Nilibot namin ang buong Corregidor at bumili ng mga pasalubong. We tried to ate some of the foods that is popular here.
Pagsapit ng 6pm ay bumalik kami sa suite para magpahinga. Nauna akong naligo at nagsipilyo. Sumunod naman si Kyo.
I chose a pastel blue dress and a white pumps. I curled the tips of my hair and put a light make-up. Kinuha ko na lamang ang white handbag ko and sprayed perfume. Naramdaman 'kong may yumakap sa bewang ko at isiniksik ang kaniyang mukha sa aking leeg.
"Hmm. My baby's smells so good," he whispered. Nagtaasan ang mga balahibo ko sa bawat haplos niya sa akin.
"Bilisan mo na. May pupuntahan pa tayo," I chuckled.
"Mamaya na, please?" malambing niyang tanong and kissed my ear.
"Siraulo ka, mamaya na 'yang kalandian mo!" I tried to laugh to ease the tense. We aren't drunk and I feel so shy.
"Alright, then." he chuckled and put his shirt on. Tanging puting tshirt at black shorts ang kaniyang suot. Ipinatong niya ang itim na denim jacket niya at isinuot ang puting sapatos.
Pinasadahan niya ng kamay ang kaniyang buhok at lumabas na kami ng suite. We ate at the cafeteria and went straight ahead to The ruined bar.
I thought it was only the name of the bar that is ruined but hell, the bar is totally ruined! I mean, isa siyang abandonadong building na ginawa nilang bar. Marami ang tables at nakaupo lamang sa throw pillow. Maliit ang stage at maraming candles were around us. Marami din ang mga ilaw na kulay dilaw and that looks so amazing.
Kumuha muna kami ng mga litrato at nagsimula ng uminom. People around us were heartbroken but some of them were couples.
Now Playing: Let me be the one
Napatigil ako sa pag-inom ng makita ko 'yung lalaking natamaan ko ng bato. He's singing! Napakalamig ng boses niya which made me goosebumps.
"Is there a problem?" napatingin ako kay Kyo at mahinang umiling. Nag-iwas na lamang ako ng tingin at nagpatuloy sa pag-inom.
Nang tumingin ako sa stage ay ganun na lamang ang pagtaka ko ng makitang deretso ang tingin niya sa akin! Grr.
Nag-iwas ako ng tingin at uminom muli. Pinaghalong whiskey at vodka ang ininom namin. I'm dizzy.
Good thing he didn't approached me. Baka kung ano pa ang isipin ni Kyo. Nang makarating kami sa suite ay ako ang nahuling sumakay sa elevator. Bumili pa kase ako ng coffee namin ni Kyo. Pinauna ko na siya dahil inutusan siya ni Sefa about kay Trix.
That's seem so questionable. Pu-pwede namang siya na lang ang magchat kay Trix, bakit kailangang si Kyo pa?
When I entered inside the elevator, nagulat ako ng makita 'yung lalaking natamaan ko ng bato. Napaayos ako ng tayo while holding the two coffees.
"Boyfriend mo 'yun?" napatingin ako sa kaniya. He is leaning on the other side of the elevator. Dadalawa lamang kaming nasa loob at 46th floor pa ang suite namin. God!
Boyfriend ko 'nga ba? I mean, we made sex but we didn't haven't talked about it yet.
"Yes," Confident 'kong sagot.
"Hmm."
Sa sobrang tahimik namin ay pakiramdam ko ay naririnig niya ang bilis ng tibok ng puso ko. My knees are also trembling. He is just a stranger pero iba ang epekto niya sa akin. Why on earth is that?
Halos mahulog ko ang kapeng hawak ko ng makita ang kinatatakutan ko. Pagbukas ng elevator ay nakita ko si Kyo and Trix.... they were kissing.
"Kyo?" I called him. He pushed Trix away. Nagdere-deretso ako sa suite at hinabol naman ako ni Kyo.
"Babe! Babe--- wait!" he shouted. Dederetso sana ako sa banyo pero he held my arms.
"Aesther listen to me. She kissed me! I didn't respond, I swear!" Tinignan ko lamang siya ng malamig.
"Okay," Nagtuloy-tuloy ako sa banyo. Pakiramdam ko ay hindi magawang pumasok sa utak ko ang mga paliwanag niya.
Kahit nasa loob ako ng banyo ay naririnig ko ang mga pagsuntok at pagmumura niya. Nagsipilyo at naligo na lamang ako. Wearing black pajama and maroon sweatshirt pullover.
Nakita ko si Kyo na umiiyak at dumudugo ang kaniyang kamao. I looked away.
Ayoko ng ganito. Seeing him hurting himself and crying makes me so weak.
"Aesther, please. I am so sorry. I didn't kissed her back!" he tried to touch me but I refused. Umiwas ako sa kaniya.
"Leave, Kyo. I want you out of my life."
"What?! No! I won't leave you again!"
"Then, I will." inalis ko ang paningin ko sa kaniya pero niyakap niya ako mula sa likuran. He is crying on my shoulders. I looked away and bite my lower lips. I covered my mouth using my hand to stop myself from crying.
"Damn, Aesther! Please, don't leave me!"
"Kyo, we didn't became better persons, yet. Hindi pa tayo totally nakalimot sa nakaraan. Sana ay maintindihan mo ako. I want to be happy, Kyo."
"Hindi mo ba ako mahal?"
"This isn't the time to question me about how I feel! Of course, I love you! But we need to grow separately."
"Do you want me to leave?" napapikit ako at dahan-dahang tumango.
Kahit na sa loob ko ay ayaw 'kong umalis ang taong mahal ko.
"Say it,"
"I want you out of my life," hirap akong bigkasin ang mga salitang iyon. Dahil labag sa kalooban ko. Sobra.
Ilang minuto kaming nagiiyakan habang nasa ganuong posisyon. Siya na rin ang kumalas sa yakap. Nagpunta siya sa harap ko at hinalikan ako.
It was aggressive. Hindi ko napigilang hindi umiyak habang kami ay patuloy sa paghalikan. Ramdam ko ang pagdaloy ng kaniyang mga luha. When we stopped, mabibigat na paghinga ang ginawa namin.
"Andito lang ako, Aesther. Babalik ako. Sa panahon na 'yun, handa na tayo." saad niya.
"Simula ngayon, we'll treat each other as strangers." dagdag pa niya at muli akong hinagkan sa labi.
Nakatayo lamang ako habang kinukuha lahat ng gamit niya at umalis ng suite.
"Please be happy, Aesther. You will always be my baby, my babe and my Architect." Isang matamis na ngiti ang binigay niya sakin kasabay ng pagtulo ng kaniyang mga luha. Hindi na niya ako pinagsalita at umalis na lamang siya.
I cried the whole night. Halos mabaliw ako kakaisip. He's my first. But, unfortunately, not my last.
****
Kinabukasan, 1pm na ng magising ako. 5am when I slept. Mugtong-mugto ang mga mata ko at gulung-gulo ang suite.
I dialed the number of Kuya. Siya na lamang ang maaasahan ko ngayon. Ayokong makadagdag pa sa problema ni El. Even, Tans. At ayaw ko rin namang maisali pa rito si Sefa dahil magkapatid sila ng lalaking nanakit sa akin. I don't even know kung si Sefa ang may pakana ng lahat ng ito.
Hello, Ayii?
Kuya...
(Why? What's with the sad voice?)
Kuya, I need you.
(Send me your loc. I'll go there.)
No need na kuya. I just want someone to talk to.
(Baby, let your mind be in peace. Let yourself, grow. Hindi kita matutulungan kung ikaw mismo ay hindi mo tutulungan ang sarili mo.)
I know, kuya.
(Uwi ka na, Aesther. Five days to go. You'll be okay. I am here, as your kuya.)
I know, I know. Bye kuya. I love you.
(Text or call me if you need someone to talk to, okay? Bye, i love you.)
I stayed here for another couple of minutes before going in the bathroom. Naligo at nagsipilyo ako. I look like a panda, now.
I chose to wear black sleeveless and white ripped shorts. Pinatungan ko ang sleeveless ko ng pink checkered polo and paired it with white nike shoes.
I tied my hair in a bun and put light make-up. I wear my sunglasses and my summer hat. Isinabit ko na ang DSLR sa leeg ko at kinuha ang small brown backpack. Inilagay ko duon sa loob ang charger, money, cellphone, waterproof case and some extra shirt.
Mag-isa akong nagpunta sa cafeteria para kumain. I felt alone but I am still happy coz' madaming pagkain. I put my hat on the table and hang my sunglasses in my collar. Tinupi ko naman ang checkered na suot ko sa magkabilang kamay hanggang sa siko.
"Mind joining you?" umangat ang tingin ko. Tinanguan ko na lamang ang lalaking natamaan ko ng bato dahil may hawak hawak na siyang tray.
"Bakit nandito ka? Maraming bakante, pre." I sarcastically said and took a sip in my juice. Tanging steak, large burger, large fries and large nestea juice ang aking inorder. The one's sitting infront of me ordered pasta and burger.
"You look so lonely." I dropped the utensils and sighed heavily.
"So?"
"Ayokong nakikitang nasasaktan ang isang babae," halos masamid ako sa sinabi niya. Uminom ako ng juice dahil duon.
"Pero kayo ang nagbibigay ng dahilan kung bakit kami nasasaktan," I looked at him and smiled weakly.
"Minimus Fifth Ongsee," naglahad siya ng kamay.
Sabi ko na kabayo, e!
"Aesther Rosetta Grospe," we shaked hands.
"Are you related with Maximus Ivan Ongsee?" I asked out of curiosity.
He's the boyfriend of El. 'Yung isang kabayo.
"Yes, he's my brother."
"Ikaw 'yung kabayo ni Sofia, diba?" I laughed.
"What the hell?!" pagmumura niya.
"Di mo kilala si Sofia? Amo mo 'yun! Sofia the first," I laughed again. Namumula na ang kaniyang mukha, leeg at tenga.
"Seriously, woman?" he rolled his eyes on me.
"Ay, ma-attitude!" bulong ko pero sapat na 'yun para marinig niya.
"Agbagtit kan sa," rinig 'kong bulong niya which made me look confused.
*Translation: Baliw ka na ata.
Ano daw?
"Ano?" I glanced at him.
"Awan," he smiled at me.
*Translation: Wala
"Stop with the alien words!" I rolled my eyes and continued eating. He just laughed at me and continued eating.
Nang matapos akong kumain ay sumama siya sa akin sa Corregidor Light House.
Napapikit ako ng humangin ng malakas dito sa light house. Suddenly, I felt pain in my chest. Nagsimulang tumulo ang mga luha ko kaya napahilamos ako ng kamay.
"Okay lang na umiyak, Aesther." he patted my back. Pinunasan ko ang aking luha at huminga ng malalim.
"Inom tayo," pag-aayaya ko.
"C'mon, maaga pa! 7pm. Sunduin na lang kita sa lobby." I just nodded and we stayed there for about 2 hours.
"Na-inlove ka na ba?" I asked him while we are both sitting in a bench facing the sea.
"Well, yea. I think you can say that," nahihiya siyang magsabi dahil napahawak pa ito sa kaniyang batok.
"Why? What happened?" tanong ko.
"Sabali ayayaten na," I stared at him and picked a stone to hit him.
*Translation: Iba na ang mahal niya.
"I can't understand!" I shaked my head.
"Nagmahal ako ng isang taong, hindi ako mahal. Nagkakilala kami sa isang dummy account. Nuong nagkakilala kami sa personal, nalaman ko na may mahal na pala siyang iba. Well, they are both special in my heart. So, I chose to let go." he faced the sea.
"Ay, bayani ka pala, e!" pang-aasar ko.
"Kesa naman sayo, marupok!" I hit him again.
****
I went back to the suite and ate dinner by myself.
Babe El❣ Calling....
Hello?
(Kamusta? Nagwala kagabi si Kyo babe. Naginuman kami sa tambayan natin sa BGC. Anong nangyari?)
I'm fine, babe. Nothing happened.
(You can't fool me. Something's wrong, babe.)
Yes but, I am fine.
(Anyway, I have chika!)
What is it?
(Malapit na ang grad namin so don't miss that, okay? May big celebration sa bahay and may vacation tayo sa Batanes. My treat!)
She sounded so excited kaya sinabayan ko na lamang siya. We talked a lot about her and her boyfriend, about her grad and also our friends. She's running for latin honors and I am so proud of her.
Days passed, palaging si Kabayo ang kasama ko. Sabay na rin kaming umuwi ng Manila. Pagkarating ko sa unit ko ay agad akong nakatulog.
****
2 months later...
I was about to go to Dad's Company when I felt something strange in my tummy. Nasa condo ako ngayon together with El. I run inside the bathroom at lumuhod para makapagsuka.
"O, my god! Babe, you okay?!" natarantang sumunod sa akin si El. I flushed it at muling nagsipilyo. Inantay niya akong matapos habang hawak hawak ang sandok. She's cooking some seafoods and we ordered pizza and milktea.
"Yes, baka 'yung nakain ko lang kagabi."
"Sure ka? Impossible 'yun, girl. Kase dapat pati ako ay nagsusuka na rin." that made me silent. Buntis ba ko? It can't be! Wala akong trabaho at hindi ganun kalaki ang pera ko! Besides, I am not yet ready for this.
I think.... I forgot to take the pills when we were in Corregidor.
"Did you and Kyo had sex?" I looked away. Napatakip siya sa bibig.
"Gumamit ba siya ng contraceptives?" I shaked my head. Nasapo naman niya ang noo niya.
"Kelan ka huling nagkaperiod?"
"2 months ago," I answered.
We decided to eat muna but when I opened the box of pizza, bumaliktad agad ang sikmura ko dahil sa cheese. Ang ending, nagsuka muli ako sa banyo kaya umalis si El dahil may bibilhin daw siya.
Nagsipilyo uli ako at laking gulat ko ng iniabot sa akin ni El ang isang pregnancy test.
"Fuck, what will I do with this!" natataranta na rin ako.
"Girl, just pee on it!" she screamed. Sinunod ko ang ginawa niya at inantay niya ako sa labas. My hands were trembling. Natatakot ako sa resulta.
Iniabot ko kay El dahil hindi ko alam kung paano 'yun. Halos malaglag ang puso ko dahil sa kaba. She covered her mouth and her eyes were wet. She's crying and that made me tremble even more.
"Positive. You are pregnant, Aesther." para akong nabuhusan ng malamig na tubig.
No, no! Andami dami 'kong problema ngayon. Dumagdag pa ito. Hindi sapat ang pera ko para sa amin ng baby. Ni wala pa 'nga akong trabaho. Fuck!