POV na ito ni Sabrina Marie
Harold:ate, hoy, ate,(kinakalog niya ang braso ko) ano ba gumising ka na, aswang ka ba, bakit natutulog ka ng may araw pa,
Ako:pwede ba, utoy wag muna akong istorbohin, alam muna man na night shift yung trabaho ko, umalis ka na kung ayaw mong upakan kita(galit kung sabi sa kapatid ko habang nakapikit ang mga mata ko)
Harold:bigyan mo ako ng 500,
Ako:ano ako atm machine, siraulo ka, umalis ka na, wala akong pera,
Harold:ang damot muna man, sayo pinapadala ni papa yung pera, bahala ka diyan, susumbon kita kay papa, basta pag may ginawa akong masama, wag na wag kang magagalit sa akin..
Ako:then go, nangonsensya pa, isara mo yung pinto..
Ayun narinig kung nagdamog yung pasaway kung kapatid, at halos wasakin niya yung pinto habang sinara niya ito, hay naku, nagmana talaga yun kay papa, ang tigas ng ulo..
Ayun natulog ulit ako, masakit pa kasi mga mata ko eh, habang hinihintay ko ang result ng pag take ko ng exam bilang teacher ay nag papart time muna ako, bilang grab driver, wala na kasi akong perang magagasto sa pang araw araw, lalo pa't ngayon dalawa na lang kami ng kapatid ko ang nandito sa bahay namin, si papa kasi ewan namin kung nasaan, halos mag iisang taon ng hindi nagpapakita sa amin, si mama ay matagal ng patay,, nasanay naman kami ng kapatid kung si harold na iwanan kami ng tatay namin, inshort kaya na namin alagain ang sarili namin,nasa 3rd year college na si harold ako ang nagpapa aral sa kanya diba daig ko pa ang nasa abroad at nagtratrabaho sa gobyerno, hehehe...hindi biro lang, nagpapadala talaga sa amin si papa ng pera, pero ako ang kumukuha nito, masinop kasi akong babae, hehehe, di sinasabi ni papa kung saan niya nakukuha ang pera, di rin namin alam kung saan siya nagtratrabaho, parang nasa abroad lang siya, isang taon na namin siyang hindi nakikita.
Ako nga pala si Sabrina Marie Del Pilar diba unique yung name ko, hehehe, 24 years old na ako, at yung natapos ko ay secondary education, yes isa akong mahiyain na tao, wala akong madaming friends, isa nga lang yata ang true friend ko, hehehe, yun ay si amethyst, childhood friend ko siya, halos alam niya lahat ng talambuhay ko, hehehe, ewan ko ba bakit natatakot sa akin yung mga tao, kahit ni isa walang may naglakas manligaw sa akin, panget ba ako, hindi naman ako panget, huhuhu, how sad, sa edad kung to, di pa ako nagka boyfriend, pero okey lang yun, sabi na ng terror teacher ko dati na ang love ay hindi minamadali, kusa na lang itong dadating, di ko talaga nakalimutan yung sinabi ng terror teacher ko nung line na yun, ibig sabihin aasa na lang ako sa magiging kapalaran ko, huhuhu..
After ilang oras...
Nagising ako mga 9 pm na ng gabi, diba totoo ang sinabi ng siraulo kung kapatid na para akong aswang, hehehe, 6 am na kaya ng umaga ako nakauwi kanina, buti na lang binigyan ako ng tip ng last customer ko , sobrang bait niya..
Heto bumangon na ako at pumunta sa banyo para maligo, at after ilang minuto ay nagbihis na ako, diba ang bilis kung maligo at magbihis, hehehe, di kasi ako maarti sa katawan, tutal wala namang nanliligaw sa akin, di naman ako maligno, maganda naman ako, huhuhu, jowang jowa na talaga ako pero anong magagawa ko, huhuhu,
Pumunta na ako sa kusina, para kumain, oppss di two storey ang bahay namin noohhh!!!, di kami rich, di rin kami poor, katam taman lang, hehehe, pagpunta ko sa kusina nakita ko ang kapatid ko, kumakain, kaya nilapitan ko siya at binatukan,
Harold:aray, ano ba sabrina, bakit mo ba ako binatukan, gusto mo batukan rin kita ha..(galit niyang sabi)
Ako:anong sabi mo(binatukan ko ulit siya) wala ka ng respeto diyan ha, sige batukan mo ako, para makita mo kung paano ako magalit, siraulo kang bata ka,
Harold:hehehe, heto naman si ate, di mabiro, sige na kumain ka na, heto naman, anong gusto mo, binilhan kita ng lechon manok,
Ako:akala ko, papalag ka na sa akin, nakikita mo tong maskels ko(sabay pakita sa kanya ng mga muscles ko sa braso kahit wala naman)
Harold:kaya ka di nagkaka jowa ate kasi diyan sa ugali mo, hehehe
Ako:i dont care, hay naku, kakain na nga ako..
Ayun umupo na ako at nagsimula ng kumain,
Harold:ate, magkano ba ang kinikita mo diyan sa pagiging grab driver mo,
Ako:sakto lang, bakit? (habang kumakain ng lechon manok)
Harold:ilan nga, ano to pinoy henyo, huhulaan ko kung ilan ang kinikita mo,
Ako:bakit ba?, bakit gusto mong mag grab driver ha..
Harold:hindi, nagtatanong lang, tanong ko, tanong niya rin, hay naku, bahala ka na nga diyan,
Ayun tumayo na yung kapatid kung baliw, hahaha, pikon agad, heto mag isa na lang akong kumakain, saan niya kaya nakuha ang perang pambili ng lechon manok, baka namakla yung siraulo kung kapatid, o di kaya nagnakaw, or else nang holdap, baka sumakit tong tiyan ko, no, no, no,
Kaagad akong tumayo at sinundan ko kapatid ko,
Ako:hoy, harold, halika nga dito..
Nakita ko siyang papunta siya sa kwarto niya kaya nilapitan ko siya
Ako:di mo ba narinig yung pagtawag ko sayo,..
Harold:ano na naman ba ate, pambihira naman to, (sabay kamot sa ulo niya)
Ako:saan mo nakuha ang binili mong lechon manok, nagnakaw ka ba, nangholdap, o pumatol sa bakla, sabihin mo..
Harold:ano!!!!! (gulat niyang sabi) anong pinagsasabi mo diyan, praning ka na ba ate, hehehe
Ako:(sabay batok sa kanya) seryoso ako, wag kang tumawa, ano saan mo nakuha pambili nito
Harold:grabe ka talaga, binigay yan sa akin ng girlfriend ko, ano kontento ka na ba, wag kang mag alala ate, mali ang inaakala mo sa akin, kahit ganito ako, di ako gagawa ng masama, hayssssstttt nakakabadtrip, boysitttt...
Ayun galit na galit kapatid ko, biglang pumasok sa kanyang kwarto, hehehe, kaya sinigawan ko siya
Ako:okey, pasensya na, stay strong nalang sa inyo, mapapa sana all na lang ako,..
Ayun bumalik na ako sa kusina para kumain, hehehe, ganyan kami ka sweet ng kapatid ko, hehehe, akala ko gumawa yun na masama, takot ako dun ha..
After ilang minuto ay tapos na akong kumain, tiningnan ko ang cellphone ko kung may customer na ako, grabe bakit ang tumal yata ngayon, wala pa akong customer, di muna ako lumabas ng bahay, umupo lang muna ako sa sala, hayssss....
Ilang oras na ang nakalipas, wala pa rin akong customer na magpapahatid sa bahay nila, hay naku, parang first time ko yatang mawalan ng customer ngayon ha,
12 am na ng madaling araw, grabe wala pa rin, manonood na lang muna ako ng kdrama, nasa episode 12 na ako nun, yung bang WHO ARE YOU, tinamad na akong lumabas, si harold di na lumabas sa kwarto niya, tiyak mahimbing na yun na natutulog,
Habang busy ako sa kapapanood ng kdrama, mga 1 am na ng madaling araw ay may nag message sa account ko, yess may account ako bilang isang grab driver hehehe,
Customer:pumunta ka dita sa whereelse ktv bar, ngayon na, bibigyan kita ng malaking tip,....thank you..
Kaagad akong tumayo sa kinahihigaan ko sa sofa, bibigyan niya raw ako ng malaking tip, oh my, hehehe, wag niya lang susubukang lokohin ako o pagsamantalahin, tiyak siya, ang kawawa, hehehe
Ayun kaagad akong lumabas at sinirado ko ang pinto, kinandado ko syempre, yesss may first customer na ako, akala ko mabobokya ako ngayong araw, pina andar ko na ang motorsiklo ko, yess may motorsiklo ako, hinuhulugan ko pa kaya ito, hehehe
Papunta na ako sa whereelse ktv bar, babae kaya ang customer ko o lalaki,
Maya maya ay nandito na ako at nakita ko na may dalawang mag syota yata yun na may kasamang lalaking lasing na lasing, teka sila kaya yun, ayun nilapitan ko sila,
Ako:hello po, kayo po ba ang nag contact sa grab driver(sabi ko sa lalaki)
Kevin:oo miss, bakit ikaw ba yung grab driver,
Jessie:infairness, mukhang magka age lang tayo, miss, may babae pa lang grab driver
Ako:oo ako yung grab driver, at wala namang masama kung babae ang driver diba?
Jessie:well, wala naman, sige ihatid muna tong kaibigan namin sa bahay nila
Nakita ko yung lalaki na pinasok niya sa kotse yung kaibigan niyang lalaki na lasing na lasing, at pagkatapos ay binigay na sa akin ang susi ng kotse
Kevin:ikaw na bahala sa kanya miss, pulis yang kaibigan ko, kaya wag na wag kang gagawa ng masama okey, heto bayad niya sayo..
Ayun kaagad niyang binigay ang bayad sa akin at nagulat ako kasi, oh my.. ang laki naman ng bayad,
Ako:wag kayong mag alala sir, ihahatid ko siya ng safe, walang gasgas, hehehe(sabay abot ng bayad) sir, ang laki naman po nito, 5,000 ito..
Kevin:sige na, ihatid muna siya, malalaman mo nalang kung bakit 5k ang binigay ko sayo, alis na kami
Ako:teka sir, saan ang bahay nila
Kevin:dun sa villa dolina village, nasa block 3..
Ako:okey, copy sir(kaagad akong sumalado kay kuya na pogi)
Ayun sumakay na sila sa kotse..hay sayang may girlfriend na siya, type ko pa naman siya, hehehe, ayun bago ako sumakay sa kotse ng lasing na lalaking to ay binilin ko muna kay kuya guard ang motorsiklo ko dito sa ktv bar at ayun sumakay na ako sa kotse,
Tiningnan ko muna ang lasenggerong lalaking to, infairness may itsura rin to, kaya lang mahinang nilalang to, hehehe, buti pa yung type ko di nalasing, kaso may gf na, di halatang pulis tong lasengo na to, umaandar na naman tong pagka judgemental ko, hehehe
Ayun pina andar ko na ang kotse, ay nagmaneho na ako,..
Maya maya habang nagmamaneho ako ay biglang may sumipa sa upuan ko at narinig ko ang boses ng lasenggerong lalaking to,
Jazz:hoyyyy, siraulo ka, saan mo ako dadalhin, bakla ka ba ha? dadalhin mo ba ako sa motel, gago ka, papatayin kita, itigil mo tong kotse ko, ang ang mag dradrive(galit niyang sabi)
Sabrina, relax ka lang, okey, customer mo siya, at malaki ang biniga sayo ng poging lalaki yun, sayang naman, wag munang patulan tong lasing na lalaking to, hay naku, bastos pala tong malasing, kaya ayun di ko natiis ang sarili ko, sinagot ko siya pero mahinhin naman ang sinabi ko, hindi galit, sinabihan pa akong bakla, at wow ha, ano siya yummy, dadalhin ko sa motel, ewww..
Nagulat ako ng bigla siyang bumangon at biglang tumabi sa akin, at bigla niyang kinuha ang kamay ko, teka anong gagawin niya,ng biglang pinahawak niya ang abs niya sa akin, nagulat ako, agad kung hininto ang kotse at ayun bigla ko siyang sinampal ng malakas, ang manyak niya, waaaahhhh, kaya ayun ewan ko kung narinig niya lahat ng sinabi ko sa kanya ng biglang...
Huhuhuhu πππ jusko lord, pinaparusahan mo ba ako, bigla akong sinukaan ng lalaking to, huhuhu πdito pa sa damit ko at aksidente niyang nahawakan ang napakalaki kung boobs, siya ang unang lalaking nakahawak nito, di na ako nito virgin kaya agad ko siyang tinulak at wala na siyang malay,
Heto ako di ko alam ang gagawin ko, amoy suka na ako nito, yuckssss, ang baho, ewwwww..kadiri ng amoy, grabe tong lalaking to, kung hindi lang ako mabait, kanina pa kita pinatay, boysit kang lalaki ka, kaya pala 5,000 ang bigay sa akin ng kaibigan niya,
Ayun buti naka jacket ako, tinanggal ko na lang ang jacket ko at nilagay ko ito sa may backseat, buti na lang di ganun nasukaan yung t shirt ko..,ayun imbis na magalit ako sa lalaking to,.tiniis ko na lang ang amoy, buti aircondition ang kotse niya..
Pina andar ko na ulit ang kotse, pasalamat ka, di kita kilalang lalaki ka, siguraduhin mo lang na itatago mo yang mukha mo sa akin, pag magkita tayo ulit, kasi pag di mo yan itago, lagot ka sa akin, bwesit ka..
Maya maya ay nandito na ako sa bahay nila, grabe ang ganda ng bahay nila, agad akong bumaba at nag doorbell, buti na lang kaagad na may lumabas,
Sister Emerald:sino sila,
Ako:hello po, kayo po ba ang nanay ng may ari ng kotseng yan,
Sister emerald:(sabay tingin sa kotse) oo bakit, anong nangyari sa anak ko(pag aalalang sabi niya)
Ako:wala po, kasi po lasing na lasing po kasi ang anak niyo, isa po akong grab driver,
Sister emerald:(tiningnan ako up and down) ganun ba iha, teka bakit ganyan ang suot mo, bakit amoy suka ka..
Ako:hehehe, wala po ito, sinukaan po kasi ako ng anak niyo pero okey lang, sige po alis na ako
Sister emerald:ano??, hala sorry iha,, talaga namang pasaway yung batang yun, iha pwede bang bigyan mo ako ng contact number mo at pangalan mo,
Ako:bakit po maam?
Sister emerald:kasi mismo yung anak ko ang hihingi ng tawad sayo,
Ako:hehehe, okey lang po maam, wala po ito..
Sister:sige na pleasee
Ano ba naman tong si madam, ang kulit, hayssstttt..as if naman na hihingi sa akin ng tawad yung anak niya, sige na nga ibibigay ko na sa kanya ang contact number ko, tsk..
Sinulat ko sa maliit na papel ang pangalan at contact number ko at binigay ko kay maam
Sister:salamat iha, mamaya pagsikat ng araw, tatawag siya sayo at hihingi ng sorry, at makikipagkita siya, sayo
Ako:ano, okey na po maam yung paghingi niya ng sorry sa akin through call,
Sister:sige na umuwi ka na sa inyo iha, anong oras, salamat sa paghatid ng anak ko,
Ako:sige po
Ayun umalis na ako,, di ko aasahan na tumawag yung siraulong lalaking yun, sapak ang aabutin niya sa akin pag makipagkita siya, malaki ang atraso niya sa akin, hinawakan niya boobs ko at sinukaan pa ako, tsk..
Nag pakyaw na lang ako ng motor para kunin ko ang motorsiklo ko sa ktv bar at maya maya ay nakauwi na ako sa bahay, 3 am na ako nakauwi, at ayun naligo na naman ako, hello amoy suka kaya ako,..
At pagkatapos kung maligo ay ayun nahiga na ako at maya maya ay ZzzzzzZzzz!!!
9 am ng umaga..
Ring. Ring. Ring. Ring
Bigla akong nagising kasi nakarinig ako ng may tumatawag sa cellphone ko..
Pagtingin ko, number lang di naka save sa contacts ko.. Kaya sinagot ko ito baka si papa to,
Ako:hello,... Pa, bakit po..
Jazz:tang ina, di mo ako tatay, siraulo,
Kaagad kung minulat ang mga mata ko, teka familiar tong boses na to ha..
Ako:hoyyy,ikaw tong siraulo, gago ka, wag mo akong murahin, teka sino ka ba ha!!! (galit kung sabi)
Itutuloy.