Third Person's Point of View
"Bakit gano'n, Shane? Minsan lang mahulog ang puso ko pero sa maling tao pa. May ginawa ba 'kong mali sa past life ko? Ang sakit-sakit, e. Sobra. Ramdam na ramdam ko kung paano napupunit ang puso ko tuwing nakikita ko siyang malambing sa iba."
Itinungga ulit ni Alex ang beer na hawak-hawak niya saka marahas na pinunasan ang bibig. Wala siyang pakialam sa itsura niya ngayon kahit na kalat-kalat na ang kaniyang make-up. Ang nais lamang niya ay maglaklak ng alak hanggang sa pati feelings niya para kay Timothy ay tangayin na rin.
"Tama na 'yan, Alex. Ilang gabi na tayong nagtatambay rito sa club at palagi kang naglalasing. Gano'n ba kalakas ang tama mo sa lalaking 'yon? Well, honestly. He's not worth these bullshits. Wake up, Alex!" mahabang litanya ni Shane ngunit tinignan lang siya ng kaniyang kaibigan.
"Si Darren? Nashan si Darren?" may bahid na ng pagkalasing na tanong ni Alex. Ngayon lang niya napansin na hindi nila nakakasama si Darren nitong mga nakaraang araw. Palagi kasi itong abala sa paghahanda para sa kaniyang birthday dahil isinasama siya ng kaniyang mga magulang sa mga dapat gawin. Lalo na sa mga desisyong kailangan siya. At wala namang magawa ang mabait na anak na tulad ni Darren. Minsan lang niya makasama ang kaniyang magulang kaya nilulubos niya ito.
"Pagod raw. At isa pa, hindi ko na sinabi ang problema mo ngayon dahil baka masaktan lang iyon. At alam mo naman na kahit masasaktan siya at pagod, pipilitin niyang pumunta rito para damayan ka kaya nagrason na lang ako na kailangan lang natin mag-unwind."
Sasagot pa sana si Alex nang marinig niya ang boses ni Klein. Bumili kasi ang binata ng kanilang inumin ngunit ngayo'y mukhang may nangungulit na naman sa kaniya.
Mapungay ang matang tinignan ni Alex ang binata at nakinig sa usapan nila ng babaeng nasa harap niya ngayon. Mukhang ka-edad lang ni Klein ang dalaga. 20 years old.
"Come on, Klein. Make love with me tonight. I really miss you. Don't you miss me? You've said everytime were doing that I'm the best in bed among the girls you made love with. I can perform better tonight. I'm really craving for you," the girl said seductively and quickly grab Klein's face and kissed him.
Mabilis namang inilayo ng binata ang dalaga sa kaniya.
"Stop it, Trishia. I'm with my girl tonight. Please respect it. You know that I'm not doing it with anybody when I have a girl."
"Oh! Come on. She's just your girl not your girlfriend. No strings attach. I know you, Klein."
"You just know me in bed, Trishia."
Napanganga ang dalaga.
"What's happening with you, Klein? And where is your fucking girlfriend, huh? You're just making these stories to make me jealous, right?"
Tumayo si Alex at pasuray-suray na pumunta sa tabi ni Klein. Nang makalapit siya'y muntik pa siyang matumba. Buti na lamang at nahawakan siya agad ni Klein sa bewang.
Nang makaayos siya ng tayo habang inaalalayan pa rin siya ng binata ay pinasadahan niya ng tingin si Trishia mula baba at pataas.
"Hi, miss...I don't care. Klein is not lying to you. I'm his girl by the way."
Ngumisi nang nakaasar si Alex at muntik na namang ma-out balance dahil medyo lasing na rin ito.
Hindi naman makapaniwala si Trishia sa nakikita.
"This is your girl, Klein? A drunkard? Not classy? Look st her. She look so wasted. Are you kidding me?"
Mas lalong lumawak naman ang ngiti ni Alex. "Maybe he's just kidding you...when he said that you're the best in bed...because the truth is...best was an understatement for me."
Alex giggled and torridly kissed Klein.
While someone is unconsciouly crying from afar. Darren.
He heard and saw everything.
He came because he missed Alex so much but unfortunately, in his point of view...it seems like Alex don't even remember him.