Inabot na kame ng alas sais pasara palang kame,alam kong wala ng bus pero ayaw ko pa din isipin na dito ako matutulog sa cafe.
Tiningnan ko si Austin na busy sa tinatype sa laptop nya.
Sumusulat pa din ba sya? akala ko ba nag quit na sya.
"Mikaela"
"P-po?" Nagugulat kong tanong,di pa din kase maalis sa isip ko na tinawag nya akong sweetie kanina.
Tumingin ito sakin tsaka ako pinagkatitigan.Nagugulat ko pa din itong tiningnan.
"Bakit goodmorning cafe ang pangalan nito? Pero inaabot ng gabi?" Inilibot nya ang paningin sa kabuuan ng shop.Di ko alam kung sarcasm ba yun o curious lang sya.
"Uhh-mm" Nagisip ako kung paano ko ba ipapaliwanag sa kanya yun.
"Pagkakaalam ko ay...dahil mula umaga hanggang gabi malamig sa lugar na to,kaya goodmorning dahil parang di nagbabago ang panahon parang laging umaga".
Tumango tango lang sya tsaka marahil nagtype sa laptop.
"Can I borrow your phone?"
"Huh?"
"Bakit ba lagi kang nagugulat pag tinatanong kita?Di ka ba makapaniwala na kausap mo ko ngayon?Ang first love mo?"
Tiningnan ko to na para bang di makapaniwala dahil sinabi nya yun na parang wala lang sa kanya ang naging relasyon namin,oo bata pa kame nun pero love yung sure ako love yun for me...
"Bakit wala ka bang phone?" Pinigilan kong sagutin yung huling tanong nya dahil sa punto na yun ay ayaw na ayaw ko ng pagusapan pa marahil dahil alam kong wala na sa kanya yun.
"I throw it"
"Hmm okay" Yun lang tsaka ko inabot ang phone ko.May tinawagan sya dun kaya naman iniiwasan kong makinig.
Naiinis kong inayos ang mga gamit,pagkatapos ay sinara ko na ang mga bintana,madilim ng talaga sa labas.
Pumunta ako sa cr para makapagayos na nang may maabutan pa ako kahit tricycle lang.
"Thankyou" Inabot nya sakin ang phone ko tsaka bumalik sa pwesto nya para ayusin din ang mga gamit nya.
Kinuha ko na ang bag ko tsaka ko sinilid lahat mga gamit.
"Alis na ako"
"Wala ng bus,wala ka ng masasakyan,stay here"
"No,bye"
"Pero wala ka na ngang masasakyan"
"Wala ka ng pake dun"
"Bakit ba naiilang ka sakin?"
What? Talagang tinatanong nya ako ah!
"Bakit naman ako maiilang sayo?"
Umiling muna sya kaya naman napakunot ang noo ko,gusto ko syang tarayan.
Kinuha ko na ang payong ko tsaka lalabas na sana ng may humawak sa braso ko.
"Wala ka na kaseng masasakyan umuulan pa,di ka din makakapaglakad dahil napakalayo"
Nakita ko sa mga mata nya ang concern habang sinasabi yun.
"Okay".
Naglakad na ako paakyat ng hagdan tsaka pumasok ng kwarto,bilis bilis ko itong sinara tsaka doon huminga ng malalim.
Kinuha ko ang phone ko tsaka pumwesto sa kama at tinawagan si nanay.
"Nay"
"Oh anak umuulan dito,malakas ba ulan dyan?"
"Opo nay,tas anong oras na nakapagsara dahil sa dami ng costumer".
"Magstay ka na dyan,may kasama ka naman"
Napapikit ako dahil sa sinabi ni nanay,halata kase ang pangaasar nya.
"Nay!"
"Oh anong masama sa sinabi ko sige na at matutulog na ako,behave ah"
Magsasalita na ako ng patayan ako nito ng phone.
Aba at talaga naman oh! Binaba ko na ang phone ko tsaka ko sinilip ang bag ko kung matino ba ang nadala kong damit.Inisip ko na yun na ang susuotin ko ngayon gabi,pero naisip ko din na wala akong susuotin na damit bukas ng umaga.
Napagdisisyunan ko na kung ano ang suot ko ay yun na lang ang ipantutulog ko.
Magtatanggal na ako ng sapatos ko ng bigla ay tumunog ang cp ko.
"Hello?"
"Mr.Karl?"
"Sino po sila?...Sino po si Mr. Karl?"
Mukhang wrong number ang natawagan nito.
"Hmm.Mr karl Agustin Pimiente po maam,eto po kase yung pinantawag nya kanina"
"Ahh okay wait lang po"
Lumabas ako ng kwarto at tsaka sinilip si Austin sa baba pero wala na akong nakita doon. Pagakyat palang ng hagdan ay doon na ang kwarto ko then next nun at kay austin na.
Naglakad ako papunta doon tsaka kumatok nakakaisang katok palang ako ay bumukas na to.Bumukad saakin ang bagong paligo na si austin.
Wow ang lamig nakaligo sya ah? Nakasimpleng Navy blue tshirt ito at tsaka simple short maong.
"What?"
Imbis na sumagot ay binigay ko sa kanya ang cp,tiningnan nya muna ito bago kuhanin.Nang magsalita sya ay tsaka ako pumasok ng kwarto ko,ang epic naman kung papakinggan ko pa yun.
"Karl Agustin Pimiente? Yun pala ang name nya,ang akala ko ay Agustin Sarmiento ang name nya kaya pala di ko mahanap sa internet" bulong ko sa sarili ko at tsaka inayos na ang hihigaan ko.
May kumatok kaya naman napatayo kaagad ako tsaka ko binuksan yun.
"Thanks"
Kukunin ko na ang cp ko ng bigla nya iniwas yun.Nalilito ko syang tiningnan.
"Wala kang dalang damit? Ganyan ka matutulog?"
Napatingin ako sa suot kong maong pant at tsaka colar tshirt na damit.
"What? Anong masama dito?" Nakataray ko ng sagot.Pati suot ko ay pinapakielamanan.
"Wait for me"
Lumakad ito papuntang kwarto nya,wala akong magawa kundi ang maghintay ,Ilang taon ko na ba syang hinihintay? Natawa ako sa sarili ko ng maisip yun,Ang tanga ko.
Nagulat pa ako ng bigla ay sumulpot sya sa harap ko habang nakasandal ako sa nakabukas na pinto at nakacross pa ang kamay habang nagiisip.
"Here, suot mo yan para maging komportable ka then ito ang phone mo,bumaba ka na din dahil kakain tayo"
Lumakad na to pababa ng hagdan at iniwan akong tulala.
Bigla bigla ay sinara ko ang pinto at iiling iling sa sarili dahil nawawala na naman ako.
Tiningnan ko ang blue longsleeve mukha malaki to sakin at sweatpants na hawak ko.Iniisip ko kung ano magiging itsura ko doon.
Kinuha ko ang extra leggings ko at yun ang napagdisisyunan kong suotin dahil mas babagay yun kasya sa sweatpants dahil lalamunin nun ang hita ko tas sinama mo pa ang long sleeve,para akong tanga.
Nilabhan ko na lang ang maong pants ko para masuot ko pa bukas.Nagpapasalamat ako sa sarili ko ang hilig kong magdala ng extra underwear.
Pagbaba ko ay dala dala ko ang pants nya,nakita ko syang nagsasalin na ng niluto nya,may mini kitchen sa isang bahagi ng shop kaya naman pwede talagang magluto,sinadyang gawin yun dahil dito namamalagi madalas si Don Romano nung sya pa ang nagaasikaso dito.
"Thanks" Sambit ko ng maghila sya ng bangko for me.Inabot ko naman ang pants nya at sinabing di kasya sakin.
Habang kumakain kame ay tahimik lang kame,Ngayon ko masasabing naiilang na talaga ako ng sobra.Ayokong maging awkward yung itsura ko pero di ko sure kung ganon na nga ang tingin nya.
"Have you been well?" Bigla ay tanong.
"Uhh,Yeah"
"Thats good"
"Bakit ka bumalik?" Nagulat pa ako ng bigla ay lumabas yun sa bibig ko.
Halatang nagulat din sya sa tanong ko kaya napayuko na din ako,gusto ko din talaga malaman ang sagot nya kaya naman hinintay ko na lang na magsalita sya ulit kesa tingnan pa sya ulit.
"Dahil mahal ko ang lugar na to"
Napaangat ako ng tingin sa kanya habang may noodles pa sa labi ko,mahaba yun kaya inuunti unti ko hinihigop,nang magtama ang tingin namin ay nahigop ko yun ng biglaan.
"You know ,love never ending" Yumuko ito para sumubo ng pagkain nya pagkatapos sabihin yun,ako naman ay bumabagal ang pagnguya ko dahil sa sinabi nya.
Mahal nya ang lugar namin kaya nya binabalikan?So yung relasyon namin hindi talaga love yun kaya kakalimutan na lang?
Double meaning para sakin ang sinabi nya.
Ayoko sana maapektuhan ng nakaraan namin,pero im deeply inlove that time talaga,talagang una palang ay nahulog na ako sa kanya kaya naman hanggang ngayon nagrerewind pa din lahat yun.
Di na ako sumagot dahil yun lang naman ang kailangan kong malaman kung bakit sya bumalik,di ko naman hinihiling o inaasam na nandoon ako sa dahilan nya dahil halos 10 taon na din ang nakakaraan sinong tanga ang magsstay sa nakaraan kung pwede naman yun kalimutan at palitan tsaka ang katotohanang di naman love yun ay mas madaling kalimutan.Ako lang tong tanga!
"Thankyou sa noodles" Tumango lang ito at naglakad na ako paakyat,bumuntong hininga ako pagkapasok ng kwarto dahil feel ko ang bigat ng nararamdaman ko,dapat ay iwasan kong maapektuhan dahil ang tagal na nun tsaka mga bata palang kame ng mangyare yun,siguro nga nakalimutan na nya na nagkarelasyon kame nun kaya ganito ang trato nya sakin,parang walang nangyare tsaka two months lang nagtagal yun tfck! Ang tanga tanga ko!
Nagtoothbrush lang ako at ginawa ang akin care ko ay natulog na ako.
Nang magising ako kinabukasan ay di ko nakita si Austin,binuksan ko na ang shop at tsaka nagsimula ng magayos.
Bandang 10:00am ay medyo madami na ang costumer,umuulan ulan pa din,pinapalabo pa din ng mga fogs ang kapaligiran.
Abala ako sa paggawa ng kape ng bigla ay may bumukas ng pinto at may pumasok na tatlong lalaki may bitbit itong malaking stante na nakapatong pa
sa balikat nila.
"P-para saan po yan?" tanong ko sa isang lalaki ng maibaba nila ito sa bakanteng parte ng cafe.
"Ah pinagawa po ni Sir Karl"
Napalingon ako sa pinto ng pumasok si Austin na nakangiti.
"Salamat sa pagdala" Nakangiti at kinamayan nito ang tatlo bago ito pinayagang lumabas.
Sinipat nito ang space para tiyakin kung maganda ba tingnan.
"Bat ka naglalagay ng ganyan?"
Napatingin to sakin."Hmm... Maglalagay ako ng mga libro"
"Talaga?"
"Hmm"
"Mukhang dadami pa ang costumer natin sa idea mo"
"Hmm costumer natin". Nakangiti nitong ani at tsaka lumakad na para ayusin pa ang isang estante.
May mali ba sa sinabi ko?
Pinagpatuloy ko na lang ang pagaasikaso sa nga costumer ko habang sya ay abala sya mga ginagawa nya sa laptop nya.
"Mga damit mo oh!" Nagulat pa ako ng bigla ay may magsalita sa tabi ko. Inaabot nya sakin ang isang malaking bag na itim.
"Ano to?"
"Pinadala ng Nanay mo".Sagot nya habang nagtitimpla ng sariling kape. "Sabi nya delikado magpabalik balik kaya dito ka muna mamalagi at bumalik ka na lang pag okay na ang panahon".
"Sinabi nya yun!?" Di ako makapaniwala na sinabi ni Inay yun,Samantalang nagaalala pa yun pag di ako nakikita,nagtataka na ako nung mula ng magtrabaho ako dito ay parang di na nya ako kinakamusta.At parang atat na atat pa sya na makapunta ako dito minsan.
Nagkibit balikat lang si Austin habang nakangiti."Sabi nya pa ay ako naman ang kasama mo,may tiwala daw sya sakin,thats why i miss Aling Mely" Naglakad to papunta sa dati nyang pwesto.
Naiwan akong nagugulat dahil sa kanya.
Nang mag 5 na ay pinasara na ni Austin ang cafe sobrang lakas na ng ulan halos di na makita ang daan.
Grabe ang panahon ngayon kesa nung mga nakaraang taon.
Nakapagayos na ako ng sarili ng makababa ako,nakasuot ako ng longasleeve kong light brown at black sweatpant.
"Buti sanay kang magluto".Bungad ko dahil nakita ko syang nakatalikod sa gawi ko.
"Ah yeah! Dahil magisa lang ako sa condo ko ayaw ko kaseng laging nasa tabi ko ang assistant ko haha"
Inihain nya ang mga niluto nya.Bulalo buto-buto.Nanakam kaagad ako kaya naman napakagat ako ng labi.
"Masarap?" Tanong kaagad nya habang nakatingin sakin.
"Di ko pa natitikman".Simpleng sagot ko."Wait".
"Sa tingin mo masarap?"
"Ofcourse haha titikman ko na nga e"
Tinikman ko yun at talagang nanlaki ang mata ko sa sarap nun.
"Wow! It really nice! Ang saraaap!".Nagsalin kaagad ako sa mangkok ko para matikman na yun ng maayos.
Napatigil ako sa pagkain ng mapatingin kay Austin.
"What?".Naiilang ko tanong.Nawala tuloy yung excite kong kumain.
"Nothing,Sige kain pa ang sarap mong tingnan kumain ,nakakabusog"
"What!?"
"Nothing,Kumain ka na"
Kumain ako,kinakabahan ako dahil parang may butterfly na gumagalaw sa lalamunan ko,wala naman syang sinabing iba talaga masama lang ang iniisip ko.
Nagulat ako ng bigla ay hinawakan nya ang baba ko,kaya naman dahan dahan akong mapatingin sa kanya.
Pinunasan nya ang gilid ng labi mo pababa ng baba ko dahil may tumulo doon na sabaw pero di ko man lang naramdaman dahil busy ako kakaisip sa butterfly sa lalamunan ko!
"Clumsy"
Naginit ang mukha ko,ramdam ko yun,kaya naman napayuko,di ko na alam kung paano pa ipagpapatuloy yung pagkain ko.
"But you are still beautiful"