Chereads / All I Want is You / Chapter 5 - Chapter 5

Chapter 5 - Chapter 5

Alex's Point of View

It's already 10am when I woke up. Parang tuyong-tuyo ang aking lalamunan at sinisipon ako. Gosh! Masyado ata akong nahamugan kagabi. Ang sama din ng pakiramdam ko. Hayyst!

Dahan-dahan akong tumayo at pasuray-suray na naglakad patungo sa kusina.

Pababa pa lang ako ng hagdan ay naririnig ko na ang kalansingan ng mga kaldero at kaserola. May tao. May nagluluto.

For sure si Shane 'yan dahil may exam si Timothy--este si Darren. Marahan kong pinukpok ang ulo ko. Umayos ka nga, Alex! Tandaan mo ang ginawa niya sa 'yo kagabi. Ni hindi ka nga niya mapasakay sa kotse niya eh. Gano'n ka niya kaayaw. Huwag ka nang umasa, masasaktan ka lang.

Gusto ko mang magalit at ayawan na siya ngunit bakit parang may pumipigil sa akin?

Patuloy kong pinapagalitan ang sarili ko sa aking isip hanggang sa makarating ako sa kusina.

Pagpasok ko sa kusina'y hinanap kaagad ng aking mga mata si Shane.

Ngunit halos magsalubong ang aking mga kilay nang ibang tao ang nakita ko.

"T-timothy?"

Paglingon Nita sa akin ay meron siyang dungis sa pisngi at may hawak pa na sandok.

"Oh! Hi! Pasensya ka na kung nakialam ako--"

"Anong ginagawa mo rito?" pagputol ko sa sasabihin niya.

Alanganin naman niyang itinaas ang kaniyang kamay na may hawak na sandok.

"Cooking?"

Tinaliman ko siya ng tingin at binigyan siya ng hindi-ako-nagbibiro look.

"I went here to give you some documents about our project. And--"

"Bakit hindi mo na lang pinadala sa iba? Bakit ka pa mag-aabalang dalhin ang mga documents na 'yon sa babaeng tinanggihan mo at ayaw mong pagkatiwalaan?"

He was caught off guard. Inalis niya ang apron na suot niya saka lumapit sa akin. He was about to hold my hand but I shove his hand away.

"Look, Alex. The real reason why I came here is because of what I have done last night. I know I became too inconsiderate. I thought it's just part of your game but I was wrong. I'm really sorry."

"You judged me! You didn't even hear me out!"

Dinuro-duro ko pa ang dibdib niya kaya napaatras siya nang bahagya.

Dahil sa pagsigaw ko'y mas lalong sumakit ang ulo ko. Darn it!

Napasandal ako sa mesa at itinukod ro'n ang isa kong kamay habang ang isa'y sapo-sapo ang aking ulo.

"Alex, I'm really really sorry. Alam kong mali ang nagawa ko kagabi. I left you there because I want to make sure that it's not part of your game.  At para makasiguro, tinexan ko ang isang waiter doon na kilala ko. I asked him to give me updates about you. Hanggang sa sumapit na ang hatinggabi, hindi ka pa rin daw nakakauwi. Sinabi rin niyang umiyak ka raw. I'm a jerk leaving you there last night. I'm an idiot for judging you."

I looked at his eyes and I can see there that he is really sincere.

"At. . .bumalik ako, Alex." Humakbang ulit siya palapit sa akin.  "Binalikan kita but I was a minute late. Your babyboyfriend already arrived."

Parang nabingi ako sa sinabi niya. Bumalik siya? Ibig sabihin. . .hindi ako namalikmata kagabi nang makita ko siya sa labas ng restaurant habang nakatingin sa kotse ni Darren. Akala ko dahil sa antok lang 'yon.

"Darren is not my boyfriend. I repeat, he's not my boyfriend. At kung pumunta ka rito para malinis ang konsensya mo, makakaalis ka na. Sapat na sa akin ang paghingi mo ng tawad."

"No. Ibinilin ka sa akin ng mommy mo. Siya ang nagpapasok sa akin kanina. She left when someone called her. She said it was important and she needed to leave immediately. Besides, I am the reason why you're sick. So, you don't have a choice. I will just leave when somebody arrived to take care of you."

Napahawak ako sa aking batok. Mas lalo niyang pinapasakit ang ulo ko.

"I can take care of myself. I'm not a baby anymore. I'm not paralyzed also."

Itinulak ko siya saka ako naglakad patungo sa ref para kumuha ng tubig ngunit bigla akong nahilo.

Nasalo naman ako ni Timothy saka niya ako inalalayang umupo. Kumuha siya ng tubig at ipinainom sa akin. Sunod ay naghain siya ng niluto niyang sopas.

"You need to eat first before you take your medicine."

"Hindi ako umiinom ng gamot," mabilis kong sagot. Hinihilot ko ang aking sentido habang nakapikit.

"Then just eat."

I opened my eyes and glared at him.

"Pwede ba umalis ka na? Kaya ko naman ang sarili ko e."

Umupo siya sa upuan na katapat ng inuupuan ko.

"I said no. You're my responsibility now 'coz your mother entrusted you to me."

Napakunot naman ang noo ko. Bakit parang iba ang dating sa akin ng sinabi niya?

"Kakain ka or susubuan pa kita?"

Akma siyang tatayo pero pinigilan ko siya gamit ang pagtaas ng kamay ko. I'm really tempted to accept his offer but I restrain myself.

"I can eat alone."

Tahimik naman akong kumain. Hindi ko na siya pinansin habang nagbabalat siya ng mansanas. Gusto ko na lang maubos ito para makaakyat na 'ko at makatulog ulit.

Nang matapos ako'y mabilis niyang kinuha ang pinagkainan ko at hinugasan. Hindi na lang ako nagsalita. Alam kong ginagawa niya 'to para maalis ang pagiging guilty niya sa nagawa niya kagabi.

"You need to rest. Don't worry, I will not leave," he said and walked towards the sofa in my room.

Napakagat ako sa aking ibabang labi habang pasimpleng pinagmamasdan siyang nakaupo roon.

Bakit ba isinisigaw ng isip ko na huwag ka na lang umalis? Na kahit may dumating na iba ay dito ka lang sa tabi ko. Kung pwede nga, alagaan mo na lang ako. . .habang buhay. Sana pwede. Sana. Sana. Sana.

Ano bang meron sa 'yo na kahit pinagtutulakan mo ko ay ikaw pa rin ang gusto ko?

I really wanted to tell you that All I want is you. . .to be here right now, by my side to take care of me but I can't. I just can't. My confidence and courage were diminishing when it involves you.

Life is so ironic. I can easily verbalize my intention to taste someone but I can't verbalize my heartful desires now.

I'm afraid. I'm really afraid that you'll just reject me again and again, Timothy.