Chereads / Demon in Archery (Archery Series #01) / Chapter 16 - Kabanata 15

Chapter 16 - Kabanata 15

Tulala kaming lahat dito sa kwarto ni El. We took a private room for her. Tinitigan ko si El. May mga bandage sa kaniyang leeg, wrists, arm, legs, at maski sa mismong parte ng puso.

"Ano ang nagtulak sa kaniya para kitilin ang buhay niya?" Sefa asked out of nowhere.

"El needs us especially right now," Tans whispered.

Lahat kami rito ay mugto na ang mga mata at halos walang magawang magsalita. Wala pa 'ring malay si El.

Three days has passed, nagising si El pero hindi siya nagsasalita. Titingin siya sa amin pero hindi siya nagsasalita. Kakain 'man siya pero onti lamang. Her parents are both doctors at umuwi sila dito galing Japan.

"Ayii, pasensya na kung wala kami nuong namatay ang mommy mo. May medical mission kami sa Africa that time. I am so sorry," saad ni tita at hinawakan ang aking mga kamay.

"It's okay, tita." I gave her a sweet smile. Sabay kaming tumingin kay El na mahimbing ang tulog. Si kuya Maui at Sefa ay umuwi sa unit ko para duon matulog ngunit papunta na sila ngayon para sila naman ang magbantay. Si Tans ay may emergency meeting sa trabaho kaya wala siya ngayon. At ako naman ay uuwi ako ngayon para makapagpahinga dahil mula nuong tinakbo si El dito ay mahigit dalawang oras lang ang tulog ko.

"Kasalanan din naman namin dahil mismong anak namin ay hindi namin magawang alagaan at bantayan. She is so fragile. She loved Unra so much but, this is not right. Alam naming mahal nila ang isa't isa at kasalanan namin 'yun dahil hindi namin agad nasabi sa kanila that they are blood related. I

love my daughter so much, Aesther. Ayokong makitang nasasaktan ang anak ko at mas lalong ayokong makitang nasa kabaong ang prinsesa ko." Napayuko si tita habang patuloy sa paghagulgol.

Napayakap na lamang ako kay tita at hindi ko na rin mapigilan ang paghagulgol.

We can't lose you, El.

"Mabait 'yan, Mapagmahal at malambing. Minsan ay nagtatampo siya sa amin dahil hindi na namin siya matawagan through Facetime dahil busy kami. She always go to parties at alam 'kong marami na rin siyang na-target na lalaki. She isn't a playgirl. She loves Unra so, so, so, much. To think na she even tried to kill herself. Nasasaktan ako ng triple kapag nakikita 'kong nagkakaganyan ang anak ko," dugtong pa ni tita.

"Tita, gagaling si El. Matapang siya, tita. All we need to is to pray." 'yan lamang ang nasabi ko dahil hindi ko alam kung ano ba dapat ang sasabihin ko.

Halos mapatalon kami ni tita sa gulat ng biglang pumasok si Jerv. Duguan ang kaniyang damit. Pawisan. Nanginginig.

What the hell happened now?

"Anong nangyari?" tita asked. Tumingin si Jerv sa akin at nagumpisang tumulo ang mga luha niya.

"Nabangga ang sasakyan nila Kuya Maui sa isang 12-wheeler truck. Nasa operating room siya kasama si Sefa,"

Napaupo ako sa narinig ko at natulala na lamang habang patuloy sa pagdaragsa ang mga luha ko.

Ano pa 'bang susunod na mangyayari?

Sa tuwing masaya ako, double ang lungkot na nararamdaman ko. Pero this time, halos hindi na mabilang ang sakit na nararamdaman ko.

No, no, Lord please save them. Hindi ko alam ang magagawa ko kung mawala sila. Ang sakit sakit, Lord. Bakit kailangang mangyari ang lahat ng ito?

Inalalayan ako ni Andre at ni Jerv palabas ng kwarto ni El. Nagpaiwan si tita dahil walang magbabantay kay El.

Umupo kami sa mga upuan dito sa labas ng operating room dahil on-going pa lang ang operasyon ni kuya at ni Sefa.

"Anong nangyari?" halos pumiyok na ako kakaiyak.

"Pabalik na kami dito galing sa unit mo. Separate ang kotse na gamit namin. Nasa huli kami kaya napanuod namin ang buong nangyari at nakuha iyon sa dash cam. Papunta sa kanan na sana ang kotse nila Kuya Maui ngunit agad lumiko pakaliwa ang trailer truck. E, magkasabay lamang ang dalawang sasakyan." napapikit ako ng mariin.

Hindi ko alam kung ilang oras ang lumipas. Hindi na rin ako kumain kahit uminom 'man lang ng tubig. Pagtingin ko sa relo ko ay 5 pm na.

"Ayii!" tumingin ako sa babaeng yumakap agad sakin.

"Hush now, Everything's gonna be okay." Tans whispered. Yumakap ako pabalik at hindi na nagawang magsalita.

Tulala na lamang ako sa upuan habang nakayakap sa akin si Tans. Tuyo na ang mga luhang dumaloy sa aking pisngi.

Bakit kailangan ko itong maranasan? Malakas ako, matapang, pero nanghihina ako kapag nasasaktan ang mga taong mahal ko.

Nang lumabas ang doctor sa operating room ay agad akong napatayo.

"Family of the patient?" agad akong nagtaas ng kamay ng magtanong ang doctor.

"Kapatid po ako ni Sherwin Maur Grospe while I am the bestfriend of Sereniah Phayii Zasterius," saad ko.

"Ms. Zasterius, she's stable now. Pero as for Mr. Grospe, he is still unconcious. Malaki ang impact sa kaniyang ulo at possible siyang ma-comatose." napapikit ako ng mariin sa nalaman ko.

"Ano po ang pwede nating gawin?" I asked the doctor.

"Run some tests and all we can do for now is to wait for the patient to wake."

"Doc, please save my brother! I can pay you triple and do those fucking tests!" I begged at the doctor. My voice broke and tears began to fall.

"Yes, yes. Ms. Grospe, calm down. We will do our best," saad ng doctor and patted my shoulders. Nagpaalam ito sa akin at umalis na.

Tangina, pati ba naman ang doctor iiwan ako? Kingina.

Inilipat si Kuya Maui sa ICU. Dumating si Daddy at agad nagpunta kay Kuya. He didn't glanced me so I just left and went to El's room. Nakita ko naman si Tans na umiiyak habang hawak hawak ang mga kamay ni El. Mahimbing naman ang tulog ni El.

"Babe," pumiyok ang boses ni Tans ng makita niya akong pumasok sa kwarto ni El. She gave me a warm hug at duon nag-iyakan kami ng sobra.

Ang bigat bigat ng puso ko. Puno ng hinanakit at sama ng loob. Ang hirap dahil mag-isa na lamang ako. Wala akong mapagsabihan ng problema. Wala akong makapitan. Wala akong makausap.

Halos kalahating oras kami nag-iyakan. Mugtong mugto ang mga mata namin at sira na ang make-up ni Tans. Itim na ang mga mata nito hanggang sa pisngi dahil sa mascara.

"Babe, eto. Magshower ka." she handed me a my bag na kinuha nina kuya sa unit ko.

Nagtungo ako sa banyo dito sa kwarto ni El at nagbabad sa hot shower. Tulala akong naligo. Makalipas ang ilang minuto ay nagsipilyo na ako. I wear a white sando, gray sweatshirt pullover, a peach jogging pants and put some black socks.

Natulala ako sa sofa habang nakatitig kay El. Si Tans ang nagsuklay ng buhok ko at nagayos sa akin dahil tulala na lamang ako.

Sefa, Kuya, El, please comeback.

"Anong nangyari?" duon na lamang bumalik ang wisyo ko. Nakita ko si Unra holding El's hand.

"She tried to kill herself," Tans answered. Napahilamos ng kamay si Unra at nagumpisang humagulgol.

"Tangina, kasalanan ko 'to e." Unra began to punch the walls.

I looked away. Ayokong makakita ng lalaking umiiyak. Lalo lamang akong nanghihina. Tans and I decided to visit kuya in ICU. Iniwan namin si Unra para mabigyan sila ng privacy.

Napayuko ako ng makita 'kong lumabas si Daddy sa ICU. Sina mommy at Maple naman ay nasa labas ng ICU. Dad hugged me so tight.

"I am so sorry, Aesther." he keep on saying sorry while crying on mg shoulders.

"Dad, alagaan mo si kuya, please. He needs father's love and care. Lahat ng gagawin ko sa buhay ko, wag niyo ng pakialaman." mariin 'kong sinabi.

"I am so sorry, anak."

****

After 4 months, hindi pa rin gumigising si Kuya. Humihilom pa rin si El. Tulala pa rin ngunit kumakain na siya ng maayos at ipinagpatuloy ang kaniyang pag-aaral. Palagi kaming nagcocondo crash kila El para lamang meron siyang kasama at kausap.

Narito ako ngayon sa hospital para bisitahin si kuya. Agad lumapit ang nurse sa akin at sinuotan ang ng mask at ang tamang kasuotan para makapasok ako sa ICU.

As I entered the room of kuya, agad kumawala ang mga luha ko. Nasasaktan ako dahil nakikita ko si kuya na may mga nakakabit na mga tubo sa kaniya at may malaking bandage sa ulo.

I held his hand, "Kuya, I miss you so much. Kuya, balik ka na please? Wag ka munang sumama kay Mommy. Kailangan pa kita, Kuya. Kailangan kita. I miss you, Kuya. I love you," my voice broke at napahagulgol na lamang ako sa gilid.

Someone entered the room. Nang makita ko, si Sefa 'yun.

"I am sorry, Ayii." nagsimula siyang umiyak at lumuhod sa tabi ko. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya.

"Kasalanan ko ang lahat, Ayii. I am so sorry." dagdag niya.

"A-ano?" napaawang bibig ako.

"'Yung araw na nadisgrasya kami, we were fighting. Dahil sa katangahan ko, hindi napansin ni Maui na papaliko ang truck. Nauunawaan ko kung magagalit ka sa akin." natulala na lamang ako.

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Wala akong alam kung ano ba talaga ang nangyari sa kanila. Gusto 'kong magalit kay Sefa pero alam 'kong may mali rin si kuya kaya wala akong karapatang magalit. Pero ngayon, puno ng galit at sakit ang nararamdaman ko sa aking puso.

"Galit ako, Sefa. Galit na galit ako." panimula ko at umiwas ng tingin.

"But, I respect you both. Sana ay maunawaan mo kung magagalit ako sayo," iniwan ko siya duon at sumakay na sa kotse ko.

Mula duon, ibinuhos ko lahat ng luhang pinipigilan ko kanina. Ilang beses 'kong sinuntok ang manibela at inuntog ang sariling ulo.

Gulung-gulo na ako. Hindi ko alam kung saan ako maguumpisa at hindi ko alam kung ano ba dapat ang mararamdaman ko.

Kuya loves Sefa and vice versa. Wala akong alam sa lovestory nila at mas lalong wala akong alam sa problema nila.

Two months ago, sinubukan 'kong humanap ng trabaho. Luckily, I was hired in a big company in Taguig. Although, hirap ako sa araw-araw na pag-uwi ay tiniis ko para lamang makamusta ang kalagayan ni kuya.

Ngayon, nagiipon ako ng pera para makabili ako ng sarili 'kong bahay sa Tagaytay o di kaya bibili na lang ako sa subdivision around Cavite or QC.

Nagulat ako ng biglang may kumatok sa bintana ng kotse ko. It was Kyo. Well, I heard he came back 4 months ago but we didn't meet up. What's the point of meeting up? Marami akong kinakaharap na problema. And he's a burden.

"Why?" I rolled the window of my car down to talk to him.

Lalo siyang gwumapo. He's gain weight and height. But, he's still fab and hot. He's wearing that stupid facial expression--- blank.

"Nakaharang ka sa kotse ko, tumabi ka." he said in a cold voice.

Sa inis ko ay agad 'kong pinaandar ng paabante ang kotse ko but it was indeed a wrong move. I bumped into the hood of Kyo's car. Nayupi ang gilid ng hood niya kung saan tumama ang kotse ko.

"What the hell?!" he bursted. Dali-dali akong lumabas to check my car and I felt relieved ng makitang wala itong galos.

"I'm sorry, I'll pay for that." I said and gave him my card.

"No, thanks. Pay that in other way," bahagyang kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"What way?" tanong ko. He just stared at me. I playfully rolled my eyes and called somebody to bring his car to the junk! Lol.

He didn't talked after that. So do I. Hanggang sa kinuha nila ang kotse niya ay hindi na nito nagawang magsalita.

Ang malas ko talaga.

"How will you go home?" nahihiyang tanong ko ng makita ko siyang aalis na sana.

"Commute," he said in a low voice.

"I---I can drive you home," I also speak in a low voice.

"Help other people if that's what your heart says. Not because you are guilty, but because you have a heart for those people who needs you." he left me hanging.

What does he supposed to mean? Is he mad? After 2 years na hindi niya ako kinausap o kinamusta, ikaw pa may ganang magalit?

He's voice were cold. Am I overthinking or hindi lang talaga ako sanay? Ganito naman siya sakin dati pero bakit iba ang pakiramdam ko?

Ako ang nasaktan. Ako ang naiwan. Ako ang umasa. Ako ang nagmahal. Ako ang naloko. Ako ang nagdusa. Ako ang na-depressed. Ako ang naiwang mag-isa.

Now tell me, si Kyo pa ba ang dapat magalit sa aming dalawa?

I shaked my head and went inside my car. Kung ayaw niyang ihatid ko siya, then wag. Ayokong ipagpilitan ang sarili ko sa taong ayaw sa akin.

I made a quick shower and put my turban with a big ribbon. I wear my pink pajamas and wear a white sweatshirt. During my skincare routine, napatigil ako at napatitig sa salamin.

Why does everybody keep on leaving me? Then, they will return like they didn't hurt me.

I shaked my head for the nth time and layed on my bed. I stared at the ceiling for how many minutes and took a rest.

Kyopid's back. Like nothing happened.