Alex's Point of View"Huy! Kanina pa kita hinahanap. Ano? Nag-eemote ka na naman dito? Birthday na birthday ng babybro natin oh," litanya ni Shane. Umupo siya sa tabi ko. Nandito kami ngayon sa gilid ng swimming pool.Nagpakawala naman ako ng isang buntong hininga."Nagpapalamig lang ako. Gusto ko lang makapag-isip isip," matamlay kong sagot."Tungkol na naman kay Timothy? Come on, Alex. Kalimutan mo na ang gagong 'yon!" singhal niya sa akin."Tinanong na ako ni Darren kung pwede niya akong ligawan. At sinabi kong pag-iisipan ko muna."Hindi nagsalita si Shane. Ipinikit ko ang aking mata saka sumandal sa kaniyang balikat."Naguguluhan ako, Shane. Hindi ko na alam ang gagawin ko."Naramdaman ko na lang na hinahagod niya ang aking buhok."Minsan kailangan mong sundin ang isinisigaw ng isip mo. Dahil hindi ito palaging tama," aniya saka itinuro ang aking dibdib."Kailangan ko na ba talaga siyang kalimutan? Bakit ang daya naman ata? Bakit sa kaniya pa tumibok ang puso ko kung hindi naman pala siya magiging akin?""Hindi mo malalaman kung anong papel niya sa buhay mo hangga't hindi dumarating ang tamang panahon, Alex. Sumabay ka lang sa agos. Huwag mong kalabanin dahil mas lalo kang malulunod kung lalabanan mo.""Gusto ko siyang makita," bigla kong sabi. Napaayos ako ng upo at napatingin kay Shane. Hindi ko sinasadyang sabihin iyon. Kusa na lang lumabas sa aking bibig."Shane. . ." nag-aalangan kong tawag sa kaniya."Kung 'yon ang magpapatahimik sa iyong isip. Go. Hindi kita pipigilan.""Talaga? Seryoso ka ba?"Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Kung saan ka masaya, doon ako. Ano man ang mangyari, huwag mong kakalimutang nandito lang kami sa likod mo.""Thank you, Shane!" Niyakap ko siya saka hinalikan sa pisngi. Gumaan ang aking pakiramdam dahil pinayagan niya ako."Pero. . . paano ka makakapasok doon? May invitation ka ba?""Meron. Binigyan ako ni Klein."Mabilis akong nakapasok sa bahay nila Timothy kahit mahigpit ang security.Punong-puno ng ilaw ang paligid. Black and white ang tema gaya ng tema ni Darren. Napaka-ironic na magkapareho pa talaga sila ng taste sa magiging tema. At sabay pa talaga ang kanilang kaarawan. Unang tingin pa lang ay masasabi mong enggrande talaga ang kaniyang kaarawan. Mga bigatin na personalidad ang dumalo. Narito ang mga CEO ng ilang mga kilalang kompanya, mga artista, modelo at kung sino-sino pa. Marami ring banyaga na nagkalat sa paligid. May ilang sumubok na kausapin ako pero hindi ko sila pinansin.Napatigil lang ako nang biglang may humigit sa akin. "Alex, bakit ka nandito?" may halong pag-aalalang tanong ni Venice sa akin. Alam na kasi niya ang nararamdaman ko para kay Timothy."Okay lang ako, Venice. Gusto ko lang siyang makita."Nagpatuloy ulit ako sa paghahanap sa kaniya pero hinigit ulit ako ni Venice. "Hindi ka na dapat pumunta rito, Alex!" mangiyak-ngiyak niyang sabi.Napakunot naman ako ng noo. "Anong ibig mong sabihin?"Hindi pa siya nakakasagot nang may marinig ako sa bandang likuran. Napalingon ako at nakita sina Timothy at Katniss na may kausap."Congrats, Timothy and Katniss or should I say...soon to be Mrs. Alonzo?" pagbibiro ng isang ginang kay Katniss. Napatawa pa siya saka tumingin kay Timothy.Hinalikan naman siya nito."Miss, okay ka lang? Ba't ka umiiyak?" tanong ng isang binatang dumaan sa harap ko.Napapunas naman ako sa aking pisngi. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako."Tara na, Alex. Ihahatid na kita sa inyo." Hinigit ako ni Venice pero hindi ako makaalis sa aking kinatatayuan."Magpapakasal na sila?" wala sa sarili kong bulong."Tara na, Alex. Please. . ."Iwinaglit ko ang kamay ni Venice saka ako naglakad patungo kina Timothy at Katniss na parang wala sa sarili.Tumingin ako sa lalaking dahilan ng pagluha ko ngayon. "Pwede ba tayong mag-usap?""Alex. . ." pagtutol ni Venice pero hindi ko na siya pinansin."Sure," Katniss answered, grinning."Kami lang dalawa. Pwede ba 'yon, Katniss?" Napakagat ako sa aking ibabang labi dahil pakiramdam ko'y namamalimos na ako sa kanila. . . sa kaniya."Limang minuto lang, Alex," seryosong sagot niya."Salamat."Naglakad na ako patungo sa medyo madilim na bahagi ng garden. Naramdaman ko namang sumunod sa akin si Timothy.
Kasabay ng aking bawat hakbang ay ang pagtulo ng aking mga luha. Pilit kong pinipigilan ang aking sarili na magpakawala ng hikbi para hindi ako mas magmukhang kawawa.
Tumigil ako sa ilalim ng isang puno roon. At tumigil din siya.
Huminga ako nang malalim bago nagsalita. "Is it true?""Oo," mabilis niyang sagot. Tumulo na naman ang mga taksil kong luha kaya marahas kong pinunas ang mga iyon. Hindi ba siya pwedeng magpanggap na hindi niya ito gusto? Na hindi niya gustong matali sa babaeng iyon? Napakainsensitive niya."B-bakit, Tim? B-bakit pa kita nakilala? Sana. . . hindi na lang."Hindi ko napigilan ang hikbing lumabas sa aking bibig. Mabuti na lang at nakatalikod ako sa kaniya kaya hindi niya nakikita kung gaano ako nakakaawa ngayon. Napakasakit. Hindi lang nadudurog ang puso ko. Pinipiga pa ito hanggang sa mawalan na ito ng pakiramdam."It's not a destiny. It's not an accident, Alex. We met becuase it's all planned. The first time you approach me, I rejected you because it's the first move to remind you about your greatest sin and I guess it worked. . . to you. You fall for my bait."I turned around and looked at him. I can't read his facial expression and it breaks me more."W-what? W-what do you mean?""Hindi ako ang na-appoint na magiging ka-collab mo sa project na ito--si Klein. Pero inagaw ko ito sa kaniya. I use it as a bridge to make my way to your heart so that I can eventually break it," pagpapatuloy niya na tila hindi narinig ang aking tanong.Napatakip ako sa aking bibig habang hindi makapaniwlaang nakatingin sa kaniya."I acted sweet and cold to you at the same time. I also made you believe that I have feelings for you. And I almost got you that day because. . . you're an easy to get woman." He smirked."From the beginning, you already made me looked down on you. You're so pitiful. All of this is just a part of our revenge plan to you, Alex. I mean everything that I did. I mean all of it to break you into pieces. Because--""Because you deserve it, bitch," Katniss bellowed.Isang malutong na sampal ang iginawad niya sa aking mukha at wala man lang akong magawa. Tila ayaw gumana ng utak ko dahil sa mga rebelasyong ito."My step brother committed suicide because of you! You made him feel worthless by bluntly rejecting him so many times in front of other people. He felt ashamed and little of himself! Until. . .he can't take it anymore! He died because of your arrogance, Alex! You're a devil flirt and whore. After you taste him, you just dumped him like a trash!""H-hindi totoo 'to. H-hindi. Walang namatay dahil sa 'kin. Hindi. Bawiin niyo lahat ng ito." Umiiling komg sabi habang patuloy ang pagkawala ng mga hikbi sa aking bibig. Taas-baba na ang aking balikat at naninikip na rin ang dibdib ko. Hindi ako makahinga. May mas sasakit pa pala sa nararamdaman ko kanina.Napaupo na lang ako sa damuhan habang nagmamakaawang nakatingin kay Timothy na bawiin ang lahat ng ito ngunit umiwas lang siya ng tingin. Marahil ay hindi na niya maatim makita o tignan ang isang walang pusong tulad ko.Karma.Karma ko pala lahat ng ito.Maybe, I deserve all of these.Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang pumasok sa aking isip si Darren.I don't want another suicide to happen.I don't want our babybro to feel worthless too.Minutes passed like a blur. . .Natagpuan ko na lang ang aking sarili sa kwarto ni Darren habang nakacocktail dress pa rin. Basang-basa na ng luha ang aking damit kaya tinanggal ko na iyon. Isama mo na rin na sobrang init ng aking pakiramdam dahil sa dami ng alak na aking nainom kanina sa bar. Pero. . . alam ko pa naman ang mga ginagawa ko.Napatingin ako sa pintuan nang marinig ko ang pag-ikot ng doorknob. Mabilis akong bumangon sa kama at sumugod sa pintuan saka hinalikan si Darren.Nanlalaki pa ang kaniyang matang nakatingin sa akin habang nakalapat pa rin ang aming mga labi. Hindi siya kaagad nakagalaw. I caught him off guard.Lumayo ako nang kaunti saka nagsalita habang hinihingal."Make love with me, Darren. Please. . ."