Chapter 5 - Kabanata 4

Kinaumagahan, 7 am ako nagising kaya naman nagluto na agad ako at kumain. Pagkatapos ay naligo at nagsipilyo na ako. Tanging white addidas shirt na may dalawang stripes sa magkabilang manggas at black high waist shorts. Nagbaon na rin ako ng extrang pamalit at isinuot na ang puting addidas na sapatos.

Inilock ko na ang bintana at pintuan bago dumiretso sa mustang na binili ni daddy para sa akin na gamit 'kong sasakyan ngayon. Makalipas ang kalahating oras ay nakarating na ko sa studio.

"Goodmorning, coach!" bati ko.

"Oh, Aesther? Deretso training agad?"

"Yes, serrr!" with matching saludo pa. Tumawa naman siya at nagsimula na kami sa training. Makalipas ang dalawang oras ay nagpahinga na kami.

"Aesther, balita ko sa UP ka mag-cocollege?" tanong ni coach.

"Opo."

"May balak ka 'bang sumali sa dance troupe o cheerdance? Maganda ang katawan mo at paniguradong madali ka lamang ihagis at saluhin. Pasok ka kaagad dun, panigurado!"

"Hindi, coach. Stick ako sa dance troupe." nakangiting sagot ko.

Nagtraining uli kami ng dalawang oras pa bago namin tinapos ang training sa linggong ito. Next week ulit ang training. Naligo muna ko ng cold shower at nagpalit na.

Tanging white v-neck tshirt at leggings ang suot ko. Malaki ang tshirt pero hindi ko na tinuck-in. Nagsuot na lamang ako ng Nike slippers na kulay gray. Hinayaan 'kong nakalugay ang buhok ko at lumabas na ng studio.

"Akala ko pa 'man din babae ka na, tch!" lumingon ako sa likuran ko. Nakita ko si Jerv. Halatang bagong shower din lang dahil gulo-gulo pa ang buhok. Halos di na kami nagusap kanina dahil sa training ako naka-focus. Iba kasi ang sched ni El kaya di kami magkasama ngayon sa training.

"Ulul. Alam mo namang ganito ako e."

"Hays. Minsan babae, madalas lalaki!" sinamaan ko siya ng tingin.

"Kumain ka na?" umiling naman ako.

"Halika na 'nga, Saan mo gusto? Libre mo ko!" malakas ko siyang sinuntok sa tiyan at nagderetso na sa mustang.

Sumakay siya sa kotse ko at nagdrive na ako papunta sa Glorietta. Sa isang foodcourt kami nagpunta kaya lang ay maraming tao kaya sa Korean Unli Grill na lamang kami kumain. Siya ang nanlibre.

"Woi. May bago akong crush,"

"Tangina, magseryoso ka na, 'tol! Uso 'yun." saad ko.

"Promise, magseseryoso na ako this time."

"E, kanino?" tanong ko.

"Cheerleader siya sa UP. Ini-stalk ko sa IG tapos nag-DM ako."

"O, tapos?"

"Di 'nga nagrereply, e" duon ko siya tinawanan.

"Better luck next time, dude. Ayaw namin kay Cassie, pero kapag mahal mo 'yun, matatanggap din namin. Pero kung mas mahal mo 'yang cheerleader na 'yan, aba e support ka namin! Unang-una na ako." I tapped his shoulders.

Pagkauwi ko sa unit ay nagpalit na ako ng itim na pajama at nagsuot ng pink na sweatshirt. Ini-lock ko ang bintana't pintuan saka dumiretso sa kama para matulog.

****

Nagising ako ng may sunod-sunod na tawag at pagkatok sa pintuan. Argh, antok pa ko. Letse.

8pm na pala, di ko 'man lang namalayan ang oras. Ganun na ba ako kapagod? Mula 2pm hanggang 8 knock out. Tch.

Sasagutin ko sana ang tawag kaso biglang nawala kaya dumiretso na lamang ako sa pintuan para buksan.

Si kuya lang naman ang bumibisita sa akin.

"Hello," nagulat ako ng makita ko si Kyopid sa pintuan ko.

"Puta, anong ginagawa mo dito?!" sigaw ko.

"Easy! Kapitbahay mo lang ako. Can I come in?" I rolled my eyes and went to the bathroom.

Nagsipilyo at naghilamos muna ako. Hindi na ko magpapalit at itinali na lamang ang buhok ko ng isang bun.

"Kumain ka na?" tanong niya sakin.

"Not yet, kakagising ko lang." sabay kaming dumiretso sa kusina.

"What do you want?"

"Hmm. Kahit ano na lang," sagot ko at kumuha ng gatas sa ref.

"Okay. Sa sala ka muna." dumiretso rin siya sa ref para maghanap ng mailuluto. Hinayaan ko naman siya at nagsalin sa baso ng gatas. Dumiretso naman ako sa sala at nanood sa Netflix.

Daddy Calling...

Hey, dad?

(Aesther, may importante tayong pag-uusapan the next day. Wear something formal.)

Okay, dad. Saan?

(Maui will fetch you. Anyway, how are you?)

I am fine, dad. Kayo po?

(We're doing good. Bibisita kami jan this Saturday. Byee. Iloveyou.)

Okay, dad. Iloveyou.

He hung up. Something important? Madalang lamang si daddy magpatawag ng family meeting. Mabuti 'nga at medyo nagkakaayos na kami nila daddy at mommy.

Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang homescreen ng phone ko.

Unknown Number

189 Missed Calls• 201 unread messages

"Kyo, number mo 'to?" tanong ko.

"Ah, oo. Kinuha ko sa kapatid mo kahapon." dahan-dahan akong tumango at nagbukas ng IG.

Kyopid Philae Zasterius

5k Followers•7 following

Archer| Matchmaker| Painter| Model

Napatingin ako kay Kyo. Puta, Archer na, Painter pa! Bonus na rin 'yung pagiging model! Jusme.

Ako rin, model. Model ng mga palayok. Endorser ng mga palayok HAHA!

Nagstalk ako sa kaniyang account. Palagi na lang siyang may kasamang babae. 'Yung babaeng tinutukoy ko na maharot. Chos. Aksidente 'kong napindot 'yung heart. Pero hindi ko napansin kung anong picture 'yun.

"Shit, shit!" I cursed. Narinig 'kong tumunog ang phone niya at nakita 'kong tiningnan niya ito. Napatakip ako ng mukha gamit ang unan at bigla akong nahulog sa sofa.

Anak ng, ang sakit sa pwet!

"Ingat kasi. Ayan, nahulog ka tuloy kaka-stalk mo." I heard him chuckled. Pakiramdam ko ay pulang-pula na ang mukha ko sa kahihiyan.

"Na...pin..dot ko... lang!"

Nagkanda utal-utal na ko. Letseeee!

"Sinakto mo talaga dun ah?" napatingin ako sa kaniya at bahagyang kumunot ang noo. Ipinakita niya sakin ang phone niya.

Tangina, parang gusto ko ng magpalamon sa lupa. I clicked the heart button in his picture that is half-naked!

Nakasandal siya sa gilid ng swimming pool at nakahawak siya ng bote ng alak. Gulo-gulo ang buhok and that made him look like hotter!

Nasapo ko ang noo ko at napahiga sa semento sa kahihiyan.

"Waaaah! Napindot ko langggg!" sigaw ko habang nasa semento 'yung mukha ko. Pakiramdam ko tuloy mamalagutan na ko ng hininga ngayon.

"Okay lang, Miss Perv." inis 'kong tinignan siya at binato ng unan.

"Ulul!" sigaw ko at nagdabog papasok sa kwarto ko. Nang dahil sa inis ay pumasok ako sa cabinet ko at napasabunot sa buhok.

From: El

8:37 pm

Babe, I need someone to talk to.

Kumunot ang noo ko sa message na na-receive ko. Agad 'kong di-nial ang numero ni El. Maya-maya pa ay sinagot naman na niya ito.

Babe?

(Babe, I have a boyfriend.)

'Lol. Di uso 'yun sayo diba? At tsaka wala 'ngang nanliligaw sayo e! Kapal ng mukha 'mong bruha ka.

(Loko. I mean, he's still courting me. He's not my boyfriend pa.)

O, e, spill the tea babe!

(Bestfriend siya ng bestfriend ko na pinsan niya na kapatid ko na pamangkin niya.)

Putangina 'mong bruha ka, gino-good time mo ko letse!

(HAHA! Iloveyou!)

Ulul.

(Woi! Kamusta training ha?)

Oks lang, ganun pa rin.

(Sali ka daw cheerdance.)

Tangina ayoko mag-palda.

(Gaga! Try mo magpantalon during competition! Tanga 'to.)

E, ikaw? Sasali ka?

(Hindi, stick ako ng dance troupe. Syempre, sa aerobics lang naman ako magaling e. Pero baka sasali ako ng volleyball.)

O, sige. Ako din naman stick sa aerobics. Ano sched mo sa training next week?

(Friday. Ikaw?)

Friday din, sakto! Kita kits na lang babe.

(Yes, serrr!)

Pinatay ko na ang tawag at nanatili sa loob ng cabinet ko.

"Aesther!"

"Ayii!"

"Babe!"

"Love!"

"Baby!"

"Sweetie pie!"

"Pineapple pie!"

"Hatdog ka!"

"Pisting yawa ka, Ayii!"

Sa inis ko ay lumabas ako ng kwarto dahil sa sigaw niya.

"What?!" singhal ko. Nang tumingin siya sakin ay agad akong tumalikod.

Fuck! He's half-naked! Actually, he's wearing a damn pink apron!

"Oh, bat ka nakatalikod? Don't you like the view!"

"Argh! I hate you, Kyopid the Stupid!"

"Call me Philae, Rosetta."

"And why would I?!"

"Your mine and I'm yours."

"Ulul!" nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa dining area. Nanigas ako sa kinauupuan ng maramdaman ko siya sa likod ko.

"Hindi gagalaw ng kusa 'yang pagkain," bulong niya. Bigla akong tumayo at aalis na sana kaso bigla niya akong hinigit. Nawalan kami ng balanse kaya sabay kaming nahulog.

Sa hindi inaasahan ay nagkalapit ang mga labi namin. 'Yung first kiss ko!!!

****

"Pervert! Get out!" sigaw ko at pinipilit siyang paalisin pero ang bigat niya. Punyeta.

"Woi! Sino ang manyak sa atin ha? Pinagnanasahan mo 'nga ako e," he smirked dahilan para lalo akong mainis.

"Ew! Mandiri ka 'nga!" sigaw ko. Inis 'kong bumalik sa dining area at kumain ng mag-isa. Hindi ko siya pinapansin pero ramdam 'kong nakatingin lamang siya sa akin. Matapos 'kong kumain ay hinugasan ko ang ginamit ko at dumiretso sa banyo. Nagshower na lamang ako at nagsipilyo.

"Lock the door when you leave," saad ko.

"Sarah Geronimo, is that you?" inis 'kong nilingon si Kyo.

"Oo, parehas kaming maganda."

"Ang kapal." I heard him whispered. I glared at him at mabilis na lumapit sa kaniya.

"Oh, so, you think that I'm not pretty, huh?" I crossed my arms.

"No."

I raised my eyebrow. Tignan natin saan aabot ang tapang mo.

"I think, you're..."

"What?"

He went closer me and whispered in my ear. I can smell his fragrance. Putangina ang bango, letse. I can smell his mouthwash. Mint.

"Pervert." I punched him on cheeks.

"Gago!" I cursed him and went on my bed. Narinig ko ang mga galaw ng mga plato. He's doing the dishes. In-off niya rin ang tv. Maya-maya ay narinig ko na ang mga yapak niya papunta dito sa kwarto so I pretended asleep.

"Hey, Aesther, I am sorry. Ang sakit ng suntok mo para 'kang lalaki. Geez. Bukas susunduin kita, mag-iiwan ako ng note. I am sorry, I really am. I did the dishes already and cleaned the dining area. I hope you'll be with me tomorrow. I will be glad if you will be with me. Babawi ako tomorrow. I am sorry. Hindi ko naman kasi alam na mahahalikan kita or what. Forgive me, Aesther. Goodnight. Sleep well." naramdaman 'kong inayos niya ang unan ko at nilagyan ng unan ang tiyan ko para mayakap. Naka pagilid ako, facing left. Kinumutan niya rin ako at hinalikan sa pisngi. Narinig ko na lamang na papalayo ang mga paa niya hanggang sa maglock na ang pinto.

If you are Philae, then does it mean you will also leave me?

****

Nagising ako ng 7 am. Naligo na ako at nagayos saka bumaba. May narinig akong kumatok sa pintuan kaya dali-dali ko itong binuksan. Nagtaka ako dahil may paper bag duon ngunit walang tao.

Good morning, my Rosetta! Finish your food, susunduin kita ng 8 am. Enjoy!

-Kyo

Inalis ko ang pagkain na mula sa paper bag. Natawa ako dahil kulay pink ang bento box at may ribbon itong kulay pink din. May omelet, bacon, grapes and strawberries. Meron 'ding lalagyanan ng hot water kaya ng tinignan ko ay hot chocolate.

Ngiting-ngiti akong kumain. Inubos ko lahat at nagsipilyo na. Naka puting floral dress lamang ako at nagsuot ng denim jacket. Pinili 'kong mag white doll shoes na lamang at kinuha na ang itim na handbag ko. I braid my hair and put some light makeup.

Nang makarating kami ni Kyo sa isang malaking building ay nagtungo na agad kami sa pinaka taas. Dashima Group.

"This is the proper handling," he teach me that. And those techniques. Marami siyang tinuro sa akin at hinayaan niya na akong pumana mag-isa pero hindi ko ma-target ang bull's eye.

"Hey," napatigil ako ng may lumapit na babae sa amin. Napaiwas ako ng tingin ng humalik ito sa pisngi ni Kyo.

Siya 'yung babaeng nasa IG ni Kyo!

"Who is she?" I heard that girl whispered.

You'll die if I tell you! Maxpein Moon come here! Charot.

"Oh, She's Aesther Rosetta Grospe. Aesther, she's Amber Wanse Gue." pagpapakilala niya. She smiled a small smile so I faked my smile.

She's so sexy! Sana all. She's just wearing an army jogger pants and a black bralette. She ponied her hair and put some heavy makeup. She has this bow at her back and her aura is legit, a bitch one.

"Girlfriend?" The bitch asked.

"No." I answered.

Nagpalusot akong pupuntahan ko si El ngayon dahil may usapan kami. Nakakahiya naman kasi, sila lang naguusap. May pa endearment pa sila with matching landi.

"Oh, ano? Nakabingwit ka?" bungad ko. Gulo-gulo kasi ang buhok at lumalabas na rin ang strap ng bra niya sa kaniyang blusa.

"Oo, e. Ikaw, tag-tuyot?" inis ko siyang sinimangutan. Napansin ko naman ang lalaking kasama niya. He's wearing boxers and a white tshirt. Ngumiti ito ng tipid sa akin kaya tinanguan ko na lamang. Humalik naman ito sa leeg ni El at may binulong.

Pero rinig ko naman. Mga sira-ulo.

"Babe, I'll be back tonight. Be ready." El chuckled. I rolled my eyes.

Putangina, ang lalandi!

"Woi, ano 'to gagawa kayo ng milagro sa harap ko?!" sigaw ko sa dalawa. Tumawa naman si El at pinaalis na ang lalaki.

"Hoy ikaw, panira ka din 'no?" nakapameywang siya sa harap ko.

"Tch, itutuloy niyo din naman mamayang gabi." I rolled my eyes.

"E, anong problema mo? Mag-Tinder ka kasi girl! Tans taught me. So, ayan! Hindi kami tag-tuyot!"

"Lol. Di ko kailangan."

"Woi, mukhang masarap 'yung nabingwit mo ah." El smirked.

"Wala 'nga e,"

"Patawa ka gurl. Si Kyo! Tch!" umiling naman ako at nagkwento sa kaniya. Sa kanilang tatlo, kami ni El ang pinaka close. Hindi halatang mas bata si El sakin dahil marami siyang experience pagdating sa ka-dugyutan.

"Ay, edi broken ka na naman? Halika gagawan kita ng Tinder! Ay wait, gawa lang ako ng sandwhich."

Inantay ko naman siya sa sala at nagscroll muna sa IG. Natigilan ako ng makita ko ang post ni Kyo.

kyophilaerius: A day with @am_wanse.

I rolled my eyes. Babawi daw, ulul. Nagpasya akong mag-stay muna kila El at mga 6pm na ng bumalik ako sa unit ko. Ini-lock ko na lamang ang mga bintana at pintuan. Ginawa ko na ang skincare routine at uminom ng gatas bago natulog.