Chereads / Whirlwind Marriage (Tagalog) / Chapter 61 - Babalik Tayo Ngayon Din

Chapter 61 - Babalik Tayo Ngayon Din

Hindi na mabilang ni Lin Che kung ilang beses na niyang sinabi sa mga ito na wala siyang alam sa mga nangyari. Ilang ulit na niyang ipinaliwanag sa mga ito na wala siyang kinalaman sa mga adik na iyon.

Nagtanong si LIn Che, "Maaari ko bang tawagan ang aking manager?"

Suminghal lang ang pulis. "Hindi."

"So, pwede ko bang tawagan ang pamilya ko?"

"Hindi rin pwede. Papayagan lang kita na tawagan sila kung aamin ka na."

Matigas na tumugon si Lin Che, "Wala kang karapatan na gawin iyan!"

Sumagot naman ang pulis. "Ang kasong ito ay isang special case. Ikaw na rin ang gumawa nito sa iyong sarili dahil isa kang artista."

Sa labas ay pinapanood lamang sila ng ibang mga pulis.

"Siguro ay nagsisimula palang sumikat ang babaeng ito. Parang ngayon ko pa lang siya nakita."

"Oo. Baguhan lang iyan at walang kahit anong mayamang background o backer. Dahil kung mayroon man, bakit siya mapupunta sa ganitong sitwasyon ngayon?"

"Mabuti nga sa kanya. Bakit naman kasi sumali-sali pa siya sa mga drug dealers na iyon? Kahit na hindi ka man mayaman o wala ka mang backer, hindi mo dapat ibaba nang ganito ang iyong sarili."

"Marahil ay ito lang ang alam niyang paraan para sumikat."

"Pero maganda naman talaga siya ah. Hmm, okay lang ba na ikulong siya dito nang ganito?"

"Relax. Paano naman nito mababago ang kanyang sitwasyon gayong baguhang artista pa lamang siya? Kahit nagagawa man niya ang lahat ng gusto niya sa labas, kapag nandito na siya sa loob, isa na lamang siya sa napakaraming mga kriminal. Kailangan niyang sumunod sa gusto natin."

Pagkatapos ng napakahabang oras, wala talagang nakuhang impormasyon sa kanya ang pulis. Kaya, sinabi nito kay Lin Che na pwede na itong tumawag sa mga kakilala.

Kinuha ni Lin Che ang kanyang cellphone at tinawagan si Yu Minmin. Ngunit, hindi sumagot si Yu Minmin.

Dahil wala na siyang ibang choice, ilang ulit muna siyang nag-isip at nag-scroll sa kanyang phonebook. Nang makita niya ang number ni Gu Jingze, nag-atubili muna siya bago nagpasyang tawagan ito.

"Beep, beep, beep. The number you have just called is temporarily unavailable." Pati si Gu Jingze ay nakapatay din ang cellphone...

Hindi na alam ni Lin Che kung ano ang gagawin. Sa likod niya ay nauubos na rin ang pasensiya ng pulis. "Bilisan mo na ang pagtawag. Tatawag ka ba o hindi? Kung walang sumasagot, bumalik ka na sa loob."

Wala ng ibang choice si Lin Che. Pagkatapos maghanap ng iba pang contacts, napagdesisyunan niya na itigil na lang ang pagtawag. "Huwag na lang. Wala na akong ibang tatawagan."

Kahit mamatay man siya doon, ayaw niya pa ring tawagan ang mga Lin. Maliban sa mga taong ito, wala na siyang iba pang matatawagan.

Sa loob ay umupo si Lin Che at nawawalan na ng pag-asa. Pakiramdam niya ay nanghihina ang kanyang buong katawan. Buong gabi siyang hindi nakatulog kaya medyo nahihilo siya. Napakalamig din ng lugar na iyon kaya lalo lang sumama ang kanyang pakiramdam. Hindi na niya napigilan ang sarili na sumandal sa isang gilid para magpahinga. Pero, naramdaman niya ang nagyeyelo sa lamig na mga upuan at dingding.

At sa kabilang ibayo naman...

Nakatayo si Qin Hao sa gilid at sinabi kay Gu Jingze, "Sir, pababa na po ang eroplano. Sa ngayon po ay narito na tayo sa H Nation. May team po na sasalubong sa atin mamaya, kaya oras na po para magpalit ka na ng iyong damit."

Tumango si Gu Jingze bago pumunta sa isang silid at magpapalit ng damit. Bumiyahe sila nang limang oras at nagtrabaho pa rin siya sa buong oras na iyon. Pero kapag may sinasabi sa kanya si Qin Hao, kaagad pa rin siyang nakakatugon na para bang nakatulog siya sa buong byahe.

Maya-maya ay bumaba na ang sinasakyan nilang eroplano. Binuksan niya ang kanyang cellphone at kaagad na nakatanggap ng tawag mula kay Mo Huiling.

"Jingze, hehe. May surpresa ako sa iyo."

"Ano iyon?" Nagtatakang tanong ni Gu Jingze.

"Nandito ako ngayon sa H Nation."

Ilang sandaling napahinto si Gu Jingze. Hindi niya inaasahan ito.

Humugot siya ng malalim na hininga at sinabi kay Mo Huiling, "Okay. Hintayin mo nalang ako. Nandito na ang team ng H Nation na sasalubong sa akin. Mabi-busy ako ng ilang oras bago ako magkaroon ng panahon na puntahan ka."

"Okay..." Napalabi si Mo Huiling at nawala ang sigla sa kanyang boses. Halatang hindi ito masaya.

Ibinaba na ni Gu Jingze ang cellphone, ngunit may lumabas na isang notification na nagsasabing mayroon siyang isang missed call kagabi.

Mula iyon kay Lin Che.

Bahagyang nagising ang kanyang isip at kaagad na tinawagan ito.

Sa tabi niya ay medyo hindi mapakali si Qin Hao. Habang nakatingin sa labas, sinabi nito kay Gu Jingze, "Sir..."

Itinaas ni Gu Jingze ang kamay at pinatigil sa pagsasalita si Qin Hao.

Nakapasok kaagad ang kanyang tawag sa cellphone nito. Ngunit, hindi si LIn Che ang sumagot dito. Sa halip, hindi pamilyar sa kanya ang boses ng sumagot...

"Sino ito? Police station nga pala ito." Naiinip na sagot ng lalaki mula sa kabilang linya.

"Nasaan si Lin Che?" Nakasimangot na tanong niya.

"Lin Che? Narito siya ngayon, nakakulong. Kaano-ano mo ba siya?"

Nakakulong? Biglang nagdilim ang mukha ni Gu Jingze.

Ibinaba niya ang cellphone at mabilis na sinabi kay Qin Hao, "Ipa-cancel mo muna ang schedule natin ngayon. Makipag-ugnayan ka sa airline company at sabihin mo sa kanila na babalik tayo ngayon din."

Nabigla naman si Qin Hao sa utos nito. Ngunit nang tingnan niya ang seryosong ekspresyon ni Gu Jingze, nilunok niya na lang ang mga balak itanong na tiyak na hindi nito magugustuhan.

Samantala...

"Lin Che, may nag-pyansa na sa'yo." Hindi inaasahan ni Lin Che ang biglang pagtawag sa kanya ng isang pulis.

Hindi niya inakala na posibleng mangyari iyon. Ngunit paglabas niya, tumambad sa kanyang mga mata ang hindi inaasahang taong darating... si Qin Qing.

Mabilis na nag-init ang puso ni Lin Che at hindi makapaniwalang tiningnan niya ito.

"Qin Qing, bakit ka nandito?"

Nang makita ni Qin Qing ang namumutlang mukha ni Lin Che, biglang kumirot ang kanyang puso.

Mukhang hindi maayos ang pinagdadaanan nito; napaka-haggard nitong tingnan at mukhang pagod na pagod, pati ang labi nito ay singputi na ng niyebe.

"Tumawag ang mga police sa iyong pamilya at sinabing nakakulong ka raw dito. Nag-alala ako sa'yo kaya pumunta ako dito para makita ka." Hinawakan niya si Lin Che. Nang mapansin niyang nanghihina ang katawan nito, inalalayan niya ito habang palabas sila sa lugar na iyon.

"Salamat, Qin Qing." Naisip ni Lin Che na tiyak na wala na ring ibang nakitang paraan ang mga police kaya tinawagan ng mga ito ang kanyang pamilya, ang mga Lin. Sa huli, wala pa rin talagang pakialam sa kanya ang mga ito kaya sa halip na ang mga ito ang pupunta, si Qin Qing ang dumating.

Sinabi ni Qin Qing sa kanya, "tara na. Mukhang hindi maganda ang iyong pakiramdam. Ihahatid na muna kita sa bahay mo. Saan ka ba nakatira?"

Hindi niya kayang sabihin dito na sa mansiyon ng mga Gu siya nakatira. Bukod pa rito, sa kalagayan niyang ito ay ayaw niyang umuwi muna doon. Umiling siya at sumagot, "Ihatid mo nalang ako sa isang hotel."

"Doon ka na lang muna sa bahay ko. Masiyadong magulo ang mga hotels; nagkakalat kung saan-saan ang mga reporters.

Napahinto si Lin Che...

bata pa lamang ay kilala na niya si Qin Qing, kaya maraming beses na siyang nakapunta sa bahay nito. Sa oras na iyon ay ibinaba na niya ang pride at tumango, at sinadyang hindi pansinin ang sinabi nito tungkol sa nagkakalat na mga reporters. Wala siya sa mood ngayon para pansinin pa ang mga reporters na iyon.

Ngunit, pagdating nila sa parking lot ay biglang dumating sina Lin Li at Han Caiying.

"Lin Che, ano'ng ginagawa mo?" Nang mapansin ni Lin Li na nakahawak si Qin Qing kay Lin Che, kaagad na nagdilim ang mukha nito.

Masama rin ang tingin ni Han Caiying kay Lin Che. Totoo ngang hanggang ngayon ay may gusto pa rin ang babaeng ito kay Qin Qing. May lakas pa ito ng loob na tawagan si Qin Qing; tiyak na naghahanap ito ng sariling kamatayan.

Humakbang si Lin Li palapit at itinulak si Lin Che.

Masiyado nang pagod si Lin Che sa buong gabi at nanghihina na ang kanyang katawan. Nang itinulak siya ni Lin Li ay kaagad siyang bumagsak sa ibaba.

Nabigla si Qin Qing sa nakita at biglang sinigawan si Lin Li, "Ano'ng ginagawa mo?"

Kaagad niyang inalalayang tumayo si Lin Che. "Lin Che, okay ka lang?"

Umiling si Lin Che. Itinaas niya ang ulo at masama ang tinging nilingon si Lin Li.

Nang makita ni Lin Li kung gaanong nag-aalala si Qin Qing, lalo itong nagalit at dinuro si Lin Che. "Lin Che, ano ba talaga'ng gusto mong mangyari ha? Hindi ba't nakahanap ka na ng makapangyarihang lalaki na magssponsor sa'yo? Anong nangyari ngayon? Iniwan ka na ba kaya nagsusumikap kang lumapit kay Qin Qing? Wala ka na ba talagang natitirang hiya diyan sa katawan mo?"

"Lin Li, tama na. Ano bang pinagsasabi mo?" Nagsisimula na ring magalit si Qin Qing.

Galit na nilingon ni Lin Li si Qin Qing. "Qin Qing, kinakampihan mo pa rin siya? Ako ang fiancee mo! Pero siya pa ang inaalala mo ngayon! Hindi ako nagsisinungaling! Parang mababaliw na ako ngayon dahil galit ako sa'yo! Iyan ang dahilan kung bakit ganito ako ngayon!"

Mula sa likod ay mabilis na hinila ni Han Caiying ang anak papunta sa kanya. Nag-aalala siya na baka hindi nito makontrol ang sarili dahil sa sobrang galit at magalit dito si Qin Qing.

Pinukol niya nang masamang tingin si Lin Che. "Lin Che, ikaw ang may kasalanan ng nangyari sa'yo ngayon. Pwede mo namang gawin ang kahit na ano, pero bakit kailangan mo pang masangkot sa droga? Sumusobra ka na talaga; alam naman ng lahat na gusto mo lang sumikat, pero bakit mo naman kailangang gawin ito? Illegal ang ginawa mo at bilang isang tao, hindi ka dapat magpakababa nang ganyan. Ganoon pa man, bahagi ka pa rin ng aming pamilya. Dahil sa ginawa mong ito ay haharapin din ng buong pamilya ang kahihiyang ito. Hindi ka talaga nag-iisip kahit kailan."

Related Books

Popular novel hashtag