tumayo ito sa harapan ko habang nagpupunas ng kamay dahil kakatapos lang maghugas ng plato.
"Ano po ang ikinamatay ni tatay?".Nagulat man sya sa tanong ko ay naupo pa din sya sa upuan sa harap nya kaya ginawa ko din yun habang hawak ang baso ko.
"Alam kong magtatanong ka na sa tatay mo pero di ko akalain na sa edad mong sampu ay tatanungin mo na kaagad sya".
"Napaisip lang ako dahil namiss ko sya bigla"
"Namatay ang tatay mo sa pangingisda dalawang taon ka palang noon,masyado kang naapektuhan kaya di ka nagsasalita ,di ka nagtatanong at di ka umiiyak tulala ka lang noon,halos ikalungkot at pinagalala ko ng sobra ang mga reaksyon mo".
Tumango tango ako ng parang ay may naaalala akong ganong ganap na nangyare sakin.
"Buti at bumalik ka sa dati ng si Don na ang nagalaga at umaasikaso sayo.Alam kong magtatanong ka balang araw pero di ko inaasahan na sa ganyan edad mo".
"Si Austin po kase ay malungkot dahil nawala po yata ang mama nya kagaya ni tatay ay namatay din po yata ang mama nya nanay".
"Nalungkot po kase ako ng makita ko ang reaksyon nya kanina sobrang lungkot nya at...mukhang magisa na lang sya nanay,kaya naman po bigla ay naalala ko si tatay."
"Hayaan mo at nandyan si Don Romano kayang kaya nya ibalik si Austin sa dati nyang ugali".
"Sige na at maghain ka na at gutom na ako".Nakangiti nitong hinawi ang buhok ko na tumatakip sa mukha ko.
"Opo nay!" Magiliw kong sagot.
Mga ilang linggo bago ang pasukan ay talagang tahimik at di sumasama samin si Austin,ayaw ko naman ito kulitin dahil baka di pa sya handa makihalubilo.
Nang dumating ang pasukan ay nakikita ko sya minsan sa mga flower vase na malalaki doon sya nakaupo.Minsan ay naaabutan ko sya pauwi ng Marayat,sinusundan ko lang ito lagi dahil ayaw kong lapitan ito para di sya makulitan.
Ngunit isang araw ay dumeretso si Austin sa isang sapa at doon ay tumambay,sinundan ko ito papunta doon at binantayan.Nakikita ko syang umiiyak dahil di ko na natiis ay lumapit na ako dito.
Mabilis nyang pinunasan ang luha nya ng makita ako.
"Bakit ka umiiyak?"
"Bakit mo ba ako laging sinusundan?"
"Para lagi kang may kasama kahit malungkot ka".
Wala naman akong ibig sabihin dun pero tinitigan nya lang ako.
"Tara na nga".Bigla ay yaya nya sakin,sabay kameng umuwe ng marayat kahit na tahimik lang sya.
Mula noon ay kinakausap na nya ako pag kakausapin ko sya,minsan ay napapatawa ko sya,pero di ko pa din nagagawang pawalain yung pagiging cold nya paminsan pero masaya ako at nagiging okay na sya.
Hanggang sa umabot na sa apat taon ang pagkakaibigan namin.
"Mikay!Mikay!" Tawag ni Austin sa harap ng bahay namin.
"Bakit?" Sagot ko kaagad dahil sa mga oras na yun ay papalabas din ako ng bahay.
"Ligo tayo".
Di na ako sumagot at tumakbo na ako papuntang dalampasigan.
Miski si Mia ay kasama na namin lagi sya ang kaibigan kong babae sa Marayat nagkaroon pa sya ng iba pang kaibigan na mga kaklase at mga naging kaibigan ko sa marayat , lagi naming nakalalaro,masaya ako at nakakatulong yun sa paglimot ni Austin sa problema nya.
Pero hanggang ngayon ay di pa din sya nagoopen sakin,kahit na nakakarinig ako ng mga usapan patungkol sa nangyare sa pamilya nya sa maynila ay di ko naman matanong dahil baka bigla ay magbago na naman sya.
Naglaro kame ng tubig ang saya saya tingnan ni Austin parang wala na syang iniinda pa.
Nagpahinga kame sa kubo dahil basang basa na kame.
"Mikay". Tawag agad sakin ni Austin.
"Oh?" Kaagad akong lumapit dito.
"Thankyou".Sincere at titig na titig nyang sabi sakin.
Nagulat ako ng bigla ay nagsialisan ang mga kasama namin at nagsipagtakbuhan ulit papunta sa dagat.Sobrang init ngayon dahil summer.
"Walang Anuman".Naiilang kong sagot.Ngunit ikinagulat ko ang biglaan ay pagdampi ng labi nya saking pisngi.Di ko man lang napaghandaan yun,nanlalaki pa ang mga mata ko.
Nang tanggalin nya yun ay ramdam ko ang pagpula ng pisngi ko.
"Nobya na kita".
"Huh?"
"Ayaw mo?"
"Hindi! Hindi! Hmm! Ano..." Di ko na alam ang sasabihin ko nablangko na ako dahil sa ginawa at sinasabi nya.Bakit naman biglaan ay naging ganito sya ka confident.
"Edi Nobya na nga kita".Walang pagkailang na sabi nya.Hinampas ko ang braso nya dahil bigla bigla ay nagiging ganon sya, mamaya ay pinaggtitripan nya lang ako at ako naman ay kinikilig.
"Bakit?".Hinawakan nya ang braso nya na hinampas ko.
"Wag mo kong pinagtitripan dahil wala sa ugali mo ang pagcoconfess,Tigilan mo ko Agustin!"
"Kilalang kilala mo ko ah?"
"Hmm syempre...matagal na tayong magkaibigan Austin!"
"Kaibigan lang ang turing mo sakin".
"Hala bakit ka ba ganyan? anong nangyayare sayo!,Sinasabi ko sayo wag mo kong pagtripan ah!"
Talagang kinakabahan ako at yung tibok ng puso ko ay triple na halos di ko na din maigalaw ang mga kamay mo.
"Di kita pinagtitripan,gusto talaga kita Mikay".
Niyakap nya ako bigla dahil nastatwa na talaga ako.Di ko akalain na magiging ganito sya ngayon,di ko talaga inaaaahan.
"Okay! okay!"
Niyakap nya pa ako ng mahigpit dahil sa sagot ko.
"Tsk! Ang cute mo no?"
Ang saya saya ko dahil akala ko ay ako lang ang may nararamdaman sa kanya pero di ko akala na sya ang unang magcoconfess.
Halos di na kame naghihiwalay pagkalabas ng skwelahan ay nagkikita kame sa gate dahil di naman kame magkaklase mas matanda kase sya sakin ng isang taon.
Isang araw habang nagpipiknik kame sa harap ng karagatan medyo malapit naman sa kakahuyan ay inaasar kame ng mga tao sa Marayat.
"Aba at sabi ko bagay kayo,magnobyo/nobya na ba kayo at nagpipiknik kayo dito?"
Pinamulahan ako ng pisngi sa tanong ni Aling Bell dahil kaibigan to ni nanay panigurado ay makakarating ito doon.
"Hindi po aling Bell,trip lang namin to hehe".Sagot dahil ayaw kong kumalat ang relasyon namin.
"Talaga po bang bagay kame?" Tanong naman bigla ni Austin kaya nagulat ako.Alam naman nya na bawal malaman ni Don at Nanay ang relasyon namin.
"Oo naman at ligawan mo ang Mikay".Kunyare pa ay bulong ni Aling Bell kay Austin.
Natawa naman ang loko.
"Hayaan nyo po balang araw ay liligawan ko din po si Mikay".
Ramdam ko na ang pagiinit ng mukha ko,bakit naman bumabanat sya ng ganon eh kame na nga tsk ano pang ligaw haha.
"Kinikilig ang Mikay oh".Pang aasar ni Aling Bell sakin.
Kaya napatakip ako ng mukha.
Matapos ang piknik ay umuwe na ako.
"Kasama mo si Austin?" Bungad na tanong sakin ni Inay.
"O-opo nay hehe"
"Wala namang bago haha,sige na at kumain ka na"
"Huh? ahh okay po nay salamat"
Di ko alam kung may alam na si nanay ang bilis naman magbalita ni aling Bell.
Mga dalawang buwan tumagal yung puppy love na yun kung tawagin ng mga taga Marayat hanggang sa dumating ang araw na kinukuha na si Austin ng mga kamaganak ng tatay nya,Ni di man lang ito nagpaalam sakin agad na lang to umalis.
Lumipas ang panahon na Inisip ko na din na puppy love lang yun at hindi real love kaya naman iniisip ko din na di na ako ganon kaapektado sa kanya.