Chereads / All I Want is You / Chapter 4 - Chapter 4

Chapter 4 - Chapter 4

Alex's Point of View

7:30pm na pero wala pa rin 'yung hinihintay namin. My goodness! Kung kanina'y 5 minutes lang akong late ay parang leon nang mananakmal si Timothy, paano na lang kapag dumating na siya? Goodluck na lang sa kaniya. Hahaha! Evil grin.

Napalingon ako kay Timothy nang bigla siyang magsalita. Sa loob ng tatlumpong minuto, ngayon lang niya 'ko kakausapin. Ang saya, 'di ba?

"You can eat, Ms. Mendoza."

Biglang nag-init ang mga pisngi ko. Halata ba sa mukha kong gutom na gutom na ako o naririnig niya ang pag-aalburoto ng tiyan ko? Hindi ko na kasi naisingit ang pagkain ng meryenda at tanghalian kanina dahil sa gusto kong matapos lahat ng mga babasahin ko na proposals.

"Ahm. . .s-sige," nahihiya kong sagot. Gusto ko talagang tumanggi pero mas nakakahiya kung patuloy na tutunog 'yung tiyan ko.

Naglagay ako ng steak and vegetable salad sa aking plato. I'm on a diet kaya ganito lang ang kakainin ko. I don't know if I'm just hallucinating or I saw it right. Timothy just frowned when he saw the amount of food that I put on my plate.

Hence, I still enjoyed eating while waiting and ignoring undesirable stares coming from him.

Hindi ko rin maiwasang titigan siya habang ngumunguya ako. Gano'n naman kasi talaga. Kapag kumakain ka, kung saan-saan napapadpad yung mata mo minsan.

Well built body? Check.

Siguro madalas sa gym 'to. At malamang sa alamang, marami ring nagkakandarapang babae sa kanya r'on. Shemay na 'yan!

Saan kaya siya nag gi-gym? Para makapagregister na rin ako. Tanungin ko kaya siya tapos isuggest ko na doon kami mag meeting next time. 'Yung tipong pagpapawisan siya habang nagmi-meeting kami. Hahaha!

Ngango ka, Alex! Utak mo talaga. Mamaya masabihan ka na naman ng unprofessional diyan.

Napatawa ako nang marahan habang nginunguya ang steak sa bibig ko. Tila bigla naman akong nanlamig dahil parang may nakatingin nang masama sa akin at pag-angat ko ng ulo ko, nakakunot na noo at nakakamatay na tingin ni Timothy ang sumalubong sa 'kin.

"What's funny, Ms. Mendoza?"

Napaayos naman ako ng upo. Ano ba, Alex? Goal mo bang badtripin siya buong gabi?

I mentally hit myself. Fix yourself, Alex. Ayos-ayusin mo desisyon mo sa buhay ha. You gave up your previous project for this one, to know him better at mapalapit sa kaniya hindi 'yung ganito na unang meet-up pa lang kumo-qouta ka na sa kapalpakan.

Tahimik akong nagpatuloy sa aking pagkain habang siya'y panaka-nakang umiinom ng wine saka tumitingin sa kaniyang relo.

Malapit ko nang maubos ang aking pagkain nang bigla siyang tumayo. Nakatayo rin ako dahil sa gulat. Sinundan ko ang kaniyang tingin then I saw this angelic face girl.

"At last, you're here," he said to her while smiling sweetly.

Wow! Lapad ng ngiti natin kuya ha. Nakafocus lang siya sa babaeng bagong dating na tila nakalimutang nandito rin ako.

"Timothy!" Masayang sigaw naman ni angelic face saka sinugod ng yakap ang Timothy ko. Este si Timothy pala.

Napataas naman ang kilay ko. At tinignan ko silang dalawa nang pataas at pababa.

What the fuck is happening? Lampas sa tatlumpong minuto siyang late pero hindi man lang nagalit si Timothy? Tapos may yakapan pa sa harapan ko?

Hindi man lang nag-explain kung bakit na-late?

Nasaan ang hustisya? He's so unfair. Darn it!

Biglang nanikip ang aking dibdib dahil sa sama ng loob kaya naman umiwas na lang ako ng tingin at padabog na umupo ulit.

Napatingin naman silang dalawa sa akin pero hindi ko na lang sila pinansin. Professionalism my ass. Tsk.

Sunod-sunod ang aking subo hanggang sa mapuno na ang aking bibig.

Pinaghila ni Timothy ng mauupuan si Ms. Angelic face sa tabi niya. Edi wow. Ako na mukhang third wheel dito.

"Ms. Andrade--"

Rinig kong panimula ni Timothy. Mukhang ipapakilala niya na sa akin si Ms. Angelic face. Pero nanatili lang akong nakayuko na tila kinakausap yung mga gulay sa plato ko.

No need for introduction. Magyakapan na lang kayo diyan. Kung gusto niyo nga umuwi na ako para makapagsolo kayo e.

Bigla namang sumabat si Ms. Angelic face kaya hindi na naituloy ni Timothy kung ano mang introduction na sasabihin niya.

"Drop that Ms. Andrade thingy. I don't like to be too formal with you. Matagal tayong magkakasama sa project na ito and I can't bear to call you Mr. Alonzo every now and then. Timothy would be okay, isn't it?"

"I wouldn't agree if it's not logical. But as usual, you have a point. We need to be comfortable with each other."

Comfortable? Sobra pa nga sa comfortable ee.

Nag-angat ako ng tingin at nakatingin silang dalawa sa akin. Bigla naman akong na-conscious. Uminom ako ng tubig at pinilit na lunukin ang laman ng aking bibig.

Tumayo ako at inilahad ang aking kamay sa bagong dating.

"Ah h-hi! I'm Alex Mendoza. Marketing Department Head of  Hilux Company."

She smiled widely and shook hands with me. "Venice Andrade. Vice President of Silveraine Company."

Bahagyang nanlaki ang mata ko dahil sa gulat. Vice president? Hindi halata ah. Para kasi siyang isip bata. Fuchsia pink na dress ba naman ang suot tapos may headband pa siyang may malaking ribbon na pink. Sinong mag-aakalang Vice president ito ng isang napakalaking kompanya. Kumbaga sa unang tingin parang spoiled brat na anak lang ito ng may-ari e. 'Yung walang alam gawin kundi pahirapan at pagmalditahan ang mga employees ng kumpanya ng parents niya.

She sat down while still smiling at me.

"By the way, how old are you? And is it okay with you if we will just call each other using our first name?" she asked. I looked at Timothy and he's just observing me quietly.

I nodded.

"It's fine with me. I am 23. How about you?"

"Hulaan mo," she giggled.

Alanganin naman akong ngumiti. Kapag sinabi kong 14, baka ma-offend siya. Mukha naman kasi siyang 14 sa itsura at kilos niya.

"Just kidding. I'm 21."

Natapos ang gabi namin sa pag-uusap lamang about random things. Ayaw kasi ni Venice na magsimula na kami sa project. She wanted us to know each other first so that we can work comfortably in the future.

She's too bubbly. Mula nang dumating siya, napakarami na niyang kwento. Halos siya lang ang nagsasalita at tumatango lang ako. Napipilitan din akong ngumiti minsan para hindi niya isiping wala akong interes sa kwento niya. When in fact, wala naman talaga. Kesyo kagagaling daw niya sa Canada kaya siya na-late. Dumiretso siya rito from airport. Napakahassle daw kasi muntik pa siyang maiwan ng eroplano. And so on and so forth.

Palabas na kami ng restaurant at kwento pa rin siya nang kwento. Game na game namang nakikinig si Timothy. Ni hindi ko nakitang nagpakita ito ng bakas ng boredom.

Nang makarating kami sa harap ng kotse niya'y pinapasok na niya kaagad si Venice. I stopped him when he's about to enter too.

"Timothy. . .p-pwede bang makisabay ako sa inyo? Kahit ihatid mo lang ako sa office."

Hindi siya kaagad sumagot. Binigyan niya muna ako ng mapanuring tingin.

"No. I know what you're up to, Alex. I know this kind of tactic."

"H-hindi. Mali ka ng iniisip."

"It's still a no, Alex."

Hinawakan ko siya sa braso. Naiiyak na 'ko.

"Please. . ."

Umiling lamang siya at marahang inalis ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

"Let's work professionally, Alex. Don't play dirty with me. It won't work."

Wala na akong nagawa kun'di ang tumabi at panoorin ang papalayong sasakyan.

Kasabay niyon ang pagtulo ng aking luha. Naghalo-halo na ang lungkot, takot, frustration at pagkadismaya.

Why is he so inconsiderate? Napakalaking pabor ba ang hinihingi ko? Mahirap ba akong pagkatiwalaan? Play dirty? Gano'n ba impression niya sa 'kin? Masisisi ko ba siya? Hindi maganda ang unang pagkikita namin. At kasalanan ko 'yon.

Napatakip na lang ako sa aking mukha.

Pinagtitinginan na ako ng mga taong lumalabas sa restaurant. Nakacorporate attire pa naman ako tapos para akong pulubing nakaupo dito sa gilid.

Nakakapanliit. Nakakahiya.

Napasabunot na lang ako sa aking buhok.

Bakit ba kasi hanggang ngayo'y takot pa rin akong mag-taxi? Bakit hanggang ngayon hindi ko pa rin ma-overcome ang trauma ko?

Dis oras na ng gabi at nandito pa rin ako. Ilang tao na ba ang nagtanong sa akin? May ilang taong tinawagan din ako ng taxi ngunit nagsisinungaling ako na may susundo sa akin.

I'm such a good liar. But I'm also a crying baby here.

"Alex, are you crying?"

Nabuhayan ako ng loob nang marinig ang boses na iyon.

"D-darren. . ." I called.

Lumapit siya akin at niyakap ako.

"Are you okay? Akala ko ba makikisakay ka sa ka-meeting mo? Nasaan na siya? If Shane doesn't call me, I wouldn't know that you're not home yet."

Humiwalay ako sa yakap at pinunasan ang aking luha.

"It's a long story. Can we just go home?" I asked gloomily.

Hindi na siya sumagot. Inalalayan niya na lang akong tumayo hanggang sa makasakay sa sasakyan.

I bid my thank you for him and before I drifted to sleep in the car I think I saw Timothy outside the restaurant. Looking at Darren's Car.