Tulala lamang ako sa bahay. Wala ng luha ang lumalabas. Nanatili akong nasa loob ng cabinet ko dito sa kwarto ko. Natatakot akong bumaba dahil ayokong makita ang mommy ko na nakaratay na sa kabaong.
Mommy...
Napatingin na lamang ako sa nagbukas ng pintuan ng cabinet ko. Si Kyo. My visual is getting blurry again. Tears keep on falling on my cheeks and I can't do anything to stop it from falling.
Even, I, can't stop falling from Kyo.
"Need a hug?" napaangat ang tingin ko kay Kyo.
"No," ngunit hindi siya sumunod sa akin. Sa halip ay mahigpit na yakap ang natanggap ko sa kaniya. Ipinahinga niya ang aking ulo sa bandang dibdib niya at hinayaan niya lamang akong umiyak ng umiyak.
"Andito lang ako, Ayii. I won't leave you." he whispered.
Hindi ko siya sinagot at nanatiling umiyak ng umiyak sa kaniyang dibdib. Tanging paghaplos sa aking buhok ang kaniyang ginagawa at mahigpit na yakap ang ibinigay sa akin.
I've never felt this kind of comfort before. My cabinet and the darkness was my comfort zone, before.
Kusa na rin akong humiwalay ng napagod na rin ako kakaiyak. Mukha akong batang nakatingin sa kaniya, asking for help.
To save me from this fucking sadness.
But he hugged me again for the second time. And I guess, I really am falling for this guy. I really need him. His comfort, his care, and his love.
Pero malabo 'yun. May girlfriend na siya e. Mahal niya ako, but he love Ams more than me.
'Cause baby in a heart beat
I'll take you with me
I just wanna get to know you
You're throwing me off beat
So I can't breath
I just wanna get to show you
If we're falling apart
I will fight for your heart
I can be your shield
I'll fight on the field
Baby, when life gets colder
I'll be your soldier
Paulit-ulit niya akong kinakantahan habang hinahaplos ang aking buhok. Nang mahimasmasan ako ay sumandal na lamang ako sa kaniyang dibdib habang nakayakap kami sa isa't isa ng mahigpit.
"I'll be your soldier," Huling kanta niya bago ako nakatulog sa kaniyang mga bisig.
****
Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga ng makita ko si Kyo na nakatulog din sa aking tabi.
"You, okay?" napatingin ako kay kuya na nakaupo sa sofa katabi si Sefa.
"Better, kuya. Ikaw?"
"Kinda, good. He's inlove with you, Ayii." namula ako sa sinabi ni kuya.
"Do you love my brother?" hindi ko nagawang sumagot kay Sefa at nagiwas ng tingin.
"Amber and Kyo were bestfriends since they were in gradeschool. Amber is a product of broken family kaya lumaki siya sa kaniyang tito. Sa kamalas-malasan pa, palagi siyang pinapagsamantalahan at binubugbog lalo na kapag lasing ang tito niya. Kyo made a promise to Ams na kahit kailan ay hinding-hindi niya ito iiwan kahit akong manyari. He's always there beside Ams. Pinatingin namin si Ams sa isang psychiatrist. She's traumatized. Palagi siyang nakakapanaginip na pinagsasamantalahan siya ng kaniyang tiyuhin then, Ams will wake up and look for Kyo. Kapag wala si Kyo sa tabi niya ay palagi siyang nagwawala. Hindi siya tumitigil hanggat hindi niya nakikita si Kyo. Saksi ako sa pagmamahalan ng dalawa,"
Napaiwas ako ng tingin at hindi ko magawang magsalita.
What's the point of telling me all these shits, Sefa?
"I understand that. But, I love Kyo. I really do." I said. Kuya remained silent.
"Do you think your love is enough?" Natigilan ako sa tanong niya at hindi magawang magsalita.
"The next two months, ipapagamot namin si Ams sa LA. Kyo will be there for her. Besides, Kyo will train Archery in South Korea in 2 years. Walang rason para mag-stay siya rito."
"Ako!" walang alin-langang isinigaw ko.
"Are you enough reason, for him to stay?" parang pinipiga ang puso ko sa pinag-uusapan namin ngayon.
"Why are you like that?! Magkaibigan tayo diba? Why won't you support me?!" hindi ko naiwasang sumigaw.
"Magkaibigan tayo, YES! Suportado kita sa lahat ng desisyon mo!" sigaw niya.
"Pero, bakit ka ganyan?!"
"Kase alam 'kong sasaktan mo lang ang kapatid ko!" tumulo ang mga luha ko sa sinabi ni Sefa.
"Sa tingin mo, hindi sasaktan ng kapatid mo ang kapatid ko?" Kuya asked sarcastically. Umiwas ng tingin si Sefa.
Umangat ang tingin ko ng makitang sinabunutan ni Tans si Sefa. Si El naman ay hinablot si Tans papalayo kay Sefa.
"Ang kapal ng mukha mo!" Tans shouted.
"Dati, lovelife ni El ang sinira mo! Tapos sinunod mo ang lovelife ko! Ngayon, si Ayii naman? Hindi ka ba nakuntento sa paninira mo sa relasyon nila ni Philip?" kusa akong natigilan at napatingin ako kay Sefa.
"Ano?" natigilan ang dalawa at tumingin sa akin.
"Alam ko na ang totoo, Aesther! Kinausap ko siya nuong nasa EK tayo! Paano mo nagawa sa kaibigan natin 'to?!" bumuhos na ang mga luha ni Tans.
"Anong nangyari?" napaawang ang bibig ni Sefa sa tanong ni Kyo.
"Magsalita ka, tangina ka!" galit na isinigaw ni Tans.
"Siniraan ko si Aesther kay Philip. I told him that Aesther fell in love with another guy. I was drunk that time! Natalo ako sa isang laro and the dare was to break the string attached to Philip and Aesther. I had no choice but to ruin what they have. Ipinakilala ko si Philip sa isang kaibigan 'kong modelo and they fell in love with each other. Sinabi ko kay Philip na iwan ka, Aesther. I am sorry."
Napapikit ako ng mariin at hinayaang tumulo ang mga luha ko. Namamanhid na ang puso ko. Ngunit, paulit-ulit pa rin akong nakakaramdam ng sakit sa aking puso.
Rinig ko ang mga mura't sigawan ng mga taong nasa loob ng kwarto ko. Pero sadyang okyupado ang aking isipan kaya't wala na akong marinig pa. Tila ba pinipigilan ng isipan ko na marinig pa ang mga pinagsasabi nila para lamang hindi na ako makaramdam ng sakit.
"May our friendship, Rest in Peace." huling katagang iniwan ko at dumiretso na sa banyo. Duon ko ibinuhos lahat ng natitirang luha ko hanggang sa kusa na rin akong napagod kakaiyak. Nagbabad ako sa pagliligo dahil na rin sa namamanhid na ako. Nagtagal din akong nagtoothbrush dahil sa pagkatulala.
Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko sina Sefa, El at kuya.
"Babe, I'm sorry." mugto na rin ang mga mata ni Sefa tulad ko. Akmang yayakapin niya ako ngunit sinampal ko siya ng malakas.
"Is your sorry enough?" nagpatuloy siya sa paghikbi.
"Leave, Sef." mariin akong napapikit sa sinabi ng kuya ko. Walang sali-salitang lumabas ng kwarto ko si Sefa. Niyakap naman ako ni kuya at hinalikan sa noo.
"Eat and rest, baby." umalis naman agad si kuya kaya dali-daling tumakbo si El papunta sa akin.
"We won't leave you, babe." she whispered.
"El, I am so fucking tired. I need some space from all these shits." I explained.
"Then, rest. Kapag okay ka na, maguusap tayong muli. Kapag wala 'kang makakausap, call me. Iloveyou." she gave me a tight hug and a kiss on my cheek before leaving my room.
Kumain na lamang ako ng kaunti at buong maghapong nakatulala sa kwarto ko.
I need some space. I am so fucked-up.
****
Second Year College. Mas lalo akong naging busy dahil mas dumami ang plates kumpara nuong unang taon ko rito sa UP.
Madalas akong bisitahin ni Kyo at lumalabas din kami madalas ngunit palagi akong umaayaw. Madalas na rin ako sa gym at sa studio ngunit hindi pa rin nawawala ang sakit na nasa puso ko.
Kyo was there beside me during mourn. Birthday ni El ngayon kaya dinalaw ko siya sa kaniyang condo.
"Fuck, babe! Akala ko hindi mo na ko kakausapin!" bati niya sa akin at agad yumakap. I can feel her shoulders trembling.
My babe is crying. My best friend.
"Gaga! Happy Birthday! More hotdogs to come!" biro ko at humalik sa pisngi niya.
We both chuckled and entered her unit. Tans was there and also cried when she saw me. Unra and Jerv was also there, even Kyo and Ams.
"Am I invited?" napaangat ang tingin namin kay Sefa na nasa pintuan.
"Of course, babe!" humalik si El at kinuha ang dalang pagkain ni Sefa.
We enjoyed the foods and the beers. Bumili na rin kami ni Kyo ng hard drinks.
It was midnight when I saw Kuya and Sefa arguing outside El's condo. Agad akong lumapit sa kanila kase ayoko namang masira ang kung anong meron sila dahil lamang sa nangyari nuon.
"Kuya, Sefa, what's going on?" I act innocent.
"Aesther, I am sorry." pumiyok si Sefa dahil na rin sa paghikbi. I stared at them, blankly. Kuya looked away and Sefa remained her sobs.
"You're forgiven, Sefa." I said. She was surprised like she isn't expecting anything from me.
"I love you," I smiled at her and tears fell into my cheeks. Halos matumba kami ng yakapin ako ni Sefa.
"Hoy! Ano 'yan?! Daya, di nagaaya!" Tans shouted.
"Group hug!" El shouted and we made a group hug.
I miss these girls.
"I really am sorry," Sefa said between her sobs.
"Tangina, tama na ang drama! Just don't do that bullshit again, Sefa. Masyadong masakit. We miss the old you." Tans said.
"I won't ever hurt all of you again, I swear!" she said.
Nagpatuloy ang kasiyahan namin at nagpahiran pa kami ng cake sa mukha. I stopped when I saw how sweet Ams and Kyo is.
I wish I am your girl, Kyo. I wish.
"Kantahan natin ang mahiwagang pechay ni El!" Tans shouted. Kinantahan namin si El at kinuhanan siya ng video. Agad ko naman itong inilagay sa IG Story.
Happy Birthday, Babe! Ily!
"More hotdogs to come!" sabay sabay naming isinigaw.
Kyo never glanced at me even once. He didn't even talked to me. Maybe because, Ams needs him.
"Settang," I glared at Jerv when he called me that.
"Ano na naman ba?" sumandal din siya sa railings tulad ko. Nasa balcon kase kami ngayon dahil gusto ko ng fresh air. The others were singing and shouting inside El's condo.
"Okay ka lang ba?" Jerv asked. I looked away.
"Akala ko hindi mo priority ang lovelife. I liked you before, Settang. Nakita kita sa library nuon, and I was supposed to come near you para mag-confess but I saw Philip going near you. Nagusap kami sa bahay nun, ang sabi ko wag ka n'yang iwan at saktan. 'Yun na lang kasi ang kaya 'kong gawin para sa bestfriend ko. Pero nasasaktan ako Settang, tuwing nakikita kitang umiiyak. At ngayon? Balak sana kitang ligawan pero tangina, naunahan na naman ako! Si Kyo. Pero gago pre, akala ko di ka niya sasaktan. You're in pain, Settang. And now, all I can do is to comfort you." My eyes widened because of his confession.
Philip confessed that day when I was alone in the library. I was waiting for El since sabay kami palagi umuuwi para sumakay ng bus. So, I decided to do my homeworks while waiting for her. But I didn't know that he saw us!
"Seryoso ka, Jerv?" I tried to laugh to ease the tense.
"Anak ng! Pero matagal na ko nakamove on sayo, Settang! May Andre na ko!" pagmamalaki niya. I punched his arms.
"Gago! Wag mo ko iiwasan ah! Papatayin kitang tangina ka!" he placed his arms on my shoulders and we both looked at the lights of different buildings.
"I will never do that, Settang. Bestfriend kita, bestfriend mo ako, I will always be here for you. Ang nakakainis lang, ikaw may lovelife, ako wala! Hanapan mo naman ako, Settang!" I playfully pinched his cheeks.
"Aw, poor you. Walang nagkakagusto sayo,"
"You look good together," sabay kaming napatingin sa likuran namin. I saw Kyo's arms on Ams waist. I looked away and gulped.
"Oh? Kayo din," pagbibiro ni Jerv. Palihim ko naman itong kinurot sa tagiliran at namilipit naman ito sa sakit.
"Pumunta pala kayo sa Saturday sa bahay namin, my farewell party. Kyo and I will be going to LA. I'm expecting you all to come!" I gave her a small smile and looked at Kyo. He gave me a confused look.
"Oo ba! Madaming chicks?" pagbibiro uli ni Jerv.
"Bibilhan kita ng maraming sisiw," Kyo was fucking serious! We all laughed awkward.
This is so awkwarddd!
"Jerv, I'll introduce you some hot girls! We'll leave na, may gagawin pa kase kami ni Kyo." she gave Kyo a seducing look.
Mukha siyang pato. Ew.
"Anong gagawin?" I gave Jerv a small punch to stop his effin' mouth!
"Don't act like innocent, Jerv. I am sure Kyo missed that," she played her hair in a seducing way.
"Tara na," Kyo held Ams waist and left us dumbfounded.
"Eto," Jerv handed me a handkerchief. I gave him a small smile and took his handkerchief.
"Ang sakit 'no?" he laughed a fake one.
Sobra, sobrang sakit pala.
"Ang sakit makitang may mahal ng iba ang taong mahal mo," I looked at him but he just stared at the lights.
I remained silent. Ngayon, alam ko na ang naramdaman mo nuon, Jerv. I didn't even know na ganun ang nararamdaman mo. I didn't know na mahal mo pala ako. I am sorry for being a manhid one.
"Pero mas masakit makitang nasasaktan ang taong mahal mo," dagdag pa niya.
"Anong pipiliin mo? mahal ka o mahal mo?" I asked. Sabay kaming huminga ng malalim at tumingin sa kawalan.
"Taong mahal ako."
"Why?"
"Kase, alam 'kong kahit kailan ay hindi mo ako matututunang mahalin dahil may mahal 'kang iba."
That hit me. I saw pain in his eyes but I also see that he's madly inlove. Good for him, tho.
"I am choosing Andre. Pero hindi ako nagmamadali. It takes time, of course." we both remained silent after that.
"Lomi tayo? Just like the old days?" he suggested.
Aw, I miss those days na pa-lomi lomi na lang kami kapag may problema or stressed.
"Call!"
"Don't ever lose that smile. That smile is so you, Aesther. No one can beat that. I wish you all the best, my bestfriend. I am one call away, and I will do everything just to make you happy. Ayokong nakikitang nasasaktan ang bestfriend ko kaya aayain kiyang mag-lomi. This is the least that I can do for my bestfriend, Settang."