Chereads / All I Want is You / Chapter 11 - Chapter 11

Chapter 11 - Chapter 11

Alex's Point of View

One week passed like a blur. Mas lalong lumamig sa akin si Timothy. At mas naging malapit naman sa akin si Klein. Araw-araw siyang nasa tabi ko. Kinukulit ako. And I'm enjoying his company. Siya ang nagpapagaan ng loob ko kaya nakakasurvive ako rito.

"May gusto ka sa pinsan ko, 'no?" pang-ilang beses niya nang tanong sa akin. Inilayo ko ang mukha niyang sobrang lapit sa mukha ko. May inaasikaso ako sa laptop pero heto siya pilit akong pinapaamin na may gusto ako sa pinsan niya. Hindi ko alam kung anong trip ng isang 'to.

"Huy! Aminin mo na kasi."

Kinagat niya na naman ang tenga ko.

"Ano ba, Klein! Kawawa ang tenga ko sa 'yo. Kanina ka pa kagat nang kagat."

"Ayaw mo kasi sumagot, e."

I rolled my eyes.

"Doon ka na nga lang sa office mo. Anong oras pa lang oh! Alas diyes pa lang nandito ka na naman.

"Bakit? Ayaw mo?"

"Ewan ko sa 'yo."

Tumayo ako at lumabas ng office ni Timothy. Hindi ako makapagfocus sa ginagawa ko kaya magmemeryenda na lang muna ako.

Sumunod naman si Klein sa akin habang sinusundot pa rin ang aking tagiliran.

Napapaigtad tuloy ako at napapatingin sa amin ang ibang trabahador.

Nakasalubong pa namin si Timothy na may...na may kasamang babae.

Gustong-gusto kong tanungin kung sino ang babaeng iyon pero mas lalo lang akong kukulitin ni Klein kaya pinigilan ko na lang ang aking sarili.

Nanggigigil ako dahil parang linta kung makalingkis 'yung babae. Ang sarap budburan ng asin. Grrr!

Nang makatapat kami sa kanila ay nagkasalubong pa ang mga mata namin ni Timothy.

Nakahiga na ako habang nagfe-facebook. It's time to rest pero hindi matahimik ang aking isip. Hayyst! Nagpagulong-gulong ako sa kama.

This is driving me crazy! Pwede ba, Timothy! Patahimikin mo naman ang isip ko. Ilang araw na lagi na lang akong ganito, nasasaktan at nananabik sa 'yo. Bakit ba kasi hindi ka na lang manatili sa tabi ko? Mahirap ba 'yon? You're giving hints that you like me too but now, I'll see you with another girl.

Alam mo ba na dahil sa mga hints na 'yon kaya hindi pa rin ako pumapayag sa offer ni Klein.

No strings attach but we'll do what couple's are doing so that I can forget my feelings for you or you will be force to admit your feelings for me. Okay, I'm assuming now. What can I do? Napakasarap maniwala na meron kahit isinisigaw ng isip ko na wala naman talaga.

Napakislot ako nang maramdaman ang vibration ng cellphone ko.

A text message from Irresistible Klein...

Tsk. Napangiti na lang ako habang napapailing. Puro talaga kalokohan 'yon. Pati pangalan niya sa cellphone ko ang hangin.

Irresistible? For real? Pffft.

Inopen ko ang message.

Irresistible Klein: Good evening, Alex baby. Iniisip mo ba 'ko sa oras na ito? Hindi kasi ako makatulog, e.

Me: Ewan ko sa 'yo. Matulog ka na nga lang.

IK: Hindi nga ako makatulog kasi iniisip mo ako.

Me: Asa!

IK: Pero seryoso, Alex. Pumayag ka na kasi. Kahit ayaw mong aminin, alam kong may gusto ka sa pinsan ko. Your eyes are telling me so. Besides, tayong dalawa ang magbebenifit. Titigilan ako ng mga makukulit na babaeng naghahabol sa irresistible na tulad ko at hindi ka naman magmumukhang kawawa sa harap ni Timothy.

Napaisip ako sa huling text niya. Hindi na ako nagreply. Itinabi ko na ang cellphone at tumitig na lang ako sa kisame. Gano'n na ba talaga kahalata? Kahit hindi ko sabihin, nakikita sa aking mga mata?

"Huy! Pansinin mo na ako. Dali! Hindi na talaga kita pipilitin sa offer ko. I just thought that you're the best candidate for that. Because I know that you will fall for me--I mean...you will not fall for me. You know, I don't want to settle down yet and I will be able to do that kapag matagumpay kong maitaboy ang mga humahabol sa akin. Ayokong magpapikot sa kanila. They're so desperate to get pregnant by me."

Naglalakad na kami papuntang park ni Klein at hindi ko siya pinapansin. Hindi naman talaga ako galit sa kaniya. Hindi rin naiinis.

Nanggigigil lang ako kay Timothy dahil pinahiya niya ako sa harap ng mga trabahador niya kanina. At dumagdag pa ang babaeng 'yon na Katniss daw ang pangalan. Enjoy na enjoy pa siyang pinapanood akong napapahiya. Hind lang 'yon, nagpapakandong siya kay Timothy habang nagtatrabaho. At talagang parang sinasadya niyang ipakita sa akin dahil hinawi niya ang kurtina na humaharang sa glass na wall ng main office ni Timothy habang nasa visitors lounge naman kami ni Klein.

Malapit na ako sa kotse ko habang nakasunod naman sa aking likod si Klein ngunit bigla akong napatigil.

Tila napako ako sa akig kinatatayuan habang pinapanood kung paano nilapitan ni Timothy si Katniss at hinalikan. Sa bawat segundong lumilipas ay siya rin namang unti-unting pagkabasag ng puso ko.

Nahanap ko na lamang ang sarili kong nasa bisig ni Klein habang umiiyak.

At ang tanging lumabas na lang sa bibig ko ay, "Pumapayag na ako sa gusto mo, Klein."

----------

Third Person's Point of View

Nasa parking lot na sina Timothy nang biglang sumabog sa galit si Katniss. Ilang araw na kasi niyang napapansin na nanlalamig sa kaniya si Timothy.

"Alam mo ba kung bakit napaaga ang uwi ko, Tim? Hah! Alam mo ba!" sigsw nito.

Hindi naman sumagot ang binata.

"Dahil nalaman kong may banta sa relasyon natin! Ayokong maniwala noong una kaya umuwi ako para mapatunayan kong hindi totoo ang sinasabi nila pero bakit gano'n? Pinapatunayan mo sa aking totoo ang sinasabi nila! Bakit ka nanlalamig sa akin? Okay naman tayo noon ah!"

Naiiyak na ito dahil sa dismaya kay Timothy. Hindi ito sumasagot at nakatitig lamang sa kaniya.

Kaya naman, huminga siya nang malalim at pumikit para pakalmahin ang sarili.

"Simple lang hihilingin ko. Patunayan mo na ako pa rin ang iyong pinipili. Na panandaliang saya mo lamang siya. Halikan mo ako, Timothy," kasabay niyon ang pag-alpas ng luha muli mula sa kaniyang mga mata.

Pumikit siya at hinintay ang magiging aksyon ng binata. Noong una, akala niya'y mabibigo siya. Ngunit may humawak sa kaniyang mukha at dahan-dahan siyang hinalikan.

"I love you, Timothy," Katniss said between their kiss.