Alex's Point of View"Gusto mo ba talagang umalis ako?" may bahid ng lungkot na tanong ni Darren sa akin. Noong isang linggo pa namin napag-usapan ito pero hanggang ngayo'y inuulit-ulit pa rin niyang tinatanong baka sakaling magbago ang isip ko. Pero hindi, buo na ang aking desisyon. I won't hold him back from his dreams. He can be a father to our child even if he's away. And he will be a better father if he will pursue his dreams and achieve it as time comes.Hinawakan ko ang kaniyang pisngi. Nakaupo kasi kami ngayon dito sa sofa.Nakapa-side ako habang nakasandal sa kaniya at siya naman ay nakaharap sa television habang nakayakap sa akin."Para sa amin ni baby ay aalis ka. Tutuparin mo ang pangarap mong makasali sa Soccer Team of China. Nandito lang kami para sumuporta sa 'yo.""Pero. . .parang hindi ko kayo kayang iwan dito. Sumama na lang kaya kayo sa akin?"Binatukan ko siya kaya napatawa siya nang marahan. "Kung sasama kami, hindi ka makakapagfocus. Gusto mo bang maramdaman namin ni baby na kami ang dahilan kung bakit nahihirapan kang abutin ang mga pangarap mo? Hanggang sa puntong iisipin namin na pabigat na kami sa buhay mo.""Paano kung mas lalong hindi ako makapagfocus kapag hindi ko kayo kasama roon?""Tigilan mo na ang paghahanap ng kung ano-anong rason, Darren. My decision is final and irrevocable."Nag-pout siya saka ako hinalikan sa batok. "I'll try my luck again when you gave birth already. Ano na nga ngayon? September? And almost 2 months na ang tiyan mo. April ay manganganak ka na. By that time, siguro nagbago na ang isip mo."Tumayo na ako saka humarap sa kaniya. Pinisil ko ang kaniyang ilong. "Then, goodluck."Hinigit naman niya ako at niyakap habang nakasandal ang kaniyang ulo sa aking tiyan."Everything seems surreal to me. I can't believe this is happening.""Magda-drama ka na naman. Halika na! Mag-grocery tayo. Ubos na ang stocks natin."Kumalas naman siya sa yakap at tumayo na. He interlinked his fingers into mine.Ngumisi naman ako at umiling. "Anong problema?" tanong niya."Tinatamad akong maglakad," malumanay kong sagot saka ako nag-beautiful eyes."Iyon lang ba? Walang problema."Yumuko siya at pinasakay ako sa likod niya.Sasakay na sana ako nang biglang may sumigaw. "What do you think you're doing?" Shane bellowed."Piggyback ride. Isn't it obvious?" I answered.Napatampal siya sa noo at hindi makapaniwalang tumingin sa akin."Alex, buntis ka! Paano kung malaglag ka? Hindi lang buhay mo ang inaalagaan mo ngayon. Buhay niyo ng baby mo."Napayuko naman ako. "Mag-iingat naman ako ee. Saka. . ." Tumingin ako kay Darren. ". . .hindi naman kami papabayaan ni Darren."Tumango at ngumiti naman si Darren. "Hayaan mo na siya, Shane. I will take care of them. Don't worry."Wala nang nagawa si Shane kun'di ang bumuntong hininga. "Fine. Just be careful, okay?""Aye aye captain!" Sumaludo pa ako sa kaniya bago sumakay sa likod ni Darren.Binuhat ako ni Darren hanggang sa garahe. Dahan-dahan niya akong inilapag sa shotgun seat saka siya umikot at pumunta sa driver's seat. Si Shane naman ay prenteng umupo sa backseat.Dumiretso kami sa parking lot ng Supermall. Pagbaba ni Darren ay pinagbuksan niya ako at inalalayang bumaba.Pagkababa ko'y umupo ulit siya para pasakayin ako.Malawak naman ang ngiti kog sumakay sa likod niya."I want grapes! Wiiih! Grapes! Here we comeeee!" masayang sigaw ko habang naglalakad kami patungo sa elevator."Huwag ka masyadong malikot, Alex. Baka malaglag ka," suway sa akin ni Shane.Nagmake-face naman ako sa kaniya kaya inirapan niya ako."Hindi naman ako malikot, e."Pinisil ko ang pisngi ni Darren at ngumiti naman siya."Darren, nabibigatan ka ba sa akin?" tanong ko."Hmmmm. . .not really. Para ngang nagbubuhat ako ng hangin, e. Ang sexy mo kasi."Nag-init naman bigla ang mukha ko. Pakiramdam ko'y namumula ako ngayon. Palagi kasing sweet ang mokong na 'to. At dumadagdag pa ang hormonal imbalance ko dahil sa pagbubuntis kaya para akong bata kung umasta at kiligin.Nang makarating kami sa puregold ay inuna naming pumunta sa fruits section. Nagturo ako ng mga gusto kong prutas at kinuha naman iyon ni Shane."Hayyst! Kung 'di ka lang talaga buntis," rinig ko pang bulong niya pero tinawanan ko na lang.Nang mapuno ni Shane ang isang basket ng iba't ibang prutas na itinuro ko ay dumiretso naman kami ni Darren sa mga drinks section. Humiwalay si Shane para bumili ng mga kailangan sa bahay."Gusto ko ng yakult, Darren. Gusto ko rin ng vitamilk. And also gatorade. Pineapple juice. Mogu-mogu. Lahat ata 'yan gusto ko," napahagikgik ako.Hindi naman nagreklamo si Darren. Basta naglagay siya sa basket ng mga drinks na sinabi ko. Ngunit nang kukuha na siya ng mga pineapple juice ay medyo nahihirapan siya. Mataas kasi at nakapiggyback ride pa ako sa kaniya."Bababa na lang ako," ani ko at akmang bababa na nang biglang may nag-abot ng mga pineapple juice kay Darren.It's Timothy. At nakatingin siya ngayon sa akin.Napakurap naman ako ng ilang beses upang masigurong hindi ako nananaginip. Napahawak din ako sa aking dibdib nang biglang kumirot iyon.I miss him. I really miss him."K-kamusta ka?" nahihiya kong tanong. Napansin ko ring iba na ang pabango niya. Hindi na 'yung nakaksuka. Nagpalit ba siya para sa akin?"He's fine. He's totally fine," Katniss interrupted.Iniligkis niya kaagad ang kaniyang kamay sa braso ni Timothy. Parang ahas. Valentina. Tsk."By the way, malapit na ang kasal namin at gusto namin kayig imbitahan. Punta kayo hah? Lalo ka na, Alex." Ngumiti siya nang nakakaloko. "Ipapadala ko na lang ang invitation sa bahay niyo. Byeee!"Hinigit na niya si Timothy palayo habang nakatingin pa rin sa akin.Ikakasal na talaga siya. Wala nang atrasan.Napapikit na lang ako nang maramdamang may tumulo na namang luha.Isinubsob ko ang aking mukha sa likod ni Darren at hindi na nagsalita.Basta't nahanap ko na lang ang sarili kong nasa aking kwarto habang nakayakap sa isang unan at patuloy ang pagragasa ng mga luha.