Inuwi agad ako ni kuya sa unit at nagusap kami sandali ngunit nanatili akong tulala. Hindi pa rin ma-process sa utak ko ang nangyari.
"Ayii, tell me what the fuck happened earlier." he commanded. Nasa loob kami ng unit ko at nakaupo sa sala. Sinimulan 'kong ikwento ang nangyari at puro mura ang naririnig ko kay kuya.
"I'll get you out of this hell once you graduate. No one can hurt you, baby." kuya said.
Bumagsak ako ng second sem. Kaya, nagenroll ako for summer class. Ipinagpatuloy ko ang dance class ko sa studio kahit na hirap ako sa sched. Naging hectic ang sched ko sa sumunod na dalawang buwan.
Hindi na ako sumasama sa gala at inuman. Itinutok ko ng buong buo ang atensyon ko sa pag-aaral. Minsan ay si Kyo ang nagluluto ng pagkain ko. Madalas siyang tumambay sa unit ko lalo na kapag pumapasok ako sa eskwelahan.
"Congratulations, You passed the second semester!" anunsyo ng professor namin. Laking pasasalamat ko dahil nakabawi ako ngayon.
Bago ako umuwi ay bumili ako ng cake, pizza, burgers, carbonara at fries. Idinagdag ko pa ang soda at umuwi na ng unit ko.
"Aesther! May good news ako!" masiglang bati sa akin ni Kyo pagkapasok ko ng unit. Bitbit ko naman ang mga supot at parehas kaming malawak ang ngiti.
"Ako rin!" saad ko at iwinagayway pa ang mga dala ko.
"Sabay tayo ha?" dagdag ko. Agad naman siyang tumango.
"Isa,"
"Dalawa,"
"Tatlo!"
"Nakapasa ako ng second sem!"
"Kami na ni Amber!"
Tila 'ba napawi ang ngiti sa aking mga labi at bumagsak ang aking mga balikat.
Did I heard it right?
"Congratulations!" bati ni Kyo sa akin. Nagpanggap na lamang akong masaya kahit na wasak na ang puso ko.
"Salamat. Tara kain?" alok ko. Nawala ang siglang nararamdaman ko kanina. Kahit na wala akong ganang kumain ay pinilit ko pa 'ring kumain.
"Kayo na?" mahinang tinanong ko kay Kyo.
"Oo, tangina! Alam mo ba 'yung pakiramdam na 'yung matagal 'mong inaasam ay nakamit mo na? Tangina talaga!" hindi mawala-wala ang mga ngiti niya sa labi niya.
"Bakit parang hindi ka masaya para sa akin?" natauhan ako sa tanong niya. Nakatingin siya ng diretsahan sa mga mata ko.
"Of course not! Masaya ako para sayo! Para sa inyo!" I faked a laugh.
Hindi... Hindi ako masaya... Nasasaktan ako Kyo... Sobra.
"Thank you," bati niya without removing the smile on his face.
Sana ay ako ang dahilan ng mga ngiti mo.
"So, magbaback out ka sa 'kasal thing' ng parents natin?" I tried to ask normal. Iniiwasan 'kong h'wag pumiyok sabay pigil ng mga luha.
"Yes. I want her the rest of my life, Ayii." Umiwas ako ng tingin.
I want you also, Kyo. But I know, you will never want me to be with the rest of your fucking life.
****
Halos dalawang oras lang ang tulog ko. Mugtong-mugto ang mga mata at walang ganang tumayo.
The best part of me will always be you, Kyo.
Sa huli ay nagdesisyon akong mag-gym since matagal-tagal din mula ng magworkout ako. Simpleng puting v-neck shirt at black high waist shorts ang suot ko at itinuck-in ang aking damit.
Sa sobrang dami ng iniisip ko ay tulala na lamang ako habang gumagamit ng treadmill. Pakiramdam ko ay mamatay na ako dahil sa pinaghalo-halong pagod at puyat. Dumiretso ako upang magshower at umuwi na ng condo.
Hinayaan ko na lamang na dalawin ako ng antok upang mabawi ang aking tulog. Mula 8 am ay tulog ako hanggang 3 pm. Kaya naman paggising ko ay matinding gutom ang naramdaman ko.
Muli akong naligo at nagsuot lamang ng puting pajama at green na pullover sweatshirt. Pagkalabas ko ng aking kwarto ay nagluto agad ako ng makakain.
Nagmukha akong tanga na nakatulala lamang sa Netflix. Hindi ko na 'nga alam kung ano ang daloy ng panood. Wala ng luhang lumalabas pa sa mga mata ko dahil pagod na rin ito kakaiyak.
'Yung taong mahal ko, may mahal ng iba.
Aray ko b3h!
Imbes na magmukmok sa unit ko ay nagdesisyon akong maglaro ng Fortnite. Inubos ko ang natitirang oras sa paglalaro at ng sumapit ng 7pm ay nagaya ang barkada na maginuman sa BGC.
Lalandi talaga ako ngayong gabi!
Itim na tube bralette at puting high waist shorts ang isinuot ko. Nagayos muna ako ng sarili at isinuot ang pumps bago nagtungo sa BGC.
"Babe, ano na? Dalawang buwan na walang dilig ah!" biro ni Tans.
"Loko! Kailangan ko mag-aral! Ayoko lumandi!" sigaw ko.
"Birhen ka? Birhen ka?" pang-aasar ni El.
"Tangina niyo, birhen ako!" sigaw ko at birong sinabunutan ang mga buhok nila.
"Pwes ngayon, hindi na! Halika! May pogi dun!" Kahit na ayaw 'kong sumama ay itinulak-tulak ako ni El at Tans sa isang lalaking naka hawaiian polo shirt at puting sweatshort.
"Aki!" sigaw ni Tans. Nang lumingon ito ay bigla 'kong naalala 'yung last time na naginuman kami!
Shit. Si Mr. Lasallian!
"Tans? Kamusta na?" bumeso ang lalaki kay Tans.
"Iba ang meaning sa akin ng panangamusta so don't ask me! Here's my friend! Aesther! Oh, diligan mo na bye!" akmang babatukan ko si Tans ngunit mabilis itong nawala sa tabi ko.
Iba ang meaning ng pangangamusta? Hmm. Sounds disgusting, lol.
"Hi! I am Mackaih Jonel, second year college in La Salle taking up Civil Engineering. You can call me Aki." pagpapakilala niya.
Tangina nasa gitna pa kami ng dancefloor naguusap.
"Aesther Rosetta Grospe, First year in UP Diliman. Archi," pagpapakilala ko.
Civil Engineer si Aki e Accountancy si Tans. Hay nako, saan aabot ang kalandian mo? Kemerut.
"I think we are destined to be together," natawa ako sa sinabi niya.
"taraga?" biro ko.
"Di ka kinilig?" gulat niyang tanong.
"Gago," mura ko. Inaya niya akong magpunta sa counter kaya naman duon kami nagpatuloy sa inuman.
Mula sa counter ay nakita ko sina Kyo at Ams. Nakaakbay ito kay Ams sa couch namin at nagtatawanan sila habang nagbubulungan.
Ang lalandi, tangina.
"Ayii?" napatingin ako sa kasama ko.
"Oh, sorry. May sakit ka ba?" napataas ang kilay ko sa tanong niya.
"Mukha ba 'kong may sakit sa utak? Ikaw ata 'yun e!" sigaw ko. Tinawanan naman ako nito.
Nagpatuloy ang pag-inom namin ng whiskey at nagsayaw kami sa dancefloor. Matindi na tama ng alak saken. Nakita ko sina Kyo at Ams na naghahalikan sa couch. Napairap ako at hinila ang kwelyo ni Mr. Lasallian saka ito hinalikan ng mariin.
****
"Bruha ka! Pa-birhen ka 'te?" sigaw ni Tans sa akin. Bumalik na ako sa couch agad kanina matapos ang kahihiyang ginawa ko sa gitna ng dancefloor.
"Gaga! Matindi lang talaga tama ng alak!" sigaw ko. Agad namang sumulpot si Sefa sa gilid ko at hinawakan ang dalawang balikat ko.
"Girl, masarap? Ano lasa? Honey? Strawberry?" napairap ako sa tanong niya.
"Walang lasa!" sigaw ko.
"Puntahan mo si Aki! Sabihin mo isa pa!" utos ni Tans kay El.
"Gago!" I cursed at them.
"E, sabi mo walang lasa? Edi ulitin! Pa-inosente ka pa, malandi ka din naman!" binatukan ko si Tans sa sinabi niya.
"Girls, bibingwit muna ako ha? Text or chat na lang!" nagmamadaling umalis si Sefa. Nagkibit balikat na lamang ako.
"Lumandi na rin kayo, next week pasukan na naman! Love you!" nagmadali din na umalis si Tans.
Lumapit naman sa akin si El at bumulong, "Babe, I think Kyo is mad." at iniwan niya akong tulala.
Naka tatlong shot lamang ako ng Black Label at napasandal na ako sa couch dahil hilong-hilo na ako.
"Ayii! Tapang mo na ah? Hinalikan mo si Aki? Nako, lagot 'yon kay Demon!" pang-aasar ni Unra.
"E, bakit? Bawal ba ako humalik ng iba?!" sigaw ko pabalik.
"Uwi na tayo," malamig na saad ni Kyo sa tabi ko. Napairap naman ako sa kawalan.
"Una na kayo ni Ams," saad ko.
"Umuwi na siya. Tara na, lasing ka na." hinawakan niya ang aking braso ngunit hinawi ko lamang ito.
"Wag ka 'ngang ganyan! Lalo mo akong pinapahulog sayo e!" sigaw ko at patuloy sa paghawi sa mga kamay niyang nakahawak sa braso ko.
"Bakit mahal mo ko?" para siyang tangang nakaestatwa.
"Oo! Pero putangina, masakit kase 'yung taong mahal ko ay may mahal na iba! And worst, may kahalikan pa!" tanginang mga luha 'to. Naguunahan na naman sa pagdaloy.
"I didn't kissed Ams! She kissed me!"
"Gago, parehas lang 'yun!"
"Woi, wag 'nga kayong magaway dito! Nandito tayo para magsaya!" singit ni Unra at nasa gitna namin siya. Nang tuluyan akong mainis sa paghawak niya sa aking braso ay sinampal ko siya.
Pero si Unra ang nasampal, siya 'yung nasa gitna e. Tanginang alak 'to.
"Bakit parang kasalanan ko?" pag-iinarte ni Unra. Tawang-tawa namang lumapit si Jerv at El sa amin.
"Bobo mo, sabing h'wag na kasing makisali!" sigaw ni El at inilayo sa amin si Unra.
"Nagmamalasakit lang naman ako bilang frenny tapos ako 'yung nasampal? I deserve an explanation! I deserve an acceptable reason!" nasapo ko ang noo ko sa pinagsisigaw ni Unra.
"Tangina mo, bro. Manahimik ka 'nga, nakakahiya ka!" tinakpan ni Jerv ang bunganga ni Unra.
Bigla akong binuhat ni Kyo na parang sako at dinala sa parking lot.
"Gago, ibaba mo 'nga ako!" kinukurot at pinagsasampal ko ang likuran niya.
"Fuck! I will! Kaya tumigil ka jan!" umirap ako at tumigil sa pagmamaktol.
Tangina paano ako makakadrive neto? I need kuya, huhu. Kyo's mad, really mad!
Isinandal niya ako sa kotse niya sa bandang likuran kaya naman sumuka ako sa mga halaman malapit duon.
"Inom inom pa, di rin naman pala kaya! Tch!" pagsesermon niya at inabot sa akin ang isang bottled water at isang rolyo ng tissue. Nagmumog naman ako pagkatapos at nagpunas ng tissue.
I am a damn mess.
"Oh, inumin mo." inabot niya sakin ang isa 'pang bottled water. Sumandal kami pareho sa likurang bahagi ng sasakyan niya.
"Bakit mo hinalikan si Aki?" he asked without looking at me.
"Duh! Am I not even allowed to? Samantalang ikaw naghahalikan kayo ni Ams!" pagmamaktol ko at inubos ang tubig.
"We're not! Siya lang ang humalik sakin!" sigaw niya at napasabunot sa kaniyang buhok.
"Bakit ba nagagalit ka? Girlfriend mo si Ams and you can even fuck her if you want to!"
"Your mouth is really bad!"
"Pake mo?"
Binalot kami ng katahimikan. Mabilis ang paghinga ko dahil sa sigawan namin mula kanina.
"Do you really love me?" napatingin ako sa kaniya.
"Of course, who wouldn't?" I asked sarcastically.
Fuck this alcohol. Napapaamin ako ng wala sa oras!
"I also love you, Ayii. But, Amber needs me."
"Sa tingin mo ba hindi kita kailangan?" I faked a laugh and looked away.
"I know, you need me. But, Amber? She's traumatized. Ako ang kaniyang comfort so I can't leave her. I love you, Ayii. I really do but I am sorry because Amber needs me." sunod-sunod niyang sinabi.
Traumatized? Comfort? Putangina. She's a bitch!
"Then, stop being sweet, caring and clingy to me! Tigil-tigilan mo ang pagbibigay ng motibo dahil tangina hindi ko na alam ang gagawin ko kapag hulog na hulog na ako sayo!" parang gripo 'yung luha ko ngayon.
I am so soft-hearted person. Napaka hina ko. Ang daling mahulog, ang daling iwanan. Tangina.
"Mahal kita---"
"Tangina!" sigaw ko at napasabunot ng buhok.
"Sorry, Ayii. Sorry. Mahal mo ba si Aki?"
"Bakit mo tinatanong?"
"You kissed him, earlier." mahinang sagot niya.
"Hindi porke hinalikan, mahal na. 'Yung ibang babae 'nga jan, hinubaran na, wala pa rin. Ang ending? Iniwan pa rin. Diba, dun naman kayong mga lalaki magaling?" I answered sarcastically. Iniwan ko siyang tulala at nagdrive ako pauwi sa unit kahit na hilong-hilo ako.
Nagtagal ako sa pagshoshower at hinayaang lumabas lahat ng luhang natitira sa akin. Humiga ako sa kama at muling dumagsa ang mga luha.
Mahal din kita, Kyo. Pero bakit hindi mo ako magawang ipaglaban? Kailangan din kita, Kyo. Pero bakit napaka-unfair mo?
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Hindi ko mawari kung lungkot ba o ano. Ngunit dahil na rin sa matinding pagod, at sobrang pag-iyak ay agad din akong nakatulog.
I am fucked-up.
****
Second year College isn't that easy. Mas dumaming plates ang pinagawa
sa amin. Madalas na akong bumibisita sa bahay kahit na hindi nila ako pinapansin. Tulala lamang si mommy, si daddy naman ay hindi umiimik. Si Maple, nananatili 'ding tahimik sa gilid.
Nasasaktan ako tuwing nakikita ko si mommy na tulala sa kwarto nila. Ang laki ng ibinawas ng timbang niya at wala siyang kinakausap sa amin. Si kuya ay ipinagpatuloy ang kaniyang pag-aaral.
Thrice a month kami nagiinom sa isang buwan dahil lahat kami ay busy sa pag-aaral. Nasa bahay kami ngayon dahil birthday ko. All of my friends were invited, some of my blockmates, some of my co-dancers and of course, both of Kyo's and my family were invited.
I just want a simple celebration but Daddy made it a grand celebration. I chose the blue off-shouldered gown. Mommy's favorite color is blue. Maple chose white.
Naging malala ang sitwasyon ni mommy kaya naging malala na rin ang sitwasyon ng buong pamilya namin. Naka wheel chair na lamang si mommy. Minsan ay nagsasalita siya ngunit hindi na siya ngumingiti.
"Happy Birthday," walang emosyong binati ako ni mommy. Ngumiti ako ng todo at hinalikan siya sa noo.
"Thank you, mommy. Please be strong, I don't know what to do if you'll leave me." bulong ko ngunit tinitigan niya lamang ako. Napaiyak ako ng haplusin niya ang aking pisngi. Bago pa 'man tumulo ang mga luha ko ay nagpaalam na muna ako kay mommy upang magtungo sa kinaroroonan nila daddy. May dalawang nurse naman ang nagbabantay kay mommy.
"Happy Birthday," wala 'ding emosyon na binati sa akin ni daddy at maging si Maple. Nagpasalamat na lamang ako ngunit pekeng ngiti ang isinukli sa akin.
Lumapit ako sa kinaroroonan ni mommy ng sinubukan niyang tumayo para magbigay ng speech ngunit tumirik ang kaniyang mga mata at biglang nanigas ang kaniyang katawan. Nasalo ko si mommy at nginitian pa niya ako habang nakahawak siya sa aking mga pisngi.
"Nurse! Nurse! Ambulansya!"
Hindi ko marinig ang mga sigawan ng mga tao dahil nanatili akong nakatingin sa magandang ngiti ni mommy. Nagunahan sa pagtulo ang mga luha ko ng unti-unting bumaba ang kaniyang kamay na nakahawak sa aking pisngi at unti-unting nagsara ang kaniyang mga mata.
Ni hindi ko 'man lang napansin na nasa hospital na pala kami. Wala na akong pake kung sira na ang makeup ko dahil sa pagiyak.
"Time of death, 11:47 pm."
Bumagsak na ako ng tuluyan at natulala. Hindi ko na napigilan ang mga luhang nagbabadya sa aking mga mata. Namatay si mommy sa mga bisig ko. Nawala na 'yung kakampi ko. Nawala na.
Kung alam ko lang na huli na pala 'to, sana ay sinulit ko na. Mommy, bakit mo ako iniwan?
Lord, kahit isang araw lang. Isang araw lang na makasama ko ulit ang mommy ko. Isa 'pang araw, lord. Nagmamakaawa ako, kahit isang araw lang.