Chereads / Whirlwind Marriage (Tagalog) / Chapter 83 - Gaano Ka-Intense?

Chapter 83 - Gaano Ka-Intense?

Sinuri ni Chen Yucheng si Gu Jingze, "Sa tingin ko'y sa isip mo lang iyan. Tingnan mo oh, wala namang rashes. Mukhang nakatulong sa'yo ngayon ang gamot na iniinom mo pero mas malaki ang posibilidad na dala lang siguro ito sa hindi ka pa sanay na madikit sa isang babae."

Nilingon ni Gu Jingze si Chen Yucheng.

"Hays, Yucheng, maaari ka bang magpapunta dito ng iba pang uri ng doctor?"

"Ibang uri ng doctor? Hindi naman limitado ang kasanayan ko ah. May alam pa rin naman ako pagdating sa mga bagay na ito. Kung anoman ang nais mong itanong, Mr. Gu, pwede mo nalang itanong mismo sa akin."

Hindi malaman ni Gu Jingze kung ano ang gagawin.

Nag-aatubili pa rin siya bago magsalita, "MAyroon… may ilan sana akong katanungan tungkol sa maselang bahagi ng katawan…"

". . ."

Matagal na katahimikan ang nagdaan.

Tahimik na tiningnan ni Chen Yucheng si Gu Jingze. "Mr. Gu, gaano ba ka-intense ang nangyari kagabi? Nauunawaan ko naman na bagong kasal palang kayong dalawa at kapwa first time ninyong gawin ang bagay na ito, pero hindi mabuti para sa iyong katawan kung masiyado kang maiintense. Kailangan mo pa ring magpigil sa ilang mga bagay."

Hindi makapaniwala si Chen Yucheng na posible din pala itong magkaproblema sa parting iyon. Gaano ba talaga ka-intense ang nangyari?

Nagdilim ang anyo ni Gu Jingze nang marinig ang sinabi nito. "Wala kaming relasyon na ganyan ni Lin Che. At isa pa, hindi kami magkatabing natutulog!"

Nagitla naman si Chen Yucheng na tiningnan si Gu Jingze, "Seryoso ka? Wala pang may nangyari sa inyong dalawa?"

Walang imik si Gu Jingze.

Nagpatuloy si Chen Yucheng, "Ngayon, iyan ang talagang hindi kapani-paniwala. Akala ko talaga ay nagawa niyo na ang…"

Paano nito nagagawang kontrolin ang sarili habang may kasamang babae sa loob ng iisang bahay? Hindi kaya'y para itong isang naglalagablab na apoy…

Dahil doon ay nakaramdam ng awa si Chen Yucheng para kay Gu Jingze; grabe ang ginagawa nitong pagpipigil sa sarili. Kakaiba ang self-control nito!

At isa pa, nakita na niya dati si Lin Che: maganda ang katawan, malinis tingnan, at nanghahalina ang ganda. Hindi birong pagpipigil ang ginagawa nito sa sarili gayong napakaganda ng asawa nito!

"Mr. Gu, sa palagay ko po ay hindi rin maganda para sa'yong katawan na magpigil ka nang ganiyan. Malaki ang maitutulong ng tama at angkop na exercise para sa iyong emotional health at sa iyong sakit."

"Okay, total wala ka naman ng masiyadong gagawin dito, tapos na ang trabaho mo."

Mas lalo lang ikinainis ni Gu Jingze ang mga sinasabi nito.

Magsasalita pa sana si Chen Yucheng pero tumalikod na si Gu Jingze at lumabas. Napawasiwas nalang siya ng kamay at wala ng nagawa pa.

Minsan ay nagiging problema din kung masiyadong faithful at matuwid ang isang tao.

Kung tutuusin, wala naman sigurong masasabi ang ibang tao kung ang lalaking tulad ni Gu Jingze ay magkakaroon ng mahigit sa isang babae sa kanyang buhay.

Hindi nito kailangang maging matuwid masiyado.

Walang balak si Gu Jingze na ikwento kay Chen Yucheng ang anumang bagay na may kinalaman sa relasyon nila ni Lin Che, maging ang kanyang feelings, o kahit ang pinakamaliit na detalye.

Wala siyang kahit kaunting balak na sabihin ang mga iyon dito.

Para sa kanya ay siya lang ang may karapatan kay Lin Che at ayaw niya itong ibahagi sa kahit kanino.

Siya lang ang dapat makaalam ng mga sekreto nila ni Lin Che. Wala siyang balak na sabihin ang mga ito sa kahit kanino.

Kung sasabihin niya ang mga iyon sa ibang tao ay para na ring ipinamigay niya ang ilang bahagi ni Lin Che sa buhay niya.

Bago sa kanya ang pakiramdam na iyon, pero nakatatak na ito sa kailaliman ng kanyang puso at hindi na iyon mawawala pa.

Sadyang hindi niya lang talaga kayang pigilin ang sarili pagdating sa ganitong mga bagay, kahit na alam niyang mali…

Sa oras na iyon ay tumunog ang kanyang cellphone.

Tiningnan niya ito. Si Mo Huiling ang tumatawag.

Pagkatapos pakalmahin ang sarili ay nagpasya siya na patawarin na si Mo Huiling. Nauunawaan niya dahil lang sa sobra nitong pagmamahal sa kanya kaya ganito ito kung kumilos ngayon. Hindi ito totoong ganoon.

Kilala na niya ito simula nang mga bata pa sila. May pagka-spoiled brat man ito minsan, pero hindi ito masamang tao.

Sinagot niya ang tawag.

"Jingze… Galit ka pa rin ba?" Nakakaawa ang tinig nito.

"Hindi na," huminga si Gu Jingze.

"Kung ganoon… Nasaan ka ngayon?"

"Nandito ako sa lugar ni Mr. Chen," pagsasabi niya ng totoo.

Alam ni Mo Huiling na pumupunta si Gu Jingze kay Chen Yucheng sa tuwing may problema ito. Matagal na nitong personal doctor si Chen Yucheng.

Sinabi ni Mo Huiling, "I'm sorry. Pinasumpong ko ba ang sakit mo? Totoo namang kasalanan ko 'to eh. Hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko at nakalimutan ko ang kalagayan mo."

"Okay lang…" sagot ni Gu Jingze.

Nagpatuloy naman si Mo Huiling, "Kasalanan ko talaga 'to ngayon. Hindi na mauulit pa. Alam kong hindi kita dapat hinalikan nang ganoon."

"Huiling… alam mo kasi… sinabi ko sa'yo na makikipag-divorce din ako pero sa ngayon, hindi pa kami divorced."

"Ah… alam ko. Hihintayin kita. Hihintayin ko ang araw hanggang sa tuluyan ka ng makipaghiwalay sa kanya."

"Hindi mo kailangang gawin iyan…"

"Hindi. Maghihintay ako, Jingze. Mahal kita. Gagawin ko ang lahat para sa'yo!"

Nang matapos silang mag-usap ay nakaramdam ng kaunting guilt si Gu Jingze para kay Mo Huiling.

Pero, wala din naman siyang magagawa.

Samantala, sa kabilang bahagi…

Matapos ang tawag ay itinapon ni Mo Huiling ang cellphone sa sahig, dahilan upang magkapira-piraso ito.

Mula sa gilid ay hindi nangahas na tumingin sa mukha niya ang katulong.

Galit na sinabi ni Mo Huiling sa sarili, 'Dapat talagang mamatay ang Lin Cheng iyan!'

Kung hindi dahil dito ay siya sana ang asawa ngayon ni Gu Jingze. Siya sana ngayon ang hinahangaang Mrs. Gu.

Alam ng lahat ng tao sa kanilang lipunang ginagalawan na matagal na silang magkarelasyon ni Gu Jingze. Pero ngayon, ibang babae ang pinakasalan nito!

Nakakahiya!

At, si Gu Jingze ang tipo ng lalaki na napakahirap isuko.

Noon ay naisip niya na mas mabuti kung iwan niya nalang ito kung imposible naman para sa kanilang dalawa na maging mag-asawa. Pero pagkatapos makakilala ng napakaraming lalaki ay hindi pa rin siya nakahanap ng lalaki na makakahigit kay Gu Jingze.

Walang sinuman ang maihahambing kay Gu Jingze o kahit sino sa Pamilyang Gu.

Ang Pamilyang Gu ang pinakadakila sa lahat ng mga pamilya sa bansang ito. Si Gu Jingze naman ang pinakadakila sa lahat ng kalalakihan sa bansang ito. Kung hindi si Gu Jingze, sino pa ba ang ibang makapagbibigay sa kanya ng maganda at marangyang buhay? Na talagang kaiinggitan siya ng lahat ng kababaihan?

Nang makauwi na sa bahay si Gu Jingze ay hindi niya nakita si Lin Che na mahilig humiga sa sofa. Tinanong niya ang katulong, "Nasaan ang Madam?"

Sumagot naman ito, "Ang sabi po kanina ni Madam ay pagod siya kaya natulog po siya nang maaga."

Naghinala si Gu Jingze na parang may mali.

Bakit naman ito mapapagod nang ganito kaaga? Hindi ganito si Lin Che dahil madalas ay gising na gising pa rin ito kahit gabi na.

Kaya, binuksan niya ang pinto sa kwarto at pumasok. Nakita niya si Lin Che na nakahiga sa kama. Natutulog nga ito, pero para itong isang sugpo na nakabaluktot. Kakaiba ito sa nakasanayan nitong posisyon ng pagtulog.

Sinuri ni Gu Jingze ang paligid at naglakad palapit sa kama.

"Natutulog ka na?" Tanong niya.

"Hm," tugon ng natutulog.

Ngumiti si Gu Jingze, "Natutulog ka na pero nakakasagot ka pa? Nagsasalita ka ba habang tulog?"

Nahihiyang binuksan ni Lin Che ang mga mata.

Naramdaman niyang itinaas ni Gu Jingze ang kumot at kaswal na tumabi sa kanya.

"Hoy… Gu Jingze, sinong may sabi sa'yo na pwede kang pumasok dito?"

Alam ni Lin Che na nanggaling ito kay Mo Huiling. Bagamat wala siyang ideya kung saan ito nagpunta, sigurado pa rin siya na si Mo Huiling ang kasama nito.

"Kama ko 'to. Bakit hindi ako pwedeng pumunta dito?" Hinawakan ni Gu Jingze ang umiiwas na si Lin Che.