"Kumusta 'yung stock sa kabilang factory? Okay na ba? Dapat bago mag ala-sais bukas ay mai-deliver na 'yan sa mga customer ko."
Ibinaba ng lalaki ang hawak na telepono at pinuntahan ang mga manggagawa niya na nagbabalot ng toni-toneladang shabu. Ito na ang pinaka-malaking shabu factory sa ka-Maynilaan. Ito ang nagsu-supply sa mga mabababang antas na negosyante sa Tondo, Quiapo, Divisoria at Recto. Malakas ang kapit nito sa mga pulis maliban kay Mansalta, dahil may sarili iyong negosyo at tutol sa isinasawang pagsasarili nito.
Ayaw na ayaw ni Mansalta na nalalamangan o maging sunod-sunuran kaya naman kumalas siya sa ugnayan. Matagal na panahon na ang lumipas ng ito ay kumalas sa organisasyon.
Mahigpit ang mga bantay sa loob at labas ng factory. Nagkalat ang mga mata nito sa paligid kaya makakatunog agad ang lalaki kung may papalapit na mga pulis para hulihin sila.
Inutusan nito ang dalawang kasamahan para manmanan si Mansalta. Tumango naman ang dalawa at agad na umalis sa kanyang harapan.
"Hindi talaga ako nagkamali na ikaw ang kinuha ko para guluhin si Mansalta." tugon ng babaeng may hawak ng baso ng alak at sumunod ang mga alalay niyon. Binigyan ng baso ang lalaki at nag-cheers ang dalawa.
"Sabi ko sa 'yo Madam akong bahala." nakangising sabi ng lalaki bago nito nilagok ang kalahating basong alak.
"Pero hindi mo siya napatay, pero hindi bale. Masyado pang maaga para matapos ang lahat."
Tumawa ang dalawa at ipinagpatuloy ang pag-inom. Naglakad sila paikot sa loob ng factory. Abala ang lahat sa pagbabalot ng mga high breed shabu. Malaki ang value niyon at mas high kung tumama sa utak ng tao.
Dumaretso ang dalawa sa loob ng isang high-tech na kwarto. Kusang bumukas ang mga ilaw at pinaupo nito ang lalaki.
"Hindi ko maintindihan kung bakit mainit ang ulo niyo sa pulis na iyon. Ano ba ang ginawa niya sa inyo?" tanong ng lalaki.
Tawa lang ang sinabi ng babae sa kanya at uminom sa kanyang hawak na baso.
Wala itong balak na sabihin kung ano ang kasalanan ni Mansalta sa kanya dahil hindi iyon ang tamang pagkakataon para ilabas ang baho ng buwayang pulis.
"Gusto ko nga pala, bago matapos itong araw na ito patayin mo 'yung bunsong anak niya."
Napatigil sa pag-inom ang lalaki.
"Tama ba ang narinig ko madam? Papatayin ko 'yung anak niya?"
"Oo tama ang narinig mo."
Napaisip ang lalaki dahil sa ipinapagawa nito. Mahirap ang pinapagawa niya dahil walang kasalanan ang bata sa away nila ni Mansalta.
"Oh? Hindi ka na ata naka-sagot? Ayaw mo ba? 500,000 ang ibabayad ko sa 'yo kapag nagawa mo ang ipinag-uutos ko."
Napalunok ang lalaki bago ito tumango. Sumang-ayon siya sa gusto ng babae at inilapag sa lamesa ang hawak na baso.
"Sige Madam, ako ang bahala. Aayusin ko na mga bata ko at ngayon din kikilos na kami."
Ngumiti ang babae at sumenyas na sumasang-ayon siya.
Lumabas ng kwarto ang lalaki at napakagat sa kanyang ibabang labi. Nagdadalawang isip siya sa ipinapagawa sa kanya. Gusto niya malaman kung ano ang dahilan ng kanyang Amo kung bakit gusto nitong nakikita na nagdurusa si Mansalta.
Isinuot nito ang kanyang salamin at itinaas ang kamay. Kumilos ang mga bataan nito at pinagbuksan siya ng pinto.
"May bago tayong project." maiksi nitong sabi sa mga ito.
Tumango naman ang mga iyon at napangiti.
"Magkano offer ni Madam?" tanong ng isa sa mga ito.
"500,000 sarado."
Napa-palakpak ang mga ito at panandaliang nagsaya bago itinanong ang susunod na project.
"Ano daw kapalit niyon?"
"Papatayin ang bunsong anak ni Mansalta."
Biglang natahimik ang mga iyon. Ito ang unang beses na gagawa sila ng krimen na may sangkot na bata dahil kadalasan ay mga makasalanang tao ang kanilang itinutumba.
"So? Anong plano mo? Itutuloy ba natin?"
Napakamot sa ulo ang lalaki at pinag-isipan mabuti ang gagawing kilos.
"Hindi muna, kailangan ko pang alamin kung ano ang koneksyon niya kay Mansalta."
Tumango ang mga kasamahan nito at pinaandar ang kotse.
"Saan tayo ngayon?"
"Sa Sapphire."
"Wow? Manlilibre ka?"
"Oo na basta bilisan mo, sumasakit na ulo ko kakaisip."
•••••
Makukulay ang liwanag sa loob ng isang bar na kung tawagin ay Sapphire ito ang pinaka-tambayan ng mga big time na negosyante sa lungsod. Ito ang tinaguriang hidden bar. Dahil ito ay nakatago sa ilalim ng lupa.
Huminto ang sasakyan sa harap ng isang lumang apartel at kumatok ng dalawang beses kasabay ng salitang. SAPPHIRE.
Iyon ang hidden code sa bar dahil illegal ang lugar na iyon. Tago sa galamay ng batas at tanging mga drug lord ang karaniwang nandoon.
Pumasok ang apat na lalaki at nasa likod nila ang dalawang bouncer. Bumukas ang unang pinto na nababalutan ng mga matutulis na wire. Naririnig na ng mga ito ang ingay sa loob kaya naman mas lalong nasabik ang mga lalaki.
Lagi silang nasa Sapphire pero sa tuwing pumupunta sila doon ay nakakaramdam sila ng sabik dahil sa mga nag-gagandahang mga dilag ang naghihintay sa kanila.
"Eto naaaaaa!" sabi ng isa sa kanila.
"Puta ka, kumalma ka nga para namang ngayon ka lang nakapasok dito."
Nagtawanan ang mga ito pumasok sila sa ikalawang pinto.
Isang matingkad na pulang pintura ang kulay ng pinto at dahan-dahan iyong bumukas. Mga naka-pormal damit ang mga tao na nandoon. Malaki ang kaibahan nito sa ibang Bar dahil ito ay espesyal.
Ang bawat gamit sa loob ay dekalidad at talagang hinango sa ibang bansa. Sabik na umupo ang magkakasama at nakangiting pinagmamasdan ang mga sumasayaw na babae sa stage. Lumapit ang babaeng naka-suot ng hapit na damit at yumuko sa harap ng isa sa mga lalaki.
"Ano pong order niyo?"
Napalunok ang lalaki dahil nakatapat sa kanya ang hinaharap nito. Tila nais nitong akitin ang lalaki.
"Tatlong bucket lang!"
Malagkit na tingin ang ginawa ng babae sa kanya bago ito umayos ng pagkakatayo at inayos ang suot na damit.
"Arte mo naman Boss!" tugon ng isa sa mga kasama nito.
"Gag* tulad mo ako sa 'yo kaya ka tinutulo e, kung sino-sino kasi tinitira mo!"
Nagtawanan ang mga ito at nangsanggan ng mga kamao.
Napuno ng kasiyahan ang magkakasama at nakikisabay naman sa kanila ang malakas na ingay mula sa speaker.
Maraming tao ang naroon at ang bawat isang lalaki ay may naka-table na babae. Ang mga ito ay masayang hinahawakan ang balakang at sumasabay naman sa tawanan ang mga bayarang babae.
Iniisip ng lalaki ang lahat ng p'wedeng naging dahilan para magalit ang kanilang Amo kay Mansalta pero hindi nito mabuo ang kanyang ideya. Hirap na hirap na ito dahil naranasan niya na rin na mawalan ng kapatid noon kaya naman hindi niya kakayanin na pumatay ng walang muang na bata o mabahiran ang kamay niya ng inosenteng dugo.
"Balita ko ikaw 'yung bagong kanang kamay ni Madam ah?"
Nagulat ito dahil sa boses na nagmumula sa kanyang likuran hindi niya ito kilala dahil naka suot ito ng maskara.
"Sino ka?"
"Hindi na mahalaga kung sino ako. Ang mahalaga ay 'yung tanong ko sa 'yo. Ikaw ba ang bagong kanang kamay ni Madam?" paliwanag nito.
"Oo bakit? Anong kailangan mo?"
Tumango na lamang ito at umalis.
Nasa isip ngayon ang lalaki dahil baka isa iyong espisya at sinusundan sila para alamin ang kanilang mga galaw.
Gulo na ang kanyang isip dahil maraming sangkot at hindi niya alam kung ano ang uunahin.
"Nandito siya sa Sapphire kasama ang mga tauhan niya."
Nagulat ang lahat ng biglang may nagpa-putok ng baril. Natamaan ang gilid ng upuan ng lalaki kaya agad siyang pumunta sa ilalim ng lamesa at kinuha ang kanyang baril.
"Tangina naman."
Napamura na lamang ito at pinakalat ang kanyang bataan.
Nakipag-palitan ng putok ang mga ito sa mga lalaking naka-maskara.
Hindi naman gumagalaw ang mga bouncer dahil alam nila na ganito ang mangyayari.
"May kupal sa kasamahan natin!" Sigaw ng lalaki.
"Tangina naman, hindi ba talaga mawawala mga traydor sa mundo."
Nabutas ang tinataguan nitong lamesa. Nagkalat ang mga basag na bote at ang mga bayarang babae ay nag-iiyakan. Ang iba naman ay nakahandusay na dahil sa natamong tama ng baril.
"Tangina niyo! Magsilabasan kayo!" Sigaw ng isang lalaki na naka-maskara.
Hindi sila nito pinakinggan at nanatili na magtago. Ito na ang kinakatakutan nila. Na-corner na sila ng mga kalaban. Hindi niya alam kung kaninong tauhan ito.
"Mga ulol! Hindi niyo kami mapapalabas. Kumain muna kayo ng tae bago mangyari ang gusto niyo."
Nagawa pang tumawa ng lalaki dahil ini-enjoy nito ang pakikipag-barilan sa hindi kilalang mga naka-maskara.
Walang tigil na putukan ang maririnig. Napuno ng usok ang buong paligid at patuloy pa rin sa paglitaw ng mga makukulay na ilaw mula sa spot light.
"Kaya pa ba natin ito?" sabi ng kanyang kasamahan.
"Basta sumunod ka lang sa akin, tatawagan ko si Madam hihingi ako ng tulong."
Dinampot nito ang kanyang cellphone at nanginginig na pinindot ang numero ng kanyang Amo.
"Hello, Madam na corner kami kailangan namin ng...."
Naputol iyon ng biglang magsalita ang kanyang Amo.
"Na-enjoy mo ba ang mga babae diyan sa Sapphire?"