Third Person's Point of ViewNakailang bote ng red horse si Timothy bago dumating si Klein sa bahay nito.Naabutan siya nitong nakaupo sa sahig ng kaniyang kwarto habang nakasandal sa kama niya."Anong ginagawa mo rito?" malamig na tanong ni Timothy sa kaniyang pinsan."Nabalitaan ko ang balita kaya nagpunta ako rito. Alam kong kailangan mo ng kausap."Umupo si Klein sa tabi nito saka nagbukas din ng kaniyang red horse."Meron ka namang pagpipilian, e. Pwede mong iwan si Katniss at ipakita na gusto mo si Alex."Nagpakawala ng sarkastikong tawa si Timothy. Isang tawang may bahid ng sakit at lungkot."Gusto? Masyado nang mababa ang salitang iyon para sa nararamdaman ko sa kaniya. Mahal ko na siya, Klein."Itinungga ni Timothy ang kalahating natitira sa boteng hawak niya saka marahas na pinunasan ang kaniyang bibig"Edi ipakita mo. Huwag mo siyang paulit-ulit na saktan. Be brave and cut your ties with Katniss. Don't be afraid with her empty threats.""You doesn't know anything. Those are not empty threats anymore. She's really doing it. Besides, I know that we will not be happy when someone died because of my selfishness. Alex would just loathe me even more when she learned about it. And maybe, she will hate herself too. We will just live our life blaming ourselves."Tumulo na naman ang luha ni Timothy habang nagbubukas ng panibagong bote."But marrying her is too much, Tim. Hindi mo siya mahal. Ikaw ang matatali sa isang babaeng hindi mo naman mahal."Napailing si Timothy. "Siguro sa paglipas ng panahon ay matututunan ko naman siyang mahalin.""Pero paano kung biglang lumala ang kaniyang sakit? Paano kung bigla siyang mawala at sa oras na iyon ay nakatali na sa iba si Alex?""Hindi ko alam," sagot ni Timothy saka uminom ulit."I'm sorry, bro."Napatingin si Timothy kay Klein."For what?""Nabigo ako. Nabigo akong ilayo ang loob niya sa 'yo. Mukhang mas napalapit pa nga siya. Kaya dalawa kayong nasasaktan ngayon.""Sinubukan ko rin naman e. Sinubukan kong ilayo ang loob ko sa kaniya. Nagsimula ito nang gabing iligtas ko siya sa isang rapist noon na mukhang hindi niya maalala na ako 'yon 'pagkat lasing na lasing siya. Magmula noon, mas lumalim nang lumalim ang aking nararamdaman para sa kaniya sa tuwing pinapanood ko siya sa bar."Binuksan ni Timothy ang kaniyang isang cellphone na hindi alam ni Katniss. Pumunta siya sa gallery at ipinakita kay Klein lahat ng mga stolen pictures ni Alex na umabot na sa libo.Iniscroll-scroll ni Timothy ang mga iyon at siya'y napapatawa tapos mapapaiyak. Hindi nagsalita si Klein at hinayaan lang ang pinsan na tignan ang mga larawang iyon kung saan makikita ang iba't ibang sides ng isang Alex Mendoza."Itutuloy mo pa rin ba ang nasimulan mong paghihiganti ni Katniss kay Alex?"Napatigil si Timothy sa kaniyang ginagawa saka nagpakawala ng isang buntong hininga. "Tatapusin ko na iyon. Ayoko nang patagalin pa dahil mas lalo ko lang siyang masasaktan. Kaya kung maaari. . . hihingi ulit ako ng pabor sa iyo.""Ano 'yon?""Papuntahin mo si Alex sa birthday party ko."