Sinugod ni Roger si Mansalta at sinuntok. Tumalsik ito papunta sa pintuan at agad iyong tumakbo palabas.
Labis ang sakit na nararamdaman ngayon ni Roger dahil sa pagtataksil na ginawa ni Jimena sa kanya.
"Tangina, ano 'yun Jimena?" Nangangalit na tanong ni Roger sa asawang hindi makapagsalita dahil sa biglaang pangyayari.
"S-Sorry....."
Iyon na lamang ang nasabi ni Jimena dahil hindi nito alam kung paano ipapaliwanag ang lahat. Agad na umakyat sa taas si Roger at kumuha ng malaking bag upang ilagay roon ang damit ng mga anak. Sumunod naman si Jimena at humahagulgol ito, hinawakan ang pantalon ng asawa at pinipigilan na umalis.
"Pakiusap, 'Wag mo kami iiwan ng mga anak mo! Hindi ko kaya na wala ka!" Mangiyak-ngiyak na sabi nito.
"Gago ka ba? Pagkatapos ng ginawa mo sa tingin mo magtitiwala pa ako sa'yo?! Kahit kailan hindi kita niloko at kahit kailan hindi ako naghanap ng mapararausan!"
Mas binilisan nito ang pag-iimpake at hindi nito namamalayan na tumutulo na ang luha sa namumulang mga mata. Hindi pinapakinggan ni Roger ang sinasabi ng asawa niya at ng matapos sa pagsasabalutan ay bumaba ito para gisingin ang mga anak na mahimbing na natutulog.
"Gumising kayo diyan, Aalis na tayo rito." mahinang sabi ni Roger sa kanyang mga anak na nabigla sa tinuran ng kanilang Ama.
Tumingin sa kanilang Ina ang mga ito na kasalukuyang lumuluha.
"Bakit po umiiyak si Mama?" tanong ni Carol. Ang panganay na anak.
"'Wag ng maraming tanong, tara na. Walang kwenta 'yang Nanay niyo hindi bagay na maging Ina." paliwanag ni Roger sa Anak.
Tumingin ito kay Jimena bago binitbit ang anak. Lumabas na ang mga ito sa kanilang bahay at hindi matiis ni Jimena na sundan ang mag-aama.
"Roger! Ibalik mo ang mga anak ko!" sigaw nito.
Patuloy lamang na naglalakad ang mga ito na tila hindi pinapakinggan ang sinasabi ni Jimena. Nagsimulang lumuha si Carol dahil sa nangyari at buhat-buhat naman ni Roger ang kanyang bunsong anak na si Paulo.
Wala sa sariling binabaybay nila ang kalsada at ultimo singko ay walang-wala si Roger. Nawala ang kalasingan niya habang hawak ang kamay ng anak. Patuloy na bumabalik sa kanyang isipan ang pagtataksil na ginawa ng asawa.
"Eto na ba ang parusa sa lahat ng ginawa ko? Nawalan na ako ng kaibigan at ngayon ay asawa." bulong ni Roger sa sarili habang tulalang naglalakad.
"Papa, saan na tayo pupunta? Inaantok na po ako." sabi ni Carol.
Hinawakan ni Roger ang ulo ng anak at dahan-dahan na hinimas. Napaluha muli ito dahil naaawa siya sa kalagayan ng kanyang mga anak.
Nagpasiya ito na magtungo sa bahay ni Oscar para doon muna maki-tuloy habang hindi pa ito nakakaipon para makauwi sa probinsya upang doon na manirahan.
•••••
"Ano ng plano mo sa akin? Nahuli na niya tayo!" sabi ni Jimena kay Mansalta na kasalukuyan nitong kausap sa telepono.
"Hindi ko alam! Bakit ako ang pinag-iisip mo ng paraan! Alam mong may pamilya ako. Hindi kita kayang sagutin? Nakaiintindi ka ba?"
Napaluha na lamang si Jimena dahil hindi niya na makilala ang dating Mansalta na kausap niya. Nawala ang pangakong sinabi sa kanya ng pulis. Ginamit lamang siya nito upang maging parausan.
"Wala kang kwentang lalaki! Hindi ko inasahan na ganyan ang sasabihin mo sa akin pagkatapos ng lahat ng pinagsamahan natin! Itinago kita kay Roger tapos ganito? Napaka-putangina mo!" sigaw nito.
Ibinaba ni Mansalta ang telepono at mas lalong lumakas ang luha nito dahil sa nangyari. Hindi niya na alam kung ano ang gagawin upang bumalik muli si Roger at ang mga anak nito sa kanya. Labis niyang pinagsisisihan ang lahat ng pagkakamali niya sa asawa.
Umupo ito sa sofa at tulalang pinagmamasdan ang larawan ng pamilya sa ibabaw ng Cabinet. Iyon na lamang ang alaalang naiwan sa kanya. Sinusubukan nitong tawagan ang telepono ng asawa pero hindi iyon sinasagot. Ilang Text na rin ang ipinadala niya pero hindi iyon nag-re-reply.
Uminom ito ng tubig at huminga ng malalim. Pinapakalma ang sarili bago humiga. Dilat na dilat ang namumugtong mga mata. Nagsisisi ito sa kanyang ginawa at kahit na gusto niyang puntahan ang mga ito ay wala siyang ideya kung saan iyon nagtungo.
•••••
"Knock! knock! Knock!"
Malakas na katok ang ginawa ni Roger upang magising si Oscar. Buhat-buhat nito ang dalawang anak na kasalukuyang natutulog sa kanyang balikat. Naaawa ito sa mga bata dahil hindi sana nila nararanasan ang ganoong buhay kung hindi dahil kay Jimena.
Kumatok muli si Roger at iniluwa ng pinto ang asawa ni Oscar na si Maria.
"Maria, p'wede bang dito muna kami makituloy kahit ilang araw lang?" pagsusumamo nito.
Ilang segundo rin natahimik si Maria dahil sa pagdadalawang isip. Tinignan nito ang mga batang natutulog sa balikat ni Roger ay tumango ito at pinapasok ang mag-Ama sa loob.
Pinaupo niya ang mga ito at inihiga ang mga bata sa malambot na kutson.
"Ano bang nangyari? Nag-away nanaman ba kayo?" tanong nito habang nagtitimpla ng kape sa kusina.
"Mga gago sila." tugon nito
"Ano? Sinong sila?"
"Nang lalaki niya. Niloko ako ng gagong babaeng 'yon."
Nagulat ito sa tinuran ni Roger. Hindi nito lubos akalain na magagawa itong lokohin ni Jimena.
"Sino 'yung lalaki? Kilala mo ba?" tanong muli nito.
Tumango naman si Roger bago binigkas ang pangalan.
"Si SPO1 Mansalta."
Nanlaki ang mga mata ni Maria dahil sa sinabi nito. Napaisip ito dahil wala siyang nakikitang dahilan para lokohin ang kawawang si Roger dahil kung tutuusin walang ibang ginawa ito kundi ang paglingkuran ang minamahal nitong pamilya.
"Grabe na 'yang balita mo, naka-ka-triggered ah! Ang Gaga talaga ng asawa mo! Naku, dapat dati pa iniwan mo na 'yan. Hindi pa rin nagbabago pokpok pa rin!" paliwanag ni Maria kay Roger.
Umiling na lamang si Roger at tumingin sa mga natutulog na anak. Labis na awa ang kanyang nararamdaman para sa mga iyon dahil wala naman siyang ibang hiling kundi ang masayang pamilya. Kailangan lang naman niyang kumapit sa patalim para mabilis na makaahon sa kahirapan.
"Si Pareng Oscar tulog na ba?" Tanong niya kay Maria.
"Oo tulog na, naiinis ako doon. Umuwing lasing, nahihiya ako doon sa driver ng taxi na sinukahan niya sa damit, mabuti na lang mabait 'yung driver." paliwanag nito.
"Ako 'yung kasama niya kanina uminom do'n sa Bar. Naglibang lang kami kasi si Bigoy nakulong, alam mo naman, kailangan makalimot kahit sandali. Kaso nagkamali ako. Mas lalo pa palang nadagdagan."
napangisi na lamang ito at kumuha ng Yosi sa kanyang bulsa.
"Halatang hindi ka nalasing no."
"Sino ba naman hindi mawawala sa kalasingan kung sa mismong harap ko pa naglandian 'yung mga gago."
Hinithit nito ang hawak na sigarilyo at bumuga.
Tinikman nito ang ibinigay na kape ni Maria dahil nahihiya itong tanggihan ang grasya na ibinigay sa kanya.
"Sabi nga pala ni Oscar, may trabaho daw kayo bukas?" tanong ni Maria.
Sandaling napaisip si Roger at inalala ang kanilang gagawin bukas.
"Ah, oo mag-de-deliver kami, maraming customer." Tugon nito.
"Roger? Matanong ng kita? Bakit ang laki ng kinikita niyo sa delivery na 'yan? E, isang araw lang naman kayong nawawala pero ang inaabot sa akin ni Oscar, 20,000."
Napakagat sa ibabang labi ito bago sumagot sa tanong ni Maria.
"Marami kaming Customer, may delivery fee kasi tapos minsan binibigyan pa kami ng tip dahil na-de-deliver namin ng tama sa oras 'yung mga order nila. Kaya malaki ang kinikita namin." paliwanag nito.
Tumango na lamang si Maria dahil sa sinabi ni Roger. Iyon ang malaking kasinungalingan na ibinaon sa isipan ni Maria dahil walang sino man ang nakakaalam sa gawain nila ni Oscar.
Lingid sa kaalaman ni Roger ay unti-unti ng nakakahalata si Maria sa mga kilos nila dahil kung umalis ang asawa nitong si Oscar sa kanilang bahay ay Alas kwatro pa lamang. Madalas rin iyong lasing at wala sa sarili kaya naman itinatago na lamang ni Maria ang namamataan niyang hindi kanais-nais na ginagawa ng kanyang asawa. Madalas din iyong may kausap sa telepono at kapag tinatanong niya iyon ay iniiba nito ang usapan.
Nagpasiya si Maria na iwan na si Roger sa sala dahil alas-tres na ng madaling araw. Humiga si Roger at tumingin sa kisame. Hinithit nito sigarilyo bago itinapon sa bintana. Hindi ito mapakali dahil sa mga nangyari sa kanya ngayong araw. Iyon ang hindi niya makakalimutan na karanasan sa puder ni Jimena.
Umihip ang malakas na hangin at dumampi iyon sa maputing balat ni Roger. Kinuskos niya ang kanyang braso para makadama ng init dahil wala itong kumot man lang. Ibinigay niya kasi sa dalawang bata ang kumot na ibinigay ni Maria para hindi mangatog ang mga ito.
Napalunok na lamang si Roger at hinawakan ang ulo ng mga anak. Hinagod niya iyon at hindi niya namamalayan na tumutulo na ang kanyang luha.
"Pasensya na mga anak. Hindi ko ginusto ang ganitong buhay natin, ayokong lumaki kayong walang kinikilalang Ina pero labag sa kalooban ko kung titiisin kong lokohin ako ng inyong Ina. Kaya sana maitindihan niya ako mga anak ko." bulong niya sa mga bata.
Bumalik ito sa kanyang pwesto at ipinikit ang kanyang mga mata.