Gusto siyang sipain palayo ni Lin Che, "Gu Jingze, wag mong hintayin na kaladkarin kita palabas! Lumayo ka nga!"
"Bakit, Lin Che? Galit ka ba?" Hinawakan ni Gu Jingze ang kamay ni Lin Che at tumingin sa kanya. "Galit ka?"
Iniiwas ni Lin Che ang pisngi. "Hindi ako galit."
"Kung ganoon, bakit hindi ka makatingin sa akin?"
"Bakit ko naman kailangang tumingin sa iyo?"
Tumawa si Gu Jingze, "Kung ganoon, nagseselos ka ba?"
Nag-init ang tainga ni Lin Che. Inalis niya ang kamay ni Gu Jingze. "Ano ako, baliw para magselos? May sakit ka bang dementia o ano? Hindi tunay ang kasal natin. Hindi naman tayo totoong mag-asawa ah!"
Sumandal muli si Gu Jingze sa kama at tiningnan si Lin Che habang sinasabi, "Hindi ka ba talaga nagseselos?"
Suminghal si Lin Che, "Siyempre hindi!"
Tumayo si Lin Che at tiningnan nang masama si Gu Jingze. "Pagpapanggap lang ang lahat ng 'to. Alam kong magaling ako sa larangang ito, pero please naman wag kang maniwala na tunay ang lahat ng 'to! Isa akong artista. Kaya siyempre, gagawin ko ang lahat ng aking best para magampanan ang role ko bilang isang mabuting asawa."
Humugot ng malalim na hininga si Gu Jingze. Hindi niya mapigilang hindi makaramdam ng disappointment.
"Okay sige," umupo si Gu Jingze. "Akala ko ay nagseselos ka kaya sinasadya mo akong iwasan."
"Ha, lalo lang tumataas ang tingin mo sa'yong sarili!"
Nagtanong si Gu Jingze, "Mali ba kung mataas ang tingin ko sa'king sarili?"
"Siyempre," sabi ni Lin Che at umupo rin. Pareho na silang nakaupo sa magkabilang bahagi ng kama. Dahil malaki ang kama, malaki pa rin ang distansiya nila sa isa't-isa kahit nakaupo sila doon.
Tiningnan siya ni Gu Jingze, "Ang tawag diyan ay pagmamahal sa sarili. Kung hindi mo kayang mahalin ang sarili mo, paano ka naman mamahalin ng ibang tao?"
"Ha, bullshit!", Tumingin din sa kanya si Lin Che. "Napakaraming tao ang nakapaligid sa'yo, Mr. Gu at maraming nagmamahal sa'yo; hindi mo na kailangan pang mahalin iyang sarili mo."
"At kailan pa maraming nagmahal sakin?" Tanong ni Gu Jingze.
Sumagot naman si Lin Che, "Iyang Mo Huiling na 'yan o sino pa diyan. Alam kong may iba pa bukod sa kanya."
Nang banggitin nito si Mo Huiling ay muling naalala ni Gu Jingze ang mga nangyari. Nagsisimula na naman siyang mairita.
Simple lang naman ang original nilang plano. Magpapakasal silang dalawa ni Lin Che at magkakasundo na hindi makikialam sa kani-kaniyang buhay at magsasama nang maayos hanggang sa magdivorce na sila.
Pero, napakalaki na ng pinagkaiba ng sitwasyon ngayon.
Nagsalita si Gu Jingze, "Kung ano man ang iniisip mong relasyon namin ni Mo Huiling ay nagkakamali ka."
"Ano ba ang iniisip ko?" Nilingon niya si Gu Jingze at tinanong.
Gu Jingze: "Magkakilala na kami ni Mo Huiling simula nang mga bata pa kami. Halos tatlumpung taon na naming kilala ang isa't-isa, pero hindi pa kami umabot sa puntong iyan. Ipinapangako ko sa'yo na hangga't kasal pa ako sa iyo ay hindi ako lalagpas sa mga boundaries. Ituturing ko lang siyang kaibigan at bilang nakababatang kapatid."
Walang interes na sumagot si Lin Che, "Hindi na iyan kailangan. Hindi mo kailangang mangako sa akin ng kahit na ano, promise. Hindi ako magagalit. Kayo naman kasi talaga ang tunay na magkasama."
Ganoon pa man, nagpapasalamat pa rin siya na gusto nitong gawin ang pangakong iyon.
Kahit na wala namang ibang kahulugan ang pangakong iyon, nagpapakita pa rin iyon na nirerespeto siya nito at iniisip ang kanyang mararamdaman.
Tiningnan ni Lin Che si Gu Jingze, "Hindi mo na kailangang gawin pa iyan para sa akin. Nagkasundo na tayo noon pa man na hindi tayo manghihimasok sa ating mga personal na buhay."
Tumalikod sa kanya si Gu Jingze, "Oo nga, nagkasundo nga tayo noon pa man pero kasal na tayo ngayon. Sa palagay ko'y unfair ito para sa'yo. 23 ka palang at ito ang una mong pag-aasawa. Hindi ka dapat namumuhay sa ganitong uri ng gulo. Hindi man kita mabigyan ng masaya at kumpletong kasal, pero at least hindi kita lolokohin sa kahit anong aspeto. Nang sa gayon naman ay hindi masiyadong malungkot ang mga alaalang ito."
Itinaas ni Lin Che ang ulo at tinitigan si Gu Jingze. Kinakabahan siya habang tumatawa. "Hindi, ako ang dahilan ng lahat ng ito. Ganoon pa man, nagpapasalamat pa rin ako sa iyo. Hindi ba't galit rin si Miss Mo?"
"Simula nang piliin kong pakasalan ka ay galit na talaga siya. Alam ko namang hindi rin madali ang lahat ng ito para sa kanya, pero wala tayong choice kundi ang magpakasal."
Lin Che: "Kung ganoon, bakit hindi mo nalang sabihin sa kanya na ginamit siya ng pamilya mo para pilitin ka at ipinakasal ka sa akin alang-alang sa kabutihan niya?"
"Huwag na. Wala din namang saysay kung sasabihin ko sa kanya iyan. Simula pa man nang una ay binigyan ko na siya ng choice na iwan ako at magsimula ng bagong buhay. Tatanggapin ko din naman iyon kasi kasalanan ko din naman ito. Kung sasabihin ko sa kanya ang totoo, mas lalong magiging mahirap para sa kanya na iwan ako. Mas pipiliin ko nalang na iwan niya ako at mamuhay sa sarili niya."
Lalo lang sinisi ni Lin Che ang sarili, "Patawad. Kasalanan ko talaga ang lahat ng 'to…"
"Noong una, gusto kitang sisihin at kamuhian, pero pagkatapos kong makapag-isip-isip, na-realize ko na pareho lang tayong naipit sa kasal na ito. Pareho tayong napilitan at wala akong dapat isisi sa iyo. Bata ka pa. Dapat sana ay nakakaranas ka ngayon ng tunay na pagmamahal pero nang dahil sa kasal na ito ay napalayo sa karanasang iyon. Kaya hindi mo kailangang humingi ng tawad sa akin. Hindi ikaw ang may kasalanan. Sa palagay ko'y pinaglalaruan lang tayo ng tadhana kaya nandito tayo ngayon."
Tumango si Lin Che at humikab. Nakaramdam na siya ng antok habang nakayakap sa kanyang tuhod.
Muling nagsalita si Gu Jingze, "Kaya kung may kailangan ka, sabihin mo lang sa akin. Ikatutuwa kong pagbigyan ang anumang gusto mo."
"Okay nga lang ako, totoo. Hindi mo kailangang bumawi sa akin. Marami na akong natanggap hanggang ngayon; hindi ako pwedeng humingi ng perpektong buhay na makukuha ko ang lahat ng gustuhin ko. May bahay akong natutulugan, maraming tao ang nag-aalaga sa akin, at may oras ako para magfocus sa career ko. Sapat na sa akin ang lahat ng ito." Marahan siyang humiga sa kama at tinakpan ang sarili ng kumot habang mahinang sinasabi, "Kailangan mong kausapin nang maayos si Mo Huiling. Babae pa rin siya. At gusto ng mga babae na nilalambing at pinapaamo sila. Iyang mga sinabi mo sa'kin ngayon… panatilihin nalang natin ang ganito. Kapag binanggit mo na naman ang salitang 'pag-aasawa' habang nakikipag-usap sa kanya, ewan ko nalang sayo…"
". . ." Sumagot si Gu Jingze, "Kapag may relasyon ang dalawang tao, kailangan nilang maging prangka sa isa't-isa."
"Ah, kaya pala. Kahit gwapo ka at ubod ng yaman ay si Mo Huiling lang ang tanging mayroon ka na hinding-hindi ka iiwan. Hindi mo talaga deserve na makahanap ng asawa. Wala kang kalam-alam sa paglalambing ng isang babae. Kapag sinabi ng isang babae na 'hindi' o ayaw niya, huwag kang maniwala kaagad. Kapag sinabi ng babae na hindi siya galit sa'yo, nagsisinungaling lang iyan. Kapag sinabi ng babae na wag mong bilhin iyan kasi masiyadong mahal, papatayin ka niyan kung hindi mo talaga bibilhin iyan."
". . ."
Gu Jingze: "Naalala ko nga ang mga ito sa klase namin sa Psychology."
"Hahaha, pinag-aaralan ang babae sa Psychology? Kung totoong nauunawaan ng Psychology ang mga babae, tiyak na hindi tunay na babae ang subject diyan. Kung gagamit ka lang ng mga psychological theories para lambingin ang isang babae, tiyak na habambuhay kang magiging single…"
Nakasimangot si Gu Jingze nang magsalita, "Ganiyan ba talaga ka-complicated? Pero bakit naman gusto ng mga babae na nilalambing sila?"
Nang lingunin niya si Lin Che ay nakahiga na ito at nakapikit na ang mga mata. Ang paghinga nito ay medyo bumagal na hanggang sa naging kalmado na ito.
Napaka walang puso…
Habang nakatitig sa natutulog nitong mukha ay hindi niya napigilan ang sarili na hawiin ang mga buhok na nakatakip sa noo nito. Itinaas niya ang kumot, at humiga sa tabi nito. Habang nakatingin siya sa makinis nitong mukha ay nakaramdam siya ng kahinahunan sa paligid. Nakaramdam din siya ng kapayapaan sa kanyang puso habang nakahiga doon at ipinikit na ang mga mata, hanggang sa dahan-dahan ng nakahimbing.