Bumaba ako ng maaga dahil di ako makatulog sa lakas ng ulan.Ngunit napahinto ako sa pagbaba ng hagdan ng may marinig sa kwarto ni Austin.
Dahan dahan akong naglakad papunta doon at tsaka idinikit ang tenga sa pinto.
Di ko maintindihan ang naririnig ko,malakas man ang ulan ay ramdam kong may kakaibang nangyayare kay Austin.Hinawakan ko ang doorknob ng pinto at tsaka marahil itong pinihit,nagulat pa ako ng bigla ay magbukas to.
Tinuloy tuloy ko ang pagbukas at tsaka pumasok sa loob.Sinara ko ng dahan dahan ang pinto at tsaka marahang lumakad papunta sa kama ni Austin.
Napahinto at napatingin ako sa kama ng bigla ay nagsalita ito.
"Ma!Wag mo kong iwan".Bulong nito habang pinagbabaling baling ang ulo.Dahan dahan akong lumakad pero feel ko ay nandoon pa din ako sa pwesto ko.
"Ma! Ma! Ma!" Kinabahan ako ng bigla ay nagsisisigaw si Austin ngunit nakapikit ang mga mata nito.Umiiling ng umiiling na animo'y sinasapian ito.
Nagmadali ako sa paglakad at tsaka hinawakan ang kumot na nakabalot sa katawan nya.Balot na balot ito kaya naman pwersahan kong itanggal iyon at hinawakan ang balat nya.
Napabitaw ako ng maramdaman ang napakainit ng katawan nito.Pawis na pawis ito ngunit di pa din ito matigil sa pagbanggit sa kanya mama.
Nang makita ko ang mga luha nya at hirap na hirap nyang pagiling ay kumirot ang puso ko.
Paano nyang nakakayang magisa ang pagdaanan ang ganito?
Niyakap ko sya,sobrang higpit habang sinasabayan ang pagiyak nya.Naramdaman ko ang pagkapit ng mga braso nya sa bewang ko habang impit na umiiyak.
"Austin!". Nahihirapan kong ani dahil nahihirapan akong umiyak dahil sa kumikirot kong puso.
"Ma! Wag mo kong iwan!".Nanginginig nitong ani.
Napahigpit pa lalo ang hawak ko sa kanya na para bang sa ganong paraan ay kaya non matanggal ang sakit na nararamdaman ni Austin.
"Shhhh! Tahan na pls!" Iyak ko namang ani.Di ko alam ang sasabihin ko.Nanghihina akong makitang nagkakaganito si Austin.Ang isipin pang ganito ang lagi nyang mararanasan sa paglipas ng panahon habang malakas na umuulan.
Humigpit lang ang yakap nya sakin at dahan dahang pinakalma ang sarili.Nang bitawan ko ito ay tulog na ito kaya naman dahan dahan kong ibinaba ang ulo nya na kanina ko pa yakap yakap.
Marahil ay nagawit sya sa ginawa ko pero dahil busy sya sa pagiyak ay di nya na naramdaman yun.
Kinumutan ko sya ng maayos,medyo humina na din ang ulan at kanina pa tumigil ang pag kulog.
Tumayo ako para kumuha ng maipupunas sa kanya at maiinom na tubig.
Nang maka akyat muli ako ay inuna kong punasan ang mukha nya.
"Ang amo ng mukha mo".Nakangiti kong sabi. Nakaupo ako sa lapag nilagyan ko na lang ng unan ang pangupo ko para di ako malamigan.Dahan dahan kong dinadampi ang malinis na towel sa makinis nyang mukha.
"Di ko maimagine na nakakasama na kita ngayon,samantalang dati ay pinapanalangin ko lang na sana ay bumalik ka,na kahit pa anong dahil ay babalikan kita,ang kinatatakot ko lang talaga ay ang magpakita ka lang pero di mo na ako minamahal".
Mapayapa pa din ang pagtulog nito,marahil ay napagod kakaiyak.Sa taas ng lagnat nya ay paniguradong binangungot ito kung hindi ako dumating.
Sinunod ko na ang leeg nya at mga braso,pati na din mga binti.Iniangat ko ang ulo nya para gisingin sya.
"Austin".Bulong ko sa kanya."Austin".Ulit ko ng wala akong tugon na narinig dito."Uminom ka ng gamot".Sabi ko ng bahagya itong dumilat.
Idinikit ko ang gamot sa mga labi nya at tsaka marahan syang ngumanga ng kaunti.Isinunod ko ang pagpapainom ng tubig.
Tsaka ko sya kinumutin muli ng komportable at tsaka ako naupong muli at iniyukod ang katawan sa bahagi ng kanyang taggiliran at tsaka doon natulog.
Nagising ako ng may humawak sa kamay ko.Nang magdilat ako ay mukha ni Austin agad ang natanaw ko.
"Okay na ba ang pakiramdam mo?" Natataranta kong hinawakan ang noo nya.Hinabol nya naman yun ng kamay nya.
"Thankyou". Nakangiti nitong ani kahit pa mukhang nanghihina pa.Hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay nya tsaka yun ibinaba sa bandang tyan nya.
"Magpahinga ka pa para may lakas ka magtrabaho huh?" Tumayo ako tsaka inayos ng muli ang kumot nya.Pasado alas sinko na ng madaling araw kaya naman ng ipikit nito ang mga mata nya at bumaba na ako para maghanda ng maipapakain ko sa alaga kong may sakit.
Naghanda ako ng aroz caldo para nang sa ganon ay mabilis lang kainin.Malamig naman ngayon bagay na bagay sa panahon.
Umakyat ako ng kwarto nya at tsaka hinanda na din ang gamot at maiinom.
Mag aalas sais na ng gisingin ko ito.
"Austin".Yugyog ko dito agad naman ito nagdilat at ng matanaw ako ay mabilis itong naupo.
"Magdahan dahan ka at baka mahilo ka,Ito oh kumain ka muna ng makainom ka ng gamot at gumaling ka na".
Iniabot ko sa kanya ang tray ng pagkain at gamot tsaka ito nginitian.
"Thankyou".Sabi nito.Tumangon lang ako at tsaka nagpaalam na magaasikaso na sa pagbubukas ng shop.Hinayaan ko muna sya sa kwarto nya maghapon,umaakyat ako doon pag papakainin na sya at minsan kung wala namang costumer ay tinatanaw ko sya.
Makakapagod man dahil may nadagdag sa mga menu namin at syempre dagdag gawain yun ay masaya ako dahil naaalagaan ko pa din si Austin.Masaya ako at sa wakas ay may nagawa ako para maalis ang sakit nya.
Nang matapos ang oras ng shop ay umakyat na ako para maligo at magasikaso naman ng sarili para makapagluto na ng may marinig akong kalabog sa kwarto ni Austin.Dali-dali akong magtatakbo papunta doon ay ng matanaw ang pinanggalingan ay dali dali ko din binuksan ang pinto ng cr kung saan nanggaling ang ingay.
Ngunit ganon na lang ang pagsigaw ko ng madatnang nakahubo at hubad si Austin.
"Anoo baaaa!?" Bilis bilis kong tinakpan ang mga mata ko at tsaka tumalikot."Bakit ba nakahubad ka at tsaka bakit may kumalabog!" Nagiinit ako na naiinis!
"Di ko kasalanan na may makita ka ah!,Bakit ba kase pasok ka ng pasok bigla naliligo ako!"
"May kumalabog akala ko kung ano!"
"Bakit ka nagagalit kasalanan ko ba? Nabangga ko ang sabunan ko ng mahilam ako at kapain ang pihitan ng shower".
"Grrrr!" Nanggigigil kong ani at tsaka ako nagmartsa paalis mg silid na yun.Pinamumulahan ako ng kahihiyan dahil sa ginawa ko.
Hindi ko pa dapat makita yun! jusko lord patawad.
Napahilamos ako sa mukha ko ng hanggang sa pagpasok ng kwarto ko ay nagiinit pa din ang mukha ko.
Dahil tinatanggal ko na sa isipin ko ang natuklasan ko ay ginawa kong busy ang sarili ko.Inayos ko ang mga nakakalat kong damit pati na ang mga pang lagay ko sa mukha ay inayos ko ng tuwid.Nang mapagpasyahan kong maligo at makapasok sa cr ay talaga namang napailing ako ng matindi ng mas lalo pa tong luminaw sa isipin ko.
"So Yun ang itsura non? Bakit para nakakatakot miski sa maimagine ay di pumasok sa isipan ko yuuun!" Gusto kong sumigaw pero pabulong ko lang yun nasasambit.Nanggigigil ako dahil pati pintig ng puso ko ay kakaiba na.
Hindi ko alam kung paano haharapin si Austin.
Magpanggap kaya akong walang nakita?
Or sabihin na okay lang yun dahil ganon talaga ang buhay?
Sinabunutan ko ang sarili ko ng isipin ang huli.Nakakagawa talaga ng bagong buhay yung nakita ko!
"Inaaaay!"Iyak iyakan ko dahil di ko alam ang gagawin ko.Panigurado pati si inay ay ayaw parinig ang tungkot doon.
"Bakit ba kase naliligo sya ng nakaharap sa pinto?! At tsaka bakit ba sya naliligo may sakit sya!"
Nang matapos ang paliligo ko at nakabihis na ay lakad pabalik lang ang ginagawa ko sa kwarto ko.Dahil di ako makalabas iisipin ko palang na makikita ko si Austin sa baba ay iba na ang lumalabas sa isip ko.
Iniisip ko dim kung may pagkain na ba dahil ako ang magluluto ngayon.
Napagdisisyunan kong bumaba at umarte na walang nangyare.Dahan dahan akong bumaba ng hagdan.Dahan dahan ko din sinisilip kung may tao ba sa kusina.
Ganon na lang ang panlalaki ng mata ko ng bigla ay may sumilip mula sa ilalim ng hagdan.
Natawa ito ng makita ang pagkagulat ko napahawak pa kase ako sa dibdib ko.
"Tara na kumain na tayo".Ani nito tsaka ako tumalikod at pumuntang lamesa.
Tumuwid ako ng tayo at tsaka huminga ng malalim at tsaka maglakad.Nang makarating ako sa lamesa ay di ko sya tinitingnan kaya naman nakakalma ko pa ang puso ko.
"Wow chicken curry!". Naupo na ako ng makita ang ulam.Sumandok agad ako at tsaka nilagay sa plato pati ang plato nya ay nilagyan ko na din.Nang malagyan ng ulam ay nagsimula na ako kumain.
"Nagluto na ako alam ko kaseng di ka makakapagluto".
"Why?" Busy ako sa pagkain kaya sinagot ko sya sa gitna ng pagnguya ko.
"Dahil sa nakita mo kanina,feeling ko di ka---
Umubo ako ng umubo ng marinig ang sinabi nya.
"Okay ka lang ba?" abot nito sakin ng tubig.
Halos bumara na lang sa lalamunan ko ang kinain ko kaya naman nahirapan pa din ako sa paghinga kahit nakainom na ako.
"Bakit ba kase pinapasok mo pa yang nangyare na yan?"
"Bakit anong problema? May masabi ba akong iba?"
"Wala akong nakita okay? Wala!" Naiinis ako dahil nawalan na ako ng ganang kumain.Bumalik naman to sa pagkakaupo sa harapan ko matapos akong abutan ng tubig.
"Edi wala!".Nangaasar at panggagaya nito sa boses ko.
"Wala nga akong nakita!"
"Bakit ba galit na galit ka? Siguro may nakita ka no?" Nilapit nito ang mukha sakin tsaka ako inaasar na nginitian.
Fck!
"Wala nga wala! wala!"Napatayo na ako dahil namumula na ako dahil sa kahihiyan dahil habang tinitingnan ko ito ay di maalis sakin na may ganon syang kabiyayang bahagi ng katawan.Yun ang katotohanan na magpapainit at magpapapula ng mukha at katawan ko.Sa di ko malaman na dahilan.
"Wag kang magalala sa nakita mo dahil sayo naman lahat yan,magiging sayo yan Mikay once na nagpakasal na tayo".
Napahinto ako sa akma kong paglakad ng marinig ang mga katagan na yun kay Austin.
Anong sabi mo?
Napaharap ako sa kanya at tsaka tinitigan ko ito.
"Mahal pa din kita Mikay,Narealize ko ulit na ganon pa din ang nararamdaman ko"
Tama ba ang narinig ko?
Nakita ko itong maglakad papunta sa kin.Pero napaatras ako kaya naman napahinto sya at tsaka ako tinitigan nanghihingi ng permiso ang mga tingin nya.
Pero ng lumakad ulit ito ay napaatras ako sa di ko malaman na naman ma dahilan.
Tuluyan na itong huminto ng magbaba ako ng tingin at tsaka tumalikod at mabilis na umakyat papuntang kwarto.
Sorry Austin.
Naupo ako sa pinto pagkasara ko nito.
Yumuko ako doon at tsaka inisip kung bakit ako tumakbo.Yun ang gusto ko,ang gustuhin ulit ni Austin pero bakit naisipan ko itong talikuran?
Napabuntong hininga ako at tsaka marahan pumikit.
Ang naiisip ko lang ay natatakot ako.Natatakot ako na baka kagaya dati ay bigla bigla na lang ito mawala at maiwan na naman ako sa sakit.
Natatakot na yakapin ang mga hinanakit nya na baka pag nalaman ko kung saan nanggaling yun ay bitawan ko.
Natatakot ako na baka hindi nya ako mahal,na baka kailangan lang nya ako dahil nanakit na naman ang puso nya.
Natatakot ako na baka sa puntong ito ay wasakin na ng tuluyan ni Austin ang nakakaintindi ko ng puso.
Kinokonsidera ko ang puso ko noon na parang bata na walang muang sa pagmamahal kagaya ng mga bata na walang muang sa mundo,di alam ang nangyayare at walang ideya sa mga mangyayare,pero nakakaramdam pa din ng sakit pag nadapa.Pero iniignora sapagkat bata pa laman.Kagaya ng puso kong nasaktan pero di pinapansim dahil walang alam sa nangyayare.
Pero dahil malaki na ako at alam na ang sakit at nangyayare sa mundo at may ideya na sa daloy ng mga pangyayare ay natatakot ako na baka kung ano ang nalalaman ko ay ganon din ang ang sakit na mararamdaman ko baka sa punto na to ay di ko na makayanan pa dahil noon ngang bata ako ay di ko makalimutan ang nakaraan namin ni Austin ngayon pa kayang talagang nararamdaman ko na kung ano ba talaga ang pagmamahal.
Nakatulog ako habang may mga luha sa mata dahil sa kalituhan sa sarili ko.