Alex's Point of View
Hapon na nang magising ulit ako. Tila may sariling buhay ang mata ko na automatic na naglibot ang paningin nito sa buong kwarto upang hanapin si Timothy.
Nakaramdam ako ng pagkadismaya nang wala akong Timothy na nakita. What do you expect from him, Alex? Hayyyy.
Baka umalis na siya. Sino nga ba naman ako para iprioritize niya? Tsk. May pasabi-sabi pa siya kaninang "you're my responsibility" pero iiwan din lang naman pala ako.
Maingat akong bumangon sa kama. May nakita akong nakaprepare na tubig sa bedside table kaya uminom muna ako. Pampakalma ng sarili. Pakiramdam ko kasi'y bigla na lang akong mawawalan ng malay dito dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Medyo nahihirapan din ako huminga. Hindi ko alam kung dahil ba sa sipon at sakit ng ulo ko 'to o dahil sa galit at pagkadismaya kay Timothy. Yung blood pressure ko tumataas ata.
Napahawak ako sa dibdib ko at pinakiramdaman ang kalabog niyon.
Kumalma ka, heart. Pwede? 'Di mo kailangang magwala dahil lang kay Timothy. Si Timothy LANG naman 'yon ee. Wag kang papaapekto sa kaniya. Wawasakin ka lang no'n.
"Thank God you're awake now."
"Ay paasang Timothy!"
Napatalon ako at nabitiwan ko pa ang basong hawak-hawak ko dahil sa sobrang gulat nang biglang may nagsalita.
Napalingon ako sa pintuan at tila naging slow-motion ang mga nasa paligid ko.
It's Timothy.
Napaawang pa ang labi ko dahil sa itsura niya.
He's standing at the doorway. Basang-basa pa ang buhok nito at mukhang bagong ligo. Naka white tshirt at gray sweat pants na siya ngayon.
"Shit!"
He ran towards me and kneel down to check my legs while I'm just looking at him unbelievingly. I really thought he already left.
"Thank God you're not hurt." He heaved a deep breath showing that he's truly relieved that I'm unscathed.
He stood up and looked at me.
"Don't move an inch. I'll clean this shattered glass first."
He left the room and when he returned he has a broom and a dust pan with him. I don't know how he found those 'coz I'm just leaving those two anywhere in the house where I cleaned last.
Pinanood ko siyang maglinis. Parang sanay na sanay naman siya. Hindi halata sa itsura. May sariling bahay na rin kaya siya? Siya lang ba nag-aasikaso sa bahay niya o may katulong siya?
Gustong-gusto ko siyang tanungin but I'm restraining myself. Baka mamaya, kung ano na naman ang sabihin niya sa akin.
After niyang maglinis, dinalhan niya ko nang makakain dito sa kwarto. Adobo and rice with vegetables in it.
"Kumain ka na rin ba?" I asked him.
Tumango lang siya habang nakaupo sa sofa na nasa harap ng tv sa kwarto ko. Nagi-scroll siya sa iphone niya. Nabo-bored 'yan malamang.
Kinuha ko ang remote ng tv mula sa drawer ng bedside table ko. Binuksan ko ang tv at nag scroll sa mga movies na nandoon.
"What do you want to watch?"
Lumingon siya sa akin. "Anything will do. Are you done eating by the way?"
"Yeah. I'm done."
Lumapit siya sa akin at kinuha ang mga pinagkainan ko.
"I'll just take this downstairs. You can start the movie that you want to watch then I'll just catch up later."
I nodded.
Ano kayang magandang panoorin? Ano bang mga pinapanood no'n?
In the end, I had chosen Coco. Wala ee. This is one of my all time favorite kasi. I love the twist. The story. The characters and the songs.
Pero ang nakakainis, naiiyak ako sa coco samantalang siya'y wala man lang reaksyon habang nanood. He's just quiet and serious-faced while watching. Pakiramdam ko nga'y ayaw niya nung pinapanood namin. Hindi ko naman kasi alam kung ano bang trip ng lalaki 'to. Ang hirap ispellingen.
Nakatapos na kaming kumain ng dinner lahat-lahat. Alas nuwebe na ng gabi at oras na para matulog ako ulit. Tumingin ako sa kaniya na nakaupo sa sofa ulit habang pinapaikot-ikot ang cellphone sa kamay niya.
"Hindi ka pa ba uuwi? Gabi na. May trabaho ka pa bukas."
He looked at me.
"I will not leave until somebody came. Besides, I don't have work until Monday. And my work is your work too. We have a project, remember?"
Napatingin naman ako sa aking cellphone nang tumunog iyon.
2 messages received.
One text from Darren and one text from Shane saying that they can't come here tonight.
Nasa club si Darren with his friends to celebrate because their examination was already done.
And Shane is with her new fling again.
"No one is coming for me tonight, Timothy. Will you stay here. . .with me until tomorrow?" I asked reluctantly but at the same time I'm hoping he will say yes.
"No."
Nakasimangot ako at napayuko dahil sa kaniyang sinabi. Nagkunwari na lang akong may binabasa.
"I'll repeat this again, Alex. I'll stay here with you until somebody came to tend your needs. Do you understand?"
The authority, sincerity and hotness are all combining and reverberating everytime he talks. It is consuming me. It is drawing me more towards him.
I bit my lower lip.
Pinigilan ko ang aking pagngiti para hindi halatang masayang-masaya ako sa naging sagot niya.
Humiga na siya sa sofa at humiga na rin ako. Tahimik lang kaming dalawa. Pasimple ko siyang tinititigan habang kunwaring nakapikit ang aking mga mata.
Napakunot ako ang aking noo nang makita kong hindi siya mapakali sa sofa. Paiba-iba siya ng posisyon at mukhang hindi siya makatulog.
Tumalikod ako sa kaniya para makapag-isip.
Papupuntahin ko ba siya rito sa kama o hindi? Paano kung tanggihan niya lang ako? Paano kung iba na naman ang isipin niya? Paano kung--?
Impit akong napasigaw nang biglang gumalaw ang kama. Mabilis akong humarap at nakaupo na si Timothy sa gilid ng kama.
Napakamot naman siya sa batok.
"Sorry. Nagising ba kita? Akala ko kasi tulog ka na," nahihiya niyang sambit.
"No. Not at all. May kailangan ka ba?" pa-inosente kong tanong kahit alam ko na kung anong pakay niya.
"I can't sleep on the couch. Can I sleep here?"
Parang bata niyang tanong. Lihim akong napangiti habang nakatingin sa kaniya. Ang cute niya kasi humingi ng favor. Hindi rin nakatakas sa aking paningin ang pamumula ng kaniyang mukha. Hahaha! Mukhang hiyang-hiya siya.
Aba dapat lang. Hindi nga niya ako pinasakay sa sasakyan niya ee tapos ngayon makikitulog siya sa kama ko? Aba! Pwedeng-pwede. Ilang araw ba? Charr! Hahaha!
"I think, I'll just settle here on the floor. Where are your extra blankets and foams?"
"Alex--hey. Are you already asleep? Are you daydreaming? You're smiling like crazy."
"Alex!"
Napabalik ako sa realidad nang yugyugin ako nang bahagya ni Timothy.
"Ah sure," sagot ko naman.
Napakunot naman ang noo niya.
"Este nandiyan sa cabinet yung mga extra blanket and foams. Sa pinakababa."
Trenta minutos na akong pabali-balikid sa kama. Hindi ako dinadalaw ng antok. Bakit kasi binawi pa niya? Papayag naman akong matulog siya dito ee. Hayyst! Wala naman akong gagawin sa kaniya. Tsk. Palibhasa walang tiwala sa 'kin.
Hindi pa nakatulong 'yung pabango niyang amoy na amoy ko kahit nandoon siya sa lapag. Mas lalo akong naaakit. Grrr! Brace yourself, Alex! Behave!
Maya-maya pa'y narinig ko na ang mabagal niyang paghinga. Tulog na kaya siya? Hmmm. . .
Humarap ako sa gawi niya. Nakatalikod siya sa akin.
Kinagat ko ang aking ibabang labi dahil sa mga pumapasok sa isip ko.
Jeeez! Magtulog-tulugan kaya ako tapos kunwari mahuhulog ako sa kaniya?
Sheeemss!
Ang manyakis ko. Ako pa talaga ang nanamantala. Huhu! Patawarin niyo ako.
Bigla akong napahikab. Dinadalaw na ako ng antok.
Unti-unti ko nang ipinikit ang aking mata.
Kinaumagahan, nagising ako dahil pakiramdam ko'y may nakatingin sa akin--sa amin.
At hindi nga ako nagkamali, pagmulat ko'y nakita ko si Daddy na masama ang tingin kay Timothy. Taas-baba ang kaniyang balikat at halatang-halata na pinipigilan lamang niya ang kaniyang galit.
"Dad, it is not what you think," I explained.
"Really?" He answered sarcastically.
With that, realization hit me. Napatingin ako sa posisyon namin ni Timothy. Nakayakap ako sa kaniya habang nakayakap naman siya sa bewang ko at nakasubsob ang mukha sa aking pinagpalang dibdib.
Shet! Bakit nandito na ko sa baba? Nahulog ba ko kagabi nang hindi ko namamalayan?
Literal na nanlaki ang mga mata ko! Dali-dali ko siyang itinulak ngunit masyado siyang malakas.
Mas lalo lang niyang hinigpitan ang yakap sa akin at parang batang mas isinisiksik ang mukha sa aking dibdib. Akala siguro niya unan na malambot.
Mabuti na lamang at may tshirt ako pero sana wala na lang. O-kay. Ako na talaga.
Pinilit ko pang kumawala sa pagkakayakap niya sa akin ngunit hindi ko talaga kaya. No choice. Yinugyog ko na lang siya hanggang sa magising siya.
"Timothy. . .uy. . .Timothy."
"Hmmmm. . ." ungol niya.
"Timothy, nandito ang daddy ko," bulong ko naman.
"Daddy? Whose daddy?" Parang tanga niyang tanong habang nakapikit pa rin. Nakalimutan niya atang natulog siya sa ibang bahay.
Niyugyog-yugyog ko ulit siya at ilang segundo pa'y parang binuhusan naman siya ng malamig na tubig at agad na bumangon.
Umayos siya ng tayo at kinakabahang tumingin kay Daddy.
"S-sorry po, sir. It's just. . ."
Mag-eexplain pa sana siya ngunit pinutol na siya ni Daddy.
"I don't need an explanation. Panindigan mo ang baby girl ko."
Wtf!