Alex's Point of View
"Hey bitch! Where are you?" Shane asked me over the phone.
"Inside your car that I borrowed, why?"
"Where are you going?"
"Office."
"Awww. Okay. I'll just see you later."
Narinig ko pa ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya bago ko pinatay ang tawag.
Ano bang problema ng babaeng 'yon? Kung makapagbuntong-hininga, akala mo pasan niya ang buong mundo.
Namataan ko na ang building na pinagratrabahuan ko kaya naman binagalan ko ang takbo ng sasakyan. Dumiretso ako sa parking lot at ipinark ang kotse sa designated place ko.
Nag-retouch pa ako saglit bago bumaba.
Taas noo naman akong naglakad patungo sa aking office. Binabati ko lahat ng bumabati sa akin at halos hindi maalis ang ngiti sa aking labi. Kaya naman gustong-gusto ako ng mga co-workers ko ee. Bukod sa maganda at sexy, mabait pa raw ako. Hindi sa nagbubuhat ng bangko pero totoo naman e. Demonyo lang ako sa mala-demonyo ang ugali.
"Good morning, ma'am Alex!" bati sa akin ng secretary ko nang mamataan niya ako. Si Bianca. 21 years old. 5'4 in height. Morena.
By the way, I'm the head of the marketing department here at Hilux Company, a clothing line. Well, I got this position using my exemplary credentials.
"Good morning, Bi!" I greeted back.
Dumiretso ako sa pagpasok sa aking office. Isinabit ko sa coat organizer na nasa gilid ang suot kong black na coat saka ako umupo sa aking upuan at hinarap lahat ng mga papeles na nakatambak doon.
Bianca knocked gently on my door and I just nodded to tell her that she can come in.
"May gusto ka po ba, ma'am?"
"Black Coffee will do," I answered.
"Roger, ma'am. Right away!"
Sumaludo pa siya sa akin. Napangiti na lang ako. Sanay na ko sa kaniya. She is a jollytype person, which is good and that's what I like about her.
I'm currently reading the proposals of my team. We conducted a meeting last week and I told them to prepare a proposal for the upcoming months especially that ber-months is near approaching.
Limited edition? Too common. Add a twist to it.
I am writing my suggestions on their papers so that they can improve it. I'm not a boss who will crumple a whole proposal, reject it right away and throw it in a trash can. I value their efforts in thinking and preparing these proposals and as their leader, it is my responsibility to help them improve in their field.
Napatingin ako sa pintuan nang may kumatok ulit. Nakita ko si Bianca na walang dalang tasa habang nakangiti nang alanganin. Last time I checked, hindi naman ako mukhang mangangain ng tao ah.
"Where's my coffee, Bi?" I asked her.
She smiled and walked towards me.
"Ma'am, sa office na raw kayo ni Mr. Rodriguez magkape. Saka mukhang badtrip po siya. May ginawa na naman po ba kayo, ma'am?"
This time, ako naman Ang napangiti. Maybe he heard the news already. Too fast. Really too fast. Haha!
"Gano'n ba? Sige. Pakiayos na lang itong mga papeles na nasa table ko, Bi. Thank you! And I'll just update you soon."
Kinindatan ko siya habang siya'y napakamot na lang sa ulo. Sa isang taong pagtatrabaho niya bilang secretary ko, hindi ko na mabilang kung ilang beses ko siyang binigyan ng problema dahil sa pagiging spoiled brat ko na lumalabas lang naman kapag may gusto akong isang bagay. 'Coz I see to it that I will get it by hook or by crook.
I grabbed my bag and headed to Mr. Rodriguez's office. The CEO of this company. My classmate and good rival way back in college. We're not enemy, we're good friends actually. It's just that, because of our parents, we need to compete with each other in order to meet their expectations before.
I knocked once and entered when I heard the magic word.
"Please come in."
Pagkapasok ko ay nakita ko siyang nakaupo sa mahabang sofa sa visitor's area while reading something.
"Please take a seat, Miss Mendoza."
"Where? In your lap?" I sniggered.
"So naughty, Alex. So naughty."
I laughed at his reaction.
"Why? I'm just asking. And what happened to the formality? Miss Mendoza, huh?"
"How can I maintain my formality when you're not up with that? I know you prefer talking like this."
Umupo ako sa sofa na nasa harap ng inuupuan niya.
"I'm glad that you know. Anyway, what is it?" I asked playing innocent.
Napansin ko ang mga nakahanda na dalawang kape roon. One black coffee and the other one is with a creamer. I reached for the black coffee and take a sip on it.
"Don't me, Alex. What did you just do again?"
A mischievous smile formed in my lips as I reminisce what I did last week.
"For Pete's sake, Alex. You begged me to give you that project before and now you're just ruining it with your bratty pranks."
I shrugged. "Well, what can I do? Our company's newest project interests me more than my previous project. So just give me that project, Vico."
I smiled sweetly. Vico heaved a deep sigh, took his coffee and sip on it. He also continued on reading whatever he's reading awhile ago.
"Don't ignore me here, Vico. I already warned you last time. I can show you worst than that if you will continue this up. I won't stop until I get the new project that I want."
Iniangat niya ang kaniyang ulo saka ako tinignan. Nakipagtitigan din ako sa kaniya to show that I am damn serious with this.
Suminghap ulit siya saka kinuha ang kaniyang cellphone na nakalapag sa lamesita. He dialed something there and within a few seconds the person on the other line answered it.
Tumayo siya upang lumayo siguro sa akin. Nagtungo siya sa kaniyang table at umupo sa swivel chair niya. Pinaikot rin niya iyon kaya naman likod na lang ng upuan ang nakikita ko ngayon.
Tsk.
Binuksan ko na lang ang aking cellphone at tinexan si Shane. Tinanong ko siya kung nasaan siya ngayon but I didn't get any reply from her. I'm still bothered about her. May problem siya pero hindi pa niya ino-open up sa akin. That's new. Kasi tuwing may problema naman 'yon ay sa akin kaagad tumatakbo upang maglabas Ng sama ng loob. Ano kayang pumipigil sa kaniya ngayon?
Ayoko naman siyang pilitin if she's not yet ready. Magkukusa naman 'yon. Naglaro na lang ako ng puppy town sa cp ko para maaalis ang pagkainis ko kay Vico. Hindi ako aalis dito hanggat hindi niya ko binibigyan ng sagot at approval sa new project na gusto ko. Akala niya ha. Ako pa ba magpapatalo? In his dreams. I will get what I want.
I was too engrossed in playing puppy town kaya hindi ko na napansin ang paglapit ni Vico sa akin. Napapitlag na lang ako nang bigla siyang magsalita.
"So, you have a new stress reliever. Puppy town huh? Why don't you try to own one real puppy?"
"Not yet, Vico. Not yet," I answered and closed my phone.
"Have you decided yet to give me that project?"
"I'm still not convinced. This is a big project and I'm afraid your bratty attitude might interfere with this one."
Bumalik na ulit siya sa kaniyang table at pinagdaupa ang kaniyang palad habang nakatingin sa akin.
Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Dumiretso ako sa likod Ng swivel chair niya saka siya minasahe sa balikat.
"Come on, Vico. I know you trust me more than anyone else in this company. I won't ruin this one. Believe me."
"Let's have a deal then," he uttered.
Napataas naman ang kilay ko. Anong deal na naman kaya ang pakulo nito? Ang daming arte.
Naglakad ako patungo sa harap ng kanyang table at umupo sa upuang nasa harap noon.
"Spill it," I said as I crossed my legs.
"You'll be humble with this project. You will not ever let your bratty attitudes take over. One mistake, I'll pull you out on this one. Do you agree?"
I think of the reason why I wanted this project in the first place. Then a smile formed in my lips.
"Okay. No problem."
"Good. You must behave well then. I'll be monitoring you, Alex."
Napatawa ako dahil sa expression niya sa mukha. Pffft.
"Yeah. Yeah. Whatever, Vico."
Then I stood up and walked towards the door. But before I opened it, Vico talked again.
"Your meeting will be 7pm at Beau La Fountaine. Goodluck!"
Nabasa ko na lahat ng proposal ng mga staff ko. And all of it need an improvement. Well, I'm strict with them in all aspects. That's why our department is popular here. Para walang masabi ang iba na dahil kaibigan ako ng may-ari which is Vico Rodriguez ay nakakuha ako ng position dito. I'll kill them with my achievements.
Not all rich daughters or sons need their parents as their backer in getting their dream job.
When I looked at the wall clock it's already 6:20pm. Tinawag ko na ulit si Bianca para ayusin ang aking office para makauwi na rin siya.
Nag-ayos lamang ako kaunti saka ko isinuot muli ang aking blazer, then I'm ready to attend my meeting.
Sumakay ako sa elevator pababa sa parking lot. May mga nakasabay pa akong ibang katrabaho ko at may ilan na tinitignan ako pataas pababa. Malamang sa alamang ay mga bago itong mga 'to. Itinaas ko ang aking kanang kilay saka ko rin sila tinignan pataas pababa. Bigla naman silang na-conscious at napayuko. Serve them right. Akala ba nila uurungan ko sila at hahayaan silang mata-matahin ako. Dzuh. Dream on bitches. I'm not Alex Mendoza for nothing.
Nang magbukas ang elevator sa parking lot ay lumabas na ako kaagad.
Kalmado lamang akong naglakad patungo sa aking sasakyan dahil natural naman na malalaki ang hakbang ko. Binuksan ko iyon at sumakay ako.
Pero nang paaandarin ko na, ayaw mag-start. Shit!
Anong problema nito? Badtrip! Ngayon pa ba? Hayyst!
Nang mapatingin ako sa gasolina, napatampal ako sa aking noo. Wala nang laman. Darn it! Bakit hindi ko napansin kaninang umaga?
No choice. Tinawagan ko si Shane para ihatid ako sa meeting place. Sinagot naman niya after 3 rings pero may family dinner daw sila ngayon.
I opted to call Darren even though I know that he still have a class. Wala namang mawawala kung magbabaka-sakali ako. Nakakahiya mang aminin pero takot kasi akong mag-taxi. I have a trauma in riding a taxi.
Thank God dahil mabilis namang sinagot ni Darren ang tawag.
"Alex," he started.
"Hmmm...do you still have class?"
Hindi siya nakasagot kaagad.
"Wala na. Pauwi na ako. Bakit?"
"May madadaanan ka pa ba'ng gasolinahan?"
"Nalampasan ko na."
I looked at my watch and it's 6:30 already. Shit! I don't have much time para pabalikin pa siya sa gasolinahan para bumili.
"Pwede bang sunduin mo ako rito sa office at ihatid sa Beau La Fountaine. I have an important meeting there."
"Sure. No problem."
6:40, nandito na siya. Sumakay na ako kaagad. Then, we took off.
Nang makarating kami sa Beau ay nagpasalamat ako sa kaniya bago bumaba.
Papasok na sana ako sa restaurant ngunit bumaba rin siya at napatigil ako sa kaniyang sinabi.
"I'll just wait for you here, Alex. Take your time."
Napangiti ako. Naglakad ulit ako pabalik.
"No. Hindi na kailangan."
Hinawakan ko siya sa balikat.
"Alam kong may exam ka pa bukas kaya umuwi ka na para mag-review. And bilhan mo na lang ako ng gasolina sa madadaanan mong gasolinahan. Pakilagay na rin sa aking kotse."
He was about to talk back but I cut him off by putting my index finger in his lips.
"Don't worry about me. Makikiusap na lang ako sa ka-meeting ko na ihatid ako pabalik sa office."
"Are you sure?"
Tumango ako.
"Ingat sa pag-uwi. Thank you for the ride tonight. You're a life savior."
I kissed him on the cheek and walked towards the restaurant.
Sinalubong ako ng isang waiter saka ako iginiya sa VIP room ng restaurant na nasa second floor.
Pagdating namin doon, seryosong mukha ni Timothy ang sumalubong sa akin. Napako ako sa kinatatayuan ko habang nakatitig sa kaniya.
This is surreal. Of all workers of Deluxe company, siya talaga?
Charot.
Alam kong siya talaga ang ka-meeting ko. Kaya nga nagpumilit akong kunin itong project na ito. It's all because of him.
Inayos ko ang aking sarili saka nagpatuloy sa paglalakad patungo sa kaniya.
"Kaya mo 'to, Alex. Act professionally and be natural," I uttered under my breath.
I was about to greet him a good evening but he interrupted me.
"You're 5 minutes late, Ms. Mendoza. So unprofessional. You shouldn't have been late if you didn't take your time chitchatting with your baby boyfriend outside. Next time, be attentive with time."
Literal akong napanganga sa mga sinabi niya. Baby boyfriend? Chitchat? Paano niya nasabing. . .?
Napatingin ako sa gilid at glass pala ang wall. Kitang-kita rito sa second floor ang entrada ng hotel restuarant na ito. Tapos nakapwesto pa siya sa gilid kung saan tanaw na tanaw talaga ang mga dumarating na tao. Sinadya ba niya pumwesto dito para makita ang pagdating ko at makapaghanda siya? O-kay. Masyado akong assuming. Baka trip niya lang talaga pumwesto dito.
"You may sit down now, Ms. Mendoza."
I mentally hit myself. Nakatayo pa rin pala ako. Mukha tuloy akong tanga na nawawala sa sarili dito. Bakit ko ba Kasi kinakausap sarili ko? Damn you, Timothy. Bakit ganito epekto mo sa akin?
At bakit ba kasi nakalimutan kong tignan ang oras kanina? Puro na lang ako kamalasan at kapalpakan ngayon. Nakakainis. Nakaka-frustrate.
"I'm sorry, Mr. Alonzo. My car--"
I've tried to defend my side but he cut me again.
"There's no need to explain, Ms Mendoza. Just sit down because we still need to wait for someone."
"What? I thought. . .it's just the two of us tonight."
"There was a sudden change."