Austin Pov :
Ilang araw ang nakalipas ng kaarawan ng nanay ni Mikay ay masaya naming sinalubong ang mga sumunod na araw,nagiging magaan ang mga araw ko dahil madami na kameng nagaasikaso ng shop at mas lalo pang gumagaan ang pakiramdam ko pag nakikita ko si Mikay na nakangiti,nawawala lahat ng naiisip kong mali sakin pag nakikita ko syang nakatingin sakin.
Ngayon lang ako nakaramdam ng tunay na saya sa dibdib ko pag ngumingiti ako,ngayon ko lang nafefeel na may saya pala talagang nageexist sa mundo.Dahil pinanganak ako ng puno ng kalungkutan ay di ko na alam kung kailan ba talaga ako naging masaya.
Ang katotohanan palang na nagsasama lang ang mga magulang ko dahil sakin at hindi dahil mahal nila ang isat isa ay binabalot na ako ng kalungkutan.Lagi ko silang naririnig na nagaaway sa di ko matandaan pa na dahilan basta ang natatandaan ko lang noon ay kung paano ako nagtatago sa ilalim ng aparador ko para lang umiyak at magtago dahil natatakot ako.At ang kaganapan na lalong nagpalungkot ng katauhan ko ay ang nangyare sa magulang ko.
Nagpunta ako ng maynila ng umagang nagpaalam ako kay Mikay,Kahit pa nangako ako na pupunta ako doon kasama si Mikay ay di ko nagawa dahil sa unang pagkakataon na pupuntahan ko iyon ay gusto ko munang mapagisa.
Nang makarating ako sa mismong puntod ng nanay ko ay nawalan agad ako ng lakas kaya napaupo na lang ako sa harap non at binaba ang bulaklak na dala ko para sa kanya at wala na akong magawa kundi ang umiyak ng umiyak,miss na miss ko na sya,kaya ko sya di dinadalaw sa loob ng labinglimang taon ay di ko pa din matanggap na wala na sya,na iniwan nya ako sa murang edad ko,na iniwan nya akong nagiisa.
"Ma,I miss you".
"Ma,Ginawa ko ang hiling mo sakin na maging isang katulad mo na magaling na Author na maging successful".Humikbi ako dahil sa patuloy na pagagos ng luha ko."Pero di ako masaya Ma".Humagulgol pa ako ng iyak dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko,pinukpok ko ang dibdib ko ng kamao ko dahil di ako makahinga ng maayos."Ang sakit...ang sakit sakit dito Ma".Napayuko ako sa sobrang hirap ng pagiyak ko."Sorry kung di ako nakakadalaw...".Pinunasan ko ang luha ko at kinagat ko na ang labi ko para pigilan ang pagiyak pero kusa itong kumakawala sa mga mata ko."...Hindi ko pa din..."Napahikbi na naman ako dahil ayaw tumigil ng mga luha ko "Hindi ko pa din matanggap na wala ka na".Di ko na napigilan ang mapahagulgol ng sobrang lakas dahil di ko na kaya.Bumuhos na din ang ulan habang nakaluhod ako sa harap ng puntod ng mama ko.Di ko inalintana yun dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ay di ko maramdaman ang pagpatak ng ulan sa balat ko.Tuloy lang ako sa pagiyak,dinadampi ng mga daliri at palad ko ang pangalan nya."Agustina Sarmiento".
Mas lalo lang lumalakas ang ulan sa lugar na yun at nanatili lang ako kung saan ako nakapwesto.Nang matauhan ako ay inisip ko na lang na basa na din naman ako at tsaka gusto kong damayan si nanay ko sa pagkakabasa.
"Ma,Alam kong naririnig mo pa din ako kahit pa malakas na sobrang ang ulan".Gusto ko man punasan ang luha at walang magagawa yun dahil nasa na din naman ng ulan ang buong katawan ko at ang mga luha ko ay nahahalo na dito."Mahal na mahal kita,ngayon nandito ako sa harap ng puntod mo at nagawa kong puntahan ito ng ang iniisip ko na lang ay miss na miss na kita ay nagawa kong tanggapin na dito sa sementeryo na ito ako pupunta,na dito kita makikita...".Humagulgol na naman ako dahil ayun na naman yung sakit sa dibdib ko na mas pinapasikip ang paghinga ko."Di ko aakalain na dito...dito ako pupunta para lang makita ka...na kailangan ko ng tanggapin na...wala ka na...na matagal mo na akong iniwan".Mas lalo lang akong napayuko at umabot na ng tuhod ko ang noo ko sa sobrang pagiyak ko.
Dahan dahan akong tumayo ng mahimasmasan ang pakiramdaman ko dahil sa iyak at ulan ay nakaramdaman ako ng sakit ng katawan at panghihina.
Bumuntong hininga ako at tsaka muling nagsalita.
"Masaya ako ngayon,alam kong saya ito,Nagawa kong harapin ka dahil sa nararamdaman ko ngayon...Ma,salamat alam kong ikaw ang nagdala sakin ng saya na yun...na alam kong ikaw ang nagpadala kay Mikay para sa dulo ay maging masaya ako,alam kong di maganda ang naging buhay ko sa loob ng 25 years kong nabubuhay sa mundo ito at sa tagal nun ay nagpadala ka na ng taong alam mong ibibigay ang kasiyahan ko,ipapakilala ko sya sayo sa susunod,alam ko kase na iiyak ako ng ganito,pinalaki mo akong spoiled kaya iyakin ako Ma! Ikaw may kasalanan nito".Kunyare ay natawa ako kahit pa may tumutulo na namang luha sa mata ko."Di na ako iiyak pangako yan!".Pinanunasan ko ang luha ko."Siguro kung nabubuhay ka ay lagi mo kong pinapagalitan dahil kalalaki kong tao ay iyakin ako".Tumawa ako ng marahan."Sana nga buhay ka pa kahit anong galit ang gawin mo sakin ay tatanggapin ko...".Tuluyan ko ng pinunasan ang luha ko.Pinangako na din sa sarili ko na magiging matapang na ako at lahat ng kinatatakutan ko ay tatanggapin ko na, na magiging malakas ang loob ko dahil ito na ang tamang panahon para matanggap ang lahat ng malalaman ko.
Ilang beses ko pang hinawakan ang pangalan ni mama tsaka ako nagpaalam.Gusto ko syang halikan pero lalo lang sumasakit ng paghinga ko sa pagiisip non.Tatalikod na ako ng may mamataan akong isang tao na nakatayo sa isang puno malapit sa puno kung saan ay ang puntod ni mama.Maglalakad na sana ako ng mapagtanto kung sino ito.
Dahan dahan na din tumitigil ang ulan kaya di na ganon kadilim ang panahon,maliwanag na maliwanag na nakikita ko ang imahe ng nakatayong tao na iyo.
"Pa...".Di ko naisatinig na banggit.
Nastatwa ako sa kinatatayuan ko ng tingnan ako nito.Kumulubot na ang balat nito dahil siguro sa tagal nyang nakakulong sa bilangguan pero malinaw na malinaw pa din sakin ang itsura nito kahit pa naghahabaan na ang balbas nito at namumuti na ang buhok nito sa ulo.Gusto kong maglakad papunta sa kanya pero di ako makagalaw.Sa pagkakataon na yun ay bumalik ang sakit ng puso ko,pinipiga ito at para bang pinupokpok dahil naiimagine ko palang ang pinagdaanan nya ay alam kong mas mahirap pa sa nararamdaman ko.Oo,may galit akong nararamdaman sa kanya dahil sa ginawa nya sa mama ko pero ang katotohanan na sya pa din ang tatay ko ay ang nakakapagbigay sakin ng sobrang sakit at kalungkutan.Di ko alam kung sino ang sisihin ko sa mga nangyayare sa buhay ko basta ang alam ko lang ay nabuhay ako para dalhin ang mga ito.
Dahan dahan itong gumalaw kaya naman nanlaki ang mga mata ko pero ganon na lang ang gulat ko ng talikuran ako nito at nagsimulang maglakad.
"Pa!".Di ko alam kung naririnig nya ba ako o wala lang talagang lumalabas na salita sa bibig.Nagtuluan na naman ang mga luha ko dahil sa di ko malaman kung ano ang mararamdaman ko.Sinubukan kong kumilos pero ganon na lang ang panghihina na dahilan para mapaluhod na namn ako sa lupa at doon nagiiiyak.Kakasabi ko lang na din na ako iiyak.
Sobrang hina ko sa mga ganitong pangyayare,kahit anong tagal na ay ganoon pa din ang epekto sakin,kaya kong magpanggap paminsan na malakas pero mas madalas ang pagbuhos ng emosyon ko.
Di ko nakausap si papa ng araw na yun,pagkatapos ng ulan na yun ay lumipad na ako pabalik ng Marayat dahil di ako pwedeng magstay sa Manila sapagkat di alam ni Mikay na nagpunta ako dito at di ako pwede makita ni Steven lalong lalo na ni Uncle Marcel.
Si Uncle Marcel ang kapatid ni papa na kumuha sakin sa Marayat noon pinangakuan nya ako na dadalhin kay papa pero hindi yun nangyare,Mula ng mapunta ako sa kanya ay sinunod ko lahat ng gusto nya dahil sya naman ang nagalaga sakin kahit pa di nya ginawa ang pangako nya sakin.Pero sumobra na yun,minsan ay pinipilit nya akong magsulat sa title na di ko gusto ,nagaaway kame lagi sa editing,sa pagpapalit ng salita at miski ang bilang ng ilalabas na libro ay napagaawayan pa namin,nasasaktan nya ako pag masyadong mababa ang sale ng libro at kung minsan ay di nauubos.
Nang makarating na ako sa bahay ay nabuhayan ang puso ko ng masilayan si Mikay pero dahil pagod at nabasa ako ng ulan ay di ako masyado nakapagbigay ng maayos na treatment kay Mikay.
Nang araw na nakarating si Steven sa Marayat ay di na ako nagulat dahil alam kong nakausap nito si papa ang kinasasama lang ng loob ko kung bakit di nya ako kinausap.Kinausap ako ni Mikay ng araw yun kung kelan biglang sumulpot si Steven na parang kabote at ang nakakainis pa ay para tong babae at halos di ko makilala.Matagal ko ng alam na bakla sya dahil kay Uncle Marcel ay tagong tago din ang katauhan nya.
Sa sobrang cute magselos ng gf ko ay nawala ang kaunting lungkot na nararamdaman ko sa pamilya ko. alam kong sya lang ang nakakagawa nito sakin.Hinalikan ko sya para magkaroon ulit ako ng lakas pero di ko napigilan yun dahil ng dampian ko ulit ng halik ang labi nya ay naadik na ako dahil dun ay nauwe kame sa maapoy na pangyayare.
Hawak hawak ko ang batok ni Mikay habang busy kame sa pagsasalin ng halik sa isat isa ang mga kamay nito ay di natatanggal sa dibdib ko,ramdam ko din ang kaunti pangginig nito dahil masyado nang lumalalim ang nangyayare samin.
Pinaghiwalay namin ang labi ng isat isa at habol habol namin ang paghinga habang magkatitigan sa isat isa.Binigyan ko sya ng tingin para humingi ng permiso sa nais kong gawin.At dahil sa pagilang tangong ginawa nya ay alam kong naintindihan nya ang nais kong iparating.
Biglaan kong nilapit na naman ang labi ko sa kanya at wala pang ilang segundo ay lumalim na namin ito.Tinanggal ko ang suot kong jacket ng nakatitig lang sa kanya,nakikita ko kung gaano na kapungay ang mga mata nya kaya naman naginit na naman ako at tsaka sinuyod ko na naman ang mga labi nya ng halik,mula sa bibig ay pababa ito ng leeg nya,naramdaman ko ang pagarko ng likod nya at tsaka binigyan ng daan ang ginagawa ko gamit ang pagangat nya ng ulo nya patingala.Mas malawak ko ng nahahalikan yun at nasisipsip.Ang mga kamay ko ay bumaba na sa dibdib nya at marahas na tinatanggal naman ng isa kong kamay ang damit nya.
Nang matanggal ko ang pangitaas nyang damit ay tsaka ko pinwesto ang kamay ko sa dalawang bundok na nakaharang sa harap ko.Napapikit ako ng mariin ng pisilin ko ito at marinig ang ungol nya,dali daling napatungo ang ulo ko sa gawi na yun at napasinghap ako ng huminto ito sa pinakagitna ng dalawang bundok na yun.Nakakaadik na amoy at nakakapanginit na pakiramdam ang dinala sakin ng pwesto ko na yun.Ang kamay ko ay busy sa pagpisil nun at ang isa naman ay ang paglalaro sa nipples non.Dahan dahan nagtungo ang mga labi ko sa nipples non at doon ko naramdaman kung paano lumubong ang mga kuko ni Mikay sa likod ko pero ganon na lang and epekto sakin nun dahil nadagdagan ang gana ng nararamdaman ko sa ginawa nya,imbis na masaktan ako ay mas lalo lang akong naginit.
HAWAK hawak ko ang kamay ni Mikay habang magkayakapan kame sa kama ko,tulog na tulog ito na animo ay nananginip pa sa sarap ng tulog nito.Unang beses ito na nakatabi ko sya sa pagtulog at ang masaya pa sa pakiramdam ay ang nangyare samin kanina.Sobrang saya ko dahil si Mikay ang first love ko,sya ang kauna unahan tao ang di nanghusga sakin,sya din ang una kong naging kaibigan,unang naging gf,unang nakatabi sa pagtulog at una nakasama ko sa ganitong pangyayare.
Napangiti ako ng humarap ito sakin habang natutulog pa,mahigpit ako nitong niyakap at dinantay sakin ang hita nya.Di ako makagalaw sa pwesto ko dahil ang braso ko ay nahihigaan nya at ngayon naman ay sakop na nya pati katawan ko.Di talaga ako makatulog dahil ang likod nyang matulog.Hinalikan ko na lang ito sa noo at tsaka niyakap na lang din ito ng mahigpit.
Kinabukasan ay dahan dahan kong tinanggal ang hita ko na dagan dagan ni Mikay.Wala na ang ulo nya sa kamay ko dahil ang layo na ng narating nito,pero ang kalahati ng katawan nya ang nasa gawi ko nakapating sa mga hita ko.Halos malaglag naman ang uluhan nya sa kama.
Inayos ko ang pagkakahiga nya pero di pa din sya nagigising kaya naman hinalikan ko na lang ito sa labi at tsaka bumaba.
"Goodmorning".Nagulat ako ng makita si Steven sa kusina at nagkakape may hawak hawak na libro at nakapadikwatro nakaupo ito sa harap ng lamesa.
Sinilip ko ang shop pero wala pa sila Chelsie miski ang mga bintana ay sarado pa din kaya naman napasilip ako sa bintana na malapit sakin.
"May bagyo,kaloka napakalakas ng ulan at ang lamig lamig,buti ka pa nakapagpainit kagabi".Humarap ako kay Steven matapos makita ang halos di na matanaw na kapaligiran dahil sa dilim ng paligid.
Tinitigan ko ito at tsaka naupo sa harap nito.Nang tumingin sakin ito ay tsaka ko tinuro ang coffe maker.
Tinaasan ako nito ng labi at tumayo para igawa ako ng kape.
Tiningnan ko ang libro binabasa nya,napangiti ako ng makitang ito ang huling librong inilabas ko bago ako umalis.
"A Life Without You".
Isinulat ko yan matungkol sa isang taong lumaki ng di kasama ang nanay.Patungkol yan sa nanay ko na iniwan ako ng maaga.Halos lahat ng isinulat ko ay patungkol lamang sa buhay ko pero syempre inilalabas ko iyong as a fiction.
Nang bumalik si Steven ay hawak na nito ang kape ko at binaba sa harap ko.
"Tumawak ang mga empliyado mo,at dahil busy kayo ni Girla ako na lang ang sumagot ang sabi nila ay di sila makakapasok dahil baha sa mga lugar nila kaloka".Nasa ayos man ang itsura nito dahil wala ng wig at make up sweat pant at jacket na din ay ganon pa din ang bosea nito,iniipit.
"Ano naman sinabi mo sa kanila?".
"Na busy kayo magchukchakan ni Girla kaya oks lang di sila pumasok!".
"Haissst!".Inambaan ko sya ng palo pero napasigaw na agad ito.
"Joke lang!".Maarte nitong tili."Ang sabi ko gora lang dahil alangan naman lumusong sila sa baha!".
"Alam mo bumalik ka na sa maynila".
"Ayoko ayokooo! Halos mamatay ako dahil sa Uncle mo kung di ko lang kailangan ng pera para sa lolo at lola ko matagal na akong naresign doon!".
Napatingil ako sa angil sa kanya ng banggitin nya ang lolo at lola nya.Nung nasa maynila pa ako ay dumadalaw ito sa office para dalhan ng pagkain at inumin si Steven miski ako ay isinasabay ng nga ito sa pagkain ayaw nilang di kumakain ang pinakamamahal nilang apo.Kaya naman di ko maiwan si Steven noon dahil alam kong mahihirapan sya kaya nakakaya kong tiisin si Uncle ay dahil sa lolo at lola nya na tumuring din sakin na apo nila.Pero nang magdisisyon akong umalis ay di ko na sila naisip pa.
"Sorry".Napayuko nang sabihin yun.
"Wala yun,Atleast ngayon nakita na kita at kung di mo naman ginawa yun ay ikaw ang mahihirapan,kita mo na ang laki ng binlooming mo dahil sa lugar na to".
"Tsk!".
"Tsaka mukhang si girla ang nagiging dahilan nun ah! Kelan kayo ikakasal?".
"Kasal agad?".Natawa ako dahil doon.
"Why? wala ka bang balak na pakasalanan sya?".
Nawala ang ngiti ko sa labi ng bigla ay nagreply sakin ang sinabi ng matanda sa event ko noon.
"Magiging kagaya ka ng mga magulang mo,lalaki kang magisa at walang magmamahal sayo! Pagkatapos patayin ng tatay mo ang nanay mo ay nasisiguro kong ganon din ang gagawin mo sa mapapangasawa mo nasa dugo nyo na yan!! kaya ang mas mainam mong gawin ay mawala na sa mundong ito!"
"Hindi,hindi ako magiging ganon,Hindi!".
"Austin,Anyare sayo?".May pagaalala sa mukha ni Steven,pero ganon na lang ang gulat ko matanaw si Mikay sa hagdan.Malungkot itong nakatingin sakin dahil sa di ko masagot na tanong ni Steven.