Chereads / When i become your Happiness / Chapter 2 - Ch.02-Austin Pov: Pagkilanlan Austin Pov:

Chapter 2 - Ch.02-Austin Pov: Pagkilanlan Austin Pov:

"I need rest" Sambit ko ng maramdaman na sinusundan pa din ako ng assistant ko.

"Pero Austin,di pa tapos ang book signing mo".

Huminto ako sa paglalakad sa gitna ng napakahabang hallway ng venue tsaka nakahawak sa ulo na tumingin ng masama kay Steven.

"I dont care,just leave me aloneee!!".

Nagpatuloy ako sa paglalakad mas mabilis at mahahabang hakbang ang ginawa ko.

"Pinaalis na yung matanda kaya bumalik ka na dun Austin!"

Di ko sya pinakinggan hanggang sa makarating ako sa parking lot at pinatunog ang kotse ko ng mahagilap ko kung nasan ito ay dali dali akong lumakad papunta dun at sumakay.

Sstart ko na ang kotse ng bumukas ang passenger seat nito at sumakay si Steven.

"Please calm down".Sambit nya ng makitang masama na ang tingin ko at nagdidilim na to.

Napasuntok ako sa steering wheel ng sasakyan ko tsaka nangigigil na inuntog ang ulo ko doon.

Its driving me crazy!

Akala ko ay kaya ko ng dalhin ang problemang yun,akala ko ay di na ako maapektuhan pag bumukas ulit ang balitang yun pero eto ako daig pa ang babae sa pagwawala.

Gusto kong umiyak pero sinisigaw ng ego ko na lalaki ako.

Mahina lang ako pero sinasabi ng utak ko na kailangan kong maging malakas.

Pinakalma ko ang sarili ko sa ganong posisyon.

"Okay ka na ba?" Halos bulong na ani ni Steven ng marinig ang malakas kong buntong hininga.Alam kong natatakot din sya sa kaya kong gawin dahil alam din nyang mahina ako,natatakot sya pag galit ako dahil kung ano ano ang naiisip ko,pero ito sya at nasa tabi ko kahit nasasaktan ko sya paminsan ng physical ay okay lang basta maging okay ako.

"I need a rest".

Mahina,hinang hina sabi ko.Di ko alam kung bakit ganito ako kahina pagdating sa issue na yun.

"Okay,magpapahinga ka,hahayaan kita ng dalawa o tatlong araw,babalik ka! susulat at magsisign ka pa okay?"Mahinahon na bilin nito.

Tumango tango ako para matapos na ang usapan at makapagisip isip ako.Bumaba si Steven sa sasakyan ko,nakita ko pa syang magalangan dahil di sya sigurado sakin.

Inangat ko ang ulo ko tsaka ko sya tiningnan at nginitian ng pilit.

"Magtitiwala ako sa Austin ah!"

sabi nya bago isara ang pinto ng sasakyan ko.Pinaandar ko na yun at tsaka umuwe sa bahay ko.

Pagpasok ko palang sa kwarto ko ay napaupo na kaagad ako sa paanan ng kama ko.Napahawak ako sa ulo ko habang nagp-play sa utak ko ang mga sinabi nung matanda sa venue.

"Magiging kagaya ka ng mga magulang mo,lalaki kang magisa at walang magmamahal sayo! Pagkatapos patayin ng tatay mo ang nanay mo ay nasisiguro kong ganon din ang gagawin mo sa mapapangasawa mo nasa dugo nyo na yan!! kaya ang mas mainam mong gawin ay mawala na sa mundong ito!"

Umiyak ako ng umiyak na parang bata.Binabaliw ako paulit ulit na salita na yun.

Nagimpake ako ng mga gamit ko,iniisip ko na kaagad na di ako tatagal ng ganon sa lugar na yun.Pinagsisihan ko tuloy kung bakit pa ako bumalik sa lugar na to.

Ilang araw din akong ginugulo ng media bago mangyare ang insidente na yun dahil nagtrending na naman sa social media ang nangyare sa mga magulang ko.Hanggang sa dumating na sa punto na ako na mismo ang ginigulo nila.

Binabalak ko na umalis kaso ay pinipigilan ako ng alalahanin kay Steven,pero ngayon ay desidido na ako.

Dumeretso ako ng airport pagkatapos nun,desidido na akong bumalik ulit sa mundo kung saan ako talaga nararapat.

Dahil anong oras na ako nakabyahe ay sa airport na lang din ako nagpalipas ng gabi at ng sumapit ang flight ko ay sa eroplano na lang ako nakatulog,pagggising ko ay palanding na ang eroplano pababa.

Tanghali na ng makarating ako sa Guesthouse.

Dumeretso kaagad ako kay Don Romano at gaya ng iniisip ko ay tuwang tuwa sya sa pagbabalik ko.

"Hanggang kailan ka magsstay?" Kaagad na tanong sakin nito.

"Hanggang sa umayos ang pakiramdam ko".Sinabayan ko yun ng tawa para maging biro.

Natawa din ito sa sinabi ko saka ako inakay papuntang kusina.

Nagulat ang mga kasambahay ng makita ako.

"Oh ikaw na ba yan Austin?" Gulat na tanong ni Aling Mely,tanda ko pa noon ay sa kanya ako kumukuha ng tinapay para imbis na gastusin ko yung bigay ni Don Romano sakin ay yun ang kinakain ko sa silid namin.

"Opo Aling Mely" Nakangiti kong sagot.

"Aba at ang laki mo na at halos di kita nakilala".

Ngumiti na lang ako at nagsimula ng kumain.Pagkatapos nun ay naglakad lakad ako sa tabi ng dagat,sikat na sikat ang araw at halos di ko matitigan yun,iginala ko ang mga mata ko sa mga taong nagsasaya at mga pamilyang naliligo ng masaya,gustong gusto ko din makita sa sarili ko ang ganyang mga ngiti.

Tumalikod ako dahil nawawala na naman ng gana ang sarili ko,gusto kong magrelax,gusto kong ibabad ang buo kong katawan sa tubig ngunit madidistract ako ng mga tao.

Naglakad ako palayo sa mga tao,babalik na lang ako pag wala na sila.

"Hi! Austin?" Anang isang babae na humarang pa sa daanan ko.

"Who are---

"Anak tara na at marami pa tayong ihahatid!" Bigla ay may sumigaw kaya naman naputol ang pagtatanong ko.

Nakangiti humarap ulit sakin yung babae tsaka tumakbo papunta sa nanay.

"Bye! seeyou around,nice to meet you again Austin!" Kaway nito bago tuluyang makalayo.

"Sino yun?"Napakamot ako habang inaalala ang mukha nya.

Inisa isa ko ang mukha ng mga kaklase ko dati pati mga kakilala ko dito sa Marayat.

Nang wala akong maalalang ganon mukha ay Naglakad na lang ulit ako.10years akong nawala dito di ko na sila maalala.

Napahinto ako ng may isang maalala.

"MIKAELA" Kusang lumabas sa bibig ko kaya napakunot nop ako.Unti unting nagliwanag sa isip ko yung itsura ng batang yun.

Tsaka ako napalingon ulit sa kanina ay pinaggalingan ng babae.

Sya ba si Mikaela?

Umiling iling ako.May pagkakahawig pero bakit parang di ako sigurado.tsk

Unti unti ay nanumbalik sakin ang memorya namin nung batang babae na yun.Kung paano ay naging magkasintahan pa kame kunyare sa edad na kinse.Ridiculous!

Natawa ako dahil bata palang ako ay may ganong experience na ako samantalang ngayon ay wala akong gf o nagugustuhan man lang,masyado akong natutok sa pagiging malungkot mula ng umalis ako sa baryo na to.

Mula ng magkaisip ako ay puro problema na lang ang naiisip ko,talagang nakakatakot ang magkaroon ng tamang pagiisip,i mean yun bang tinatawag na maturity dahil maiisip mo na talaga ang totoong bagay bagay,di kagaya nung bata ka,puro paglalaro at pagaaral lang ang poproblemahin mo.

Nang medyo dumidilim na ngunit may mga sinag pa ng araw ay tumayo na lang ako sa harap ng dagat ,pinagkatitigan ko ang araw na papalubog kahit pa masakit sa mata ay talagang tinitigan ko to,Tanda ito na may bagong umaga muli na lilitaw at ayun ang hinihintay ko sa buhay ko,ang bumukas ang bagong liwanag pagkatapos ng madidilim na nangyare.

Na kahit gaano katagal mawala ang liwanag ay lilitaw pa din ito.

Nang mapagtanto ko na paalis na ang mga tao ay unti unti kong nilusong ang mga paa ko.Yun palang ang ginagawa ko ay nakakaramdam na ako ng ginhawa.Kaya naman tinuloy tuloy ko yun,nakapikit at dere-deretso kong ginawa yun.Hanggang dibdib para mas maginhawa.Ngunit ganon na lang ang pagdilat ko ng bigla ay may sumigaw.

"Hey!hey!'

Di ko nilingon ito at tinuloy ko lang ang gusto ko.

"Hoy! wag kang magpakamatay! Mahal ka ng dyos! Pls Pigilan mo ang sarili mo ayaw kong makasaksi ng magpapakamatay na tao!"

Tuluyan na akong napahinto.

Ano ang sinasabi nito.

Humarap ako sa kanya para makita kung sino tong baliw na to.Ngunit ganon na lang ang pagkilos ko ng mabilis ng sumigaw ito dahil malulunod na.

"Ikaw yata ang magpapakamatay miss"

Uh-m... Na out of balance lang ako,Ano bang ginagawa mo at mag...magpapakamatay ka?"

Kusa syang umalis sa bisig ko kaya naman napatayo na lang ako ng deretso at tsaka kumilos para makaahon na.

"Sino ba ang may sabing magpapakamatay ako,hinihintay kong mawalan ng tao para makapagsolo ako,Ngunit nandito ka".

"Paalis na ako kanina,akala ko kase ay magpapakamatay ka kaya ayun".Paliwanag pa nito.

Di na ako sumagot dahil nasira ang plano ko.Dumeretso ako sa likod ng bahay at tsaka doon pumasok papuntang kwarto.

Nang makaligo at nakapagbihis ay nagtimpla ako ng kape tsaka umakyat ulit sa kwarto para tumambay sa veranda.

nililibot ako ng paningin ko ng dumako ito sa isang babae na naliligo sa host.

Napaiwas ako ng tingin dahil pangit makita ang ganon.

Sa tingin nya ba ay may maaakit sya pag ginagawa nya yun,tsk kababaeng tao.

Tumalikod ako tsaka naupo na lang sa sofa para makapagpahinga na ng may kumatok.

Pagbukas ko non ay si Don Romano yun.

"Magandang hapon Don".Nakangiti kong bati dito.

"Pasok po kayo".

Pumasok ito at naupo sa sofa.Inoffer ko sa kanya yung kape na dapat ay sakin dahil di ko pa naman nagalaw yun tsaka gumawa na lang ako ng panibago.

"Ang sarap mo talagang magtimpla ng kape,Di pa din nagbabago".Nakangiti,galak na galak na ani nito.

Naupo ako sa harap nya pagkatapos kong magtimpla.

"Ano po ang sinadya nyo Don?"

Binaba nito ang kape nya at tumingin sakin.

"Papa mo ako,bakit Don ang tawag mo sakin?"

"Sorry po nakasanayan ko na ang Don"Nahihiyang tugon ko.

Tumawa ito at tsaka tinapik ang balikat ko."Naintindihan kita".

"Gusto kong ikaw ang magmanage ng Coffe shop ko sa Julo hijo".

"Po?"

"Di ko na kayang magpabalik balik mula dito sa Marayat papuntang Julo kaya ikaw muna doon,masyado pang malamig doon kaya di ako nagtatagal kung magsstay ako."

September na kaya naman lumalamig na sa probinsyang ito,mas malamig nga lang talaga sa bandang Julo kumpara sa Marayat.

"Okay po,wala din naman akong gagawin hanggang naririto ako ay magsstay ako sa cafe nyo".

Nakangiti na tong tumayo,matanda na ang Don kaya naman naintindihan ko yung dahilan nya.

"Lumabas ka na at maghahapunan na".

"Opo"

Lumabas ako para kumuha ng tubig habang wala pa ang mga pagkain.

Paalis na sana ako sa harap ng ref ng may pumasok mula kusina ang isang babae,may dala dala itong isang malaking mangkok ngunit apaw ang sarsa nito kaya ganon na lang ito kafocus sa pagtitig dun para di matapon.Dahan dahan ang paglakad at tinititigan ang balanse ng sarsa sa lagayan.

Napapatagilid ang ulo dahil sa ginagawa nya,miski ako ay natetense sa pagtingin doon kung matatapon ba o hindi.Nang naibaba nya ang lagayan sa lamesa ay ngumiti ito ng pagkaganda ganda tsaka bumuga ng napakalalim na hangin,animo'y naging successful ang napakahirap na gawain.

Bago pa ito mapatingin sakin ay tumalikod na ako.Ang babaeng yun ay ang babaeng nasa dalampasigan kanina.

Ano ang ginagawa nya dito? Katulong ba sya dito?

Napapailing ang ulo ko iniisip.

Sa suot nitong floral na damit ngunit mukhang luma na at gusot gusot pa ay nangingibabaw pa din ang ganda nya.Bigla ay sumagi sa isip ko ang kilala kong babaeng mahilig sa floral dress.

Sya kaya si Mikaela? Napapailing ulit ako dahil sumasagi din sa isip ko ang isa pang babae kanina.

Bakit magkamukha yata sila?

Umiling ulit ako habang umiinom ng tubig at nakahinto sa harap ng sofa sa sala.

Bakit ba iniisip ko yung babae na yun?Ngayon na lang sya sumagi sa isip ko sa loob ng maraming taon.Talaga namang ang memorya mo sa isang lugar ay magbabalik once na napuntahan mo ulit ito.

Umiling na naman ako dahil feel ko ay may kakaiba sakin.Bakit para na akong nagiging tanga this day.

Lalakad na sana ako ng makita ang mukha ni Don Romano sa paglingon ko.

"Oh Don!" Sa gulat ko ay medyo napalakas pa yun,tinawanan lang ako nito.

"Ano ang iniiling iling mo ijo?" Tawa pa nito."Para kang tangang iling ng iling." Tsaka ito tumingon sa hapag kainan na pinanggalingan ko kanina.

"W-wala po"

Naglakad ito paupo sa sofa at kinuha ang tsaa na nasa mesa.

"Di mo ba naalala ang babae iyon?Si Mikay yun ang kababata mo."