Kinabukasan ay maaga akong nagising at nagderetso na sa banyo upang maligo. I chose to wear a white polo short sleeves and a fitted black skirt. I wear my black 5 inch heels and wear a heavy makeup. Hinayaan 'kong nakalugay ang buhok ko at nagluto ng umagahan ni El.
Sa Starbucks na lamang ako magbrebreakfast since malayo layo ang byahe. Nagiwan na lamang ako ng note sa table para kay El. 3:30 am ng sunduin ko si Kyo sa unit niya. He's already wearing his Archery Uniform while his bow and arrow was on his back.
Napaiwas ako ng tingin ng mapagtantong nakatitig ako sa kaniya.
Ang gwapo kase ng ex ko. Tangina huhu comeback sana. Lols.
Ewan ko kung anong pumapasok sa isip ko at napatingin ako sa gawing baba ni Kyo kaya napapikit na lamang ako at tinignan siya sa mata. Nakakunot naman ang noo nito sakin.
Attitude ampota. Kasalanan 'to ni El, e. Lintek ba naman ang utak. Pero infairness kay ex, malaki hahahaha!
"Wait kita sa parking lot," hindi ko na siya inantay magsalita at dali-dali na akong sumakay ng elevator. Palihim 'kong inuuntog ang sarili ko.
Jusko, Lord! Patawarin mo po sana ang mga naiisip ko.
"Okay ka lang?" napatingin ako sa katabi ko.
"Ay, talong mo malaki!" napatakip ako ng bibig ko sa sinigaw ko.
Bakit ba sumusulpot na lang bigla ang lalaking 'to? What the hell, Aesther! Get a grip!
"What?" he put his tongue inside his cheeks to prevent from laughing.
"Wala!" I immediately shaked my head.
I heard him chuckled. Nakailang mura ako sa isipan ko at ramdam 'kong pulang-pula ang mukha ko sa kahihiyan.
Lupa, lamunin mo na ko. Now na! Pero lalamunin ko muna si ex, lol!
"Sabi nila, kung ano ang naibigkas mo kapag nagulat ka ay 'yun ang nasa isip mo. Is it right?" he asked. Lalo akong nakaramdam ng hiya sa tinanong niya.
"N-No!" pagmamaktol ko, still facing the door of the elevator. Kami lang kasi ni Kyo ang tao dito sa loob since madaling araw pa lang.
He laughed and said, "Okay."
Pagbukas na pagbukas ng elevator ay lumabas na ako. Halos magkasunod na din naman kaming pumasok sa kotse ko. I feel so hot and my cheeks are burning because of what happened. So, I turned on the aircon and lock the doors after he went inside my car.
"Saan ka banda sa Tagaytay?" I asked him before starting the engine.
"Bakit? Susundan mo ako?" tanong niya at inilagay ang bow and arrow sa likod ng sasakyan.
"Bobo ka, malamang ihahatid kita! Silly!" I rolled my eyes.
"You're so grumpy! Umagang-umaga! Kumain ka na?" he asked as I started the engine.
"Not yet," sagot ko at pinaandar na palabas ng parking lot.
"Baba tayo sa Jollibee," I nod and search for the nearest fastfood chain in the GPS.
Kahit inaantok pa ako ay pinilit 'kong magmaneho since kasalanan ko naman 'to. Sumasakit na ang ulo ko dahil wala 'pang laman ang t'yan ko at kulang sa oras ng tulog. Madaling araw pa lamang kaya onti lamang ang mga kotse na dumaraan kaya mabilis ang takbo ko.
Naging tahimik ang byahe namin. Siguro ay pagod din siya o puyat kaya di nagsasalita o sadyang ayaw niya lang akong kausap.
Pagkarating namin sa Jollibee ay nagorder si Kyo at ako naman ay naghanap ng mauupuan. Madaling araw pa lang kaya kahit saan ay bakante. Umupo ako sa couch at bahagyang ipinahinga ang ulo ko at pumikit.
Feelin' so exhausted.
"Ako na mag-dridrive," dahan-dahan 'kong iminulat ang mga mata ko ng nasa harapan ko na si Kyo.
I nodded and we started eating. He ordered us Pancakes, Burger Steak and Pineapple Juice.
"Bakit ka bumalik?" I asked in a low voice. Nanatiling nasa pagkain ang tingin ko ngunit ramdam ko ang paglipat ng tingin niya sa akin.
"Nangako ako sayo diba?"
"Akala ko ba kayo na ni Ams? The last news I heard about you was getting engaged with Amber." nagangat ako ng tingin at agad sumalubong sa kaniyang mga mata.
"And who told you that?" His eyebrow raised.
"My father," I took a sip on my juice.
"Your father is really epitome of fake news." I know that. He really is. Mula nuon naman ay puro kasinungalingan na ang sinasabi niya.
Isa na din 'yun kung bakit hirap na akong magtiwala sa kaniya. I feel so betrayed.
"We broke up after a week upon arrival in LA. I fell out of love and Amber cheated on me. Nagtungo ako sa South Korea after that para mag-train ng Archery. Amber stayed in LA together with her fiancèe." paliwanag niya.
"Oh, Sorry." I said.
I feel not-that-satisfied with what he said.
"I heard you were depressed. I am sorry kase wala ako sa tabi mo that time. When your mom died, El's attempt killing herself, your Kuya and my sister car accident--- I am sorry." I just gave him a small smile before answering.
"Okay lang. Nasanay na din naman akong mag-isa at nasanay na rin na iniiwan, kaya wala ng kaso 'yun sakin."
"Ha?"
Hatdog.
"Mula ng iwan mo ako, unti-unti na rin akong iniiwan ng mga mahal ko sa buhay. Nuong una, I was really depressed but then I was numb. Kapag may nang-iwan sakin, edi okay. Kapag may nag-stay, edi mas okay. People come and go, Kyo." I said and continued eating.
Naging tahimik kami hanggang sa maihatid ko siya sa Tagaytay. Siya na ang nagdrive since inaantok ako kaya umidlip ako sa kotse.
"Gusto mo pa ba akong makasama?" Kyo asked.
"I am not sure." sagot ko at tumingin sa labas.
"Hayaan 'mong bumawi ako sayo sa mga panahong wala ako sa tabi mo. Pero kapag ayaw mo pa rin akong makita o makasama, aalis ako at hindi mo na muli ako makikita pa." He gave me a small smile and kissed my forehead before leaving the car.
Tears came out from my eyes at sinundan ko siya ng tingin hanggang nawala na siya sa paningin ko.
****
After two weeks, naayos na ang kotse ni Kyo kaya wala na akong obligasyon na hatid-sundo siya. Nakalabas na rin ng ospital si Kuya kaya next week ay maghahanap na siya ng trabaho sa company ni daddy.
Nasa BLK 513 kami ngayon ni El. Nagyaya akong mag-yogurt since Saturday naman ngayon at wala kaming magawa.
Hindi pa kami nagkausap ni Sefa at maging ni Chan. Sa trabaho ay iniiwasan niya pa rin ako at hindi niya ako magawang tignan.
Sa susunod na dalawang linggo ay magfifile na ako ng aking resignation letter at magbabakasyon muna sa Bataan. Isang linggo lamang ang balak 'kong magbakasyon at babalik muli dito para magapply sa company ni Daddy.
"Kapag nanligaw si Kyo sayo, tatanggapin mo ba?" El asked.
"Siguro?" patanong 'kong sagot.
"Bigyan mo ang sarili mo ng oras para
magmahal, Babe." she smiled.
"E, ikaw? May ka-kamustahan ka na ba?" I asked.
"Meron. Pero sarado muna ang puso ko ngayon, babe. Baka kase masaktan na naman ako." she stared at her yogurt.
"Ikaw na mismo ang nagsabi. Bigyan ang oras para magmahal."
"Soon, darating din tayo d'yan." we chuckled.
Today's October 15. Nagpasya kaming mag-inuman sa condo ni Unra. Complete kami ngayon at nagawang sumama na rin ni Andre. Unra invited some of his friends at bumingwit agad sina Tans at El. Hindi ko na 'nga alam kung nasaan sila, e.
"Magbabakasyon ka?" tanong ni kuya at pinagbuksan ako ng beer.
"Yes. Isang linggo lang naman, sa Bataan."
"Good. Kailangan mo ng peace of mind,"
Nagpaalam ako kay kuya at nagtungo sa balcony dito sa unit ni Unra. I took a photo of the city lights including the moon.
City Lights around Taguig. What a scene, tho.
Since mag-isa ako at wala akong magawa, I raised my beer and took a picture of it with the background of city lights and the moon.
"Let me take a picture of you," someone said. I turned around and I saw Kyo holding a DSLR.
He took a lot of pictures of me and also, I took a lot of pictures of him. We even took pictures of us and posted on IG.
"Here," he handed me another bottle of beer.
Unraezche commented on your post.
unraezche: Nay! Nagsosolo ang mag-ex!
Halos mailuwa ko ang kakainom 'kong alak.
kyophilaerius: Inggit ka, bro?
"Loko, ano 'tong pinagsasabi mo!" I kicked Kyo's legs. He just chuckled kaya inirapan ko na lang siya.
Ubos na ang beer ko kaya nagdesisyon akong pumasok para kumuha pa. Pagpasok ko ay agad yumakap sa bewang ko si El. She looks so down.
"Hey, babe, what's wrong?" I whispered and caressed her hair.
"Nothing. Sadness attacks me again."
"Gusto mo na 'bang umuwi?" mahina siyang tumango.
Sinenyasan ko si El na lalapit kay Unra para magpaalam.
"Unra, alis na kami ni El." pagpapaalam ko. Napatingin naman siya sa gawi ko at tumigil sa pag-inom. He's with Kyo, playing cards.
"Aesther, can you do me a favor?" mahinang tanong niya. Sounds serious, eh?
"Ano?"
"Paki-alagaan si El, mahal na mahal ko 'yun." a tear came out from his left eye.
Nasasaktan ako para sa kanilang dalawa. Alam 'kong mahal nila ang isa't-isa pero kailangan na nilang kumawala. Mahirap ang sitwasyon nila lalo na't mag-pinsan pa sila. That's incest. And that's not right. That's insane.
"Pangako, Unra. Aalagaan ko ang kaibigan ko. Pwede pa rin naman kayong maging magkaibigan." I gave him an assurance. A smile, indeed.
"Gusto ko 'nga sana na bumalik ang dating closeness namin, kaso ayaw ni El. I respect her decision. Ayaw ko rin namang masaktan pa siya." he explained at pasimpleng pinunasan ang mga luha niyang dumaloy sa pisngi niya.
"Magiging maayos din ang lahat, Unra. Tiwala lang,"
"Salamat. 'Nga pala, isabay mo na si Kyo pauwi kase anong oras na at baka may mangyaring masama pa sa inyo." Tumango na lamang ako at nagpaalam na kay Unra.
We both say goodbyes to all of them and kissed kuya's cheeks.
"Hoy," sinipa ko si Kyo. Tinignan niya ko at tinaasan ng kilay.
"Sabay ka daw umuwi samin sabi ni Unra," tinanguan lang ako ng gago.
Tangina maattitude! Jusme. Mukha namang paa.
Si Kyo ang nagdrive dahil tipsy na kami pareho ni El dahil sa beer.
"Babe, alam ko na ang tungkol kila Tans at Aki, even Channiel Foy? 'Yung kaibigan 'mong Archi?" El suddenly asked me habang nakatingin sa salamin.
Shoot.
"What about them?" tanong ko ngunit nagkibit-balikat na lamang si El.
"Babe, may chika ako later!" hindi ko naiwasang mag-overthink. She sounded inlove, huh?
"Sure. Unit ko o unit mo?" tanong ko.
"Oh, dear, dun muna ko sa condo mo. Kyo, come with us!" umiling ako kay El dahil pinipilit niyang sumama si Kyo sa amin.
Sa huli ay sumama sa amin si Kyo dahil todo pilit itong si El. Nagsiligo muna kami at si Kyo naman ay umuwi muna sa unit niya para magayos. Habang naliligo si El ay naglinis ako sa aking unit.
Nakakahiya naman sa dalawa, e. Parang binagyo ang unit ko.
Muli 'kong inilagay ang carpet at ipinatong duon ang dalawang malaking foam ko. Inilabas ko na rin ang mga gagamitin nilang unan at mga kumot maging ang sarili 'kong gamit.
Inilabas ko ang mga LED Lights na kulay asul at pula. Kunwari nasa bar ganems! Ginawa 'kong fort ang aking unit ngunit hindi masyadong mukhang fort hahaha!
"Wow! Sana pala inimbita natin ang buong barkada!" saad ni El ng lumabas siya ng banyo. Hawak hawak niya ang towel na nasa ulo niya para matuyo ang kaniyang buhok. She's wearing all-pink-pajamas.
"You can invite them," saad ko habang abala sa paggawa ng popcorn. Buti na lamang at binilhan ako ni kuya ng popcorn maker.
"Kung maayos lamang ang lahat, gagawin ko 'yun Ayii. Pero hindi ako bingi at lalong hindi ako bulag, Girl! Alam 'kong may something sa inyo nila Tans at Sefa." she said.
"Wala kaming something ni Tans, ano ka ba! Kay Sefa naman, 'yung about kay kuya. Pero, we're fine!" I faked a laugh. Kumuha naman siya ng popcorn at umupo sa higaan na nilapag ko kanina.
"May kilala 'kang Ongsee?" napaisip ako sa tanong niya.
Ongsee? Chinese?
"Wala, e. Bakit?"
"I am inlove with someone I can't call my own." she smiled while staring at the popcorn.