Alex's Point of View"Naglilihi ka na ba? Puro ka yakult, mansanas at sandwiches," sita sa akin ni Shane.Ngumuso naman ako at dumampot ulit sa mansanas na hiniwa-hiwa ni Darren."Hindi pa naman pero ito kasi ang gusto ko. Saka healthy naman 'tong mga 'to.""Healthy na kung healthy pero hinay-hinay lang. Saka mag-ayos ka na nga. Dadating ngayon ang mga magulang niyong dalawa. Hindi ba kayo kinakabahan?"Napatingin naman ako kay Darren saka ako ngumiti. "Hmmmm. . . .konti lang."Dadampot ulit sana ako ng mansanas nang ilayo na sa akin ni Shane iyon. "Kahit hindi ka kinakabahan, kailangan mo pa ring mag-ayos, Alex. At ikaw naman Darren, magpalit ka na rin. Masyado kayong kampanteng dalawa," palatak niya.Hinigit ako ni Shane patungo sa kwarto at nagtungo rin si Darren patungo sa kwarto. Yes, dito na siya natutulog para bantayan ako. Wala kasi akong kasama. Pero sa ibang kwarto siya. Si Shane ang sumasama sa akin sa kwarto para daw hindi kami gumawa ng kababalaghan ni Darren.Ang strikto talaga ni Shane kahit kailan."Okay na ba 'to?" tanong ko sa kaniya."Oo. Okay na 'yan. Tara na. Malapit na raw sina tita."Nanlaki naman ang mga mata ko. Parang ayoko na magpakita. Ewan ko ba. Kanina, hindi ako kinakabahan. Pero ngayon, parang napako na 'ko rito sa kinatatayuan ko."Alex, ano pang tinatanga-tanga mo diyan? Tara na!" tawag ulit sa akin ni Shane. Nasa pintuan na siya at hinihintay akong lumabas.Ngumiwi naman ako. "Shane. . .""Ano?""P-parang maiihi ako sa nerbyos. P-paano kung magalit sa akin ang parents ni Darren? M-mas matanda kasi ako sa kaniya. P-paano kung hindi nila tanggapin ang bata?"Pinaikot naman niya ang kaniyang mata saka lumapit ulit sa akin. Niyakap niya ako at hinagod ang aking likod. "We'll never know the answer until they come. Just think positive, okay? Everything will be alright. And I'm pretty sure that Darren will not leave your side."Nang humiwalay siya sa akin ay napayuko ako at tinignan ang aking tiyan na may maliit ng umbok. It's already more than a month. Tapos na rin ang project namin nina Timothy and it's a big success.I passed their provision at pumayag silang hintayin akong makapanganak.Pagkababa namin ni Shane ay nandoon na si Darren. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko.Mayamaya pa'y dumating na sina mom and dad and tito and tita.Tumayo kami ni Darren upang magbigay galang sa kanila. Lumapit din sila sa amin upang halikan kaming dalawa sa pisngi bago sila umupo. Nang makaupo sila'y umupo na rin kaming dalawa.Abala naman sa kusina si Shane na gumagawa ng meryenda."Tito. . . tita. . ." Darren started.I squeeze his hand lightly to remind him that I'm just here beside him. He looked at me and smiled."Buntis po ako," pagtutuloy ko.Napatingin silang lahat sa akin kaya napayuko naman ako. Ginulat ko ba sila masyado? Hindi ko kasi napigilan ang bibig ko. Huhu!"What? Are you serious, Alex?" Dad asked."O-opo.""Kung gano'n, sino ang ama?" tanong naman ni mom."Don't tell me Darren na ikaw lang umaako nito pero hindi ikaw ang tunay na ama?" dugtong naman ng mommy ni Darren."No, ma. Ako po talaga ang ama ng dinadala ni Alex.""What? Paano nangyari ito? Ang bata-bata mo pa para maging ama, Darren. Hindi mo pa nga na-enjoy ang pagiging binata."Gusto sanang tumayo ng mama ni Darren pero pinigilan lamang siya ni tito Daryl. Marahil kung wala si tito Daryl ay nagwala na siya rito."Darren," ma-otoridad na tawag ni tito Daryl sa kaniya. Naramdaman ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa dahil napaayos ng upo si Darren."Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Alam naming may gusto ka kay Alex pero hindi mo kailangang akuin ito. Masyado ka pang bata para sa ganitong responsibilidad. Hindi ganito ang pinagarap namin para sa 'yo.""Sigurado ako sa sinasabi ko, pa. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Walang kasalanan si Alex.""Paanong wala? Paano? Mas matanda siya sa 'yo! Bakit siya magpapagalaw sa mas bata sa kaniya? Bakit? Akala ko ba magkapatid ang turing niyo sa isa't isa?"Napapikit ako. May punto si tita."Karen, please calm down. Hayaan natin silang magpaliwanag," ani mama.Alam kong disappointed rin si mama pero ayaw niya lang ipahalata. Alam kong boto sila para kay Darren pero hindi ganito kaaga. Masyado pa talaga siyang bata.Bigla namang napatayo si Darren."Ma, tama na! Walang kasalanan si Alex. Ako ang may kasalanan! Kaya huwag niyo siyang pagsalitaan ng ganiyan!"Tumayo na rin si tita Karen. "Sige nga. Paano na ang oportunidad na naghihintay sa 'yo sa China, Darren? Sa susunod na taon ay lilipad ka patungong China pero mukhang isusuko mo ang pangarap mo na 'yon para dito! I'm so disappointed with you, Darren. Alam mong gusto rin namin si Alex para sa 'yo pero hindi sa ganitong paraan at sitwasyon. Masyadong maaga para sa 'yo!"Napahagulhol na lang si tita matapos siyang magsalita. Tumayo naman si tito Daryl para alalayan siya. Nagpaalam siya kina mom and dad saka sila umalis.Ako naman ay napako sa aking kinauupuan. Dahil pala sa nangyaring ito ay may isang pangarap akong masisira. Masyado pala akong naging selfish. Sarili ko lang ang inisip ko.Kung sana. . .hindi ako nagtungo sa kwarto ni Darren ng gabing iyon ay hindi mangyayari ang lahat ng ito."Ssssh! Huwag ka nang umiyak. Nandito lang ako," pag-aalo sa akin ni Darren. Pinunasan niya ang pisngi kong basang-basa na ng luha saka niya ako niyakap.