ch.13
Sa nakalipas na mga araw ay naging masaya ang coffe shop pati na din ang relasyon namin ni Austin.Naging mas lalo kameng naging komportable sa isa't isa.
"Malapit na ang pasko,pero ngayon palang sa lamig ng Julo ay damang dama ko na to".Ani Chelsie habang nagaayos ng mga table dahil pasara na kame.
"Bibili tayo ng mga pang decor para mas lalo mong madama".Nakangiting kong sabi sa kanya.
"Namimiss kong magpasko sa Maynila".Ani Stella habang nagaayos ng mga pinaggamitan kanina sa mga kape.
"Bakit naman,masaya ba dun?".Pinanood ko na lang sila magusap tungkol sa manila dahil ni minsan kase ay di pa ako nakakapunta doon.
"Pag malapit na ang pasko ay madaming nangangarolin doon pero sa sayaw nila dinadaan".
"Talaga?"
"Pero feel ko mas masaya pa din dito,ang sabi ng nanay ay nagsasalo salo lahat ng mga taga Marayat at nagpupunta dito sa Julo para mas maganda ang pagdama sa pasko".
"Oo naman ,naku laking maynila ka pala".
"Di naman umuuwi ako dito tuwing bakasyon ngayon lang talaga ako nauwe ng ganitong pagpapasko dahil dito na ako magaaral,mahirap magaral sa manila lalo na kung di mo kasama ang pamilya at nagiisa ka lang".
"Paanong mahirap?".Natanong ko bigla.
"Alam mo po kase sa maynila malaking pressure ang kahaharapin mo,kung nagaaral ka ay dapat tutok ka lang dahil miski prof ay di ka palalagpasin sa hirap ng mga pimapagawa,kung nagtatrabaho ka naman ay ganon din sa mga amo,basta po di katulad dito na lahat mababait,naiintindihan ang pinagdaraanan mo,sa maynila po opo meron naman ganon pero mas makakahalubilo mo talaga yung magpapahirap sayo".
Natawa na lang ito dahil sa hirap ng pageexplain dahil di nya mapunto ang gusto nyang sabihin basta ang pinakapunto nya lang ay mahirap ng walang kasama lalo na ang magulang.Bigla ay naisip ko na naman ang pinagdaanan ni Austin sa manila,kung gaano kahirap ang tinamo nya dahil sa nangyayare sa kanya.Siguro kaya ganon na lang ang pagtingin ko sa pagbabago nya ay dahil nakakuha sya ng comfort sa lugar nato.
"Bye ate Mikay seeyou tommorrow".Kinakawayan ko ang dalawa palabas ng cafè,wala si Austin dahil may inasikaso sya ngayon,di ko naman na tinatanong ang mga ginagawa nya basta okay lang sya ay okay na ako.
Umakyat lang ako para makapagpalit na at bumaba din para magluto.Pagkatapos nun ay tsaka palang dumating si Austin.
"Oh kumain ka na ba?" .Bungad ko dito pero mukhang di maganda ang lagay ng pinuntahan nya."May nangyare ba?".Tanong ko ng mapagtanto na wala sa ayos ang itsura nya.
"Nothing,Anong niluto mo?".Nginitian ako nito ng tipid at tsaka naglakad na papuntang lamesa.Hinayaan ko na lang yun at nginitian sya ng mas matamis.
"Sapsoy at adobo".
"Wow mukhang masarap ah".Tumayo na ako at pinaghanda sya.
Ang lagay namin ngayon ni Austin ay live in partner,minsan ay umuuwe ako kay nanay pero mas madami ang araw na nasa shop ako.Gustuhin ko man kase na sa bahay pa din umuwe paminsan ay malakas ang ulan o kaya ay talagang makapal ang hamog sa daan kaya naman umapruba si nanay at Don Mariano sa pananatili ko ng tuluyan sa shop kesa naman daw mapahamak pa ako.
"Ako na ang magaasikaso dito,umakyat ka na at magpahinga".
"Osige,napagod ako sa byahe".Yun lang at hinalikan na ako nito sa pisngi at umakyat na.
Pagkatapos kong magayos sa kusina ay umakyat na din ako.Di ko alam kung bakit nagaalala ako dahil ganon ang inaasta ni Austin.
Sisilipin ko pa sana sya ngunit mukhang naglock ito ng kwarto nya kaya tumuloy na lang ulit ako sa kwarto ko at tsaka naligo.Habang umaagos sa katawan ko ang tubig ay iniisip ko kung ano ang nangyare kay Austin,kung saan ba ito pumunta at kung bakit ganon ang inaasta nya.Pagkatapos ko maligo ay nagpatuyo lang ako ng buhok at naglagay ng skin care ko.Di ko na din inisip na dadaan si Austin sa kwarto ko para maggoodnight man lang,di ko magawang itext ito dahil mula ng dumating ito dito ay wala itong cp,itinapon daw nya.
Kinabukasan ay friday kaya naman medyo di ganoon kadami ang tao,sobrang hangin at maulan din ngayon kaya naman nakakatakot bumyahe dahil madulas ang daan,miski si Chelsie at Stella ay di na muna namin pinapasok.
"Okay ka na ba?"Tanong ko sa kanya tsaka ito inabutan ng kape.Nasa office nya kame at mukhang busy sa hawak na mga papel.
"Yes".Tipid nitong sagot.
"Ano yan?".Ayaw ko mang usisiin yung mga ginagawa nya ay nagagawa ko na dahil gusto kong malaman kung may tinatago ba sya sakin o ayaw sabihin.
"Wala ito,sige na magtrabaho ka na wag ka magaalala sakin".Ni tingin ay di ako binigyan nito.
"Okay".Dahan dahan akong tumayo para tingnan sya pero ganon pa din ang ginagawa nya.
"May nagawa ba akong mali sa nung mga nakaraang araw?".Bulong ko sa sarili ko pagkarating sa counter.
Tumunog ang bell ng punto ng cafè kaya napatingin ako doon,nagugulat kong tinitingnan ang isang babae na basang basa ang damit dahil sa ulan kaya nagtatakbo ako sa papuntang cabinet at kumuha ng malinis na towel doon.May mga kagamitan sa cafè na nilaan talaga para sa mga costumer dahil nga ang panahon dito ay malamig at maulan,umaraw man ay nandoon pa din ang lamig ng panahon.May mga towel,jacket,payong,mga damit na halatang mga bago pa pero di ganon karamihan mga kagamitan panligo.
Tumakbo ako sa babaeng pinapagpag ang damit dahil basa ito,mukhang iritang irita na ito.
"Miss oh".Abot ko ng towel nagulat pa ito ng makita iyon.
"Salamat".Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang boses nya.Bakit parang kakaiba.Umiiling iling ako para tanggalin ang mali kong naiisip.
"Ah tuloy po kayo,welcome to Goodmorning cafè".
Naglakad ito papasok pa ng cafè habang pinupunasan ang mga nabasa na nitong damit pati buhok.
"Hmm one hot cappucc--ohh wow! Do you really have it! I already know this is his idea!".Ang tinutukoy nito ay ang Hot Cappcino Brew na idea ni Austin dahil paborito nya iyon sa manila na ngayon lang natikman ng mga taga Julo kaya mabili ito at napapangiti ako dahil pilit nitong iniipit ang boses nya para maging mahinhin.
"Where's your boss?" Bigla ay tanong nito.
"Nasa office po ny---".
"Okay".Di ko naituloy ang sasabihin ko ng maglakad ito papuntang office ni Austin,nalilito man ay tiningnan ko pa din ito hanggang sa makarating doon.
Diba dapat pinipigilan ko sya,pero bakit parang okay lang for me?
Pagkatapos kong magtimpla ng kape nya ay lumakad ako palapit sa pinto ng office at tsaka dinikit ang tenga ko sa pinto.
"Mukhang nagaaway pa sila ah".Binuksan ko ang pinto dahil nacucurious ako sa nangyayare pero ganon na lang ang gulat ko ng makita na nakayakap na ang babaeng yun sa boyfriend ko.
"Anong nangyayare dito?".Di ko alam kung saan ilalagay ang galit ko,kung itatapon ko ba ang kape na yun sa kanila o ibabagsak na lang yun sa sahig pero dahil alam kong mahal ang ingredient ay hinawakan ko na lang ito ng mahigpit.
Nakita kong dahan dahan sila nagbitaw,tinarayan ko pa lalo ang tingin ko sa babae dahil taas na taas ang nakakurba nitong kilay na animo sinukat pa para maging perpekto.
"Steven,my girlfriend,Mikaela".
"What?How?Austin nandito ka palang ng 3months paanong magkaka--Dont tell me naglilibang ka na naman----".Di naituloy nito ang sasabihin ng sampalin ni Austin ang bibig nya,nagulat ako dahil,dahil ang lakas nun.
"Oh my gooood! Ang sakit ah pota".Mas lalo pa akong nagulat ng lumaki na ang boses nito.
"Alam mo Steven di ko sinabi na magbulgar ka ng ganyan! Alam kong bakla ka pero grabe ayaw kong ganyan ang itsura mo! Bumalik ka na ng maynila!".Halatang galit si Austin dahil sa itsura nito.
"Austin naman!".Nagiinarteng ani nito.
Amputa bakla pala.
"Hmm...Mikay si Steven Assistant ko...wag mong iintindihin ang mga sinasabi nya alam mong...di ako ganon".
"I know!".Sagot ko tsaka ako naglakad papunta sa pwesto nya at binaba sa harap ng baklang yun ang kape nya.
"Dont tell me kaya mo tinapon ang cp mo dahil sa kanya".Tumango tango ito.
Mas lalo kong pinalalim ang tingin sa baklang yun,madami na akong narinig na kwento kay Austin tungkol sa Steven na yun masyado daw syang pinapahirapan sa event kahit sya ang boss ay mas mukhang boss pa ito.
"Paano ka ba nakarating dito?".Putol ni Austin sa masamang pagtititigan namin nung baklang yun.
"Nagresearch ako,naghanap ako! nabaliw ako kakahanap sayo! Yung mga event na sinayang mo pag naiisip ko mas lalo akong nababaliw,buti na lang nakausap ko ang tatay mo!".
Natahimik kameng lahat ng banggitin nito ang tatay ni Austin.
"Hmm...well...Nakalaya na sya at..."
Di na nito natapos pa ang sasabihin ng talikuran kame ni Austin at lumabas ng office mas lalo kong tinitigan ng masama ang bakla kaya ganon na lang ang gulat nya.
"Wala akong kasalanan nagsasabi lang ako ng totoo!".Singhal nito sakin.
Lumabas ako ng office tsaka ako umakyat dahil alam kong doon papasok si Austin.Sinamaan ko ng tingin yung baklang ito ng balakin nitong sumunod.
Nagdere-deretso ako ako papasok ng kwarto nya ng masilip sya na nakayuko sa palad nya habang nakaupo sa sahig.Sinara ko ang pinto tsaka dahan dahan lumapit sa kanya.
Pinagpantay ko ang upo namin,dahan dahan kong kinuha ang kamay nya na nakatabing sa mukha nya.
"Alam kong di ka okay kaya di ko na tatanungi--"
Naputok na lang ang pagsasalita ko ng bigyan nya ako ng halik sa labi ko.Nanlaki ang mga mata ko kaya naman di ako nakakilos kaagad.Yung epekto na yun ni Austin ang nagpapawala talaga sa sarili ko.
Binitawan nya ang labi ko tsaka yumuko ulit,naiwan akong nanlalaki pa din mga mata.Oo,ilang beses na kameng nagkiss pero di ko akala na sa ganitong sitwasyon na masyado syang emosyonal ay nagagawa pa din nyang paganahin ang pagiging sutil.
"Hays".Rinig kong buntong hininga nito.
"Bakit?".Wala sa sarili kong tanong sa kanya.
"Ayaw mo na ba sakin dahil kay Steven...Bakla yun".Nagulat ng bigla akong harapin nito.
"Oh..Ano naman?Pusong babae pa din yun at mukhang type ka?".Tinitigan ko ito ng masama tsaka ako ngumuso.
"Aiyoo!Nagseselos ba ang girlfriend ko?".Nakita kong ngumiti ito kaya naman pinanindigan ko na ang pagiinarte ko dahil alam kong ginagawa lang ni Austin yun para mawala sa papa nya ang usapan.
"Sure ka ah!Assitant lang yun".Humahaba na ang nguso sa sobrang pagiinarte sa kanya.Natawa ito dahil ang Childish ko daw pero cute pa din.
Yun lang ang kaya kong gawin para mapangiti man lang sya,ako lang ang kaya nyang idahilan ngayon para ngumiti sya,sa ngayon ay ako lang ang kayang makapagbigay sa kanya ng panandaliang saya kaya naman ginagawa ko para na rin sa kasiyahan ko.
Alam kong masakit ang nakaraan nya at di ko sya pipilitin na iopen sakin ang kwento nun hahayaan ko siya mismo ang magbukas ng bibig nya para sabihin sakin at mga bagay na hindi nya pa handang buksan sa iba.