Darren's Point of View
Pagkagising ko kinaumagahan, wala na si Alex sa tabi ko. Tanging ako na lang ang bukod tanging nakahiga sa aking kama.Masakit? Syempre.Simple lang naman ang mga ibig sabihin ng pag-alis ng isang tao sa tabi mo matapos na may mangyari sa inyo. Pinagsisisihan na niya ang nangyari o 'di naman kaya'y hanggang doon lang 'yon. Period. Wala ng kasunod.Saklap, 'di ba? Pero sino nga ba ako para magreklamo? Ako lang naman si Darren na isang hamak na babybro nila.Bumangon na ako at dumiretso sa cr. Pagtingin ko sa aking repleksyon sa salamin, napakarami kong kissmark sa leeg at dibdib. Hindi ko alam kung dapat ba 'kong sumaya o umiyak dahil sa mga ito.Bakit gano'n? Sinabi ko sa sarili ko na hindi ko pagsisisihan ang nangyari, pero kung ang babaeng mahal mo pala ang mas unang nagparamdam sa iyo na pinagsisisihan niya iyon ay napakasakit. Tila pati ikaw ay magsisisi na lang din.Bumuntong hininga na lang ako saka nagpatuloy sa pagligo. Pagkatapos ay nagpunas ako ng katawan gamit ang tuwalya na nasa banyo saka lumabas ng banyo. Nagtungo ako sa aking cabinet at naglabas ng isang sando at short.Lumabas na ako ng aking kwarto. Pagbaba ko'y nakaamoy ako ng pancake.Napatigil ako. S-siya ba ang nagluluto?Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kusina habang nasasabik na makita siya. Plano kong takpan ang kaniyang mata at pahulaan kung sino ako. Kapag nahulaan niya'y isang halik sa lips ang kaniyang premyo.Nang makarating ako sa pintuan ng kusina'y maingat kong binuksan iyon.Napatigil ako sa pintuan habang bahagyang nakayuko para sana isakatuparan ang aking plano ngunit tila binuhusan ako ng malamig na tubig nang makita ang aking nakababatang kapatid. Siya ang nagluluto."Kuya," tawag niya sa akin. "Anong ginagawa mo? Ba't ka nakaganyan diyan sa pintuan?"Umayos naman ako ng tayo. "Ah wala lang. Bakit ka nandito? Nasa'n sina mama?""Wow hah! Sina mama hinahanap mo. Tapos tatanungin mo kung bakit ako nandito?""Ang sungit mo ngayon. Nireregla ka ba?" biro niya saka tumawa."Funny."Kumuha ako sa pancake na niluto niya at nagtimpla ng aking gatas."Mom and dad went to Canada early in the morning. Urgent matter."Umupo ako sa aking usual na pwesto at gano'n din siya. Magkaharap kami ngayon."Bakit hindi ka pa sumama?""Grabe ka talaga. Hindi mo ba ako nami-miss?""Hmmmm. . .pag-iisipan ko."Nagmake-face naman siya kaya napatawa ako. Pinanlisikan naman niya ako ng tingin ngunit agad rin nagbago ang ekspresyon ng mukha niya."Kuya. . .""Bakit?" tanong ko."Bakit. . .may mga kissmark ka? Don't tell me--""I won't tell you," I cut her off.Pinasingkit niya ang kaniyang mata. At napangiti naman ako.Napatakip siya sa bibig habang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin."Waaah! Kuya got an experience already! Waaaah! And I hope it's Ate Alex! Waaaah!"Muntik naman akong mabulunan sa kaniyang sinabi kaya inabutan niya ako ng tubig. "Why? May nasabi ba akong mali? Hindi ba si Ate Alex ang first mo?" Lumungkot ang kaniyang mukha. "Sayang naman. I really like her. She's so true to herself. Not pretending to be an angel in front of me or in front of mom and dad. She always voice out what she wants to say."Hindi ako nagsalita at nagpatuloy na lang sa pagkain.