Hindi ko alam kung ano ba dapat ang mararamdaman ko. Magiging masaya ba ako? Dahil masaya siya at matutupad na ang pangarap niyang makakasama habang buhay ang babaeng pinapangarap niya. O, malulungkot? Dahil ito na ang katapusan para sa amin.
Simula't sapul, dapat hindi na sana ako umasa pa. Nagbigay kase siya ng motibo kaya nahulog ako. Pero dapat pinigilan ko ang sarili ko. Kung alam ko lang na hahantong ang lahat sa ganito, edi sana sinungit-sungitan ko na lang siya nuon.
Naging mahirap sa akin ang gumalaw ng mga sumunod na araw. Parati akong nag-ooverthink sa gabi kaya halos 12 am na ako matulog at gigising ng 3 am tapos iiyak na naman.
I tried to fix myself but I can't. Thank God, hindi naapektuhan ang marks ko. Inilibang ko ang sarili ko sa paggawa ng plates at iba 'pang paperworks.
Philae left Rosetta. Pero magkaiba ang nasa novel. Sa reyalidad, Philae left Rosetta and never came back. Sa nobela, Rosetta found Philae after 13 months. It's been a year, I haven't found my Philae yet. 'Coz my Philae left me and he didn't wish to come back.
Napabalikwas ako sa kama ng may kumalabog sa sala. Pinunasan ko ang mga luha sa aking pisngi at agad tumakbo sa sala.
"Paano kayo nakapasok?!" sigaw ko ng makitang naguunahan sa pagpasok sina kuya at ang buong barkada.
"I have the duplicate key," kuya showed his keys. I rolled my eyes and layed on my bed again. Naramdaman 'kong may sumampa sa higaan ko at yumakap sa akin.
"Babe, we're here. Alam 'kong na-dedepress ka ngayon. Come on, ilabas mo 'yan wag 'mong kimkimin." El said while hugging me from the back.
"Ilabas mo, sasakit puson mo jan!" binato ko ng bean bag si Tans. Humagalpak naman sila ni El at Sefa.
"Ang dumi talaga ng utak mo!" sigaw ko at muling sumampa sa kama.
"Kaya 'nga dapat ilabas mo!" muli silang humagalpak. I tried to cover my ears and act like innocent.
"What the hell, Tans!" hinampas ko siya ng bean bag nang hawakan nito ang private part ko.
"Ay, pa-virgin ang lola!" nasapo ko na lamang ang noo ko sa pinagsasabi ni Tans.
Ang gabing iyon ay wala silang ibang ginawa kundi ang pasayahin ako. Nang maparami ang inom namin ng tiger black strong ay inilabas na nila ang tatlong bote ng smirnoff at isang bucket ng red horse.
"Para sa pagmomove on ni Ayii!" El shouted at iniangat ang kaniyang baso.
"Para sa pagmomove on ni Ayii!" we all cheered.
"Para sa matagal na pagsasama ng barkada natin!" Sefa shouted.
"Para sa matagal na pagsasama ng barkada natin!" we cheered.
"Para sa habambuhay na kasiyahan!" I shouted.
"Para sa habambuhay na kasiyahan!" they cheered.
"Para sa pechay ni Ayii!" I glared at Tans.
"Para sa pechay ni Ayii!" they cheered. Tinawanan ko na lamang sila at nakisaya muli.
*****
It's my birthday today. 1st Death Anniversary ni mommy. I placed the bouquet above mom's grave. I bought white roses since that is mom's fav flowers.
"Hi, mommy. It's been a year since you left us. Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap ang lahat ng nangyari. Daddy found a new mom for us, the mother of Maple. But for me and kuya Maui, you're the only one. I miss you so much..." I tried to calm myself but my voice is already trembling. I looked away when a tear came out from my right eye.
"Mommy, I am asking for help. Can you help me save my mental health? Mommy, I am depressed. I seek for a therapist but no one can save me. All I want to do right now is to be with you. Please, please, I am begging you..." Napaluhod ako sa harap ng puntod ni mommy at tuloy tuloy na ang pag-iyak ko.
"Aesther?" umangat ang tingin ko at nakita ko si Aki. Agad siyang lumuhod para magpantay kami at yinakap ako.
"Why are you crying? Oh, God!" patuloy niyang hinahaplos ang mahaba 'kong buhok.
Halos mag-tanghali na ng nahimasmasan ako. Ikwinento ko sa kaniya at nagsabi ako ng mga hinanakit ko sa buhay.
"You know what? Ikain na lang natin 'yan! Keep on praying, Aesther. Malaking tulong iyon. Come with me." since, gusto ko rin naman ng may paglalabasan ng sama ng loob ay sumama na ako.
Sinundan ko na lamang ang kotse niya at napansin 'kong lumiko kami sa isang orphanage.
I am not familiar with this place. Napakaganda at napakaaliwalas. Masayang nagtatakbuhan ang mga bata sa field, naglalaro ng soccer at mga larong 90's. Pinaligiran ang lugar ng nagtataasang mga pader na may mga larawan ni Hesus. May mga bible verses din at iba't ibang mga larawan pa. Sa gilid ng malaking larawan ni Hesus ay may malaking fountain. Napakalaki ng bahay na siyang nagsisilbing tahanan ng mga batang inabandona. Kulay kayumanggi ito at may mga bricks sa gilid na parang sinaunang bahay pa ito. May malawak na balcony din sa itaas at maraming mga puno rito.
"Dito ako pumupunta kapag malungkot ako at walang makausap." Sabay kaming sumandal sa aking mustang at tumingin sa paligid.
Napakatahimik.
"Kanino ito?" tanong ko. Ngumiti naman siya sa akin at tumingin sa bahay.
"My grandparents," ibinaba ko ang aking palda ng maramdaman ang pagihip ng malakas na hangin kaya medyo tumaas ang palda ng aking bistida. Tanging puting floral dress at denim jacket ang aking suot. Hindi ako nagpumps kaya ayos lang na pumunta ako kahit saan dahil naka doll shoes lamang ako na beige.
"Pasok tayo?" alok ni Aki. Tumango ako at sumunod sa kaniya. Pagkapasok namin ay napatigil ang mga bata ng makita kami.
"Kuya Aki!" sigaw ng mga batang nasa field at nagsiunahan sa pagyakap sa kaniya.
"Sa linggo, may mga sapatos at mga gamit 'pang school akong ipapamigay. Gusto niyo ba 'yun?" nakangiting tanong niya sa mga bata at lumuhod pa siya para pumantay sa mga bata.
"Opo!" sigaw nila.
"Sino po siya, kuya?" itinuro ako ng batang babae. Lumingon si Aki sa akin at bahagyang ngumiti.
"Siya ang ate Ayii ninyo,"
"Girlfriend mo po?" halos lumuwa na ang mga mata ko sa tanong ng isang batang lalaki.
"Hindi pa," napalunok ako ng tatlong beses at napakurap ng dalawang beses sa isinagot ni Aki.
Oh, God! Kyo's in my heart. Ayokong makasakit ng ibang tao. Not you, Aki. Masyado 'kang mabait para saken.
****
"Bilang kaibigan, Aesther. May aaminin ako sayo." saad niya habang nakaupo kami sa bench tabi ng fountain.
"Ano 'yun?" tanong ko.
"I love Tans, Ayii. First year college pa lang," nabigla ako sa inamin niya.
Shocks! Buti na lang at hindi ako!
"Court her, then! I'll help you." he looked at me with a sad eyes.
"We met in a wrong time and in a wrong place," hindi ko alam pero that simple words hurt me.
"Soon, you too will meet again. In the right time, in a right place." I gave him a sweet smile.
As time passes by, marami akong napagtanto. At, narealize ko lamang ang mga ito ng mag-isa.
Dapat kapag nagmahal ka, mas mahal mo pa rin ang sarili mo. Dahil kapag dumating ang araw na nawala na ang taong mahal mo, hindi ka maiiwanang durog na durog dahil mahal mo ang sarili mo at mas pipiliin 'mong i-improve pa ang sarili mo.
Dapat matuto 'kang magpatawad. Kung ang Diyos 'nga na siyang gumawa ng lahat ay nagpapatawad, ikaw pa kayo na tao lamang? Hindi ko pa 'man din matanggap ng buo ang lahat ng nangyari, atleast kahit papaano ay napatawad ko sila.
Pagsasakripisyo. I sacrificed my love for Kyo, sa kapakanan ni Amber. Sinakripisyo ko ang kagustuhan 'kong makasama siya habang buhay. I love him so much. To think na lumuhod na ako just to let him stay. But, he didn't.
Maghabol ka lang ng maghabol. Magmakaawa ka lang ng magmakaawa. Lahat tayo tanga at marupok, girls. And even, boys. Pero may limitasyon ang lahat. Nagmakaawa ako at naghabol kay Kyo hanggang sa kusa na rin akong napagod. Nagising na lamang ako na hindi ko na siya iniisip, hindi na niya ginagambala ang isipan ko, hindi na ako nagmamakaawa, hindi na ako naghahanap sa kaniya--- pero I won't deny na mahal ko siya. I really still do love him. But it won't change the fact that he turned his back away from me.
Hindi porke mahal mo, ipaglalaban mo. But it also depends. Sa sitwasyon kase namin, mahal kami ni Kyo parehas. Kami ni Ams. But, Ams needs Kyo more than me. Besides, she's the girl he's been dreaming of. Anong laban ko dun? I party a lot, I drink a lot, I spend time more with my studies than boys. And, I don't do commitments. Takot ako magmahal, takot ako masaktan. But at the end of the day, I chose to take the risk. Nagmahal ako, then suddenly.... nasaktan ako. It was my choice to love him, anyway.
*****
"El!" we hugged each other. Next year pa ang graduation niya since 5-year course siya.
"I want to confess," she whispered. Halos tatlong linggo din kaming hindi nagkita dahil may problema siya. Hindi ko siya tinanong dahil ayoko namang isipin niya na nakadaragdag siya sa mga problema ko.
I went to a therapist to save me from suicide. Halos araw-araw akong binabangungot nuon at palagi 'kong tinatali ang leeg ko tapos bigla-bigla akong iiyak. Minsan naman ay kapag nakainom ako, sinusugatan ko ang legs at wrist ko tapos matutulala ako.
"Come on, tell me." We both sitted on my bed.
"I don't know what to do anymore. I love Unra so much. But, this is incest."
"Then, set him free. Set yourself free. Set yourselves free." I whispered.
"I am trying, kahit na hirap na hirap ako."
"I am here, babe. Tutulungan ka namin. Nagdaan ako sa depresyon and it was not a joke."
"Thank you for being there always, Ayii. Hindi ako nagsisising naging kaibigan kita. I am so blessed to have you,"
Yea, right. Your boyfriend may leave you but your bestfriend won't.
****
"Road to 4th year!" we cheered. Nasa BGC kami celebrating our last year of college. But as for El, meron pa siyang isang taon.
Araw-araw 'kong kasama si El para lamang maiwasan at mailigtas siya sa depresyon. But she won't save herself.
"Kamusta na, Settang?" Jerv sitted beside me.
"Better?" I even questioned myself. I was busy cheering up other people. But, I can't even cheer myself.
"Dalawang taon na nakalipas, move on na!" biro niya. Pasimple ko naman siyang kinurot sa pisngi.
"Porke may Andre ka na ha?" pang-aasar ko. Napaiwas naman siya ng tingin.
"Iniwan 'nga ako last month, e." my eyes were widened.
"Gago! Baka kamo, ikaw ang nangiwan!"
"Aba! Settang namumuro ka na ah! Siya ang nang-iwan sa akin. Palagi niya akong inaakusahan na mahal daw kita." napailing siya habang nagkwekwento.
I drink my 8th shot for tequila and said, "Mahal mo naman talaga ako e!"
"Tangek! Malamang kaibigan kita! Dahil daw sa IG 'yung highlight. Pucha, pinatigil agad ako sa panliligaw!" my eyebrows raised.
"Ah, so, walang label?"
"Wala e," he took a sip on vodka.
"Bakit?"
"Ayaw sa 10 years," he laughed.
"Siraulo!" sigaw ko at binato siya ng lemon. Tawang-tawa ang kumag.
"Joke lang! Strong kami 'no!" pagmamalaki niya. I rolled my eyes and crossed my legs.
Agad 'kong tinungga ang Black Label na nasa baso ko at napapikit ng maramdaman ang mainit na likido sa aking lalamunan.
"Kamusta kayo ng cheerleader mo?" I asked and leaned on the couch. Masakit na ang ulo ko dahil sa alak.
"Okay naman kami. Masaya, magulo. HAHA!"
"Sana all!" I screamed. Halos humiga na rin ako sa couch dahil sa impact ng alak.
Tangina hindi naman ganito kababa ang capacity ng alcohol sakin ah. Anyare ngayon?
"Hoy, buhay ka pa ba?" inaalog-alog ako ni Jerv.
"Tangina, magtigil ka 'nga! Buhay pa ko, letse!" singhal ko.
"Ba't ka pa buhay?" binato ko siya ng empty can dahil sa tanong niya.
"Kase papatayin pa kita!"
"Ay, wag ganun!" inirapan ko siya ng magpanggap siyang nasasaktan. He even held his chest.
"May tanong ako," Jerv said.
"Ano na naman ba!" singhal ko at halos magkanda luhod luhod na sa couch dahil sa sakit ng ulo. I massaged my temples.
"Wala 'kang magawa?" he asked. Umupo ako at tinignan siya sa mata.
"Wala 'kang jowa?" I asked sarcastically.
"Anak ng pucha!" he screamed. I was about to lean on the couch when I saw a familiar face standing beside me.
"Kamusta na? You changed.... a lot." he said.
Oh God, please tell me I'm dreaming.