Chereads / Revenge of the Murderer / Chapter 52 - CHAPTER 51:JEALOUS GUY

Chapter 52 - CHAPTER 51:JEALOUS GUY

SABRINA's POV

Jazz:sab(sigaw niya)

Grabe bakit ang bilis naman ni jazz pumunta dito ,nagulat ako ng bigla siyang sumigaw pati sila sofia at lesther napalingon silang dalawa ,kaagad akong tumayo at nilapitan ko si jazz.

Ako:ang bilis mo naman ,malapit lang ba ang assignment mo dito .

Jazz:oo ,anong nangyari(hinawakan niya kamay ko) at pare(tiningnan niya si lesther) jazz nga pala asawa ni sab .

Talagang kay lesther lang siya nakipagkilala halatang nagseselos tong manyakis na to,hahaha ,kung makatitig kay lesther parang bubugbugin.

Lesther:nice to meet you pare ,,lesther nga pala at ito naman si sofia

Sofia:hai ! hehehe .

Jazz:pwede ko bang mahiram muna si sab,mag uusap lang kami sa labas

Lesther:sure ! asawa muna man yan

Ayun nandito na kami sa may waiting shed sa labas ng department namin ,grabe ganito pala magselos tong manyakis na to , hahaha

Binitawan niya kamay ko at tiningnan niya ako

Ako:oh !!,bakit ganyan ang titig mo,pwede ba jazz ,tigilan muna yang iniisip mo ,tinutulungan niya lang ako .

Jazz:wala pa nga akong sinasabi ,masyado kang guilty diyan

Ako:nababasa ko yang utak mo at anong guilty pinagsasabi mo ,siraulo to ! teka bakit ang bilis mo pumunta dito ,nanggaling ka na ba sa opisina niyo.

Jazz:iniiba mo ang usapan ,sagutin mo nga ako,type ka ba ng lesther na yun,

Ako:hay naku ! okey ! mr.seloso sasabihin ko sayo,oo gusto niya ako pero sinabi ko na sa kanya na may asawa na ako at pulis yung asawa ko okey ! so masaya ka na ba ? jazz naman anong akala mo sa akin ,malandi !hayssstt !! may laman na nga tong tiyan ko lalandi pa ako,ano ako aso !

Bigla akong nainis sa lalaking to ,grabe naman siya sa akin,oo maganda ako at habulin pero di ako malandi ,mhaayyyyy ghaaddd !! ,balak ko na sanang talikuran siya ng bigla niyang hawakan kamay ko

Ako:(tiningnan ko siya ng masama)bitawan mo yan ,kung susumbatan mo lang ako at paghihinalaan ,maari ka ng umalis ,

Jazz:okey ,sorry na !! (inis niyang sabi)

Ako:wow ! Ha ! ,sincere ba yang sorry mo mukhang napipilitan ha !! ,

Jazz:sorry na nga ! natatakot lang kasi ako ayokong maagaw ka ng iba at bubugbugin ko yung taong magtangkang landiin ka ..

Nilapitan ko siya at hinawakan ko mukha niya mukhang sincere naman siya sa pag sorry niya,

Ako:alam mo manyakis,wala ka ng dapat pang ikatakot kasi pag aari muna ako ,ewan ko ba kung maiinis ako sayo o kikiligin ,grabe ka sa akin kung kailan may laman na tong tiyan ko saka pa ako lalandi ,hehehe ,nakita ko na lahat ng lalaking gusto ko at sayo ko lahat nakita yun,okey !! walang binatbat yung lesther na yun sayo o kahit sino mang lalaki kaya sana pagkatiwalaan mo ako ng 100% kasi ganun din ako sayo,pinagkakatiwalaan kita jazz para kang bata diyan ,hehehe(pinisil ko yung chickbones niya ang cute kase )

Jazz:aray !! hehehe ,okey sab sorry again ! kasi naman kung makatawag sayo na miss gorgeous at makalapit sayo yung kumag na yun.

Ako:tama na ! nga pala jazz yung tumawag pala sa akin ng unknown number,natatakot ako pinagbantaan niya ako na kukunin niya raw ang kaligayahan ko baka yung anak natin ang kunin niya

Jazz:ang lakas naman ng loob niyang sabihin yun sayo napaka duwag niya ,natatakot baka patayin ko siya ,akin na cellphone mo dadalhin ko dun kay general.

Ako:teka nasaan ba ngayon ang assignment mo .

Jazz:dito yung assignment ko sab .

Ako:dito sa school na to ,bakit may suspect ba dito o kriminal(pagtatakang sabi ko sa kanya)

Jazz:oo ,pero pinaghihinalaan palang namin .

Ako:sino baka kilala ko baka nasa department lang namin.

Jazz:yung asawa ni maica ,nandito siya si menard dito kasi siya ngayon nagtratrabaho

Pagkasabi nun ni jazz ay nagulat ako baka si menard yung tumawag sa akin .

Ako:tawagan mo nga ulit yung number na tumawag sa akin jazz .

Jazz:hindi ko na siya tatawagan sab kasi alam ko na pinatay na niya yung phone niya kaya bumalik ka na sa department mo ako na ang bahala dito,walang masamang mangyayari sayo, nandito lang ako tandaan mo yan (sabay halik sa noo ko)

Ako:sige jazz ,mag ingat kayo ! lalo ka na ,balitaan mo kaagad ako .

Jazz:oo sab ,sige na at wag munang isipin yung taong yun,baka di ka makapag focus sa klase mo ,sige na bumalik ka na dun ako na ang bahala at iwasan muna yung lesther na yun.

Ako:sige jazz ,hihintayin ko yung update mo at oo di ko na iisipin yun alam ko na nandiyan ka at pwede ba(pinalo ko siya sa braso niya)tigilan muna yang kakaselos mo di bagay sayo para kang bata diyan ,hehehe ! sige balik na ako sa faculty , mag ingat ka !(sabay halik sa pisngi niya)

Ayun umalis na ako at hinintay ako ni jazz na makapasok sa department ko at saka siya umalis dinala niya yung phone ko .

Lesther:sab ,kamusta !

nalaman muna ba kung sino yung taong tumawag sayo.

Sofia:grabe ang hot pala ng asawa mo sab,ikaw na ang pinagpala ,hehehe

Ako:ayun kinuha niya phone ko siya na ang bahala at pwede bang magtanong sa inyo

Lesther:anu yun sab ?

Ako:may kilala ba kayong menard dito sa school na to ?

Sofia:menard ? wala akong kilalang menard na pangalan dito kung teacher man siya pero kung isa siyang student di ko alam

Lesther:bakit sab ? siya ba yung tumawag sayo ?

Ako:ewan ko kung teacher siya dito pero di siya studyante dito , siya kasi ngayon ang hinahanap ng asawa ko ,siya ang may hawak sa kaso ni menard saavedra ,dito raw siya nagtratrabaho sa school natin baka siya ang tumawag sa akin kanina

Sofia:pwede naman natin puntahan yung registrar nandun lahat ng record ng mga empleyado dito pati nga mga studyante

Ako:pero may klase pa ako .

Sofia:ako na lang muna ang hahawak ngayon sa klase mo

Ako:paano pag malaman ni sir gerald

Lesther:kami na bahala sa kanya sab ,mabait yun si sir,tara samahan kita sa registrar hanapin natin kung may menard ba talaga dito

Ako:sige .

Sofia:sana mahanap niyo siya ,sige kayo nalang munang dalawa,sab ako na ang bahala sa klase mo

Ako:teka sofy ,paano yung hinahawakan mong klase

Sofia:leave it to me gently ,ako na ang bahala sa mga studyante ko,hehehe

Lesther:bibigyan lang ng activity ni sofia yung studyante niya tapos magpapaganda na siya hehehe ! tara na sab punta na tayo dun .

Ako:sige ! salamat sofy .

Sofia:dont mention it ! hehehe,sige na ,gorabels na kayo dun.

Ayun iniwan na namin si sofia at heto papunta na kami ni lesther sa registrar office .

Lesther:sab ang swerte naman ng asawa mo at nakuha ka niya,sayang di kaagad kita nakilala ,hehehe

Ako:swerte rin ako lesther na siya ang naging asawa ko kasi nasa kanya na ang lahat,wag kang mag alala mahahanap mo rin yung destiny mo ,hehehe ! bawas bawasan muna kasi yang pagiging presko mo .

Lesther:di naman ako babaero sab eh ,mahilig lang ako makipag fling . Hehehe

Ako:pareho lang yun,wala yun pinagkaiba nga pala lesther wala bang mga nagaganap na mga misteryoso dito sa school na to .

Lesther:anong misteryosong sinasabi mo sab ? Hehehe ! yung bang mga nagpapakitang multo ,hahaha

Ako:hindi ! yung mga patayan o may nare rape wala ba ?

Lesther:grabe naman yang utak mo sab ,hahaha ! pang massacre movie,uhhmmm ! wala naman ,5 years na kasi ako na nagtuturo dito. Pero sa 5 years ko dito wala namang nangyayaring ganun,

Ako:mabuti naman

Lesther:bakit sab ?

Ako:wala lang kasi si menard ,nandito kasi siya diba ?

Lesther:di ko kilala yang menard na yan ,sino ba siya ?

Ako:member siya ng isang kilalang serial group na kutsilyo gang

Lesther:talaga ?grabe so dapat pala kami nitong mabahala baka kung ano ang gawin niya sa mga studyante dito

Di namin namalayan na nandito na pala kami sa registrar at nakita ko na nandito rin sila jazz pati yung sir niya ata yung general niya,kaagad na tumingin sa akin si jazz at nilapitan ako

Jazz:sab ,anong ginagawa mo dito

Ako:jazz ,gusto ko ring malaman kung nandito talaga si menard ,di ko talaga mapigilang mag alala

Jazz:akala ko ba nagtitiwala ka sa akin,sab ako na ang bahala at kasama mo pa yang lesther na yan

Lesther:opsss ! pare mali yang iniisip mo ,sinamahan ko lang si sab ,mahirap bang tulungan ko siya .

Jazz:hindi mahirap na tulungan mo siya kung wala kang malisya sa kanya,(galit niyang sabi kay lesther)

Hinawakan ko ang braso ni jazz at tinitigan ko siya

Ako:jazz,ano ba maging professional ka naman ,pinag usapan na natin to diba,oo na aalis na kami,grabe ka ! makikipag away ka pa talaga dito,nakakahiya sa mga studyante.

Ayun nagalit ako kay jazz,di ko na nagugustuhan yung pagseselos niya,OA na siya as in .

Ako:lesther tara na ! umalis na tayo dito .

Tinalikuran ko si jazz at umalis na ako,sumunod naman sa akin si lesther.

Jazz:sab ,sandali lang,heto naman oh !! ..

Di ko siya pinansin bagkus nagpatuloy pa rin kaming maglakad ni lesther ..

General:SPO3 REYES,halika dito .

Bigla siyang tinawag ng boss niya ,tiningnan ko siya ,akala ko lalapitan niya ako pero pinuntahan niya yung boss niya at pumasok na sila sa loob ng registrar

Lesther:sab ,babalik ka ba dun sa registrar .

Ako:hindi na lesther, uuwi na lang muna ako sa bahay,magpapa alam na lang muna ako kay sir gerald .

Lesther:sige,pag usapan niyo ng mabuti yun ng asawa mo,alam ko na nagseselos lang siya kasi magkasama tayo

Ako:mali pa rin yung ginawa niya sayo ,tara na lesther,pasensya ka na sa ginawa niya sayo

Lesther:ayos lang sab ,tara ..

Ayun bumalik na lang kami ni lesther sa department namin at maya maya ay sakto nandito na si sir gerald ,kumakain ng cake

Sir gerald:ohhh,saan kayo galing kumain na kayo dito,hehehe

Ako:sir ,pwede po bang mag request sa inyo ..

Sir gerald:ano yun sab ?

Ako:masama kasi yung pakiramdam ko,pwede po bang di muna ako ngayon pumasok ,sir promise babawi ako ..

Sir gerald:okey lang,sige na magpahinga ka nalang muna sa inyo,lesther ihatid mo siya sa labas ,teka sab ,tinawagan muna ba yung asawa mo

Ako:sasakay na lang ako ng taxi sir ,busy kasi yun sa trabaho niya

Sir gerald:okey sige,magpagaling ka kaagad ha ! uminom ka ng gamot .

Ako:okey po sir,thank you po .

Ayun kinuha ko na yung gamit ko at umalis na kami ni lesther .

Lesther:hatid na lang kita sa inyo sab .

Ako:wag na lesther baka makita na naman tayo ng asawa kung seloso ,kaya ko na sarili ko ,salamat na lang,hehehe

Lesther:sige,mag ingat ka at magpahinga ka ,maayos rin yung away niyong dalawa (sabay ngumiti sa akin)

Ako:salamat !

Ayun umalis na ako at maya maya ay nandito na ako sa labas ng school biglang may dumaan na taxi at pinarahan ko ito ..

Sumakay na ako at

Ako:sa may poblacion street lang po ako kuya

Taxi driver:okey maam .

Ayun nagdrive na siya ,hayssstt ! nakaka stress talaga si jazz,kainis siya super ! bakit siya nagkakaganun ,akala ko ba malaki tiwala niya sa akin,kainis siya ..

Maya maya ay nandito na ako sa bahay ,bumaba na ako ng taxi at binayaran ko na si kuya .

Pumasok na ako sa bahay at nakita ko si manang diday na naglilinis ng bintana

Ako:hello po manang,nandito na ako ,hehehe,ang sipag natin ha .

Manang:maam sab ,bakit naman ang aga niyong dumating,nasaan si sir

Ako:masama pakiramdam ko manang at yung sir mo ,di ko alam,sige akyat na ako sa taas ,magpahinga ka rin paminsan minsan manang ,hehehe

Manang:ay may LQ ,hehehe ! sige maam ,kayo rin magpahinga rin kayo,tatapusin ko lang to .

Ako:LQ ka diyan,hehehe,sige aakyat na ako sa taas .

Manang:okemsss .

Heto umakyat na ako sa taas at kaagad kung nilapag ang gamit ko sa table at saka humiga .

Nakatingin ako sa kisame,nag iisip kung sino yung tumawag sa akin kanina ,grabe baka idamay niya yung anak namin ni jazz,natatakot ako .

Wag naman sana ,baka di ko makaya yung sarili ko sana mahanap kaagad ni jazz si menard ,alam ko na siya ang tumawag sa akin kanina .

Di ko namalayan na naka idlip na pala ako .

Jazz:sab ..i love you .

Kaagad akong na alimpungatanan kasi biglang may humihimas sa buhok ko at nakita ko si jazz na nakangiti sa akin habang nasa bibig niya yung isang pirasong pink na roses .

Ako:naka uwi ka na pala ,bakit nakangiti ka diyan .(pagsusungit kung sabi sa kanya)

Jazz:sorry na ! pleasee..(pagpapa cute niyang sabi talagang nag beautiful eyes pa siya)

Kaagad akong bumangon at tumayo

Ako:kamusta yung paghahanap niyo kay menard.

Jazz:wala ka ng dapat ipag alala alien ko kasi nahanap na namin kung sino ang may ari ng number tumawag sayo at nasa kulungan na siya ngayon.

Pagkasabi nun ni jazz ay bigla ko siyang niyakap .

Itutuloy.