Maaga ako nagising dahil kinausap ako ni Don Romano nung isang araw,gusto nya ay isa ako sa magasikaso ng cafe nya sa Julo,Tapos naman na ang klase ko kaya walang pagdadalawang isip na pumayag ako tsaka lagi naman ako ang cashier pag maaga natatapos ang klase ko.
Isa na akong ganap na guro ngayon,at dahil kindergarden lang ang tinuturuan ko ay tapos na yun,6 months lang ako nagtuturo sa kanila at yung susunod na six months ay bakasyon ko kaya feb pa ako papasok ulit.At dahil swerte ay tumapat ang bakasyon ko ng Ber Months.
Tuwing ganitong panahon ay malakas at talaga dinudumog ang cafe ni Don Romano pag natatapat na Ber months ang bakasyon ko ay nagiging cashier ako ni Don Romano kaya naman gamay ko na ang lahat sa cafe.
Nauna ako dun dahil malamig ay dinadagsa na agad ang cafe namin.
"Mikay wala yata si Don ngayon?"
"Ah baka papunta na yun,Eto na ang order mo,isang classic coffe with slice strawberry cake enjoy your breakfast!" Magiliw kong sabi.
Kinuha ko ang mga cup sa cabinet sa baba kaya naman di ko nakikita ang mga pumapasok.
Nang tumunog ang bell ng pinto ay sumigaw kaagad.
"Goodmorning welcome to goodmorning coffe shoop!"
Tumayo na ako dahil hawak ko na ang mga cup pero nagulat ako dahil sa lalaking nakatayo sa harap ng counter.
"Ow! goodmorning suicide boy,anong order mo?"
"So ikaw ang counter dito?"
"Ah ofcourse nasa counter ako eh".
"Yeah".
Dere-deretso itong lumakad at umakyat ng hagdan.
"Oh oh oh! Saan ang punta mo?"
"Sa taas".Turo pa nito sa taas.
"Ah dyan ka nga papunta e!"
"Oh bat mo ko hinaharang?"
"Ofcourse! Di naman pwede sa mga costumer ang taas na bahagi ng coffe shop kwarto ang nasa taas at kwarto ko yan!"
"Wala akong pake,gusto ko magpahinga"
"Hey! costumer ka dito bakit ka magpapahinga sa kwarto? At sino ka sa tingin mo ah!"
Aba at nakakahighblood ang ganitong customer ah kailan lang ay magpapakamatay sya tas ngayon dito sya nanggugulo! Nababaliw na yata talaga to.
Nakatingin lang sya sakin ng di makapaniwala,at iiling iling na tumingin sa hagdan.
"Lumabas ka na kung wala kang balak bumili! wala kang mananakaw dito!"
"Judgemental ka masyado".
Di ko alam kung ganon lang ba sya or talagang nangaasar lang sya sa boses nyang parang di sya apektado sa mga sinasabi ko.Ang cold!
"Well sorry pero bawal dito ang ugali mo kaya please lang pinagtitinginan na tayo ng customer,umalis ka na".
Naglakad na ako pa counter dahil may pumasok na costumer.
Nakita kong lumakad na sya papuntang pinto kaya naman pataray kong pinapanood ang paglalakad nya.
May itsura nga mukhang nasisiraan naman ng ulo!
Bago pa to makalabas ng pinto ay sinagot nya muna ang tawag sa phone nya.
"Hey Don!"
Pinaningkitan ko to ng mata ng marinig ko ang Don.
"Yeah! ayaw nya akong paakyatin,i dont know--
Di ko na narinig pa yun dahil tuluyan na syang nakalabas.
"Sino yun?" Lapit agad ng isang costumer na laging nasa cafe.
"Ewan ko dun,baliw no?"
"Dagdagan mo nga ng asukal to para tumamis tamis naman ang buhay ko"
",Ay naku po hahaha" Natawa na lang din sya sa reaksyon ko.
Natapos ang araw na yun na di bumalik yung lalaki na yun,sa dami ng costumer ko ay di ko napansin na alas sinko na pala ng hapon.
Kaagad ay naglinis ako ng cafe,kailangan kong umuwe ngayon dahil yun ang sabi ko kay nanay,ayaw kong mamalagi sa cafe dahil natatakot ako magisa.
Alas sais ang last bus kaya naman madaling madali ako kase kung hindi no choice ako at sa cafe ako matutulog.
Last minute na ng makarating ako,mabuti at naabutan ko pa.
Hingal na hingal ako dahil sa pagtakbo,di ko kakayanin ang ganito araw araw,kaya bigla ay naisip ko kung sa cafe na lang ako mamalagi ,pero tumututol talaga ang isang bahagi sakin.
Pagdating ko sa bahay ay anong oras na kaya naman saktong nakahain na si inay ng pumasok ako sa kusina.
"Bakit late ka na?"
"Ang daming costumer nay eh,naghabol pa ako ng bus kaya habol habol ang hininga ko,ramdam ko pa din."
"Oh! Nagkita ba kayo ng katulong mo sa cafe?"
"Nay di nga dumating si Don e,bukas bago ako pumasok ay susuriin ko sya baka mamaya ay may sakit na naman yun."
Naupo na ako dahil gutom na din ako,pagkatapos ko kumain ay tsaka na lang ako magbibihis.
"Bakit di ba dumating dun ang pinalit nya sa kanya?"
"Huh? May pinalit sya? Si austin ba?"
"Hmm di mo ba sya nakita sa cafe?"
Mula ng malaman kong nandito na sya ay di ko pa sya nakikita.
Naupo na din si Inay pagkatapos akong abutan ng tubig.
Napatigil ang pagsubo ko ng marealize na makakasama ko si Austin sa isang bobong sa maghapon.,Napatulala ako dahil inisa isa ko ang mga dumating doon sa cafe pero miski isa ay wala akong mapaghinalaan na si Austin.
"Baka di sya pumunta ngayon Inay".
"Pumunta sya,ako pa ang nagturo kung saan ang daan papuntang Julo".
"Talaga nay nagusap kayo?"
"Bakit bawal ba kameng magusap nung batang yun?"
Bigla ay napatulala ulit ako ng may maalala.
Di kaya sya si Austin?
"Nay"
"Oh?"
"Anong itsura ni Austin?Yun... yung damit nya anong kulay?"
"Hmm.Matangkad na sya ngayon nak" Tumingin pa si Inay sa kisame habang nagiisip akala mo ay teenager.
"Naka white Crema tshirt sya kanina,pinuri ko pa nga sya dahil ang gwapo nya sa ganong suotan dahil naka black na pantalon pa sya at white na sapatos".
"OMYGOOOD!" May lumabas pa na kanin sa bibig ko dahil sa pagsigaw ko.Di ako makapaniwala sa ginawa ko kanina kay Austin,kung ano ano pa ang sinabi ko sa kanya.Kung alam ko lang na sya yun edi sana na treat ko sya ng maayos.
"Ano ba yan Mikay!Pati ang pagkain ginaganyan mo? Ano ba ang nangyayare?" Salamat dahil di nakita ni inay ang reaction ko kanina.
"May ipis nagulat ako hehe".
Nang matapos kameng kumain ay ginulo ng mga nalaman ko ang tulog ko.
Paano ko sya tatratuhin nyan ngayon?Wait edi si Austin ang nakita ko sa dalampasigan yung magpapakamatay?
"Omg! ang liit talaga ng mundo akalain mo yun ako yung tumulong sa kanya nung magpapakamatay sya hays!" Bulong ko sa sarili ko di talaga makapaniwala.
Maaga ako nagising dahil na din sa panggigising ni Inay,kakausapin daw ako ni Don.
Bilis bilis akong bumangon kahit gulo gulo pa ang buhok ko,dumeretso ako ng cr para magmumog muna dahil ayaw na ayaw ni Don na naghihintay.
Naabutan ko to na nagkakape sa sala namin at kaharap si Inay,inayos ko muna ang buhok ko dahil nakatabing na to sa mukha ko.
"Don..."
Alam ko na kase ang pinunta nya dito ,about sa pagpapaalis ko kay Austin kahapon malay ko ba na sya yun.
"Oh hija! Goodmorning maupo ka at magalmusal muna"
Dahan dahan akong umupo sa bakanteng upuan tsaka humarap sa kanila.
Tiningnan ako nito, tinitingnan ang reaction ko.
"Bakit ganyan ang mukha mo?"
Napahawak ako sa mukha ko."Kakagising ko lang po kase...wala pa akong hilamos."
Pinalo ni nanay ang braso ko dahil sa pagamin,natawa naman si Don sa reaksyon na yun ni nanay.
"Hayaan mo na at sanay na ako nung bata ka ay humaharap ka pa sakin ng may tuyong laway pa sa pisngi dahil sa takot mong magalit ako dahil pinaghihintay mo ko"
Bigla ay napahawak ako sa pisngi ko baka may naiwan pa.
"Btw Si Austin na ang magaasikaso ng Cafe ko..."
Tumingin to sakin,para akong tangang napastraight ng pagkakaupo at parang tangang nanlalaki ang mata at nakangiti kay Don.
"Sya na ang boss mo Mikay"
Nawala unti unti ang ngiti ko at di makapa ang sasabihin kaya naman napapaturo na lang ako sa kung saan habang di mabigkas ang sasabihin.
"Si...Austin?But why?"
"He quit his job so i gave mine to him".Proud pa to.
"Don naman..."
",Bakit apektado ka ba kay Austin?,balita ko pala na pinalayas mo sya" Natatawa to habang tinatanong sakin yun.Nangaasar.
"Di ko alam na sya yun so...akala ko ay sira ulo dahil kailan lang nakita ko syang magpapakamatay sa dagat".Umarangkada na ang pagiging maatittude ko dahil sa lalaki na yun.
"Magpapakamatay?" Nalilitong tanong ni Don.
"Ewan ko kung magpapakamatay sya or nilulunod nya lang sarili nya" Naalala ko yung sinabi nya na parang sinira ko ang araw nya.
"Nagkita na pala kayo ng first love mo nung unang araw nya dito haha".Singit ni nanay.
Sinimangutan ko lang to at tsaka tumayo na.
"Magaasikaso na po ako Don,baka magalit ang BOSS ko".Medyo sarcasm yun pero tinawanan lang ako nito,mukhang natutuwa sa naiinis kong mukha.
Mabilis akong naligo ay nang lumabas ako ng kwarto ay wala na si Don.
"Alis na ako Inay"
"Magiingat ka,dalhin mo itong payong at baka umulan".
Nagdala na ako ng extra shirt ko dahil nafeel ko din na baka umulan na makulimlim na sa labas,for sure sa Julo nyan ay nagfofog pa din.
Nang makarating ako sa Julo ay wala akong nagawa kundi ang nagjacket dahil lumamig na ang panahon,ang Marayat at Julo ay parang magkaiba ng bansa na magkaiba ang panahon ngunit iisang lugar laman parang nahati to tas pinagiba ng panahon.Ang cool lang.
Di ko maiwasan kabahan dahil alam kong ngayon araw ay panigurado na pupunta si Austin,pagtapat ko sa cafe ay nakasara pa ang iilan sa mga tabing nito sa bintana pero ang iba ay nakaangat na.
Apat ang bintana ng cafe pero may salamin yung kaso ay malabo na dahil sa hamog.
Lumang disenyo ang pinagawa dun kaya naman umaangat ang itsura nya pag nasa labas ka kitang kita ang pagiging iba neto kumpara sa mga katabi nitong mga building.
Pagpasok ko ay may isang maleta sa baba ng hagdan.Dumeretso ako sa counter para kuhanin doon ang apron at hair bag ko.
Binaba ko muna sa tabi ang bag ko tsaka ako nagsuot ng apron,alam ko ng nandito na si Austin dahil bukas na ang Cafe kaya naman kinakaripas ng kaba ang dibdib ko.
Halos di ko maihair pin ng maayos ang buhok ko ng unti unti ay nakita ko syang bumababa ng hagdan.Nang tuluyan na itong bumaba ay di man lang dumako sakin ang tingin nito.
Nang abutin nya ang maleta nya ay tsaka lang sya tumingin sakin kaya naman nataranta ako kung iiwas ba ako o mag bubusy-busyhan ngunit di na nawala sa kanya ang tingin ko.
Ngayon alam ko na na sya si Austin ay talagang di ako makapaniwala,dati ay pinilit ko pa itong hanapin sa internet kahit pa sobrang bagal ng internet sa lugar namin ay naghihintay ako lalo na ng malaman ko na isa na syang ganap na writer at sikat na sikat ang mga sinusulat nya.
Naghahanap kase ako sa sagot sa katanungan ko bakit ba sya di nagpaalam sakin.Na ganon na lang ba ako di kahalaga sa kanya?Na talaga bang puppy love lang yun,Na talaga bang ginamit nya lang ako para matakasan ang kalungkutan nya.Maraming tanong sakin noon ngunit eto pagkatapos ng ilang taon ay lumitaw na sya sa harap ko ang taong sasagot sa tanong na yun,pero sa sandaling ito ay wala akong nararamdaman kundi ang gulat at magkamangha.
"Goodmorning!" Sambit nito habang hinihila ang bagahe nya paakyat.
Dito pala sya titira pansamantala buti na lang di ko naisipan kaya pala pinipigilan ako ng isang parte sakin ay ganito pala ang mangyayare.
"Auuhhm...G-Goodmorning din"
Wala na akong nakuhang sagot dahil tuluyan na syang nakaakyat.Nagasikaso na lang ako at binuksan na ng tuluyan ang cafe,di ko matanggal ang jacket dahil malamig na nga sa labas ay nakabukas pa ang aircon sa loob ng cafe bawal kaseng buksan lang ng kusa ang pinto dahil papasok ang alikabok galing labas.
Mabilis kong inayos ang sarili ko dahil nagpasukan na ang mga costumer,Naging abala na ako nun dahil sunod sunod na ang costumer ko.
Nakita ko sa gilid ng mata ko ang bagong ligo at fresh na fresh na si Austin para lang itong nagbabakasyon sa cafe at di nagtatrabaho.
Dala dala nya ang laptop nya nang maupo ito sa gilid ng counter at tsaka nagsimulang gawing busy ang sarili.May mga costumer akong babae ang napapatingin kay Austin may iba pa na sinasadyang dumaan sa counter para masilayan sya.May iba pa nga na humihingi ng tissue pero malapit kay Austin pupwesto para mapansin.
Tsk!
"Mikaela"
Nagulat ako ng tawagin ako nito,Paano nya nalaman ang totoong pangalan ko?
"P-po?"
Tumingin ito sa akin,kaya naman parang baliw ako na napastraight ng tayo.
"Penge nga ako ng menu ng coffe".
"P-po?"
"Menu"
"Oh wait po!" Natataranta ako,di ko alam kung bakit dapat ay di ako ganito dahil masyado akong halata dapat nga sya ang naiilang sakin dahil sya ang nangiwan sakin at bigla biglang bumabalik sa lugar na to.
Pagabot ng menu ay di sya nakatingin,nakatutok lang sya sa loptop at may ginagawang di ko alam kung ano kaya inilapag ko lang yun sa kamay nya dimikit pa ang daliri ko doon kaya naman nagulat pa ako.
Nadadagdagan pa ang costumer ko,puro mga babae mukhang kumalat na may pogi dito.Bakit ganyan kayoooo?!
Biglang tumayo si Austin sa upuan nya at kinuha ang apron sa ilalim na cabinet at tsaka nagsimula akong tulungan,may iba na tuwang tuwa sa gawi ni Austin mga nagsipwesto,samantalang yung mga nakapila sakin ay sa kanya pa din nakatingin.
Naniningkit ang mga mata ko dahil sa mga haliparot nato,di ko to mga nakikita dati sa shop ewan ko ba kung bakit nasisulputan,kung di lang talaga pabor sa cafe ay pinagsisipa ko na sila palabas.
Nagdidikit na ang mga braso namin,nagkakabanggaan dahil yung kailangan nya minsan ay nasa pwesto ko pagpinilit nyang kunin ay sinisiksik nya ako minsan.Ni di ko man lang naramdaman na nailang sya sakin,samantala ako nagugulat pag nagdidikit kame.
"Kalma sweetie! Di kita kakainin".Ngumiti sya sakin na para bang joke lang yun sinabi nya pero iba ang epekto sakin.
Sweetie what?Saan nya napulot yun ah!