Chereads / When i become your Happiness / Chapter 8 - Ch.08-Austin Pov: A little flashback

Chapter 8 - Ch.08-Austin Pov: A little flashback

"SAAN ka galing?" Bungad sakin ni Mikay ng tabihan ko sya sa counter.Nakangiti nyang inaabot sa costumer ang order nito.

"Sa Guesthouse kinamusta ko ang papa ko".Nakangiti ko din sagot.Lumingon ito sakin tsaka nginitian ako.

"Papa na ang tawag mo ah!" Nangaasar ang tono nito.

"At papa na din ang itatawag mo sa kanya".Nawala ang ngiti nito sa labi nya kaya naman nagaya ako.

"Whats wrong again?"

"Di pa tayo naguusap tungkol satin ay papa na agad ang itatawag ko? Ganyan ka ba katiwala sa sarili mo?"

Imbis na malungkot sa sinabi nya ay napangiti ako.

"Well,Im not sure!"

Nakita ko kung paano ay gumuhit ang ngiti nya sa labi nya.

"Tama! Di ka naman ganon kagwapo tse!"

Tumalikod ito tsaka inasikaso ang susunod na costumer natawa na lang ako sa pwesto ko dahil sa kacute-an nya.

"Bukas ilalabas na natin ang new menu natin so be ready".

"Wait! Akala ko ba bago ilabas yan ay may katulong na ako sa counter?"

"Me".

Bigla ay napalingon sya agad sakin habang inaabot na naman ang kape sa costumer kaya naman lumapit ako para tulungan sya iaabot lahat yun.

"Paanong ikaw?"

"Me,ako! Ako ang tutulong sayo para lagi tayong magkatabi".

Nakagat ko ang labi ko ng sabihin yun,ganito kase ang nababasa ko sa mga romance novel.

"Magtrabaho ka nga".

Nang tumunog ang telepono ay mabilis na sinagot iyon ni Mikay.

"Hello! Goodafternoon to Goodmorning cafè!"

Natawa ako dahil ang oa pakinggan nong sinabi nya.

"Kaso ay nawala yun ng masama akong tingnan nito.

"What?" Bulong ko dito.

Imbis na sagutin ako ay padabog nyang inabot sakin ang telepono.

Ano na naman ang kasalanan ko?

"Hello?" Tanong ko sa kabilang linya.

"Hey! Austin pwede ka bang pumunta dito para matikman mo yung cake na ginawa ko for your new menu tommorrow!"

Napakamot ako sa ulo ko."Hmm... busy kase yung shop ko ngayon pwede mo bang ipadeliver na lang?"

"Oh ganon ba? nandyan naman si Mikay diba?"

"Oo kaso kase madami ngayong costumer eh".

"Okay nexttime na lang! padeliver ko na lang to para patikman mo".

"Okay thankyou".

Nang bumalik na ako sa dating pwesto ko ay di na ako pinapansin ni Mikay,magkasalubong na din ang noo nito.

Nung mga bata kame ang magkaibigan sila ni Mia Naalala ko pa yun,pero sabi ni Mia ay bigla na lang daw nawala yung pagkakaibigan nila.Oo daw at naguusap sila pero di na daw kagaya ng dati na dikit na dikit sila.

"Aalis ka? Okay bye!"

Nilagpasan ako nito para kumuha ng mga cup sa cabinet.

"Wait hey! Di ako aalis".

"Ay bakit?" Labas sa ilong na ani nito.

Alam ko na kung bakit bigla ay nagbago ang ugali nito kahapon at ngayon.Nagseselos.

"Ayaw kitang iwan dito".

"Sanay naman na ako".

"Hey!" Habol ko ulit dito ng bumalik na to sa counter.

"Pwede ba nagtatrabaho ako,kung di mo ko tutulungan ay pwede ka ng pumunta sa office mo".

"Sorry!" Nanahimik na lang ako at tsaka tinulungan sya sa pagaasikaso ng mga costumer.

Napakaselosa naman talaga.

Nang matapos na ang ship na yun ay maaga kameng nagsara dahil napakalakas ng hangin sa labas at may mga tinatagay na to buti na lang at nakarating na ang cake na pinadala ni Mia nang mangyare yun.

Nakaupo si Mikay habang nakataas ang dalawang paa sa upuan ang malaki nitong jacket ang nagbabalot sa magkatabi nyang tuhod ,balot na balot to dahil ginaw na ginaw na.

"Lagi bang ganito ang panahon dito?" Tanong ko habang inaabot sa kanya ang ginawa kong kape.

"Hindi naman,mas malala yung ngayon kesa sa mga nakaraang taon". Hinipan nito ang kape tsaka marahil humigop dito.Naupo naman ako sa tabi habang tinititigan ang nakatulala nyang mukha.

Napapngiti ako ng tumingin ito sakin tsaka ako tinarayan."Iniisip ko ang nanay ko,baka mamaya ay nilalamig na to wala ako doon para kumutan sya".

Napatingin ako sa kamay ko na nakahawak din sa tasa ko para makakuha ng init doon.

"Ang sabi ni Don ay nasa bahay nya ang lahat ng nagapamahala nya sa Guesthouse".

"Talaga? Bakit ba kase di ako tinatawagan ni Inay?" Malungkot nitong ani.

"Gusto mo ay tawagan natin?" Lumiwanag ang paningin nito sakin tsaka marahil na ngumiti.Kaya kinuha ko na ang telepono at dinial ang numero ng Guesthouse.

Pagkasagot palang ni Aling Mely ay nagsalita na ako.

"Nay Mely! Kausapin ka ni Mikay,di mo daw sya kinakamusta kaya tinawagan kita".

Bago pa ito makasagot ay binigay ko na kaagad kay Mikay.

"Hello nay!" Masayang banggit nito.

"Nay di mo kase ako kinakamusta,nagtatampo na akoo!".

"Ay naku nay wag ka ngang mangasar dyan nay!"

"Opo,Next week ay dalawin kita ah? Okay kalang naman diba?"

"Uuwe na ako kung di ka okay!"

"Nay naman! wag ka ngang nagbibiro ng ganyan!"

"Oo na sige na iloveyou nay! ingat din ikaw ah!"

"Thankyou".Nakangiting abot nya sakin ng telepono.

"Okay ka na?"

Tumango tango ito.Nakangiti ko namang sinuklian yun.

Pumunta ako sa ref para kuhanin ang cake na pinadala ni Mia.

"Tikman mo to tingnan mo kung patok sa panlasa mo".

Nilapag ko sa kanya ang isang slice ng cake.

"Wow! Ang sarap nito,ikaw ang may gawa?" Sabi nya ng matikman ang cake.

"No".

"Binili mo?Pwede to sa shop natin".Tuloy tuloy lang ang pagsubo nito sa cake.

"Pinadala ni Mia yan".

Tumigil sya sa pagsubo at tsaka binaba ang tinidor na hawak hawak at tsaka pinunasan ang labi,pinagpag pa nito ang mga kamay kaya naman napalunok ako.

"Ahh! So pinapadalhan ka na nya agad ah,ibang klase talaga ang babaeng yun"

"What do you mean ibang klase?"

"Nung nawala ka sa Marayat ay halos patayin nya ako dahil daw sakin yun,inagaw daw kita sa kanya ha-ha".Asar na asar nitong sabi.

"What anong inagaw?"

"Ewan ko! Basta ang hingad na yun ay nilalandi kaaa!"

Tumayo ito at tsaka naglakad patungo ng hagdan para umakyat,sinundan ko to patungo ng kwarto nya.

"Hey! Bakit ba nagagalit ka?"

"Dahil pumapayag kang padalhan ng ganyan ng babaeng yun di mo alam ay nilalandi ka na non!"

"Iba ang iniisip mo".

"Anong pa bang iba don? Pinuntahan ka nya ng malaman na nakabalik ka na tas ngayon ay kumikilos na sya mapasa kanya ka!"

"Papayag ka naman ba na kuhanin nya ako?"

"Syempre hindi!"

Lumapit ako sa kanya tsaka hinawakan ang mukha nya.Mabilis din itong napatingin sakin.

"So kalma sweetie,di ako magpapagaw as long as di mo ko ipapaagaw".

Ginawaran ko ito ng halik sa labi at tsaka binitawan na yun.Naiwan syang nakanganga pa din habang sinisimulan ko ng kumain.

HATING GABI na ng magising ako dahil sa lakas ng ulan.Kaya naman bumaba ako para makainom ng maligamgam na tubig dahil nanakit ang lalamunan ko.

Pagkatapos ay umakyat na ako sa kwarto at dahan dahan nahiga sa kama ko.

Kumukulog pa din kaya naman di ako makatulog.

Kapag ganitong malakas ang ulan at kumukulog ay naalala ko lang ang nakaraan ko.

GABI NA at wala pa din akong kasama sa bahay,hinihintay kong dumating ang papa at mama ko.Lamig na lamig ako noon at takot na takot sa kulog at kidlat.

"Mama!". Naiiyak na ako dahil nagugulat ako sa lakas ng kulog.

Nakaupo ako sa gilid ng kama ko at sinisiksik ang katawan sa sulok non.Nakabalot sa buo kong katawan ang kumot at natatakot na makita ang guhit ng kidlat sa kalangitan.

"Papa!Mama!".Iyak na ako ng iyak halos mapaos ako dahil sa takot.

Madilim na dahil nawalan bigla ng ilaw,mas lalo akong kinabahan dahil wala akong makita.Miski ilaw sa labas ng bahay ay namatay.

"Mama!" Pahina na ng pahina kong pagsigaw.Nawawalan ng pagasang may makasama pa sa nakakatakot na gabi na yun di na ako kumilos pa sa kinaroroonan ko at tsaka manamang pumikit,sa kakaiyak at takot ko ay nakatulog ako.

Kinabukasan paggising ko ay sila mama kaagad ang hinanap ko.

"Bakit wala pa sila?"

Bigla ay bumukas ang pinto at niluwa nun at tiyahin kong kapatid ni mama.

"Austin".Umiiyak nitong ani."Halika dito".

Lumapit ako dito at tsaka pumunta sa dalawang bisig nitong makaabang sakin,tsaka ako nito niyakap.

"Ano po ang mangyare tiya Anna?"

"Magbihis ka at may pupuntahan tayo".Pinunasan nito ang mga luha nya at tsaka pinakawalan ako.

Naligo ako at tsaka nagayos.

Sumakay kame sa sasakyan ng tiya ko,nakauniporm pa ako nun dahil ang sabi ko ay papasok pa ako.

Nalilito akong bumaba ng sa hospital ako dalhin nito.

"Anong ginagawa natin dito?"

Imbis na sagutin ako nito ay umiyak ito at tsaka niyakap na naman ako.Nang bitawan nya ako ay hinila na nya ako papasok ng hospital.

Ang haba ng nilakad namin.May mga inakyatan pa kame pero di ko pa din alam kung bakit kame nandoon.

"Alam po ba ni mama na nandito tayo tiya?"

"Nandito tayo para sa mama mo".

"Talaga po?" Masaya kong sabi kaya naman ginanahan akong maglakad.

Nang makarating kame sa medyo madilim na parte ng hospital ay naiyak na naman ang tiya ko.

Binuksan ng lalaki ang pinto sa isang kwarto.Pumasok muna at tita ko at tsaka ako nito tiningnan para sabihin na pumasok na ako.

Dahan dahan akong pumasok dahil di ko gusto ang amoy sa gawi ng kwarto na yun.

Anong lugar to?

Pagpasok ko sa kwarto ay bumungad agad sakin ang isang puting kumot may nababalutan ito.

Unti unting tinanggal ng lalaki ang kumot,napayakap naman ng mahigpit sakin ang tita ko.Bigla ay unti untong manghina ang buong pagkatao ko ng bumungad sa puting tela na yung ang mukha ng nanay ko.

Nagunahan sa pagtulo ang mga luha ko kahit nalilito ako sa nakikita ko.

Anong ginagawa ng nanay ko dyan?

"A-ano pong nangyare sa maka ko?"

Halos di ko na makita pa ang mukha nito dahil sa luha ko na nastock sa mata ko.Unti unti akong pumikit dahil niyakap pa ako ng mas mahigpit ni tita habang umiiyak.

Hinawakan ko ang mukha ni mama na putlang putla na,halos mamuti na ako.May mga sugat pa ito sa mukha at talaga naman napaiyak ako ng makita ang namamaga nitong mga mata.

"Mama!" Niyugyog ko ito habang umiiyak."Umuwe na po tayo,wala po akong kasama sa bahay!"

"Mama!".Gusto ko ng magwala dahil nalilito man ay may idea na ako sa nangyare sa mama ko.Ayaw kong tanggapin,ayaw ko!

"Ma!" Yugyog ko pa humagulgol na ako dahil hindi na gumalaw si mama.

Yakap yakap ako ni tiya habang umiiyak din.

Sobrang sakit na makita mo ang mahal mo sa buhay sa ganong sitwasyon.Lalo na ang bata ko pa nang iwan ako ng mama ko.