Chereads / Whirlwind Marriage (Tagalog) / Chapter 60 - Medyo Naiinis Na Siya Kay Mo Huiling

Chapter 60 - Medyo Naiinis Na Siya Kay Mo Huiling

Pumunta na si Lin Che at Yu Minmin sa kompanya na kanyang iendorse. Habang naglalakad ay sinabi niya kay Yu MInmin, "Ito ang aking first time bilang isang endorsement model. Hindi ko talaga naisip na makakatanggap ako ng ganitong trabaho."

Ngumiti si Yu MInmin at lumingon sa kanya, "Ngayon, isa ka ng artista na may sariling produkto. At, ito na ang iyong pagkakataon na sumikat lalo. Huwag mo ng isipin na isa ka lang background actress. Isa ka na ngayong artista na may reputasyon, naiintindihan mo?"

"hehe, hindi pa ako masyadong sanay sa ganyan. Pakiramdam ko ay napakabilis ng mga pangyayari. Walang-wala pa ako noong nakaraang buwan."

"Ganito talaga ang pag-aartista. Pwede kang sumikat kaagad kung susunggaban mo lang ang mga oportunidad. Pero, kailangan mo ring mag-ingat. Isa rin ito sa panahon na mas madali ang pabagsakin ka. Pag masiyado nang matagal at hindi ka pa rin sikat, hindi na mag-aaksaya pa ng pera sa'yo ang kompanya. Sa ngayon ay wala ka pang sariling mga connections, hindi katulad ng ibang artista na stable na at kaya pa ring bumangon kahit anong pagsubok ang dumating. Pag may hindi magandang mangyari sa panahong ito, wala na talagang matitirang pag-asa para sa'yo. Nakuha mo?"

Medyo marami na ang sinasabi ni Yu Minmin kay Lin Che ngayon dahil paunti-unti na nitong nakikilala si Lin Che.

Umaasa rin ito na magtatagal si Lin Che sa industriya at sisikat balang araw.

Nang marinig ang mga iyon, tumango si Lin Che. "Nauunawaan ko."

Mabilis na natapos ang pagpirmahan ng kanilang kontrata. Nang lumabas si Lin Che ay hindi sinasadyang nakita niya si Senmira, ang sikat na film star. Sa labas ay maraming tao ang nakatingin kina Lin Che at Yu Minmin na para bang kakainin sila ng mga ito nang buhay.

Dalawang taon palang din na sumikat si Senmira at kasalukuyan itong pino-promote ng kanilang kompanya. Pero, hindi pa sila nagkatagpo dati, kaya medyo naguluhan pa si Lin Che. Hinila naman siya ni Yu MInmin para umalis na sila sa lugar na iyon.

Sinabi sa kanya ni Yu Minmin, "Huwag mo siyang pansinin. Sa kanya kasi talaga dapat ang endorsement na ito, pero bigla lang nagbago ang isip ng endorsement company at ipinalit ka nila sa kanya. Iyan ang dahilan kung bakit galit na galit ito."

"Ibig sabihin ay inagawan ko siya ng endorsement?"

"Uhh, technically, oo… pero sa industriyang ito, walang tinatawag na pang-aagaw ng roles. Pwede mong sabihin na makikita talaga iyan sa kakayahan mo. Nakitaan ka ng kompanya ng potential na lumago; kaya mas pinili nila ang artistang tulad mo."

"Okay, kung ganoon man."

Pagsapit ng gabi ay sinunod ni Lin Che ang payo ni Yu MInmin na makipag-dinner sa mga advertisers. Kailangan iyon bilang pagpapasalamat sa pagpili nila sa kanya.

Sa loob ng sasakyan, tinawagan ni Lin Che si Yu Minmin at tinanong kung saan sila magkikita.

Sumagot si Yu Minmin, "Mauna ka nang pumasok. Doon sa room 302. Hindi magtatagal ay darating na rin ako."

Nasa kalagitnaan pa rin ng traffic si Yu Minmin at hindi na mapakali. Ibinaba na niya ang cellphone at tumingin mula sa unahan. Sa isang malaking screen ay makikita ang mga larawan ni Gu Jingming sa isang state visit. Hindi niya mapigilang mapatulala.

Napakatayog ng tindig ni Gu Jingming at nakasuot ng suit. Sa screen ay mukha itong mabait pero ang ekspresyon ng mukha ay kakikitaan ng pagiging istrikto. Pumasok sa isip ni Yu Minmin ang mga opinion ng mga tao kay Gu Jingming; ayon sa mga ito, si Gu Jingming ang tipo ng Pangulo na bihasa sa paglutas sa mga panlabas at panloob na problema ng bansa, kaya napalapit ang loob ng mga tao dito.

Sandali siyang Nawala sa pag-iisip pero nang bumalik na siya sa katinuan ay bumangga siya sa isang kotse na nasa unahan niya… nabasag ang likod ng kotseng iyon…

"Bwiset," naiinis na sabi ni Yu MInmin bago lumabas sa sasakyan.

Sa labas naman ng kanilang tagpuan ay panay ang tawag ni Lin Che kay Yu minmin ngunit hindi ito sumasagot.

Wala siyang ibang choice kundi ang pumasok na sa loob ng private room. Sa room na sinabi sa kanya ni Yu Minmin.

Ngunit, pagbukas niya ng pinto ay tumambad sa kanyang mata ang maraming taong nakalunay sa loob ng kwarto at nagkakagulo. Ang iba ay nakahandusay at ang ilan naman ay parang lasing na nakatayo. Lahat ng mga ito ay kakaiba ang mga kilos. Pero, natitiyak niya na hindi ito ang mga taong kakatagpuin niya dapat…

Hindi nakaimik si Lin Che. Tumalikod siya at aalis na sana pero may biglang humila sa kanyang kamay papasok sa loob.

Sa labas naman, sa isang gilid na walang ibang nakakapansin ay nakahawak si Senmira sa cellphone at nakakasuya ang ngiting nagmamasid sa tanawin. Ilang sandali lang ay nagsalita ito sa cellphone, "Nandito na ako, Lin Li. Salamat at sinabi mo sa akin na nandito siya. Ngayong gabi… titiyakin kong hindi na siya makakaalis pa."

Bago pa man makapag-react si Lin Che, narinig niya ang ingay ng mga pulis na pumasok sa loob ng kwartong iyon.

"Lahat kayo, walang gagalaw! Ibaba ninyo ang mga drugs na nasa inyong kamay at pumunta kayo sa pader, isa-isa!"

Drugs?

Nagsimulang maglibot ang mata ni Lin Che sa paligid. Nang mapansin niya ang kakaibang mga bagay na nandoon sa loob at ang kakaibang kilos ng mga taong iyon ay noon niya lang naunawaan. Biglang sinakop ng matinding takot ang buo niyang katawan.

Kung ang isang artista ay masangkot sa drugs, ano ba ang nangyayari dito?

Wala pa siyang natatandaang artista na nasangkot sa drugs maliban sa kanya…

Samantala, nasa opisina pa rin si Gu Jingze. Ngunit, bigla na namang nahinto ang kanyang ginagawa dahil sa tawag ni Mo Huiling.

Nakaramdam siya ng pagkainis. Sa loob ng ilang araw ay hindi siya tinitigilan ni Mo Huiling. Masiyado na itong nakakaabala sa kanyang trabaho.

Mo Huiling: "Jingze, hindi ka pa rin ba matutulog dito mamaya?"

Pagkatapos ng gabing doon siya natulog, medyo sumama ang kanyang pakiramdam kaya sa sumunod na gabi ay gumawa na lang siya ng excuse at hindi na bumalik pa doon.

Pero, nagsimula na naman itong tawagan siya; tinatanong siya tungkol sa trabaho kaya nahihirapan siyang patigilin ito.

"Busy pa ako, Huiling. Kung nabo-bored ka na, pwede kong utusan si Qin Hao na sunduin ka diyan. Magshopping ka; may inutusan na ako na ibigay sayo ang card para may magamit ka. Kung gusto mo, lumabas ka ng bansa at doon ka magshopping. Maaari mong gamitin ang aming private plane na laging available para gamitin."

"Huh…hindi ko gusto ang mga iyan. Gu Jingze, ano'ng nangyari? Nagsasawa ka na ba sa akin? Masyado ba akong nakakairita sa'yo? Iniiwasan mo ba ako?"

Minasahe ni Gu Jingze ang noo. "Hindi, masiyado ka lang nag-iisip."

Naghihintay pa rin ng signal si Qin Hao mula sa labas. KUmaway si Gu Jingze sa kanya at sinenyasan siyang maghintay pa ng ilang sandali. Sinabi niya kay Mo Huling mula sa kabilang linya, "Lalabas ako ng bansa sa loob ng ilang araw para sa isang official business. Makinig ka nalang, Huiling. Kapag natapos na ako, tatawagan kita kaagad."

Nawala na ang mood ni Mo Huiling. Dahil sa sinabing iyon ni Gu Jingze, wala na siyang ibang nasabi kundi, "Okay, sige na nga. Ibababa ko na ito. I love you, Jingze."

Wala siyang kakayahan na pilitin si Gu Jingze sa isang bagay. Natatakot din siya na baka biglang mawalan ng gana sa kanya si Gu Jingze lalo na't sa ganitong sitwasyon nila. Ganoon pa man, ayaw niyang mapalayo rito. Hindi siya makakapayag na mawalan sila ng komunikasyon. Dahil kung mangyari iyon, tiyak na magsasama ito at si Lin Che. Ito ang pinaka kinatatakutan niyang mangyari.

Ibinaba na niya ang cellphone at nag-isip ng paraan kung paano mapapasakanya nang lubusan si Gu Jingze.

Sa kabilang bahagi naman ay napansin ni Qin Hao na ibinaba na ni Gu Jingze ang cellphone. "Sir, nakahanda na po ang eroplano sa iyong private airport. Kasalukuyan na po nilang inaasikaso ngayon ang oras ng iyong pag-alis kasama ang National Flight Division. Mga 30 minutes lang po at maaari na tayong umalis. Pupunta na po tayo ngayon sa airport?"

"Okay. Ihanda mo na ang lahat ng kakailanganin at pupunta na tayo kaagad sa airport."

Tumayo si Gu Jingze at lumabas mula sa kanyang opisina.

Biglang naalala ni Qin Hao si Lin Che. Naisip niya na ilang araw na nitong hindi pinapansin si Lin Che.

"Sir, sasabihin pa po ba natin kay Madam ang tungkol sa iyong lakad?"

Kaagad nag-iba ang timpla ng mukha ni Gu Jingze.

"Hindi na kailangan."

Lin Che?

Ilang araw na ang nakalipas, ngunit hindi man lang ito tumawag kahit isang beses.

Talagang ginagawa nito ang trabaho at responsibilidad bilang asawa-sa-papel.

Samantala...

Sa Special Police Department, patuloy pa rin ang pagtatanong ng mga pulis kay Lin Che dahil isa siyang artista na nasangkot sa droga.

"Umamin ka na lang, Lin Che. Sa lugar na ito ay hindi ka isang artista. Isa kang criminal. Hindi uubra sa amin iyang ginagawa mo." Masama ang tingin ng pulis na iyon kay Lin Che. Hindi nito gusto ang mga artista; dahil kahit mataas at kagalang-galang ang mga ito kung kumilos, para sa kanya ay pare-pareho lang itong mga mababang uri ng nilalang.