Chereads / Revenge of the Murderer / Chapter 51 - CHAPTER 50:MYSTERY CALLER

Chapter 51 - CHAPTER 50:MYSTERY CALLER

POV na ito ni SABRINA

Grabe may halong saya at takot yung nararamdaman ko ngayon,masaya ako as in super happy kasi sobra akong na surprise sa ginawang proposal sa akin ni jazz,napaka sweet niya talagang tao at mahilig mag surprise ,,happiest overload ako ngayon SUPERB ! sa wakas ikakasal na ako at sa taong mahal ko ,sana di magbago si jazz sa akin lalo pa't binigyan kami ni lord ng napakalaking blessing ,pero bakit ganun may kapalit ba talaga yung saya na nararamdaman ko ,kailangan bang may lungkot itong sukli,natatakot ako kasi di ko alam kung sino yung taong gustong manakit sa amin ni jazz,wala naman akong ginawang kasalanan si jazz nagbago naman siya,bakit di niya na lang kami komprontahin kung ano ang naging kasalanan namin sa kanya para naman makapag hingi kami ng kapatawaran sa kanya ayoko ng ganito yung bang may nagbabackstab sayo sa likod kasi nakakatakot daig pa ang stalker ,di mo alam kung kailan siya aataki kaya napilitan tuloy kami nitong lumipat ng lugar na matutuluyan,buti na lang nandiyan yung boss ni jazz na si general ,pinatira niya kami sa isang bahay niya dun sa laguna ayoko mang iwan si harold pero kailangan kung gawin para sa kaligtasan namin nila jazz,ayoko ring iwan yung trabaho ko yung mga kaibigan ko sila abegail lalo na yung mga studyante ko na napamahal na sa akin masakit talaga tong nangyayari sa amin ngayon ni jazz,,mukhang matatagalan pa yata yung pagpapakasal namin ni jazz hanggang hindi namin nalalaman kung sino yung taong yun ,huhuhu !

Naging emosyonal yung pagpapa alam ko sa mga co teachers ko pati sa mga studyante ko,nagulat sila sa biglaan kung pag alis ,lalo na sila abegail at nicole ..

Heto nandito kami nila abegail at nicole sa labas ,si jazz ay nandun lang siya sa kotse nakasandal ..

Abegail:(niyakap niya ako habang umiiyak)bakla bakit ? bakit ka mang iiwan,huhuhu

Ako:sira ! hindi pa naman ako mamatay,,lilipat lang kami ng bahay,babalik pa naman ako dito

Iniwas niya yung pagkakayakap niya sa akin at pinahiran ko yung luha ni abegail

Nicole:basta mag iingat ka dun ha ,lalo na sa magiging inaanak namin ..

Abegail:bibisita na lang kami dun bakla pag manganak ka na ,dapat nandun kami sa ospital na manganganak ka na,kami dapat ni nicole ang unang makakakita sa inaanak namin

Ako:hehehe ! oo ,syempre matagal pa ,9 months ko pa tong dadalhin ewan ko ba kung girl or boy yung baby ko

Nicole:sana girl ,para maturuan namin siya sa pagiging kikay ,hehehe

Abegail:ako gusto ko boy yung inaanak ko kasi para may magtanggol sayo bakla paglaki niya.

Ako:nandiyan naman si jazz siya ang mag proprotekta sa akin,hehehe

Abegail:di ako nagtitiwala sa jazz na yan bakla,kakasad lang kasi nawala na si clark pero no choice ako kundi tanggapin yung jazz na yun.

Ako:asus ,sige na bumalik na kayo sa klase niyo ,baka hinahanap na kayo dun.

Abegail:basta bakla ,ninang kami diyan ha at sa kasal niyo alam na this ,hehehe ! sige bakla ,mamimiss ka namin,beso beso muna ..

Ayun nagbeso beso kaming tatlo grabe,namimiss ko tong dalawang to ,kainis talaga tong taong yun sino kaya siya

Ayun nagpa alam na ako sa kanila at di ko mapigilan na tumulo yung luha ko .

Kaya ayun sumakay na ako sa kotse at nagsimula ng magmaneho si jazz,natulog muna ako saglit ,ewan ko madali ako ngayong mapagod ..

Fast Forward ...

Nandito na nga kami sa bahay ni general,grabe napaka ganda naman dito pati si manang diday napaka bait niya,inaasikaso niya talaga kami ,,at mag close na kaagad sila ni mama emerald ..

Nakabalik na rin sa trabaho si jazz at may bago siyang hinahawakan na kaso yun ay si de paz at yung asawa ni maica na si menard,oo nagulat ako kasi talagang kakampi pala talaga si de paz ng kutsilyo gang,magka grupo pala sila ni papa at yung menard na yun parang namumukaan ko siya di ko alam kung saan ko siya nakita pero nakita ko na siya dati at nagka usap di ko alam kung saan at kailan .

Ako naman ay yes ,nakabalik na rin ako sa work ko mababait naman sila at yung mga studyante okey naman ,hehehe ..

Nag reready ako ngayon para sa breakfast nagluto kami ngayon ni manang diday ng bacon with egg at saka hotdog with cheese.

Nakita ko si jazz na bihis na bihis sa kanyang uniform ,grabe ang gwapo niya talaga kaagad ko siyang sinalubong at hinalikan sa labi.

Jazz:alien ko di na ako kakain .

Ako:bakit ? Saan ka kakain,dun sa babae mo (inis kung sabi)

Jazz:hahaha ..ano !!!(sabay tawa)hay naku !kung ano ano na yang iniisip mo ,,oo na kakain na ako sa niluto mong bacon with egg at saka hotdog ,ang sarap ng amoy ,hehehe(sabay amoy sa leeg ko)

Ako:wag ka ng kumain,dun ka na lang sa kerida mo,tabi nga diyan nakikiliti ako(tinulak ko siya pero mahina lang)

Jazz:hasussss ...hehehe,

nagpapalambing na naman tong buntis kung asawa ,hehehe

Kaagad niya akong niyakap ,grabe ang bango ng jazz ko ,pero inis pa rin ako sa kanya .

Jazz:sorry na alien ko ,si general kasi nagmamadaling pumunta kaagad ako sa opisina .

Ako:bakla ba yang general mo ha ..

Jazz:(iniwas niya ang pagkakayakap sa akin)hahaha ,grabe ! tara na nga ,kumain na tayo kung ano ano na yang iniisip mo,baka sa susunod na isipin mo ay delikado na ..hehehe

Ako:bakit may iba pa ba akong dapat malaman bukod dun(matalas ang tingin ko sa kanya)

Jazz:hehehe,di bagay sayong maging selosa alien ko ,hahaha !tara na(hinawakan kamay ko)

Manang diday:kanina pa ako kinikilig sa inyo ,kumain na kayo at malamig na to,hehehe

Mama:kaya sab ,bantayan mo yang asawa mo at habulin yan ng babae hahaha !

Jazz:hay naku si mama ,,napaka supportive talaga ,hehehe !

Kaya ayun napangiti na lang ako sa mga sinabi nila mama ewan ko bakit ko biglang inaaway tong manyakis na to ,hehehe ! kaya ayun kumain na kami ,,

After ilang minuto ay tapos na kaming kumain at heto pa alis na kami ni jazz .

Jazz:alien ko ,ihahatid muna kita dun sa school ..

Ako:malamang ,bakit di mo ba ako ihahatid(pagsusungit kung sabi sa kanya)

Jazz:hehehe,heto na naman tayo,hay naku !!diba sabi ko ihahatid kita tara na nga ,nababaliw ka na naman,hehehe

Ako:ewan ko sayo,sasakay na lang ako ng taxi

Jazz:okey !

Ako:talagang iiwan mo ako dito ano,sinasabi ko na nga ba ,may babae ka !!(galit kung sambit sa kanya)

Jazz:(binuhat niya ako)tara na ,dami mo pang arti,,hehehe ! tinutoyo ka na naman ,hahaha !

Ako:ibaba mo ako ,

Binuhat niya ako at pinasok sa kotse niya ,bigla siyang ngumiti sa akin at magsasalita na sana ako ng bigla niya akong halikan sa labi ,

Jazz:i love you alien ko (sabay kindat sa akin)hehehe,ikaw lang mahal ko kaya wag ka ng mag isip na may babae ako kasi ikaw lang yung babae ko ,okey (sabay pisil sa pisngi ko)ang cute mo talaga !

Grabe kinilig ako dun ha ! napa smile ako dun

Jazz:ayieeehhhh...kilig much ang alien ko ,hehehe

Ako:sige na ,paandarin muna yan male late na tayo ..

Jazz:hehehe,sige sige mag seatbelt ka alien ko baka sumubsob yang bibig mo ,hehehe

Ako:subukan mo lang na bilisan yang pag drive mo kundi wawasakin ko yang ano mo ..

Jazz:wawasakin talaga ,grabe your a saddist alien ko(sabay kindat sa akin)wag mo namang wasakin to. Kasi magkakaroon pa tayo ng 2nd baby hehehe

Ako:2nd baby pinagsasabi mo ,di pa nga to lumalabas ,2nd baby kaagad iniisip mo,napaka manyakis mo talaga sige na mag drive ka na

Jazz:hahahaha ! syempre para makarami sayang tong lahi ko kung isa lang anak natin,hahaha

Ayun nag drive na siya ,habang nagmamaneho si jazz ay tinitingnan ko yung maamo niyang mukha grabe ang hot niya talaga, hehehe .

Jazz:di ka pa ba nagsasawa sa hot kung face alien ko hehehe,di ako magtataka kung magiging kamukha ko yung magiging anak natin,hehehe

Ako:apakayabang natin brad ha ,hehehe. Ewan ko sayo ..

Jazz:basta wag kang lalandi dun sa mga katrabaho mo ha ! kundi lagot sa akin yung lalaking manlalandi sayo

Ako:bakit ikaw di ka ba manglalandi dun ha ..

Jazz:hindi bakit naman ako manglalandi ,eh ! nalandi ko na yung babaeng gusto kung landiin at nakuha ko na siya,walang iba kundi ikaw,hehehe(kinindatan na naman ako at nagpa cute)

Ako:yan na naman tayo eh ! papa cute na naman tayo ,oo na ! sige na ..

Jazz:hehehe ! good

Maya maya ay nandito na ako sa school na papasukan ko yung ferdinand state university ..,

Ako:papasok na ako manyakis i love you at wag lalandi ha ..bye ..(sabay halik sa labi niyang malambot)

Jazz:ikaw din ,ingat ka alien ko wag ka ding lalandi ha ! sige bye ! i love you too ..

Ayun umalis na si jazz lord gabayan mo ako sana maging mabait sa akin yung mga studyante pati mga ka workmates ko..

Pumasok na ako sa gate at kaagad may lumapit sa akin na lalaki ,mukhang teacher rin siya dito base sa uniform niya mukhang may itsura naman siya cute pero mas cute yung manyakis kung asawa ..hehehe

Lesther:hai ! bago ka dito ,hehehe

Ako:hindi luma na ako dito nakikita munang first time nating magkita ,(pagtataray ko sa kanya)

Lesther:hehehehe,ang sungit naman,lesther ian nga pala ,P.E instructor ,ikaw anong tinuturo mo

Ako:Philosophy at Literature ,sabrina marie nga pala ,

Lesther:oh ! kaya pala pilosopo ka ,hehehe ,by the way may boyfriend ka na ba ?

Grabe ang presko ng lalaking to ,siguro marami ng babae ang napaiyak nito ,,..

Ako:wala akong boyfriend ..

Lesther:talaga ! hehehe sa gandang mong yan,hehehe

Ako:wala akong boyfriend kasi asawa ko na siya ngayon,kaya tigilan muna ako kasi pulis yung asawa ko,okey at sorry ha !!,kung ganito ang pakikitungo ko sayo kasi heto naman talaga ang tunay kung ugali ,,di ako maldita ,actually mabait ako ,

Lesther:okey. Hehehe,,mukhang pareho tayo ng department ,tara miss sabrina. Hehehe,

Ako:okey ..

Ayun nagpatuloy na kaming naglakad papunta sa department namin.

Maya maya ay nandito na kami ,grabe na touch naman ako sa nakita ko may pa welcome party pa talaga sila sa akin hehehe,

Sir gerald:welcome to the group miss del pilar,hehehe

Miss yumi:welcome miss sab ..hehehe(sabay yakap sa akin)

Di ko mapigilan tumulo yung luha ko,grabe may pa cake pa talaga sila ,hehehe

Sir gerald:sorry kahapon sab ,di ka namin napa welcome party hehehe,biglaan kasi eh ,hehehe kaya ito sinorprise ka namin,

Miss yumi:balita ko na buntis ka at ikakasal ,hehehe

Lesther:kaya pala masungit ka sa akin kanina,hehehe ! pasensya na miss sab ,absent kasi ako kahapon,di ko alam,hehehe

Sir gerald:bakit lesther,may balak ka ba kay sab,sige subukan mo para bugbugin ka ng asawa niya,hahaha

Lesther:hehehe,lalayo na nga ako sir eh ! tara kumain muna tayo

Miss sofia:mamaya na yan mag trabaho muna tayo,ikaw lesther kanina pa naghihintay yung mga student mo,

Lesther:hehehe,okey,

patikim muna ako ng cake,hehehe

Ayun kumuha ng slice si lesther ng cake at umalis na,,at ako naman at heto nakatayo kasi na sorpresa ako eh ..

Miss yumi:magpahinga ka muna dito sab ,mamaya pa naman yung klase mo ,hehehe ! sige alis na ako ..

Ako:salamat sa inyo ! hehehe,grabe na appreciate ko to,hehehe

Sir gerald:its just an small thing sab ,,sige back to work na tayo hehehe

Ayun umalis na sila para sa mga klase nila,ako heto nakaupo muna sa table ko ,ng biglang may tumawag sa akin na number lang kay sinagot ko ito..

Ako:hello,sino to ..

Mystery caller:be ready ! kukunin ko yung kaligayahan mo ..

Kaagad niyang pinatay yung linya

Nagulat ako sa nagsalita kasi sobrang creepy ng boses niya ,,as in ! nakakatakot at kinabahan ako sa sinabi niya anong kukunin niya yung kaligayahan ko sino siya ? siya ba yung nagtatangka sa buhay namin ni jazz,pero bakit hindi boses babae ,ewan ko bigla akong kinabahan ..

Natakot ako bigla kaya tinawagan ko yung mystery caller pero di ko na siya matawagan out of reach na siya ..

Miss sofia:girl ayos ka lang..

Nagulat ako kay miss sofia ,

Ako:hindi miss sofy ..

Sofia:wait ! what happen ?

Ako:may biglang tumawag sa akin ,di ko alam kung sino pero parang pinagbabantaan niya ako ,natatakot ako ..

Sofia:oh my !!,baka kung ano na yan,bakit di mo tawagan yung asawa mo para matulungan ka para ma trace yung tumawag sayo

Ako:sige sige miss sofy,salamat ..

Sofia:sige ,relax ka lang girl ,,

Ayun tinawagan ko si jazz,,

Ring.ring.

Jazz:yess ,alien ko ,hehehe,namiss mo kaagad ako.

Ako:jazz ,may isesend ako sayong number,,i trace mo kung sino ang may ari ng number na to .

Jazz:teka,ayos ka lang ba sab pupunta ako diyan at mamaya ko na kukunin yung number alam ko na kung bakit ! sige maghintay ka ,pupunta ako diyan..

Ako:jazz,,wag na ! may duty ka pa .

Pinatay na niya yung tawag ..

Sofia:see ,pati asawa mo alam na niya kaagad.,siguro magaling na pulis yung asawa mo at nalaman niya kaagad,napaka swerte mo girl ,mahal na mahal ka ng asawa mo ,

Ako:salamat ! pero natatakot ako ..

Lesther:anong naririnig kung natatakot yung crush ko,hehehe

Kaagad na dumating tong lesther na to na pawis na pawis

Sofia:magbihis ka nga dun di ka man lang ba nagpunas diyan ,

Lesther:ang arti naman nito,hehehe(sabay akbay kay sofia)

Sofia:ano ba ,,(lumayo siya kay lesther)

Lesther:hahaha ,teka sab anong nangyari bakit parang kinakabahan ka ,,

Lumapit sa akin si lesther at tiningnan niya ako

Ako:wala,sige na umalis ka na dito lesther baka maabutan ka ng asawa ko ,baka kung ano ang isipin nun

Lesther:grabe ka naman sa akin sab,hehehe ,di ko naman siya aagawan , sabihin mo anong nangyari ?

Sofia:may tumawag sa kanya na mystery caller ,pinagbantaan siya ,,

Lesther:whAaaaattt !!,akin na number niya ,itri trace natin ..

Sofia:oo nga pala girl,alam pala ni lesther mag trace ng mga unknown number ..

Ako:talaga kaya mong mahanap kung sino may ari nito

Lesther:oo ,bakit di ka naniniwala,hehehe,akin na at gagawan ko yan ng paraan para di ka na matakot ,miss gorgeous ..

Jazz:sab ..(sigaw niya)

Nagulat ako kasi kaagad na nakapunta dito si jazz at matalas ang titig niya kay lesther ,teka nagseselos ba siya parang gusto niyang sapakin sa mukha si lesther .

Itutuloy..