Nang matapos ang paguusap namin ni Mia ay hinatid ko na sya palabas ng shop.
Sinundo ko sya dahil kinakailangan ko ng makukuhanan ng maayos at magagandang cake,nirekomenda sakin ni Don Romano si Mia ng gabing magpunta ako doon, dahil may bakery shop ito sa kalapit na lugar at talaga namang patok na patok yun at ng tingnan ko ay pasado ito sa panlasa ko.
Kaya kinabukasan ay maaga ko to sinundo dahil nang makauwe ako ay nakausap na ito ni Don at pumayag ito.
"Bakit di mo dinala ang kape ni Mia sa loob ng library?"
"Busy kayo,kaya di na ako nang-abala pa at mukhang nakalimutan na nya na may kape sya"
"Customer sya dapat ay inaasikaso mo din sya".
Tiningnan ako nito ng masama.Kaya gulat akong napatingin pa lalo sa kanya.
Sino na talaga ang boss ah?
Tumikhim ako tsaka naglakad na lang papasok ulit ng library.
Nagselos pa.
Napapangiti ako habang umuupo sa harap ng laptop ko at tsaka ko pinaikot ikot ang katawan ko sa upuan ko.Natutuwa ako pag nagrereplay sa isip ko ang nagseselos nyang mukha.
Mula ng makasama ko si Mikay dito sa shop ay unti unti kong naalala kung paano nya ako ituring dati ,kung paano ay ginagawa nya ang lahat para makalimutan ko ang iniwang lungkot sakin ng mga magulang ko,ginawa nya lahat para mapasaya ako.
Nawala ang ngiti ko ng maalala kung paano ay di ko sya naalala ng kuhanin ako ng tiyuhin ko.Ayaw kong sumama noon pero ayaw ko din magkaproblema sakin ang Don dahil aabot daw sa korte kung di ako papayag,dinadahilan nila sakin na buhay pa ang tatay ko kaya mas mainam nasa puder nila ako.Nang makaalis ako ay di ko magawang magpaalam kay Mikay dahil puno ng lungkot at pagiyak ang kalooban ko.
Nang makarating ako sa Maynila ay pinagaral nila ako,Ni hindi ko man lang nasulatan si Mikay dahil sa kawalan ng oras ko sa pagiisip kung paano makakatakas sa panggugulo ng mga tao sakin.
Nang mawala ako higit sa tatlong taon dahil namalagi ako sa probinsya ng isa kong tiyuhin pero di ako tinrato ng maayos doon ginawa nila akong katulong at api api.
Nang bumalik ako sa Maynila ay naging busy ako sa pagsusulat ng kung ano-ano para magkaroon ng pera, akala ko ay sasaya na ako sa ganon bagay dahil batid kong nakalimutan na ng mga tao sa maynila ang katauhan ko,Iniba ko ang pangalan ko sa libro,Karl Pimiente ang gamit ko,nagbago na din naman ang itsura ko dahil sa binata na ako, pero kulang na kulang pa din.Hanggang sa magsawa at tuluyan na akong nawalan ng pagasang sumaya.
Pero ngayon eto at nagagawa ko ulit ngumiti kahit pa may problema ako.Ang problema ko lang na nadagdag sakin ay kung paano suyuin si Mikay at kung paano ko sisimulan ang paghingi ng tawad.
Pinagluluto ko sya,isa yun sa mga naisip ko,common na common man ay naisip ko din na panimula yun para magkalapit kame at magkaroon ng pagkakataon magsalita.
Isang beses kong tinry iopen ang nakaraan pero natakot ako ng makita ang ekspresyon nya.Kaya medyo dumidistansya ako dahil baka mapikon sya at iwan nya ako dito sa cafè.
Kinausap ko si Aling Mely na kung maari ay doon muna si Mikay sa shop mamalagi sapagkat ayaw ko syang magpabalik balik,nagpapasalamat naman ako at pumayag sya miski si Don ay pumayag dahil sinabi kong gusto kong maging maayos kame at mapagusapan ang nagawa kong pagkakamali.
Alam kong mahirap ng maibalik yung dati at maiintindihan ko kung di nya maiintindihan ang dahilan ko.Bata pa ako nun at ang nais ko lang ay matupad ang pangarap ko na mabuo pa ang pamilya namin.Pero narealize ko na lang na hindi na mangyayare yun ng magkaisip na ako.Ngayon ay nagsisisi ako kung bakit ko ba iniwan ang lugar kung saan naghihilom ang sugat ko.
May sinulat akong novela tungkol kung paano ay tumatakas ako sa pagkawasak at naghahanap ng lugar kung saan ay kakayanin maghilom ang sugat na yun.Gusto kong gawan ng happy ending yung novela ko ngunit di ko malaman kung paano at kung saan kukuha ng happy ending.Ang libro na yun ay pinamagatan kong "Ang Paglalakbay pagkatapos ng Pagkabigo".Pinangako ko sa sarili ko na huling novela na iyon na isusulat ko ngunit eto at tumakas na naman ako sa lugar kung saan unti unti na namang hinihiwa ang pagkatao ko at naglakbay ako na naman ako kaya di ko masisiguro kung may happy ending pa itong ginagawa ko.
Bumaba ako ng kwarto para kumuha ng tubig,ilang araw na akong inaatake ng insomia at depression kaya ilang araw na din akong di kompleto ang tulog,may iniinom din akong gamot para kahit papaano ang kumalma ang utak ko at makatulog.
Ngunit ganon na lang ang pagkagulat ko ng bigla ay lumabas si Mikay sa library at umiiyak itong naglalakad, Nang mapansin ako noto ay bigla bigla itong tumakbo papunta sa akin.
"What happened?" Nagaalala agad ako sa inasta nya.
"Im sorry" Humihikbing ani nito.
"Sorry saan?" Nagaalala ko pa din na tanong,naibaba ko na ang baso na hawak ko at inilagay ang kamay sa likod nya para aluin ito.
"Dahil wala ako nung hinaharap mo ang napakalungkot mong buhay" Humahagulgol nyang sabi.
"Di mo kailangang magsorry sakin dahil wala kang kasalanan sa lahat ng nangyayare sakin,Hey! whats wrong?"
Di ko na malaman ang gagawin dahil lumakas ng lumakas ang iyak nya.
"Nabasa ko ang novela mo,di mo man ilagay ang pangalan mo dun ay alam kong buhay mo ang ikinukwento mo dun"Umiiyak na ani nito.
Napabuntong hininga ako,iniisip kung paano ay nahanap nya ang libro na yun,nagiisang copy palang yun dahil ayun dapat ang ipapublish ko this season kaso ay di ko magawa dahil gusto kong lagyan ng happy ending man lang kahit na gawa gawa ko lang kaso ay naging duwag na naman ako at tinalikuran ito .
"All this time puro sarili ko lang iniisip,kesyo iniwan mo ko dahil di ako mahalaga sayo,na iniisip ko na baka nga di mo lang ako mahal,na ang selfish mo dahil wala ako sa priority mo samantala ako ikaw ang priority ko di ko man lang naisip na,Nawalan ka ng magulang,nawala ang mama mo,lahat ng tao hinuhusgahan ang tatay mo at pinapasa sayo ang panghuhusga na yun,lahat binubully ka sa school dahil criminal ang tatay mo,nanirahan ka sa bundok dahil walang taong tunay sayo kaso ay hanggang doon ay di ka pa din pinanigan ng mundo,im sorry ,im sorry!"
"Shh tumahan ka na pls, Ayokong umiiyak ka dahil lang sa nabasa mo,hindi lahat ng nakalagay dun ay totoo kaya tumahan ka na".
Sinabi ko na lang yun para tumahan sya.Nang banggitin nya ang pagtira ko sa bundok ay nanariwa na naman sakin ang pangyayari doon.
Tumakas ako sa bahay ng tiyo ko dahil lahat ng tao sa lugar na yun ay pinagchichismisan ako,kesyo magiging katulad ako ng tatay ko,miski sa school ay pinaguusapan nila ako.Sa manila ako pinanganak kaya naman naging kilala ako sa school dahil sa nangyare na yun.
Silya,locker,sapatos ko,miski ang dinaraanan ko ay may nangyayare sakin,nung una kinakaya ko pa,ngunit di ko na talaga matagalan.
Lalo na ng pasistensyahan na ang tatay ko ng pagkakakulong mas lalo akong nawalan ng pagasa sa sarili ko,tinangka kong magpakamatay ngunit iniisip ko ang pangako ko sa nanay ko na magiging magaling na manunulat ako kagaya nila ni tatay.
Nagpunta ako sa pinakamalayong bundok na alam ko,nanirahan ako doon ng halos isang buwan ,akala ko ay okay na wala ng gugulo pa sakin,ngunit bigla ay bumagyo,lahat ng gamit ko basa miski ako ay basang basa na,wala akong masilungan at di ako makaalis dahil sa lakas ng ulan,nagpasalamat pa ako ng may tumulong sakin isang matandang lalaki,ngunit ng gumising ako sa isang kubo ay wala na ang mga gamit ko at pera.
Humiwalay sakin si Mikay tsaka nya pinunasan ang mga luha nya.Maglalakad na sya paakyat ng hawakan ko ang braso nya.
"Sorry".Halos di ko mailabas ang mga salita na yun dahil sa kaba ko.
Tumingin ito sakin ng may namumugto ng mga mata.Tsaka mabilis ay binigyan nya ako ng halik sa labi.Nung una ay nagulat pa ako ngunit kalaunan ay nakasabay din ako sa kanya.
Di ko alam kung paanong bibitawan ang lumalawak na naming paghahalikan,nakahawak na ako sa dalawang pisngi nya at sya naman ay nasa likod ko na ang mga kamay.Ninanamnam ko ang lambot at tamis ng mga halik nya ng bigla ay maramdaman ko na ang mga dila nya na pilit pumapasok sakin.Hinayaan ko lang sya sa kaya nyang gawin.
Saan naman nya kaya natutunan to,diba dapat ay ako ang gumagalaw!
Nang di na makayanan ay bigla na lang kumalas ng halik si Mikay sa sakin.Buong katawan ko ay nagiinit na ngunit ng makita ko ang napakamulang mukha ni Mikay ay wala akong magawa kundi ang mangiti.Nakita kong nahiya ito at itinago ang mukha.Hinila ko na lang ito at tsaka niyakap.
"Di ko alam na kaya mo pala yun?"
"Huh?" Patay bata na sagot nito.
"Sobrang galing mong humalik".Nang aasar na tono ko.
"Tsk! Di na pinagaaralan yun kusang nagagawa yun".
Tumango tango naman ako na parang nabibilib.
"Dyan ka na nga!" Pinalo pa nito ang dibdib ko.Halatang nahihiya ito sa mga pinaggagawa nya.
Nang tatalikod na ito ay napahinto ulit ito at tiningnan ang baso at lalagyan ng gamot na nasa lamesa.
Kinuha nito ang gamot at tsaka binasa,babawiin ko na sana sa kanya ng bigla ay ilayo nya sakin to.
"Bakit ka umiinom neto?" Nagtatakang tanong neto.
"Hmm.Gusto kong makatulog..."
"Di pantulog to Austin!"
"Alam mo kung ano yan?" Kunyare ay tanong ko tsaka dahan dahan kinuha sa kanya ang bote ng gamot.Binigay naman nya sakin yun.
"Yes! Ganyan ang gamot ni Don para sa depression at anxiety nya!" Nakita ko ang lungkot sa mga mata nya.
"Si Don Romano?"
Tumango tango ito."Si nanay ang nagpapainom sa kanya lagi ng mga gamot na yan kaya alam ko,mula daw ng kuhanin ka ng mga kapatid ng papa mo ay lagi ng tulala si Don ikaw lagi ang iniisip nya naging maayos na lang sya ng nagkakaroon na sya ng balita sayo".
Nawala ang kaninang umaalon kong dibdib,napalitan na naman yun ng mabigat at halos di makahinga.
"Mahal na mahal ka ng Don,Sa layo ng Marayat sa Maynila ay di nya alam kung paano ikaw pupuntahan,iniintindi pa nya ang kalagayan at katandaan nya".
Niyakap ako ni Mikay ng di ako magsalita.
"At alam kong mahal na mahal mo din sya,kaya ka ngs bumalik diba? para sa kanya".
Doon ko ulit naisip kung bakit ba ako bumalik,bumalik ako para sa sarili ko,umalis ako sa marayat noon dahil para sa sarili ko lang.Doon ko napagtanto na anh selfish selfish ko nga.Nandito na ang mga taong kailangan ko ay lumalayo pa ako para hanapin yun.
Kinabukasan ay nagtungo ako ng Guest house para kamustahin si Don.
"Anak!".
"Papa".Nagulat ito ng tawagin ko syang papa mangiyak iyak ito ng maglakad sakin,dahan dahan lang ang paglakad nya kaya naman kumilos na ako.
"Ikaw talagang bata ka kay aga aga ay ginugulat mo ko,sabihin mo nga yung huling sinabi mo anak".Nakangiti nito ani.
"Papa".Nakangiti kong pagsunod sa kanya habang hawak ang magkabila nyang braso.
"Salamat anak".Niyakap ko na lang sya tsaka ko sya giniya papaupong muli dahil ayaw ko syang mapagod pa.
"Ako po ang dapat na nagpapasalamat sayo papa,dahil lubos mo kong minamahal".
"Syempre at anak kita".
Nginitian ko ito at tsaka tumayo para pagtimpla ito ng kape.
"Kamusta ang Shop mo Austin?"
"Shop ko?Shop nyo yun".Nakangiti kong sabi.
Natawa ito sa tono ng boses ko."Shop mo na yun anak,ayaw ko na umalis ka muli kaya bibigyan kita ng pagkakaabalahan".
"Papa,Di naman na po kailangan di na po ako aalis".
Binigay ko sa kanya ang kape at tsaka naupo sa harap nya.
"Don,eto na ang tinapay--
Napalingon ako sa pinto ng may nagmamadali na pumasok.Si Aling Mely.
"Oh! Austin! ang aga mo anak".
Napangiti ako ng marinig ko din ang anak dito.
"Maaga po kase magbubukas ang shop maaga akong pumunta para pagbalik ko matulungan ko si Mikay".
"Aba at kamusta naman ang anak ko di naman ba kayo lagi nagaaway?" Naupo na ito at tsaka nilapag sa lamesa ang mga tinapay.
Napayuko ako dahil naalala ko ang paghahalikan namin ni Mikay at paggalaw ni Mikay sa harap ko ay nagpainit ng mukha ko.Mas magaling pa kase itong humalik kesa sa sakin.
Nakita kong nakatingin si Don at Aling Mely sa akin naghihintay ng sagot.
"Hmmm...Syempre po..anoo..di po kame nagaaway behave naman po sya hehe" Di ko alam kung naconvince ko sila sa sinabi ko dahil sabay pa silang tumango tango habang nakatingin pa din sakin.
"Mabuti,mabuti" Ani Don at tsaka humigop ng kape.
"Pulang pula ang mukha mo Austin ano ang nangyare?" Ani aling Mely napatakip naman ako sa mukha ko.
"W-wala po".Tumango tango na naman ito.
Tsk.Nakakahiya ang ganitong sitwasyon!
Nang matapos ang kwentuhan ay nagpaalam na din ako sapagkat baka nakabukas na ang shop.
Nang makarating ako ay kanailangan ko ng payong dahil ang lakas ng ulan sa Julo.Kaso ay wala akong dala.Kanina lang pagalis ko ay umaambon lang.
Mula sa parking lot malapit sa shop ay tinakbo ko ito hanggang sa makapasok ako sa shop.Busy si Mikay sa costumer kaya naman nagdere-deretso ako paakyat ng kwarto ko.
Nang makaligo at bumaba ulit ay nagtungo ako sa kusina, may almusal doon kaya naman napatingin ako sa bintana kung saan ay masisilip ko ang busy na si Mikay.
"Nagabala pa ang misis ko".Natawa ako ng mabanggit ko ang misis.Nakakakilig pala pakinggan yun.