Third Person's Point of View
"Ang cute-cute mo talaga, Klein.Ajuju!" Pinipisil ni Alex ang pisngi ng binata saka niya ito hinahalikan.
Tila batang napapangiti naman si Klein dahil sa kakulitan ng dalaga.
Kanina'y sinasabunutan pa siya nito at tawa ito nang tawa. Si Shane naman ay napapakunot na lang ang noo sa ginagawa ng kaibigan.
Bandang alas onse nang biglang mag-ring ang cellphone ni Klein.
One text message from Hershey...
Hershey: Klein, can you fetch me here at airport? I'm afraid to ride on a taxi...alone. *insert sad emoji*
"Alex, uwi na tayo," pag-aaya ni Klein.
"Nooo...ayoko pha. Gushto ko pha dito," sagot naman ni Alex na pupungay-pungay na ang mata saka inilingkis ang kamay sa leeg ng binata.
"May kailangan akong puntahan, Alex. Tara na. Ihahatid ko na kayo."
"Ayoko nga," bumelat pa ito.
Napatingin naman si Klein kay Shane.
"Shane, may kailangan akong puntahan. Pwede ba'ng ikaw na ang bahala kay Alex? Baka kasi hindi ako makabalik rito."
"I understand. Sige ako na ang bahala."
"Salamat." Dahan-dahan namang inalis ni Klein ang kamay ni Alex sa kaniyang leeg saka tumayo.
He kissed her on the forehead. "See you tomorrow."
Alex giggled.
Nang makaalis si Klein ay idinial naman ni Shane ang number ni Darren.
Calling Darren...
Mabilis namang sinagot ni Darren ang telepono kahit nasa kalagitnaan siya ng pag-iyak sa park na malapit sa kanilang bahay.
Hindi na siya hinintay ni Shane na magsalita.
"Darren, pwede mo ba kaming sunduin ni Alex dito sa usual bar? Lasing na lasing na kasi siya and we didn't brought a car with us."
"O-okay," sagot ni Darren habang pinipilit na itago ang lungkot.
Malayo man ang park na iyon sa bar na kinaroroonan nina Alex ay pumunta pa rin si Darren. Halos paliparin na rin niya ang sasakyan dahil sa pag-aalala kay Alex.
After 30 minutes ay nandoon na siya kahit ang ordinary na pagbyahe papunta roon ay 1 hours and 20 minutes.
Nagmamadali rin siyang naglakad papasok ng bar at nakahinga lang siya nang maluwag nang makita niyang ayos naman ang dalawa.
Masyado kasing wild si Alex kapag nalalasing at hindi niya kayang isipin na sumama ito sa ibang lalaki nang ganito ang kalagayan.
"Darren, mabuti naman at dumating ka kaagad. Kailangan ko na rin talagang umuwi at isa pa, kanina pa nangungulit itong si Alex," salubong sa kaniya ni Shane.
"Pero teka...umiyak ka ba?"
"Hindi. Sinus lang ito," pagsisinungaling niya saka bumaling kay Alex.
Napatingin naman si Alex sa kaniya at kaagad siya nitong dinamba kaya natumba silang dalawa sa couch habang nasa ibabaw ang binata.
"Klein! You returned! Yey! Shabi na nga ba niloloko ako ni Shane na iniwan mo ako."
"Alex, si Darren 'yan hindi si Klein!"
Hindi naman pinansin ni Alex si Shane.
Umalis naman sa ibabaw ang binata at tinulungan din bumangon ang dalaga.
"Ang cute mo talaga, Klein. Namumula ka! Wiiiih!" Parang batang
sabi ng dalaga at hinalikan ang pisngi nito.
"Alex!" saway ulit ni Shane ngunit bumelat lang si Alex.
"Kiss me, Kleiiiin." Ngumuso ang dalaga saka pumikit.
Napalunok naman ang binata at tinignan si Shane.
"Ang tagal, Klein. Ayaw mo na ba sa 'kin?" may bahid ng pagtatampong wika nito.
Tumayo na si Shane at lumapit kay Alex.
"In one condition, Alex. Kapag nahalikan ka na ni Klein..." Kinalabit ni Darren si Shane at ayaw sanang pumayag ngunit pinanlakihan siya ng mata ng dalaga. "...uuwi na tayo."
"Okie dokie!" Nagthumbs up pa si Alex habang nakapikit pa rin.
Itinulak naman ni Shane si Darren papalapit. "Just do it, Darren. Para makauwi na tayo."
Pumikit ang binata saka dahan-dahang inilapat ang labi sa mapupulang labi ng dalaga.
-------------
"Thank you, Darren." Pumasok na si Shane sa bahay nila at pinaandar na ng binata ang sasakyan.
Nang makarating sila sa harap ng bahay ni Alex ay pinagbuksan sila ng guard.
Iginarahe niya ang sasakyan saka bumaba para buhatin ang dalaga.
Umungol naman si Alex nang buhatin siya ni Darren. At kahit nanginginig ang tuhod at kamay ng binata dahil sa epekto ng dalaga sa kaniya ay nagawa pa rin niyang mairating sa kwarto si Alex.
Maingat niya itong ibinaba sa kama at kinumutan. Ngunit nang maglalakad na siya patungo sa sofa na nasa gilid ng kwarto ni Alex ay biglang may kamay na pumigil sa kaniya.
"Huwag mo 'kong iwan, Klein. Please...dito ka lang sa tabi ko ngayon," sabi nito habang nakapikit.
Tila kinurot naman ang puso ni Darren nang makita ang luha na tumulo sa mata ng dalaga.
Huminga nang malalim ang binata at tinabihan ang dalaga. Mabilis namang yumakap si Alex kay Darren at isinubsob ang mukha sa dibdib ng binata.
Unti-unting ipinikit ng binata ang kaniyang mga mata saka niyakap din ang dalaga.
"I love you, Alex," aniya bago nagpatangay sa antok.
------
Maagang nagising si Darren kinaumagahan. Nakayakap pa rin sila sa isa't isa.
At kahit nais niyang manatili sa gano'ng posisyon habangbuhay--payapa silang nakayakap sa isa't isa...ay wala siyang nagawa kun'di ang bumangon.
Mabilis niyang hinanap ang cellphone ni Alex at mabuti na lang dahil alam niya ang password niyon. Hinanap niya ang number ni Klein at tinexan iyon gamit ang kaniyang cellphone.
To Klein:
Klein, this is Darren. Alex's friend. Can you come here at Alex's house now? I'll explain everything when you arrived.
From Klein:
Actually, I'm on my way already. What's the problem?"
To Klein:
I'll explain later.
Tumulo muli ang luha ni Darren nang tumingin sa dalagang payapang natutulog ngayon.
Umupo siya sa tabi nito at hinaplos nang marahan ang buhok.
"I'm sorry, Alex. But I need to do this. Natatakot ako sa magiging reaksyon mo kapag nagising ka at ako ang nadatnan mo rito. I love you."
Napalingon siya sa bintana nang marinig ang bagong dating na sasakyan.
Hinalikan niya sa noo ang dalaga at mabigat ang pakiramdam na lumabas ng kwarto.