Bagamat lingid sa kaalam nila na si Madam Claudia ang may kagagawan ng nangyari sa Sapphire. Isang taksil na tauhan ni Roger ang nagbigay impormasyon sa kanya upang tapusin ang buhay nito. Alam niyang matagal ng nagtatrabaho sa kanya si Roger pero hindi gano'n kabuo ang tiwalang ipinagkaloob nito.
Hinihimas ni Madam Claudia ang kanyang hawak na baril at itinututok iyon sa litrato ni Mansalta. Si Mansalta ang kanyang dating kasintahan na pinagtaksilan at ipinalit sa kasalukuyan nitong asawa na si Lira.
Malaki ang nabuong galit sa puso nito dahil sa ginawang pangloloko at nagtangka na kitilin ang sariling buhay dahil sa labis na pagkamuhi.
Nilibang ang sarili at pinaghandaan ang kanyang paghihimagsik. Sampung taon na ang nakakalipas noong nangyari ang bangungot na iyon at itinakdang magpakasal sa isang sa anak ng Mayor ng lungsod kahit na labag sa kanyang kalooban.
Ginamit ni Madam Claudia ang kapangyarihan bilang asawa ng anak ng Mayor. Nagtayo ng mansyon sa Blumentritt at gumawa ng sariling negosyo sa Recto at iyon ang pinaka-sikat na Pandesalan sa Maynila na pinapatakbo ni Pigo. Walang sino man ang nakakaalam na siya ang may ari niyon dahil hindi pa rin niya nakakalimutan ang pagiging buhay mahirap.
Naluluha na lamang si Madam Claudia dahil sa mga mapapait na karanasan, tumingin sa mga dating larawan kung saan kapiling pa nito ang kapatid na si Beronica.
•••••
Nagkaroon ng malakas na pagsabog sa Kahabaan ng Sta. Mesa. At kasama nito ang kapatid na si Beronica, namimili ang mga ito at may dumating na mga armadong lalaki at hinagisan ng bomba ang kalapit na bangko. Hindi na nila nagawang makalayo dahil sa bilis ng pangyayari. Nasabugan sila at tumalsik sa kalsada. Nalapnos ang mukha ni Mauricia at ang kapatid naman nitong si Beronica ay duguan ang ulo.
Isinugod sa hospital at hindi kalaunan ay binawian ng buhay si Beronica at samantalang si Mauricia naman ay kinailangang isa-ilalim sa masusing operasyon. Dahil na rin sa ginawang pagtataksil ni Mansalta at mas pinili si Lira kaysa sa kanya, pinili na rin nito na mag-iba ng mukha at magpanggap na si Madam Claudia at dahil na rin sa tulong ni Jerome na anak ng Mayor ay naging matagumpay ang operasyon.
Malaki ang ipinagbago ng babaeng nasa likod ng plastik na mukha. Walang sino man ang nakakaalam kung ano ang totoo nitong katauhan. Tanging siya lamang ang may alam ng lahat.
Tumira ito sa isang malaking mansyon sa Blumentritt kasama ang asawa. Hindi nabiyayaan ng anak, hinahanap rin nito ang mga anak ni Beronica pero hindi niya alam kung saan at paano magsisimula.
Wala siyang naiwan na litrato ng mga bata tanging pangalan lamang ang kanyang natatandaan at ang mukha ng mga iyon.
Dumating ang asawa nitong si Jerome at hinalikan siya. Sa loob ng limang taon na pagsasama ay wala man lang itong nararamdaman na pagmamahal. Ginagamit lamang nito ang kapangyarihan ng asawa para sa pansariling kagustuhan.
Lingid sa kaalaman ni Jerome na may pinapatakbong negosyo ang kanyang asawa dahil tahimik lamang iyon at madalas na nadadatnan sa loob ng kanilang tahanan. Mahusay magpanggap si Madam Claudia at laging sinusunod ang kanyang mga kagustuhan kahit na hindi niya kayang suklian ang pagmamahal na ibinibigay ng kanyang asawa.
Inilabas nito ang mga alahas at tumapat sa harap ng salamin. Inilagay nito ang hawak na itim na perlas sa maputi nitong tainga.
Mayroon siyang binuong pagpupulong para sa kanyang negosyo at iyon na rin ang pagkakataon para magpalit ng bagong kanang kamay.
Hinihintay lamang nito na umalis muli ang asawa para siya ay makalarga. Minabuti na lamang nito na magkulong sa kwarto at libangin ang sarili sa pamamagitan ng paghahabi ng damit.
•••••
"Sa tingin mo hindi na makakalaya si Bigoy?" Tanong ni Roger kay Oscar. Umiinom ang dalawa sa isang Beer house sa Tondo. Labis na dinadamdam ni Roger ang pagkakakulong ng kaibigan kaya iyon lamang ang nakikita niyang solusyon sa kanyang problema. Ang magpaka-lunod sa mapait na alak.
"Hindi ko alam P're, una pa lang talaga duda na ako diyan kay Madam Claudia!" Sabi ni Oscar habang nakakunot ang noo.
"Alam mo, parehas lang tayong nagdududa sa kanya. Hindi nga sa atin sinasabi kung ano 'yung dahilan kung bakit galit na galit siya kay Mansalta." Sabi nito bago humithit ng sigarilyo.
Sinalinan nito muli ang hawak na baso bago nilagok habang napapapikit dahil sa pait.
"Dalhan kaya natin ng maiinom si Bigoy sa loob." Seryosong sabi ni Oscar.
"Tarantado, baka gusto mo pati tayo pumasok sa loob. Magisip-isip ka nga."
"Biro lang p're."
Problemado pa rin si Roger dahil wala siyang magawa para makalaya ang kanyang kaibigan. Hindi naman sapat ang kinikita nito sa pagiging killer dahil may binubuhay din itong pamilya at nakakapit pa sa kanya ang mga magulang nito.
"Anong oras tayo uuwi?" Tanong ni Oscar habang nakapikit.
"Lasing kana agad? Nakaka-isang case pa lang tayo ang hina mo naman, walang-wala ka pala kay Bigoy." natatawang sabi ni Roger.
"Gago, hindi ako lasing. Nagiinat lang ako."
"'Wag ka na magpalusot, sa'n ka nakakita na nagiinat tapos hindi umiinat, gago ka?"
Binato niya ito ng tansan at hindi iyon natinag. Halatang babagsak na ang nagiinit nitong katawan dahil sa labis na kalasingan.
"Tangina naman Oscar umayos ka! Akala ko ba hindi ka madaling malasing. Iinom pa tayo ng marami."
Inalalayan niya ito bago sinampal ng malakas para magising sa ulirat.
"Isa pa P're, hindi tumalab." bulong ni Oscar.
"Tangina mo talaga."
Pinagtitinginan na sila ng mga tao sa loob ng Bar dahil sa malakas na pagsampal ni Roger dito.
Dumilat naman ito at itinaas ang ulo. Pilit na nilalabanan ang antok na umaatake.
"Umayos ka, kapag natulog ka ulit suntukin na kita para hindi kana talaga magising."
Natawa na lamang si Oscar dahil sa tinuran ni Roger. Inabutan siya nito ng Isang boteng beer at um-order ulit ito ng dalawang platong sisig.
"Ang ganda ng Madam Claudia 'di ba?"
Sandaling natigilan si Roger sa pagnguya dahil sa sinabi nito.
"Tangina ka! Hindi ko alam na may pagnanasa ka pala kay Madam!" tumawa ito at pinigaan ng kalamansi ang iniinom nitong alak.
"Gago, hindi. Nagagandahan lang talaga ako kay Madam. Sexy, Maganda, Matambok, Makinis."
Inabot nito ang mukha ni Oscar at sinampal ulit.
"Loko ka! May asawa na 'yon laspag na laspag na!"
Nagtawanan ang dalawa at napakamot sa ulo si Oscar.
"Laspag? Wala akong pake kung laspag. Basta type ko si Madam."
"Ikaw alam mo? Tangina mo. Mamaya may makarinig sa 'yo na nakakakilala kay Madam baka 'yung babaeng type mo pa ang papatay sa 'yo."
Ipinatong ni Roger ang kanyang paa sa upuan dahil sa sumasarap na usapan. Unti-unti na ring nakakalimutan nito ang problema.
Ilang minuto ang lumipas at mas lalong dumarami ang tao sa loob ng bar. Maraming pumasok na customer at kanya-kanyang kuha ng mga babae. Tinatapatan lamang ang iyon ng pera at agad na sinusunggaban. Makapangyarihan ang pera at iyon ang mas kailangan ng tao. Mas pipiliin ng sino man na gipit sa kahirapan na ibenta ang sarili para sa kakaunting salapi na tumatanggal sa kanilang dignidad.
"Baka gusto mo ng babae, ako na magbabayad para sa 'yo." Sabi ni Oscar.
Bumalik ang tingin ni Roger sa kanya at isang malutong na tawa ang pinakawalan nito.
"Hindi ko na kailangan ng pera para makakuha ng babae, sa gwapo kong 'to?" Sabi ni Roger habang itinatapat ang kanyang hintuturo sa sariling mukha.
"Mukha kang daga ulol!"
Tatlong oras din ang itinagal ni Oscar at Roger sa loob ng bar bago sila nagpasiya na lumabas na.
Said na ang wallet ni Roger dahil siya ang nagbayad sa lahat ng in-order nila ni Oscar.
Hindi ito nanghihinayang na maubos ang bitbit na pera dahil kinabukasan ay magkakaroon nanaman ng laman ang taguan nito.
Nagpasiya silang dalawa na maghiwalay na ng daan. Sumakay ng Taxi si Oscar at samantalang si Roger naman ay mas pinili na maglakad na lamang.
Samo't saring basura ang nadadaanan ni Roger sa mahabang kalsada. Kaunti na lamang ang dumaraan na sasakyan at halos tumatagos sa kanyang balat ang lamig ng hangin. May mga batang yagit naman na nakaupo sa isang sulok kasama ang ibang kabataan at sabay-sabay na nilalasap ang bawat amoy ng solvent.
Pasado alas-onse na siya ng maka-uwi sa kanilang bahay ay agad na nadatnan ang mga anak na mahimbing na natutulog sa sofa. Hindi nito nakita ang asawa kaya pabulong nitong binigkas ang pangalan.
Hinubad nito ang damit at nagtungo sa kusina para magtimpla ng kape. Umupo ito sa bakal na upuan at hinimas ang ulo. Kanina lamang ay tugtugan ang gumagambala sa kanya sa loob ng bar at ngayon ay nakabibinging katahimikan ang bumungad.
Nakarinig siya ng kaluskos sa taas kaya naman tinawag nito muli ang asawa niya.
Narinig nito na pababa na kaya agad na pinatay nito ang kalan at nakita niya ang kanyang asawa na pababa.
Napangiti na lamang ito bago humigop ng kape.
"Mah....."
Natigalan siya at halos mawala ang labis na pagkalasing nang bumungad sa kanya ang kanyang asawa at si Mansalta na magkahawak ang kamay.