Chereads / Revenge of the Murderer / Chapter 4 - CHAPTER 3:Is it Destiny ?

Chapter 4 - CHAPTER 3:Is it Destiny ?

POV na ito ni Jazz

Ohhhh,sabrina marie del pilar pala name ng babaeng yun, hehehe, at ng iwan pa talaga siya ng contact number, pasabi sabi pa siya sa akin ng EWWWW, type naman pala ako, hehehe, akala niya tatawagan ko siya, hehehe, in her dreams..

Ayun agad kung tinapon sa trashcan ang papel, at pinikit ko muli ang mga mata ko, masakit pa kasi ulo ko eh, hang over kasi,

After ilang minuto, ano ba to bakit di ako makatulog, paiba iba na nga ako ng position, bigla ko tuloy naalala yung babaeng yun kagab i, hehehe, grabe kawawa naman siya, nasukaan ko,, kamusta kaya siya, hahaha,sayang di ko nakita yung mukha niya nung sinukaan ko siya, hehehe, teka bakit ba ako tumatawa, siraulo na rin ako, hehehe..

Hayssss..ewan ko, bigla kung naisip na tawagan yung babaeng yun, kaagad akong bumangon at pinulot ko ang papel na tinapon ko sa trashcan, tatawagan ko ba siya o tatawagan, pero di ako hihingi ng sorry sa kanya, hahaha, dapat nga siyang magpasalamat kasi pinahawak ko sa kanya ang abs ko,

Ayun tinawagan ko na lang siya..

Ring.ring.ring.ring.ring.ring

Aba di sinasagot, ibang klase, isa pa..

Ring.ring.ring.ring.ring.ring

Ayaw niya talagang sagutin ha, pa hard to get tong babaeng to,, feeling maganda, isa na lang pag di pa niya sinagot, bahala siya..

Ring.ring.ring.ring

Sabrina:hello... Pa, bakit po..(parang bagong gising)

Teka tinawag niya akong pa, grabe mukha ba akong tatay niya, siraulo talaga ang babaeng to, kaya napamura tuloy ako sa kanya

Ako:tang ina, di mo ako tatay, siraulo..

Sabrina:hoyyyy!! (sinigawan niya ako) ikaw tong siraulo, gago ka, wag mo akong murahin, teka sino ka ba ha!!! (galit na galit)

Ako:wala, nevermind, baliw..

Ayun binaba ko ang linya, grabe may pagka burara pala ang bibig ng babaeng yun, hehehe

Ng biglang tumawag siya sa akin,inshort nag callback siya, sasagutin ko ba siya, syempre hindi muna, dapat maka 3 miscalls siya sa akin, hehehe

Ayun tumawag ulit, pero di ko sinagot, at akala ko di na siya tatawag pero tumawag ulit kaya sinagot ko na, nakaka awa eh,

Ako:yesss, sino po sila, sorry di po ito mental ospital,.the number you dialed is out of the country,

Sabrina:hoyyyy, kilala ko yang boses mo, siraulo ka, tumawag ka pa talaga sa akin matapos mo akong sukaan, humanda ka pag magkita tayo, puputulin ko yang kaligayahan mo,

Ayun galit na naman, hay naku mga babae talaga, di maintindihan, kaya ayoko munang magka gf, mga praning ang mga babae

Ako:wow, ang talas naman ng memory capacity mo, di mo pala nakalimutan yung malambing kung boses, hehehe, teka bago mo putulin tong kargada ko, dapat tumikim ka muna nito para di ka manghinayang, hahaha..sayang din to, mapapa ohhhhhhh lala ka dito, hehehe

Sabrina:di ka lang siraulo, bastos ka pa, di ko na inexpect na magsosorry ka sa akin kasi wala yun sa ugali mo,

Ako:bakit naman ako magsosorry sayo,, nanay ba kita ha, ikaw nga dapat magpasalamat sa akin kasi nahawakan mo ang abs ko, hahaha

Sabrina:ha.ha.ha, funny ka, super (inis niyang sabi) boysit ka, bahala ka sa buhay mo, sinira mo yung araw ko, siraulo...

Ako:mas sira yang utak mo,.

Ayun kaagad niyang pinatay ang tawag, hahaha, ang sarap naman niyang asarin, hahaha, grabe first time ko yatang mang asar ng babae, at talagang siya pa ang napili kung asarin, swerte niya naman,

Di na lang ako natulog, lalabas na lang ako, oo nga pala bibilhin ko pala yung sapatos dun sa may robinson mall, wala na akong sapatos pang basketball,ano kaya ginagawa ng gago kung kaibigan na si kevin, matawagan nga..

Ring.ring.ring.

Kevin:ohhh,pare, bakit..

Buti pa tong ulol na to, nakatulog ng maayos, bagong gising lang,

Ako:samahan mo ako pre, bibili ako ng sapatos

Kevin:ibang klase ka talaga pre, ikaw na ang yayamanin, kabibili mo lang kahapon ng sapatos tapos bibili ka na naman

Ako:gago, black shoes yung binili ko kahapon, bakit black shoes ba ang ginagamit panglaro ng basketball,,

Kevin:pwede naman, para maiba naman, sige na, pare, matutulog na ako, si cecil na lang ang sasama sayo, wala ring duty yun ngayon

Ako:wag na pre, ako na lang mag isa, wala ka talagang kwenta, hayop ka..,bangungutin ka sana,

Kevin:i love you pre, hahaha..bye..

Ayun pinutol na niya yung tawag, nag i love you pa ang gago, ako na lang mag isa ang bibili,.

Ayun kaagad akong bumangon at pumunta sa banyo, susulitin ko ang araw na ito, ngayon lang ako nakapag relax, at ayoko ko munang pumatay ngayon ng mga kriminal, hehehe, mabait muna ako ngayon,

After ilang minuto.. Ay natapos na akong maligo, at nagbihis na ako, naka sando lang ako at naka short, tapos nagpabango syempre, kahit wala tong jowa dapat mabango pa rin ako,

Bumaba na ako, at nakita ko si mama na nanonood ng tv, nilapitan ko siya

Ako:ma, alis muna ako..

Mama:mabuti naman at hihingi ka ng sorry sa babaeng yun, mabuti yan jazz, sige mag ingat ka..

Bigla akong napa isip, ako hihingi ng sorry, hehehe, okey magsisinungaling na lang ako kay mama, hay naku ang dami ko ng mortal sin nito, tiyak di na ako qualified sa langit,

Ako:opo ma, hihingi po ako ng sorry sa kanya, at ililibre ko po siya ng pagkain,

Mama:wow, its good, talagang nagbago ka na anak, ipagpatuloy mo yan, buti pinakinggan na ni amang maykapal ang kahilingan ko na maging mabuti ka ng tao,

Ako:hehehe, grabe naman po kayo ma, bakit masama po ba ako

Mama:hindi naman, sakto lang, hehehe, sige umalis ka na baka naghihintay na siya,

Ako:sige po ma, alis na ako, bye(sabay halik sa pisngi niya)

Ayun umalis na ako, diba napakalambing ko kay mama, haysss, naaalala ko na naman mga magulang ko, tsk.tsk.

Yung motor ko ang ginamit ko, tinatamad akong gamitin ang kotse ko, at ayun pina andar ko na ito.. Papunta na ako sa robinson mall,

Maya maya ay nandito na ako, pinark ko muna ang motor ko, at pumasok na ako sa mall,

Timing talaga ang oras, may isang babaeng sumisigaw ng magnanakaw, at nakita ko yung teenager na lalaki may hawak hawak ng wallet, tumatakbo papunta sa dereksyon ko, teka mukhang exciting to..

Ayun habang malapi na sa akin ang magnanakaw ay kaagad ko siyang hinarangan,bigla siyang huminto

Harold:umalis ka diyan kundi masasaktan ka (galit niyang sabi)

Ako:nagpapatawa ka ba, ibigay mo sa akin yang wallet na yan, kundi kadiliman ang makikita mo,pumapatay pa naman ako ng mga magnanakaw,

Nakita ko na papalapit na yung mga security guard at bigla akong sinapak ng batang lalaking to,ayun nakataas siya kaya di ko malalampasan ang ginawa niya sa akin hinabol ko siya, mapapatay ko talaga siya pag naabutan ko siya,

Ayun napatakbo ako ng di oras, para kaming sumasali ng fun run, gago...

Nandito na kami sa labas ng mall at di ko siya tinigilan habulin, ang bilis niyang tumakbo, boysit..kaya tinapon ko ang cellphone ko sa kanya, akala ko di siya matatamaan, pero natamaan ko siya sa ulo, at ayun bigla siyang nawalan ng malay, di lang pala ako magaling bumaril, magaling din pala akong maghagis ng cellphone, kaagad lumapit yung mga tao sa kanya at ayun nakalapit na ako sa kanya..

Ako:tabi kayo diyan, pulis ako (pinakita ko sa kanila ang id ko)

Tsismosa 1:kawawa naman mga magulang ng batang to,..

Tsismosa 2:gwapong pulis, saan niyo po dadalhin yang poging snatcher na yan(sabay kindat sa akin)

Ako:bakit saan ba dinadala ang mga kriminal, alangan naman sa mental ospital,

Tsismosa 2:suplado ka naman gwapong pulis, hehehe

Pinulot ko yung cellphone ko, buti di nasira, syempre original kaya tong cellphone ko, at nandito na ang mga security guard, mga lima sila, pinulot na nila yung mga magnanakaw,

Guard 1:maraming salamat sir, at nahuli niyo siya

Ako:syempre, isa akong magaling na pulis, teka saan niyo siya dadalhin, ako na ang magdadala sa kanya sa presinto

Guard 2:sige po sir, at sasama na rin sa inyo yung ninakawan

Ako:sige sige, papuntahin mo na lang siya sa may pinaka malapit dito na police station, sige alis na kami..

Guard 1:sige sir..

Bigla kung binatukan ang batang magnanakaw na ito, at buti nagkamalay kaagad

Ako:gago ka, ang sakit ng sapak mo sa akin kanina, boysit ka(ayun binatukan ko na naman)

Ang sama ng tingin niya sa akin kaya hinawakan ko kwelyo niya

Ako:bakit ganyan ka makatingin ha, gusto mo bang matapos ang araw mo ngayon

Tsk.parang makakapatay yata ako ngayong araw, boysit, nakaka badtrip,

Harold:humanda ka sa ate ko, pagbabayaran mo tong ginawa mo sa akin(galit na galit)

Ako:wag kang manakot diyan, kayo ng ate mo ang dapat matakot sa akin, halika dito..(kaagad kung hinawakan ang tenga niya) tabi kayo diyan.(sabay sigaw sa mga taong nakapaligid sa amin)

Buti tumabi sila,

Harold:ano ba, bitawan mo nga ako, nasaan na yung wallet ko..

Ako:wallet mo mukha mo, kabata bata mo pa, kriminal ka na,..

Ayun hawak hawak ko pa rin ang tenga niya, hanggang sa nakarating na kami sa police station, buti malapit lang dito ang police station, pasalamat ka siya di ko siya papatayin, wala ako sa mood ngayon pumatay,

Biglang lumapit sa akin si PO1 Ramos,

Ramos:sir, anong ginawa ng batang to..

Harold:binugbog niya ako, dapat siya ang ikulong hindi ako..

Ako:gusto mong bugbugin kita dito ha, tototohanin ko yang pinagsasabi mo sa akin, siraulo ka..

Binitawan ko na ang tenga niya at pina upo ko na siya

Ako:nagnakaw yan, nandito na ba ang nagrereklamo

Biglang sumulpot yung matandang babaeng ninakawan,

Old lady:nasaan na yung kriminal na yun,

Kaagad tumingin sa batang lalaki at kaagad niyang sinampal ito

Old lady:nasaan na ang wallet ko, nandun pa naman ang mga atm ko, pati yung one by one whole body picture ko..

Bigla akong napangiti, kasi ano raw one by one whole body picture, hehehe, ano siya dwende kumasya sa one by one na picture,

Binigay ko sa matandang babae ang wallet niya

Ako:nandito po ang wallet niyo,

Old lady:(kaagad niyang kinuha ang wallet niya) salamat at nahuli mo siya, sir..salamat at nandito na wallet ko

PO1 ramos:tingnan niyo po kung may kulang diyan

Harold:walang kulang diyan, kahit centimo, kasi yang tang inang yan hinuli ako(ang talas ng tingin sa akin)

Ako:ang tapang mo talaga kid, ikaw na tong gumawa ng kasalanan ikaw pa tong maangas, imbis humingi ka ng sorry dito kay nanay,

Harold:bakit ikaw, humingi ka ba ng sorry sa akin,

Ako:aba sumasagot ka pa, nanggigil na ako sayo, siraulo ka.

Balak ko na sana siyang sapakin kaso pinigilan ako ni ramos pati yung kasamahan niya

Ramos:tama na sir, tatawagin na lang natin ang mga magulang niya

Old lady:dapat yan ikulong, para di na makaulit pang magnakaw,

Harold:wala akong magulang,

Ako:yung ate mo na lang ang papuntahin mo dito, para malaman niya ang mga kagaguhan na ginawa mo

Harold:mas gago ka...

Ako:hehehe, ang angas talaga..kunti na lang puputulin ko na yang dila mo,

Ramos:tama na, ikaw boy, akin na yang cellphone mo, tatawagan ko ang ate mo

Ako:ako na ang tatawag, hoyyy, (sabay batok sa batang lalaking to) anong pangalan mo, akin na yang cellphone mo,

Harold:fuck you(sabay nsg fuck you sign sa kanyang daliri)

Ako:hinahamon mo talaga ako,

Kaagad kung kinuha sa bulsa niya ang cellphone niya, at pina buksan ko ito sa kanya gamit ang finger prints niya..

Ako:anong pangalan ng ate mo, sagot (sinigawan ko siya)

Harold:ate sab ang nakalagay diyan, tsk.

Hehehe, kaya ko naman palang takutin tong batang to, buti at di na naging ma angas ang sagot kundi mapapatay ko na to

Ayun hinanap ko ang number ng ate sab niya at maya maya ay nahanap ko ito, at sinimulan ko ng tawagan..

Ring.ring.ring.ring.ring.ring

Di sinasagot ng ate niya, tatlong beses ko na itong tinawagan

Harold:di yan sasagot kasi mahimbing pa ang tulog nun, aswang kasi yun, tsk.

Kaya ayun last na lang pag di sinagot ng ate niya ay habang buhay ko na tong ikukulong dito..

Ring.ring.ring

Sabrina:hello,ano na naman ba ang kailangan mo harold, natutulog pa yung tao,,panira ka talaga kahit kailan..

Teka parang familiar yung boses ng ate niya teka,

Ako:ikaw ba ang ate ng may ari ng cellphone na to,

Nagulat ako ng bigla siyang sumigaw, grabe halos matanggal ang tutuli ko dun ha..

Sabrina:kilala ko yang boses mo, siraulo ka, bakit nasa sayo ang cellphone ng kapatid ko, anong ginawa mo sa kanya,, talagang ginagalit mo ako ha,

May pinagmanahan naman pala tong kolokoy na to, nagmana pala to sa ate niyang siraulo,

Ako:pumunta ka dito sa police station 4 dito sa may malapit sa robinson nandito ang kapatid mo,

Sabrina:teka anong ginawa mo sa kanya, bakit nasa police station siya, sumagot ka.. (galit niyang sabi)

Ako:pumunta ka na lang dito, para malaman mo,..

Ayun pinatay ko na ang linya, grabe ano to pilit ba kaming pinagtatagpo, boysit...

Itutuloy.