Chereads / All I Want is You / Chapter 16 - Chapter 16

Chapter 16 - Chapter 16

Timothy's Point of View

"Katniss, tama na sabi e!" Pilit kong itinulak paalis sa ibabaw ko si Katniss. "Ano bang gusto mong patunayan? Nandito naman ako sa tabi mo ah! Ano pa bang gusto mo?"

Pinalisikan niya ako ng tingin habang malalim ang kaniyang bawat paghinga.

"Don't play innocent with me, Timothy. I had smell her there and I confirmed it when Trina texted me. You were there with her awhile ago. What did you do?"

"Nothing," I answered calmly.

"Don't me! Tell me the truth! Sumusuway ka na ba sa usapan nating dalawa?"

Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kaniyang pisngi.

"Wala kang dapat ipag-alala. Ginagawa ko ang lahat ng ito para sa 'yo, Katniss."

Dahil doo'y umamo na ulit ang mukha niya.

"I knew it. Of course, all of it is because of me. I'm sorry if I kept on suspecting you."

She hugged me and I hugged her back while looking at the door where Alex is standing a minute ago.

Kumalas siya sa yakap.

"Mommy wants to see you. We're having a family dinner later and she wants you to be there."

I nod.

"No problem. I'll be there for you."

She kissed me and bid her goodbye to prepare herself.

7pm in the evening...

Palabas na ako sa office ko para makapunta sa bahay nina Katniss nang biglang pumasok si Alex.

Nagkatinginan kami at ngumiti naman siya ng pilit.

"Bumalik pang ako para kunin ang mga gamit ko. Tinapos ko ang aking trabaho sa office ni Klein dahil baka makaistorbo ako rito."

"Alex, I'm sorry."

"Don't worry about me. Scratch that. . . you're don't really give a damn about me anyway. I'm fine with it. I don't care at all as long as you're not still chained with her."

"Alex. . ."

"Timothy, please. . ." Napayuko siya kasabay ng pagtulo ng kaniyang luha.

Napapikit ako saka ako lumapit para yakapin siya. "I'm sorry for what I've done awhile ago, Alex. Akala ko kasi kaya kong iwan siya pero hindi pala. Nadala lang siguro ako ng pag-iyak mo kanina kaya ko nagawa 'yon. Kaya kung maaari ayoko nang makikita kang umiiyak. Pwede kang umiyak pero huwag sa harap ko."

Marahas niya akong itinulak at isang malutong na sampal ang pinatikim niya sa aking mukha.

"Fuck you, Timothy! I hate you!" Nanggagalaiti niyang sigaw habang nag-uunahan sa pagtulo ang kaniyang mga luha.

Hinayaan ko siya hampas-hampasin ako sa dibdib. Hindi ako umimik kahit ilang sampal pa ang sumunod na dumapo sa aking mukha.

Napaupo na lang siya sa sahig nang mapagod siya.

"Kung tapos ka na, aalis na 'ko," walang emosyon kong sabi saka nagpatuloy sa paglabas ng aking office.

Narinig ko pa ang malakas niyang hagulhol bago ko maisarado ang pintuan.

Nang papasok na ako sa elevator ay bigla namang may humigit sa akin saka ako sinuntok sa mukha.

Napahawak ako sa aking labi nang malasahan angl ikidong lasang metal.

Pag-angat ko ng tingin sinalubong ako ng mga nanlilisik na mata ng babyboyfriend ni Alex.

Sarkastiko akong napatawa. "Hindi ko na tatanungin kung anong problema mo dahil madali ka lang basahin. Kaya ka hindi nagugustuhan ni Alex e."

Pagkasabi ko niyon, sinugod niya ulit ako para suntukin pero umiwas ako.

"Walang magagawa ang pambubugbog mo sa taong nanakit sa mahal mo. Sa tingin mo, kapag nawasak mo ang mukha ko'y mamahalin ka na niya? Sa palagay mo matutuwa siya sa 'yo? Mas makakatulong ka kung nasa tabi ka niya ngayon."

"Hindi man niya ako mahalin at hindi man siya matuwa sa akin, at least. . . hindi ako ang dahilan ng pagluha niya. Dahil ang pagmamahal niya, kayang-kaya kong masungkit iyon sa tamang panahon ngunit ang bangasan ang mukha ng lalaking bahag ang buntot at urong ang itlog ay hindi ko papalampasin!"

Isang suntok ulit ang kaniyang pinakawalan, at sa pagkakataong ito, hindi na ako umiwas.

Hinawakan niya ako sa kwelyo saka itinayo.

"Wala kang kwentang lalaki! Tandaan mo 'yan!" Dinuraan pa niya ang polo ko bago siya umalis.