Alex's Point of View
"Arrrghh! Ang sakit ng ulo ko!"
Napasabunot ako sa aking buhok dahil sa sobrang sakit. Hang-over sucks! Darn it! Kasalanan ito ng boring na Timothy na 'yon e. Kung hindi ba naman niya ako nireject kagabi, hindi ako magpapakalasing.
Humanda talaga siya sa 'kin kapag nakita ko ulit siya.
Wait!
May meeting kami ngayon ng magiging partner ko sa bagong project ko ah. Anong oras na ba?
Umikot ako sa kama upang tignan ang oras sa aking cellphone na nakapatong sa bedside table. At bigla akong napatayo nang makitang alas-diyes na.
"Shi--Arrrghhh!"
Mas lalong sumakit ang ulo ko. One hour late na ako. Stupid, Alex! Stupid! Stupid! Stupid!
Padapa akong nagpatumba sa aking kama saka ko inuntog-untog doon ang aking ulo. I can't afford to lose this project but I can't attend it with hang-over too. Baka mamura-mura ko lang ang ka-meeting ko. Hayyst!
Napatingin ako sa pintuan nang biglang bumukas iyon. Iniluwa nito si Darren na may dalang tray.
Napangiti siya nang makita ako.
"Gising ka na pala, Alex. I made a chicken soup for you."
Umayos ako ng upo sa kama at ibinaba ni Darren ang tray sa harap ko. He's not calling me ate. Ayaw daw niya kaya hinayaan na lang namin ni Shane. Feeling adult kasi 'tong batang 'to.
"Thanks, Darren. How about Shane?"
I started to eat the soup. Hinigit naman niya ang upuan ko sa study table at umupo sa kanang bahagi ng kama.
"Tinawagan ng mommy niya kaya umuwi na."
Napatango-tango ako.
"How about you? Hindi ka ba papasok?"
"Tumawag na ako sa school. Sinabi kong masama ang pakiramdam ko. And tumawag din pala ang secretary mo. Sa monday na lang daw ang meeting niyo ng iyong partner."
"Wow! What a good timing for cancellation."
"Lets go, Alex! Sasama ka ba o hindi?" rinig kong sigaw ni Shane sa baba.
Tsk. Mukhang badtrip na naman siya. Ano na naman kayang nangyari sa lakad niya kanina?
For sure, magpapakalasing na naman ang bruha.
Tinignan ko ang aking repleksyon sa salamin. Simple lang naman ang suot ko ngayon. Black halter top partnered with fitted high waist black skirt.
Devilish outfit for tonight.
Pagkatapos kong i-blower ang buhok ko'y bumaba na ako.
"Tara na."
"Saan tayo ngayon?" tanong ni Darren.
"Sa VLK club. 'Yung pinuntahan natin kagabi," sagot ko.
"Sigurado ka?"
"Oo naman."
After 20 minutes, nakarating na kami sa club.
Inilibot ko ang aking mata at wala pa si Timothy. Hindi ako sigurado kung pupunta siya ngayon pero wala naman akong balak na gawing flavor siya for tonight.
Gusto ko lang obserbahan ang kilos niya, kung anong klaseng babae ang kinakausap niya rito sa bar.
"Are you looking for someone? Nagkakandahaba-haba ang leeg mo ah," puna sa akin ni Shane.
"No one in particular. Just a new flavor."
That's partly true and partly lie.
Dumiretso ulit kami sa gilid kung saan kami pumwesto kagabi.
Nang makaupo kami'y naghahanap kaagad si Shane ng alak kaya naman nagpresenta akong umorder ng mga iinumin sa counter.
"Samahan na kita, Alex," pag-aalok ni Darren.
"Sige."
I lean on the counter and asked the bartender after I stated our orders. We just ordered beers and tequila.
"By any chance, do you know Timothy?"
"Yes, ma'am. Napakabait po no'n. Lagi po akong binibigyan ng malaking tip. Bakit po?"
"Madalas ba siya rito?"
"Opo, ma'am. Basta wala siyang out of town and out of the country na business trip."
"Alex, lets go. Naiinip na si Shane doon," singit ni Darren na nakasimangot na naman.
Ano na naman bang problema ng lalaking 'to? Parang pinaglihi sa sama ng loob tuwing nasa bar.
"Hmmm...can I ask you a favor?" tanong ko ulit sa waiter saka siya nginitian nang pagkatamis-tamis. Killer smile all Alex.
"Yes, ma'am. Kahit ano para sa napakagandang dilag na tulad mo, ma'am," nakangiti naman niyang sagot saka hinawakan ang kaniyang batok.
Inilabas ko sa aking pouch ang calling card ko at iniabot 'yon sa kaniya.
"This is my calling card. Call or text me if he's here. And oh! This is your tip."
Abot tenga ang kaniyang ngiti nang abutin iyon.
"Thank you, ma'am. Bernie nga po pala. Always at your service."
I winked at him and headed to our place.
Pagkalapag ni Darren sa mga inumin ay nagbukas na kaagad si Shane at itinungga iyon.
"Hinay-hinay lang, Shane. What's the problem?"
"Wala naman. I just want to have fun!"
"Okay. Have fun. Cheers!"
We drunk until we became wasted.
Tawa na nang tawa si Shane at nagyayaya sumayaw.
Nang hindi niya ako tinigilan, nagpahila na ako sa kaniya patungo sa dance floor.
Sumunod naman kaagad sa amin si Darren.
We searched for hot guys and when we spotted some, doon kami dumiretso.
Nakipagsayawan kaagad si Shane sa tatlong mukhang kaedad lang ni Darren.
Muntik pa akong matumba dahil sa sobrang wild ng mga sumasayaw. Mabuti na lamang at nasa likod ko si Darren kaya nasalo niya ako.
Mabilis naman akong umayos ng tayo at hinanap ang nakita kong new flavor for tonight. Sa paghahanap ko ay namataan ko si Timothy sa counter.
Ilang segundo lang kaming nagkatinginan dahil umiwas ako kaagad. I don't want to feed his ego any further.
I regain my poise and find my target. Nang makita ko siyang may kasayaw, hinigit ko ang kaniyang kwelyo saka itinulak ang babae. Napasigaw pa ito at balak sana akong itulak ngunit hindi na nito itinuloy nang nakita ang kamay ng kasayaw niya na nasa bewang ko na. Good riddance, bitch! I smirked.
Mukhang enjoy na enjoy sa paghawak sa aking bewang ang lalaking ito habang sumasayaw ako. Syempre, nakita niyang hamak na mas maganda at sexy ako kaysa sa babaeng kasayaw niya kanina. Tiyak na ramdam na ramdam din ng palad niya Ang curves ko. I lean closer to him habang panaka-naka akong tumitingin sa gawi ni Timothy at nahuli kong tumitingin din siya sa akin habang seryosong umiinom. Napangiti ako.
At napalunok. 'Coz he's too sexy drinking that tequila. Darn it. Can I be that glass right now? Shit!
Parang gusto kong sugurin siya at halikan ang mapupulang labing iyon.
Dahil hindi na ako makafocus sa pagsasayaw, hinalikan ko ang aking kasayaw at iniyakap naman niya ang kaniyang kamay sa aking bewang. Mas hinapit pa niya ako palapit at pinalalim ang halik namin.
I can't think straight. Ayokong magmukhang kawawa at talunan sa mata ni Timothy kaya naman mas nagfocus ako sa paghalik.
Maya-maya pa'y naramdaman kong naglalakad na kami habang naghahalikan pa rin.
Okay! Let's do this.
Nagpadala ako sa kaniya hanggang sa may harap ng cr. Isinandal niya ako sa wall at sinimulang halikan ang aking leeg.
Hinayaan ko naman siyang gawin ang gusto niyang gawin basta hanggang taas lang siya.
Nang mapalinga ako'y nakita ko si Darren sa dulo ng hallway habang may kahalikan ding babae.
Okay. Were busy on our own business now.
Mas inilibot ko pa ang aking mata as if hoping that someone will show up here and will pull me away from this hot kissing monster.
Pero na-hopia lang ako. Walang nagpakita. Walang pumigil sa ginagawa namin.
Nang maramdaman ko ang kamay ng lalaking ito sa aking hita ay itinulak ko na siya palayo.
"Upper base only, boy. Thank you for tonight."
I left him there looking unsatisfied. Halatang naiirita din siya sa ginawa ko. Masyadong nabitin si Kuya.
But who cares?
I'm satisfied and that's what matters.
He's a nice flavor, anyway.
Naglakad na ako pabalik sa talbe namin at muntik na naman akong matumba dahil bigla akong nahilo. Mabuti na lamang may sumalo na naman sa akin. Pagtingala ko, it's Darren.
I don't know but I felt disappointed.
Inalalayan na 'ko ni Darren hanggang sa makarating kami sa aming pwesto. And Shane is there with a boy and they are kissing intimately.
Napailing-iling na lang ako. Iwinakli ko ang kamay ni Darren na nakaalalay sa 'kin saka ako naglakad patungong parking lot. Naramdaman ko namang sumunod si Darren pero hindi ko na lang siya pinansin.
Pagkarating ko sa parking lot, may namataan akong isang lalaki at babae na mukhang nag-uusap. Medyo pasigaw na ang pagsasalita ng babae at sumusuray-suray din ito kaya inalalayan ng lalaki.
Pinasingkit ko ang aking mata para mamukhaan ang lalaki dahil mukhang pamilyar siya.
Naglakad pa ako palapit para makita ko nang mas maayos ang mukha niya. Nakatalikod naman sa gawi ko ang babae.
At nang mamukhaan ko na nga ang lalaki ay sakto namang hinigit niya sa bewang ang babae at hinalikan ito.
What the fuck, Timothy? You're not interested in me but you kiss that bitch? Who's that bitch anyway? I'll crush her!
Naglalakad na ko palapit kina Timothy na naghahalikan pa rin nang bigla akong hinigit ni Darren.
"Let me go, Darren!" I shouted.
"Don't mess, Alex," he reminded me and remained holding me firmly.
Fuck it! Lumingon ako kina Timothy at hindi pa ri sila tapos! Ano? Uubusin niyo labi ng isa't isa? Grrrrrr! Mas lalo akong nanggigil! Gusto kong ingudngod 'yung babae at punasan ang labi ni Timothy.
"Ano ba, Darren! Bitiwan mo ko!" Mas malakas na ang boses ko ngayon. Pinipilit kong binabawi ang kamay ko pero ayaw niyang bitiwan 'yon.
"You're drunk, Alex. You can't even walk straight. Let's just go home."
And with that, bigla na lamang akong umangat sa lupa dahil binuhat niya ko na parang sako.
Mas lalo akong nahilo. Shit.
I can see the world upside down.
When I raise my head, I saw Timothy looking at me while that bitch is hugging him.
"That should be me!!!!" I screamed in the top of my lungs.