Chereads / When i become your Happiness / Chapter 11 - Ch.11-Officially in Relationship

Chapter 11 - Ch.11-Officially in Relationship

MAGDAMAG ako nagisip,pinagsisihan ko din ang pagtalikod at pagaalinlangan sa sinabi ni Austin sakin.

Sinubukan kong kausapin si Austin pero pagsilip ko sa kwarto nya ay mahimbing syang natutulog.

Naupo ako sa upuan sa harap ng lamesa tsaka ko inuuntog ang ulo ko doon.

"Paano nya nagagawang matulog ng mahimbing!"

Nahiga na ako ng sa ganon ay dalawin ako ng antok.

Paggising ko ay ang bigat ng mata ko,ginawa kong fresh ang sarili ko para di ako magmukhang puyat dahil nakikita ko pa lang sa malayo si Austin ay mukhang maganda na ang naging tulog nito.

Pero di ko naitago lahat ang pagkawala ko sa mood dahil di ko magawang magsalita pag sya na ang kaharap mo,hindi dahil sa nahihiya ako kundi dahil naiinis ako.Miski sa mga costumer ay di ko maiwasan di sila bigyan ng di magandang awra.

Nang makita ko si Mia na papasok ng shop at kasunod si Austin ay mas lalo lang nasira ang mood ko.Okay okay pa ko kanina dahil kahit paano ay katabi ko si Austin sa counter at naaamoy ang nakakaadik nitong amoy.Pero dahil sa babaeng to ay halos manlisik ang mga mata ko dito.

Ang tagal nilang naguusap sa office nya mukhang may nangyayare na ikakasira ng shop nato dahil sasabog na ako sa inis.

"Bakit ang tagal magusap!" Di ko na napigilan ibulalas habang nagseserve ng coffe.

"Ikaw ang matagal dyan eh!" Sigaw pabalik sakin nung costumer,nagulat naman ako,bigla ay bumalik sa katinuan ang sarili ko.

"Im sorry!" Niyuko ko ang ulo ko para maging mas sincere.

"Kanina pa kita tinititigan,mukhang kulang na lang ay isaboy mo sakin yang coffe na yan para gumaan ang loob mo".

"Sorry po sorry!"Nakayuko ko pa din sabi.

Nang iangat ko ang ulo ko ay nakaalis na to at ang bumungad sakin ay ang isang lalaking nakatayo sa counter at nakatingin sa kalalabas lang na babae.

Pagharap nito ay nagulat pa ako dahil ngiti na nito ang bumungad sakin.

"Carlo!" masayang kong banggit dahil sa wakas ay nakita ko na din ang isa ko pang kaibigan.

"Mikay! Long time no see!,Kamusta na?" Naupo ito sa high chair sa gilid ng counter.

"Im fine!" Magiliw kong ani tsaka humalumbaba."Kamusta US huh? Nasan ang pasalubong ko?"

"Haha okay naman at sa wakas ay nakabalik na dito,almost 5 years din no?haha btw wala akong dala eh napadaan lang talaga ako dito tapos nakita kita".

Nilibot nito ang mata sa loob ng shop.

"Shop ni Don Romano".Sabi ko dahil mukha di nya matandaan ang shop nato.

"Really?Wow!what a nice shop,Sht wala pa din pagbabago ang lamig pa din dito".Niyakap nito ang sarili dahil mukhang nakalongsleeve lang to na manipis.

Nasa ganon kame paguusap ng lumabas sila Mia at Austin di ko pa ito mapapansin kung di pa masayang tumungo si Mia kay Carlo.

Pinaramdam ko kay Austin ang inis ko dahil sa mga libro na nakakalat sa lamesa ng library.

Tapos na itong maglinis sa labas kaya nandito sya sa office nya nakaupo at nakapikit na.

Di ko intention talaga magdabog pero naiinis talaga ako,pagkatapos nya akong sabihan na mahal nya pa ako tinalikuran ko lang kagabi dahil nalilito ako at gulat pa rin ay naghanap na ito ng iba.

Nang sabihin nyang titigilan na nya ang pangungulit ay natakot agad ako.Baka pagsisihan ko ang pagkakataon na yun.

Kaya naman bago pa sya makaalis ay niyakap ko na sya.

Nang dampian nya ng halik ang mga labi ko ay agad napapikit ang mga mata ko.Bigla ay nagtaasan ang mga balahibo ko sa sensasyon na binibigay nito.

Akala ko ay hanggang doon na lang yun pero lumalalim ang way ng paghalik nya di man ako sanay humalik ay nadadala ako dahil sa ginagawa nya.

Gumapang na ang mga kamay nya sa likod ko,hinahagod nito iyon pabalik balik,nagbibigay yun ng sobrang kiliti sakin kaya wala ako magawa kundi ang ngumiti at matawa habang abala sya sa paghalik at pikit na pikit na ninanamnam ang mga labi ko.

"Ano ba oy!" Tawa ko dahil sa sobrang kiliti.Dumilat sya na parang lasing na lasing pa din ang mga mata.

"Panira ka naman!" Sigaw nito sakin,nagulat naman ako kaya napalayo ako kaagad.

"Bakit ako pa ang may kasalanan! ikaw itong nangingiliti!"

"Tsk!" Di na maipinta ang mukha nito sa sobrang magkalukot.Tinitigan ko ito ng masama.

"Pag nasa ganon tayong moment wag mong sisirain".Maamo nitong sabi tsaka kinuha ang kamay ko.Inakya nya ang dalawang kamay ko sa batok nya tsaka dahan dahan na naman nilapit ang mga labi sakin.Pumikit ako para di nya makita ang nananabik kong tingin.Nakahawak na ito sa bewang ko.

Habang tumatagal ay nagiinit na ang katawan ko,lumalalim na ito ng lumalalim.

Hawak hawak ni Austin ngayon ang magkabila kong pisngi,pilit na ninanamnam ang kalooban ko.

Banayag at dahan dahan ako nitong hinahawak sa anumang parte ng katawan ko.Napapatingkayad ako pag dumasapo ito sa pagupo ko.

Dahan dahan itong naglakad papunta ng mesa kung saan may iba pang librong nakapatong.

Hinawi nya ang mga libro ng di tinatanggal ang mga labi sakin.Tsaka dahan dahan akong iniupo doon.Pumwesto ito sa pagitan ng mga hita ko kaya naman sobrang lapit na talaga namin sa isat isa.

Dumako na ang isang kamay nito sa laylayan ng damit ko at ang isa ay busy na nakahawak sa isa kong pisngi para maalalayan ang paghahalikan namin.

Dinala ko ang mga kamay ko sa dibdib nya para mawala ang kaba ko pero mas lalo lang iyong nadagdagan ng maramdaman ko na ang mga kamay ni Austin sa dibdib ko.

Dahan dahan nyang tinanggal ang pagkakahalik sakin,napadilat naman ako ng dahan dahan dahil sa ginawa nya,nakatitig ito sakin habang nakangiti.

"Sa wakas ay nakaramdam din ako ng saya sa tanan ng buhay ko".Hinawakan nito ang pisngi ko,Napangiti ako dahil sa sinabi nya,isipin ko palang na masaya sya ay gumagaan na ang pakiramdaman ko lalo na kung ako ang dahilan nun.

"Sakin na to!" Pinisil nito ang dibdib ko habang nakakagat labi.Nagulat naman ako kaya napalo ko ang kamay nya at naiharang ko ang mga kamay ko sa dibdib ko.

Tinawanan nya ang reaction ko kaya naman gigil akong napatingin sa kanya.

"Kanina ko pa hawak yan,di mo dama? Tsk ganyan mo ba ako kagusto?"

"Manyak!"

Nakita ko kung paano napalitan ng pagkagulat yung itsura nya sa sinabi ko.

"Wow!"Napahawak ito sa dibdib nya na animo ay nasasaktan.Natawa naman ako dahil sa kacute-an nya.

Hinabol ko ito habang tumatawa,natatawa naman itong tumakbo,tawa ako ng tawa dahil may minsan pa ay tumama ito sa lamesa,mahihila ko na sana sya nun dahil hawak ko na ang damit nya kaso ay nakatayo na naman ito pilay pilay itong tumakbo,dahil sa itsura nya ay tawa lang ako ng tawa.

Dahil sa ginawa namin ay nauwe kame sa paghahapunan,nagluto ito kaya naman may pinagsasaluhan kame.

"Maghahanap ako ng mga bago mong makakatulong sa counter".Ani nito sa gitna ng pagkain namin.

"Why? Akala ko ba ikaw?"

"Parehas tayong napapagod,so magdadagdag tayo,ayaw na kita mapagod".Hinawakan nito ang pisngi ko kaya nginiwian ko sya.

"Hoy Mr.Samiento or whatever di ko alam totoong mong Pangalan,biglaan naman yata yan porket nagdedate tayo ngayon ay ganyan ka na pero noon ay wala kang pake kung mapagod ako."

"Bakit di mo alam ang totoo kong pangalan?First love mo ko dapat alam mo yun?"

"So? Wala naman akong pake sa pangalan mo basta ang alam ko lang Agustin Sarmiento lang name mo".Mataray kong sabi.

"Karl Agustin Pimiente ang gamit ko sa libro actually Karl Pimiente lang talaga,Ginagamit ko ang apelyido ng mama ko".

Napatingin ako ng banggitin nya ang nanay nya.

"Bakit?" Gulat nitong sabi.Umiling iling na lang ako.

"Wala,naalala ko lang birthday na ni Inay sa isang araw".Iniba ko yung usapan pero di ko akalain na yung binanggit ko ay ikinagulat ko pa."Omg muntik ko ng makalimutan!"

Natawa si Austin sa reaction ko kaya naman natawa na lang din ako.

"Okay,puntahan natin si Inay Mely at surpresahin".

Pinagpatuloy namin ang pagkain at tsaka umakyat na sa kanya kanyang kwarto.Naligo ako at nagsuot na ng pantulog.Kinuha ko ang cp ko para tawagan si Inay.

"Nay!" Bungad ko ng sagutin nya iyon.

"Oh ano ka ba bata ka,anong oras na! Kamusta ka dyan?"

"Okay lang po,ikaw kamusta ka? Magisa ka lang dyan hays!"

"Sus kung talagang nagaalala ka sakin ay sa two weeks na naglagi ka dyan ay isang beses mo lang yata ako kinamusta!" Natawa pa to sa katotohanan na yun.

Natutop ko ang bibig ko dahil sa narealize"Omg!" Tawa ko."Di ko napansin Inay sorry,busy ako sa work eh,puntahan kita sa birthday moo!".

"Loka loka ka talagang bata ka!" Tumatawa pa din ito sa kabilang linya."Busy ka sa lalaki at di sa trabaho!"

"Inay naman eh!"

"Sus! kunyare ka pa,Ano na ah may progress ba?"Bumulong pa ito na animo ay may makarinig.Natawa na lang ako.

Ganon lang kame ng Inay ko parang magkapatid lahat ng sikreto ay alam namin pero pag talaga kailangan ng privacy ay nirerespeto namin yun.Mahal na mahal ako ng nanay ko at talaga namang sobrang thankful ko dahil dun.

"Hmm..Medyo!"

"Yaaaay!" Narinig ko ang malakas na tawa nya.Nangaasar.

Natawa din ako ng malakas dahil sa kapilyahan ng nanay ko,para itong dalaga kung umasta.Maganda ang nanay ko kaya naman di halata ang edad nyang sinkwenta sa kanya,sa tabing dagat man ito nakatira ay kita kita pa din ang kinis ng balat nito.Maganda din ang mga mata nito na animo ay laging kumikislap lalo na pag nakatawa si nanay,ang ngiti nya na nakakatanggal ng pagod miski ang tawa nito ay talagang madadala ka.Bigla ay namiss kong makasama si Inay.

"I Missyou Inay!" Di ko napansin na may luha ng tumutulo sa mga mata ko.Masaya ako na kahit dalawa na lang kame ay pinapahalagahan namin ang isat isa.

"Aigoo!Imissyoutoo anak,laban lang maiuuwe mo din dito si Austin!".Pang aasar nito.

"Inay naman!".Pinunasan ko ang kaunting luha na yun.Tear of joy,dahil galak na galak akong may nanay akong katulad nya.

"Osige na at magpahinga ka na goodnight my Mikaela".

"Goodnight iloveyou".

"Iloveyoutoo"

Pinatay na din nito ang tawag ko kaya naman tinabi ko na ang cp ko sa lamesang malapit sakin.

Hihiga na ako ng may kumatok sa pinto.Pagkabukas ko ay nakita ko ang ngiting aso na si Austin may hawak ng bote ng beer.

"Anong ginagawa mo dito?"

Imbis na sagutin ako ay itinaas nito ang bote.

"No!May trabaho bukas!".Isasara ko na sana ang pinto ng pigilan nya.

"May magtetraining na counter at isang barista bukas,nakausap ko na sila thru email okay?"

"Paano? Bakit ang bilis?"

"Im famous"

"I know pero--

"Char! bawal kong gamitin ang name ko kase mahahanap ako ng bruha kong assistant".

"Oh saan mo nakuha yang training mo?"

"Nagpost ako gamit email ng goodmorning cafe then ang daming agad nag email,namili lang ako ng dalawa".Nagdere-deretso na to sa loob kaya wala akong nagawa kundi ang isara ang pinto.

Tumingin-tingin ako sa paligid baka mamaya ay may nakasabit akong panty or bra.Buti na lang malinis akong tao.Naupo ito sa sahig kaya ginaya ko sya at kinuha ang bote ng beer sa kanya.

"Anong klaseng empleyado naman nakuha mo?"

"May mga experience na yun at syempre babae".Pagmamalaki nito.

Kusang nangunot ang mga noo ko at kusang umangat ang kamay ko para paluin sya.

"Ouch!"

"Babae?huh?! Talagang babae--

Pinagpapalo ko ito kaya naman hinawakan na nito ang kamay ko dahil aamba na naman ako.

"Ano ba!?".Nakahawak na to sa ulo nya dahil tinamaan ito sa isa kong pagpalo.

"Talagang naghire ka ng mga babae para magenjoy ka no?"

"Nageenjoy na ako sayo Mikay".Malambing nitong sabi."Ang sakit ng palo mo nahilo ako,Kumuha ako ng babae dahil ayaw kong may makatabi kang lalaki sa counter,para din mabilis mong makapalagayan ng loob at tsaka ayaw kong may ibang tumitingin sayong lalaki".

Hilot-Hilot pa din nito ang ulo nya.

Nakaramdaman naman ako ng awa sa itsura nya,ako na nga iniisip nya ako na nanakit.

"Sorry".Binaba ko ang bote ko at tsaka lumapit sa kanya para yakapin,niyakap naman ako nito bigla.Kiniliti pa ako nito kaya nauwe na naman kame sa pagtatawanan.

Sobrang gaan ng pakiramdaman ko dahil nailabas ko na ang lahat ng bumabagabag sakin sa loob ng ilang araw mula ng bumalik si Austin.

Pagtatanong,pagkalito at pangamba ay nasagot na dahil nasa tabi ko ang lalaking kasagutan doon.

Napatingin ako kay Austin habang nakangiti nakahinga ito sa hita ko habang nakapikit.Ako eto inuubos ang matitirang laman ng bote ko dahil pang ilan na namin to.

"Are you happy?".Bigla ay tanong ni Austin kahit nakapikit ito.

"Oo naman,ikaw?".Inilagay ko ang kamay ko sa ulo nya para paglaruan ng mga buhok nya.

"To be honest,ngayon lang ako nakaramdam ng real happiness".Nakangiti ito habang sinasabi yun tsaka ito dumilat dumapo agad ang tingin nito sa mga mata ko na nakatingin din sa kanya.

"Really?Paano mo namam na real happiness to?"

"Dahil tumatawa man ako dati pero parang walang saya sa dibdib ko,walang kaba or nothing special basta pag masaya ka kase mararamdaman mong may kakaiba sa dibdib mo na hindi mo maipaliwanag sa isang words lang gets moba?"

Tumango tango ako.

"Basta masaya ako alam ko yun".Tumawa ito dahil sa pinagsasabi nya kaya natawa na lang din ako .

"Ang totoong kasiyahan ay ang pagpapatawad,pag napatawad mo na lahat ng may kasalanan sayo or napatawad ka ng taong pinagkasala mo".Ang pinupunto ko ay ang mga gumawa ng kalungkutan nya.

"Im happy dahil napatawad mo ko".

"Paano yung taong nagkasala sayo?"

" Maybe someday".

Di na ako nagsalita,gusto ko sana magtanong about his family pero mukhang sensitive pa din sya pagdating dun.

"Ang sabi ng mama ko pag nahanap mo ang real happiness mo ay doon lang totoong mabubuo ang pagkatao mo".

"Did you miss your mom?"

Tumingin ito sakin,malungkot ang mga mata nito at animoy iiyak na.Tumayo ito sa pagkakahiga sakin at hinarap ako.

"Ofcourse!"Kinuha nito ang beer na hawak ko tsaka nilagok iyon.

Alam kong masakit sa kanya ang banggitin ang mommy nya,nasaksihan ko kung paano sya umiyak habang napapanaginipan ito.

Hinawakan ko ang mga kamay nito."Puntahan mo ang mommy mo".Nginitian ko ito para makombinsi sya.

Umiling lang to."No,Im not yet ready".Pinisil nito ang kamay ko at tsaka hinalikan yun.

"Okay pag ready ka na papayagan kitang pumunta ng maynila".

"No! Lets go together,papakilala kita sa kanya".

Napangiti na lang ako sa sinabi nya tsaka ko sya niyakap.