Alex's Point of View
"Daddy? Who's daddy?" Parang tanga niyang tanong habang nakapikit pa rin. Nakalimutan niya atang natulog siya sa ibang bahay.
Pinagpatuloy ko ang pagyugyog sa kaniya at ilang segundo pa'y parang binuhusan naman siya ng malamig na tubig at agad na bumangon.
Umayos siya ng tayo at kinakabahang tumingin kay Daddy.
"S-sorry po, sir. It's just. . ."
Mag-eexplain pa sana siya ngunit pinutol na siya ni Daddy.
"I don't need an explanation. Panindigan mo ang anak ko."
Wtf! Napamura ako sa isip ko.
Napatayo na rin ako at tumabi kay Timothy.
Tumingin siya sa akin ngunit umiwas naman ako ng tingin.
I'm afraid that if I met his eyes, I would lie to my parents about what happened and force him to marry me.
'Di ko naman alam kung bakit nasa baba na rin ako eh.
"I'm sorry, sir. But I won't take responsibility of anything. There's nothing happened."
This time, napatingin na ako sa kaniya ngunit siya naman ang hindi nakatingin sa akin.
Seryoso siyang nakatingin kay Daddy at tila walang balak na baliin ang titigan nilang dalawa.
He's full of courage. He's too quick on composing himself.
Halata sa mukha ni daddy ang gulat ngunit agad rin naman siyang nakabawi.
He broke their electrifying stares with each other and looked at me.
"Alex, is it true?" He asked.
Napalunok naman ako. This is it.
I looked at Timothy and he's looking at me now. Waiting for my answer. Waiting for my confirmation.
Dahan-dahan akong tumango kaya naman nakahinga siya nang maluwag.
"Bakit mo naman hinayaang walang mangyari, Alex? Humihina na ba ang karisma mo, babygirl?"
"Daaad!"
Marahas akong napatingin kay Daddy. Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng aking buong mukha. For sure, namumula na ako ngayon.
Ngumisi lang siya sa akin na halatang nang-aasar. Grrr!
"Hijo, you may accept my offer, you know. Kahit wala pang nangyayari. I would love to see my princess to settle down already."
Daddy winked at Timothy.
Jeez. Daddy naman eh.
Pangit na nga impression niyan sa akin tapos pati tatay ko ganito. Haysst! Napafacepalm na lang ako sa sobrang kahihiyan.
"I'm serious, hijo," dad continued.
What the heck!
"Dad! I'm just 23!"
"And you're just playing around every night, babygirl. I'm afraid you might get pregnant by a random guy because of your bar hopping hobby."
"Dad, first of all, I'm not a baby anymore!" I shouted.
I'm losing my patience again.
Hinawakan naman ako ni Timothy sa braso.
"Alex, relax. He's your dad."
Bigla namang bumukas ang pintuan ng kwarto ko kaya napatingin kaming tatlo roon. Iniluwa niyon si mommy na nakasuot pa ng apron.
"What's happening here, Robert? What did you do again?"
Daddy just shrugged.
"Nothing. Inayos ko lang naman kanina ang pagkakayakap nila sa isa't isa. Hindi ako ang nagsubsob ng mukha ng lalaking ito sa dibdib ng anak natin," parang bata niyang pagpapaliwanag kay mommy.
Napapikit at napayuko ako.
Nakakahiya na sila. Bakit kailangan pa niyang sabihin 'yon?
"I didn't mean to do that, sir. I'm just used on doing that on my pillows."
Pag-angat ko ng tingin, namumula na rin si Timothy. Hindi ko alam kung nahihiya ba siya o naiirita na siya sa daddy ko.
Hayyst!
Napalingon kaming lahat nang biglang may nag-ring na cellphone.
Kaagad namang gumalaw si Timothy upang kunin 'yung iPhone niyang nagri-ring na nasa sahig pa. Naiwan niya sa ilalim ng unan.
"If you'll excuse me, sir, ma'am. I'll just answer this phone call."
Tahimik lang kaming tatlo na sinundan ng tingin si Timothy hanggang sa makalabas ito ng kwarto.
Pagkalabas nito'y lumapit sa akin si daddy saka ako niyakap.
"Galit ka ba sa akin, baby girl? Sorry na po, my princess. I'm just worried about your future. Besides, that man is not a bad catch. I know him and their company. They have a good reputation."
Umalis ako sa yakap ni daddy.
"I need to take a shower. I'll just follow you downstairs."
And with that, naglakad na ko patungo sa cr. I don't know but I felt sad and empty after Timothy left. I just realized that I became more pathetic in his eyes that even my parents were not trusting me.
I just let the water flows down to my body while I am being drowned with my thoughts. I don't know what to say to him. I don't even know how I ended up on the floor, sleeping beside him.
Hindi ko na namalayan na tapos na pala ako magshower. Basta nahanap ko na lang ang sarili ko sa harap ng salamin habang sinusuklayan ko ang aking buhok.
Maya-maya pa'y biglang may kumatok sa pintuan. Paglingon ko'y nakabukas na iyon habang nakasilip ang ulo ni mommy doon.
"Baby, breakfast is ready. Let's eat na? Hmmm?" she said tenderly.
Tipid naman akong ngumiti saka tumayo upang bumaba na kasabay niya.
"Nagpaalam pala si Timothy. Something urgent came up daw. Sakto dumating naman si Shane."
Tumango lang ako. Feeling ko ubos na ubos energy samantalang ang aga-aga pa lang.
Pagkababa ko ng hagdan, rinig na rinig ko na ang malakas na tawanan nina Shane at daddy.
Pagkakita sa akin ni Shane ay tumakbo ito papunta sa akin saka ikinawit ang kanyang braso sa braso ko.
"Baaakkks! Ano 'tong chinichismis sa akin ni Tito Robert? Is it true? Timothy came here and took care of you? 'Di mo sinabing may lagnat ka pala. 'Di tuloy ako nakapunta agad rito. Sabagay, masaya ka siguro sa nag-aalaga sa 'yo kaya 'di mo na ko ininform." Shane pouted. "It looks like you won't need me na."
I smiled weakly. "Ayoko lang maabala ka since hindi naman malala. Besides, I know you're busy too."
"Asuss, ako ba talaga inaalala mo o ayaw mong may makaistorbo sa inyo?" Sinundot pa nito ang tagiliran kaya napapitlag ako.
"Shane!!"
"Sorry. Hihi!"
Nag-peace sign ito saka umupo na.
Magkatapat si mommy and Shane tapos si daddy naman ang katapat ko.
Tahimik kaming kumain lahat. Siguro naipapasa ko yung malamig at matamlay kong awra ngayon.
"So, how's your new project, Alex?" Mom asked out of the blue to break the ice.
Napaangat naman ako ng tingin.
"Balita ko may ginawa ka na namang kalokohan sa previous project mo para makuha mo 'tong new project with that man."
Ibinaba ko ang kutsara't tinidor ko and meet my mother's eyes. Sa kanilang dalawa ni daddy, si mommy ang medyo istrikto and perfectionist when it comes to my performance in work and even when I am still studying. She's the one who's pressuring me to achieve things 'coz she is an achiever.
"I have my reasons, mom. What I did is not just a bratty act to get what I want."
"Whatever it is, don't ever play in work, Alex. Take it seriously. Don't use your work to get the man that you want. It will just become more complicated."
Hindi na ako sumagot at nagpatuloy na lang sa pagkain.