"NAKU pa'no bayan pareho pa namang kaliwa ang mga paa ko" worried na sabi ni Audace. Nasa dulong bahagi na sila ng San Jose at ayon sa dalaga, sandali nalang daw ang lalakarin nila.
"Huwag kang mag-alala hahanap tayo ng sayaw na kasing dali ng waltz" paniniyak niya. "kung sakali anong araw ka pwede? Saka kung okay lang sayo, sa bahay nalang tayo mag-practice, alam mo na bawal gamitin ang Dance Room__"
Tumawa ng mahina ang dalaga. "Oo naman alam ko iyon no" nang makuha ni Audace ang ibig niyang sabihin. "sa Sabado pwede, kasi isa lang ang subject ko nun, and also Sunday kasi walang pasok sa school."
Tumango siya. "Sige, hatid nalang din kita para hindi kana mag-commute" sang-ayon niya. Iikot kasi sa mga ballroom dances ang mga lessons nila for prelim. And since Recreational Activities ang subject, more on actual performances. Kasama na roon ang preliminary examination. At iyon ang tinutukoy ni Mrs. Guevarra na pagpa-partner-an nilang dalawa.
Tumango si Audace. "Anyway nandito na tayo, pasensya kana sa bahay namin ah" anang dalagang tinapunan pa siya ng nahihiyang tingin.
Umiling siya. "Wala iyon" aniya. "oh, may canteen pala kayo? Kaya siguro magaling kang magluto" dugtong pa niya nang mapuna ang kainan sa may bakuran."mukhang mabili ang pagkain ninyo ah, ang daming tao eh" pagpapatuloy niya.
Nakangiting nagkibit-balikat si Audace. "Masarap kasing magluto ang Tita Lerma ko. Halika ipapakilala kita sa kanya" may pagmamalaking turan ng dalaga saka nagpatiuna. "Ta," tawag ni Audace.
Nakita niyang lumingon ang isang mesitahin at may edad ng babae na malamang ay nasa pagitan ng kwarenta o singkwenta ang edad. Nakasalamin ito at halata narin ang puti sa itiman nitong buhok.
"Nandiyan kana pala. Magmeryenda kana, nagluto ako ng palabok. Paborito mo" ang mabait nitong kausap kay Audace na nakangiti namang humalik sa tiyahin.
Why she's so tender. Naisip niya habang tahimik na pinagmamasdan si Audace mula sa likuran ng mga ito.
"Si Dave, kaklase ko. Apo siya nung isa sa apat na founder ng SJU" nang ipakilala siya nito kay Lerma.
Noon hinubad ni Lerma ang suot na salamin saka siya tinitigan ng tuwid. "Kumusta ka hijo?" seryoso nitong tanong sa kanya.
Sa nakitang reaksyon ng ginang ay tila pinasok ng sangkatutak na paruparo ang sikmura niya. "O-Okay naman po, kayo po kumusta?" aniyang iniabot pa ang kamay rito.
Nagkibit ito ng balikat saka nakangiting tinanggap ang pakikipag-kamay niya. "Kumakain ka ba ng pansit palabok?"
"Opo" pagsasabi niya ng totoo.
"Saan mo gustong kumain? Doon sa sala o dito nalang kasama ng mga traysikel driver?" anitong tumalikod saka kumuha ng dalawang plato.
"Kahit dito nalang po, okay lang po ako" aniya saka sinulyapan si Audace na nakita niyang nakangiting kumindat lang sa kanya.Tumawa ang ginang saka siya iginaya palabas. Inilapag nito ang dalang pagkain sa isang bakanteng mesa at saka naupo paharap sa kanya.
"Audace maglabas ka ng softdrinks dito" utos pa nito pagkuwan. "hala kumain kana" sa isang seryosong tinig.
Iglap nanaman siyang kinabahan. Minsan man ay hindi pa niya naranasan ang ganito, confrontation sa pamilya ng kahit sinong naging nobya niya. At aminado siyang parang ibig niyang maihi sa sobrang nerbiyos."K-Kayo po?" aniyang matapos pigaan ng kalamansi ang palabok ay sinimulan niyang kainin. "masarap po" compliment niya na siya naman talagang totoo. Tinanguan lang iyon ng ginang.
"Napakagwapo mong bata, alam mo ba iyon?" nalito siya sa pwedeng maramdaman sa sinabing iyon ni Lerma. "De Vera, Policarpio, Estriber o Dela Merced? Kaninong pamilya ka nanggaling?"
"E-Estriber po" nautal pa niyang sagot saka sinulyapan si Audace na palapit sa kinaroroonan nila dala ang dalawang bote ng softdrinks.
"Ikaw na muna ang tumao doon, may pinag-uusapan pa kami nitong manliligaw mo" pagtataboy nito sa pamangkin.
"Naku nagkakamali ho kayo Aling Lerma___" mabilis na inawat ng ginang ang iba pang nais niya sabihin saka sinenyasan si Audace na umalis naman kaagad.
"Tayo ba naman ay maglolokohan pa hijo? Posibleng matandang-dalaga ako pero ang totoo niyan kabisado ko na ang istilo ninyong mga lalaki" anitong iwinasiwas ang kamay saka bahagyang natawa.
Napahiyang ipinagpatuloy niya ang pagkain kaya nagsalita ulit ang kaharap. "Galing ka sa maimplwensyang pamilya. Si Audace lumaki nang hindi nakita ang tatay niya minsan man. Sa tingin mo, kaya mo ba siyang ipaglaban sa pamilya mo? Kaya mo bang manindigan para sa kanya pagdating na panahon?" nagtatanong ang mga matang tinitigan niya si Lerma. "nagulat ka ba? Hindi ba niya sinabi sayo ang lahat? Alam mo hijo mahal na mahal ko ang pamangkin ko, kaya ko sinasabi ang lahat ng ito sayo kasi ayokong dumating ang panahong makita siyang umiiyak at nasasaktan kapag nalaman mo na ang totoo at hindi mo pala siya kayang panindigan. Mahirap lang kami, pero kung ang pamangkin ko na ang na-a-agrabyado, ibang usapan na iyon" nasa tinig ni Lerma ang babala.
Napalunok siya. Totoong nagulat siya sa narinig tungkol kay Audace pero hindi niyon nabawasan ng kahit kaunti ang affection na nararamdaman niya para sa dalaga."Malinis po ang hangarin ko sa pamangkin ninyo" pagtatapat niya. "at gusto ko siyang protektahan, alam ko matapang siya pero may mga pagkakataon siguro na kakailanganin parin niya ng isang taong magtatanggol sa kanya, and I wanna play that part."
Sandali siyang pinakatitigan ng ginang na tila ba sinusukat ang katapatan ng sinabi niya. Habang siya nang mga sandaling iyon ay parang hinahalukay ang sikmura sa tindi ng nerbiyos na nararamdaman. Bahagya lang na naibsan iyon nang makita niyang ngumiti si Lerma saka tumayo at tinawag si Audace.
"So?" ang dalagang tila nahuhulaan na kung ano ang pinag-usapan nila ng tiyahin nito dahil sa ngiting rumehistro sa mukha nito.
Naiiling niyang dinukot ang panyo sa bulsa ng suot na black pants saka tinuyo ang pawisang noo. "Grabe, dinaig ko pa ang bibitayin" aniyang uminom pa muna bago muling sumubo ng palabok.
Malakas na tumawa doon si Audace. "Ganoon talaga si Tita, pasensya kana" ani Audace na sinimulan narin ang pagkain. Noon buong paghanga niyang pinakatitigan ang mukha ng kaharap. Kay ganda nitong pagmasdan kapag ganoong tumatawa. Nang hindi siya umimik ay muling nagsalita ang dalaga. "Ikaw palang kasi ang lalaking sinama ko dito sa bahay" kwento pa ni Audace sa kanya.
Ikaw palang kasi ang lalaking sinama ko dito sa bahay. Pakiramdam niya siya na ang pinakamaswerteng lalaki sa buong mundo dahil sa inaming iyon ng dalaga.
"Talaga?"
"Oo naman."
"Sige nga, why?" nanunubok niyang tanong saka tuluyang inubos ang pagkain sa plato.
Nangunot ang magandang noo ni Audace. "Why?" anito.
Tumango siya. "For sure may dahilan ka. Ano iyong dahilan mo?"
Isang mahinang tawa ang naglandas sa lalamunan ni Audace. "Kailangan ba laging sinasabi sayo ang dahilan? Hindi ba pwedeng pakiramdaman mo nalang?" anitong nagbaba ng tingin saka ipinagpatuloy ang pagkain.
Natawa siya saka pabirong nagsalita. "Ah ganoon ha, so kung sakali palang i-assume kong may gusto ka sakin okay lang kasi iyon ang pakiramdam ko?" mabilis na nag-angat ng ulo si Audace sa narinig.
"Hoy hindi ah!" namumula ang mukhang protesta ng dalaga.
Binigyan niya ng hindi kumbinsidong tingin ang dalaga. "R-Really? Convince me then" biro ulit niya na lalong ikinapula ng mukha ni Audace, kasama ang tainga nito.
"Tumigil ka na Dave! Hindi mo ba nakikitang mapula pa sa mansanas ang mukha ko!?" humagikhik na saway ng dalaga.
"Kung mansanas ka, willing akong maging lechon, para partner tayo!" aniyang amuse na pinakatitigan ang namumulang mukha ng dalaga.
"Baliw ka talaga."
Kahit pansin niyang naiilang sa mga titig niya si Audace ay hindi niya inialis ang paningin sa mukha nito. Alam niyang ito ang kagandahan na hindi niya pagsasawaang titigan kailanman, at ang kakaibang damdaming mayroon siya para rito ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito.